You are on page 1of 24

1

TAROS KANO: MGA NARATIBO SA MGA POOK-PANTURISMO NG


LANAO DEL SUR

WAJIDA KAPAMPANGAN AMEROL

MAYO 9, 2020

PAARALAN NG MGA PAG-AARAL NA GRADWADO

MINDANAO STATE UNIVERSITY

ILIGAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY

ILIGAN CITY
2

TSAPTER 1

PANGKALAHATANG INTRODUKSYON

1.1 Kaligiran ng Pag-aaral


Taros Kano. Ang mga katagang ito ang palaging maririnig sa mga bibig ng
mga Meranaw bilang tanda ng pagsalubong at mainit na pagtanggap sa mga bisita.
Ito ay nangangahulugang “Tuloy Kayo”. Bumabalot sa kanila ang katangiang ito
na minana pa nila sa kanilang mga ninuno. Ang pagtanggap nang malugod sa
kanilang mga bisita, pagiging mabait, at ang mabuting pakikitungo sa kapwa tao
ay sumisimbolo ng kanilang pagiging dugong bughaw. Ang pagkakaroon ng bukal
na kalooban at may pagmamahal sa kanyang kapwa tao ang isa sa mga tinitingnan
batayan upang matawag na dugong bughaw ng mga Meranaw. Ito rin ang mga
katangian ng kanilang mga Solotan at Bae a Labi na kailangan nilang pamarisan.
Ikinakahiya at tinatawag ng mga Meranaw na orobarangan o alipin ang sinumang
hindi kakikitaan ng simpatya o pagmamamalasakit sa kanyang kapwa at tinatawag
na hindi totoong Meranaw. Dahil para sa kanila, ang paggawa ng kasamaan ay
impluwensiya ng mga dayuhang mananakop at labag sa relihiyong Islam ng mga
Meranaw bilang mga Muslim.
Sa aklat ni Madale (), matibay na batas ang sinusunod ng mga Meranaw
upang maging makatao at magkaroon ng magandang pag-uugali sa kanilang
kapwa na di lamang pinaiikot sa kanilang pangkat kundi sa iba pang bahagi ng
bansa at ito ang Agama o relihiyong Islam. Ang agama ang pinakamataas na batas
ng mga Meranaw bilang Muslim sa kanilang pamumuhay. Nakaukit sa puso ng
mga Meranaw ang pagtalima sa kanilang agama upang makamit ang tunay na
kapayapaan sa mundo maging sa kabilang buhay. Makakamit lamang ito sa
pamamagitan ng pagmamahalan, pagbibigay ng respeto, kagandahang-asal,
pakikipagtulungan sa kapwa, at pagbibigayan.
Ang pag-uugaling ito noon ay makikita parin hanggang sa kasalukuyan.
Makikita sa mga Meranaw ang pagpupursige nilang sawatain ang mali at
makalumang impresyon sa kanila ng ibang lahi sa bansa. Mga impresyong nilikha
3

ng maling guni-guni ng panitikan na sumisira sa kanilang mabuting hangarin sa


buhay lalo ng kanilang pagkakilanlan. Sa kabila ng kanilang pagiging mabuti ay
patuloy parin silang nagiging biktima ng diskriminasyon ng ibang lahi lalo na
yaong kulang ang kaalaman ukol sa kinagisnang pamumuhay ng mga Meranaw.
May kasabihang masama ang panitikan kung pagkasira ang dulot nito sa kultura
ng isang lahi at mabuti ang panitikan kung nakatutulong ito sa pag-unlad ng isang
lahi.
Maraming pagkakilanlan ang nalikha ng kasaysayan sa buhay ng mga
Meranaw. Pilit napupukaw ang kanilang katapangan na noon ay sa mga epiko ng
Darangen lamang mababasa. Nakilala sila sa kasaysayan bilang Moro,

Dahil dito, sa mabuting panitikan humuhugot ang mga Meranaw sa


pagbawi sa kanilang nasirang identidad na nilikha ng kasaysayan sa pamamagitan
ng pagsasatitik sa kanilang mga naratibo. Libu-libong naratibo naman ang naisulat
ukol sa pagsabog ng Marawi. Maraming impresyon at maling identidad ang
nalikha sa buhay ng mga Meranaw. Sa kabila nito, patuloy parin ang pagsulong ng
kanilang buhay.

