You are on page 1of 3

SAN LORENZO CHRISTIAN SCHOOL

Main Road Phase1-A San Lorenzo South


Santa Rosa City

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa FILIPINO


Baitang 10

Pangalan: _______________________________ Petsa: _________ Iskor: ______

Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Alin sa mga sumusunod na akda ang karaniwang ginagamit ng manunulat sa

pagpapahayag ng kanyang nararamdaman, paniniwala at paninindigan?

a. Dyornal b. Tesis c. Sanaysay d. Talambuhay

_____2. Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa ng simuno o paksa ng

pangungusap.

a. aspekto b. kaganapan c. kailanan d. pokus

_____3. Ito ay uri ng pandiwa na may simuno subalit walang layong tumatanggap.

a. direksyunal b. ganapan c. katawanin d. palipat

_____4. Sa kabanata VI ng El Fili, siya ang nagptunay na hindi hadlang ang kahirapan upang
magtagumpay sa buhay.

a. Basilio. b. Ben Zayb c. Maria Clara d. Simoun

_____5. Ito ay uri ng pandiwa na may simuno at tuwirang layon.

a. direksyunal b. ganapan c. katawanin d. palipat

Tukuyin kung ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap.

________________6. Ipinanungkit nilang bayabas ang patpat.

________________7. Ikinasakit ng tiyan niya ang panis na bibingka.

________________8. Ibili mo si Jose ng pasalubong.

________________9. Si Leah ay naglaba ng mga kurtina noong isang araw.

_______________10. Pinagdausan ng kasal ang bagong simbahan.

Ibigay ang apat (4) na hakbang sa pagbuo ng Tesis at ilarawan ang bawat isa.

11.

12.

13.

14.
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at gamitin ito sa pangngusap.

__________15. basbas-

__________16. mapanlinlang-

__________17.naibsan-

Bumuo ng pangungusap na nagpapakita ng pandiwang katawanin at palipat. Gamitin ang mga


nakalaang pandiwa.

Pandiwa Katawanin Palipat


Bumuhos 18. 19.

Nagtanim 20. 21.

Niregaluhan 22. 23.

Ipaliwanag nang mahusay ang mga sumusunod. (3 pangungusap)

a. Paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan upang higit na maunawaan ng bawat isa
ang halaga ng buhay?

b.) Paano nagiging kasangkapan ang pandiwa upang higit mong maunawaan ang mga pangyayari
sa iyong paligid?

c.) Batay sa kwento ng Sinaunang Pagmamahalan, naging makatuwiran ba ang pagsubok na


ibinigay ng Shah kay Farhad at bakit/bakit hindi? Ano ang mensaheng nais iparating ng may-
akda at paano mo ito maisasabuhay?

Mula sa akdang EL FILIBUSTERISMO:

d. Ano-ano ang mga naging karanasan ni Basilio sa Letran at paano siya nagtagumpay sa
buhay?

e.) Bumuo ng islogan o kawikaang may kaugnayan sa kaisipang nangingibabaw sa kabanata VI


ng nobela.
f. Ipaliwanag ang mga sumusunod na kaisipan.

1. Ang mga kabataan ay puno ng mga pangarap at walang karanasan.

2. Hindi ba ninyo alam na walang kabuluhan ang buhay na hindi iniukol sa isang dakilang
layunin?

3. Ang karunungan ay walang hangganan, lalong nakagagaling sa sangkatauhan, lalo ukol sa


buong daigdig.

You might also like