Ayon sa balita online, naitala sa Autonomous Region in Muslim Mindanao


ang pinakamasiglang turismo sa Lanao del Sur sa buong rehiyon sa taong 2017 sa
kabila ng mga karahasan at mataas na antas ng kriminalidad, nakapag-engganyo
ang Departmento ng Turismo- ARMM (DOT-ARMM) ng kabuuang 69,606 na
bisita sa Lanao del Sur noong 2016.

Saad ni Tamano (2017), kasama sa mga adyenda ng gobernor ng Lanao


del Sur ang pagtatampok sa kultura ng probinsya sa pamamagitan ng kanilang
turismo kasama na ang pagpapaunlad ng mga pook-panturismo sa buong
probinsya upang makatulong sa hanapbuhay ng mga mamayan nito. Itinatampok
ng Lanao del Sur ang kakaibang pamumuhay ng mga Meranaw, kanilang
kasaysayan at kultura.
4

Ang pangyayari sa Lanao del Sur ay hindi naging hadlang para sa mga
turista na bisitahin ang lugar. Nakapang-arok pa ang giyera sa maraming turista na
bisitahin at tingnan ang tunay na kalagayan ng probinsya na noon ay kanila
lamang nababasa sa mga naratibo.

Ang awtentesidad na kalagayan ng isang lugar ay ang makita at


masaksihan ang pisikal na kaanyuan nito. Sinasabing ang kasiningan at paraan ng
paglalahad sa naratibo ay ang tungkulin nito bilang panitikan samantalang ang
saksihan, puntahan, tingnan at damhin ang kalagayan ng lugar na inilahad sa
panitikan ay ang tungkulin ng isang mambabasa bilang mamayan at alagad ng
kalikasan. Sa paraang ito nabubuo ang turismo.

Kaakibat ng mga naratibo ang kalikasan. Sa Lanao del Sur ang mga
alamat, kuwentong-bayan, epiko, pabula, at iba pang kaalamang-bayan at
karunungang-bayan ay may kinalaman sa kalikasan. Tulad ng ibang etnikong
pangkat sa bansa, ang anumang uri ng kalikasan na hindi nabigyan ng naratibo o
di pa natunton ang alamat nito ay kahinaan ng isang kultura.

Popular sa kasalukuyan ang pagbisita sa mga pook-panturismo ng bansa.


Tulad ng pag-akyat sa mga tuktok ng bundok, pagbisita sa mga talon,
pamamangka sa mga isla kasabay ng pagtatampisaw sa malamig na hatid ng
karagatan. Ito ang makabagong paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kalikasan.
Ang pag-alok ng kalikasan sa mga mamamayan na makita ang tunay na
kagandahan nito sa malapitan.

Maraming magagandang tanawin ang nakatago sa mga liblib na lugar ng


Lanao del Sur na nag-aangkin ng kanya-kanyang naratibo. Ang mga pook-
panturismong ito ay naghihintay lang ng mga bisitang makapagbibigay ng halaga
at kagandahan sa kanyang kalikasan. Ang mga pook-panturismo na ito ay hindi na
makapaghintay na ipakilala ang katangi-tanging kakayahan sa mga dadayong
turista.
5

1.2 Paglalahad ng Suliranin


1. Ano ang mga kuwentong bayan at karunungang bayan ang napapaloob
sa mga likas na tanawin at pook-panturismo ng Lanao del Sur?
2. Ano ang mga valyung kultural ang makikita sa kanilang kuwentong
bayan at karunungang bayan?
3. Ano ang naiaambag ng turismo sa mga turistang bumibisita rito?
4. Ano ang mga kultural na pagpapahalaga ang mayroon sa mga pook
panturismo na masasalamin sa kanilang kuwentong bayan at
karunungang bayan?
1.3 Layunin ng Pag-aaral
Kaakibat ng mga pook-panturismo ang mga naratibo o salaysayin nauukol
dito. Ito ay maaaring nasa uring kuwentong bayan at karunungang bayan. Tulad
din ng ibang etnikong grupo, marami ring mga pook-panturismo ang
maipagmamalaki ang mga Meranaw. Kaya bilang pagtugon sa gagawing pag-
aaral, pangunahing layunin ng pag-aaral na ang maipakilala ang iba’t ibang pook-
panturismo ng Lanao del Sur; Makahikayat ng mga turista na bumisita sa
probinsya ng Lanao del Sur; Malikom ang iba pang oral na uri ng panitikan ng
mga Meranaw; at higit sa lahat, makabuo ng aklat-panturismo sa Lanao del Sur na
magsisilbing gabay sa mga Meranaw at ng iba pang turista.
1.4 Batayan ng Pag-aaral
Upang maging balido at may matibay na batayan, ang pag-aaral ay
nakaangkla sa mga teoryang may kinauukulan sa kalikasan. Ginamit sa pag-aaral
na ito ang mga teorya ekokritisismo bilang makabagong teoryang panliteratura
kasama ang nabubuo nitong teksto ang ekonaratibo at ang ekokritiko.
1.4.1 Teoritikal na Batayan
Malawak ang ugnayan ng tao sa kalikasan. Likha ng kalikasan ang tao na
siyang nagbibigay nito ng masaganang pamumuhay. Samantalang sa
pamamagitan ng tao naman nakikita ang kahalagahan ng kalikasan. Ang
tunguhing ito ang pokus ng teoryang ekokritisismo. Ang teoryang ekokritisismo
ang nagpapahalaga sa dalawang elementong ito ng daigdig.
6

Ayon kay Buell (nasa pag-aaral ni Marland, 2013), ang salitang


ekokritisismo ay nagmula sa unlaping ‘eco’ na tumutukoy sa tao at ang relasyon
nito sa kalikasan. Binigyang pakahulugan naman ito ni Marland (2013) bilang
pag-aaral na nakasentro sa buong daigdig. Nakatuon ang ekokritisismo bilang
representasyon ng panitikan sa daigdig na naipakikita sa pamamagitan ng teksto.
Binigyang pakahulugan naman ni Cohen (1995) ang ekokritisismo bilang
kontemporaryong paraan ng pagsusuri sa literatura na may sinusunod na paraan
ng pagsusuri.
Bumuo ng tseklist si Buell (1995) ukol sa pangunahing sangkap na
ginagamit ng mga tagapagsulong sa maayos na kapaligiran. Aniya, di lang isang
tirahan ang kapaligiran, kundi isa itong representasyon na ang kasaysayan ng
isang lipunan ay nakaukit sa ating kapaligiran. Dagdag pa nito, ang anumang
pananagutan ng isang tao sa kapaligiran ay dahil sa etikal na oryentasyong
nakapaloob sa teksto ng panitikan.
Malaki parin ang impluwensiya ng teksto sa diwa ng isang tao. Ang teksto
ang nagsisilbing boses ng kapaligiran sa nais nitong pakikitungo sa kanya ng tao.
Ang teksto ang basehan ng tao sa kung ano ang ideyal na tungkulin nito sa
kapaligiran. Ang teksto ang bumubuo sa naratibo. Makikita ang mga naratibo sa
mito, alamat, pabula, salaysayin, epiko, dula at iba pag uri ng panitikan angkin ng
bawat pangkat, anumang edad, lugar at lipunan (Roland Barthes, nasa
Dalandangan, 2017, pa.5).
Sa pananaw ni Branch (1995), ang paraan ng paglalahad sa kuwento ay
batay sa moda ng nagkukuwento. Kaya, nahahaluan ang naratibo ng pulitikal na
aspeto ng pagkukuwento. Inilahad ni Cohen (1995), ang mga pangyayari sa buhay
ng mga turista at adbenturista sa kanilang pakikisalamuha sa kalikasan na
kailangang ikonsidera ng kritiko. Unang pangyayari ay ang pagtukoy sa kultura ng
makabagong panahon sa ating kalikasan, at sa panig naman ng mga adbenturista
at turista ay ang pagtatasa sa pakinabang maihahandog ng kalikasan sa ekolohiya
ng tao.
7

Para naman kay Freedman (1995), ang ekokritisismo ay isang pag-aaral sa


pagsulat ukol sa kalikasan gamit ang iba’t ibang pagdulog. Ito rin ay nagsisiyasat
sa implikasyon ng relasyon ng tao at kalikasan. Samantalang gawain naman ng
ekokritiko ang makibahagi o gumawa ng mga naratibo na nauukol sa katayuan ng
daigdig. Samakatuwid, ekokritisismo ay ang relasyon sa pagitan ng manunulat-
mambabasa, manunulat-teksto, at ang relasyon ng manunulat sa kalikasan.
1.4.2 Konseptuwal na Batayan

Kanlungan ng panitikan ang kalikasan. Mahalagang bahagi nito ang


kalikasan upang maipamalas ang kagandahan na kanyang nasasaksihan.

Mga Pook Panturismo sa Lanao


del Sur
Panitikang Meranaw

Tribong Meranaw

Lipunang Pilipino

Figyur 1. Ang Iskimatik Dayagram ng Pag-aaral

Ang unang kahon na nakapaloob sa parihaba na may kulay berde upang


ipakita ang pagiging luntian ng kalikasan ay ang mga pook-panturismo ng Lanao
8

del Sur. Mapapansin sa unang kahon ang putol-putol na linya na nakakonekta sa


ikalawang kahon na may nakasulat na tribong Meranaw at ganoon din ang putol-
putol na linya ng tribong Meranaw patungo sa kahon ng pook-panturismo ng
Lanao del Sur. Ito ay nangangahulugang hindi pa lubusang natutuklas at
napahahalagahan ng tribong Meranaw ang mga pook-panturismo ng kanilang
lugar kaya nagkakaroon ng unti-unting diskoneksyon sa pagitan ng dalawang
elemento. Ganoon din sa kaliwang bahagi ng unang kahon ng mga pook-
panturismo ng Lanao del Sur gamit ang putol-putol na linya patungo sa lipunang
Pilipino. Pinapakahulugan nito ang kawalan ng kamalayan ng lipunan o
pamahalaan ng Lanao del Sur ukol sa kahalagahan ng pook-panturismo sa
kanilang nasasakupan.
Sa kanang bahagi naman ay ang arrow patungo sa kahon ng panitikang
Meranaw na nangangahulugang sa pamamagitan ng mga pook-panturismo sa
Lanao del Sur ay nalilinang ang akdang panitikan ng mga Meranaw. Ang kulay
dilaw ng kahon ay nagpapakita ng mayamang panitikan ng tribong Meranaw na
nagmumula sa kanilang kalikasan o kapaligiran. Nakakonekta naman ito pababa
patungo sa lipunang Pilipino at nangangahulugang mayroon ng kamalayan ang
lipunan ukol sa ibang uri ng panitikang Meranaw.
Sa ikatlong kahon naman pababa ay ang kulay dilaw na tribong Meranaw
na nagpapahiwatig ng pagiging dugong bughaw ng kanilang tribo na minana pa
nila sa kanilang mga ninuno. Makikita ang putol-putol na arow pataas patungo sa
kahon ng mga pook-panturismo. Ipinapakita nito na ang tribong Meranaw ay di-
nabibigyang pansin ang mga magagandang tanawin ng kanilang lugar sapagkat
abala sila sa paghahanapbuhay sa mga lupaing ito. Samantalang ipinapakita sa
kanang bahagi ang pagiging buo ng kanilang panitikan na patuloy nilang
pinagyayaman.
Sa ikaapat na kahon ay ang lipunang Pilipino na kinulayan ng berde.
Luntian ang lipunang Pilipino dahil sa pagiging multi-etnikong bansa nito.
Mabubuo ang diskoneksyon sa mga elementong bumubuo rito sa pamamagitan ng
pag-aaral at pananaliksik sa mga elemento nito. Makikita sa dayagram ang paikot
9

na daloy ng mga elemento sa lipunan. Dahil dito, mainam ang simbayotikong


relasyon na nangyayari sa pagitan ng ekolohiya ng lipunan.

1.5 Kahalagahan ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay makapag-aambag ng kamalayan, kaalaman at
impormasyon sa mga iba’t ibang pangkat ng indibidwal sa bansa.
Ang pag-aaral ay mahalaga sa tribong Meranaw. Magiging daan ito para
malaman nila na mayroong mas magagandang tanawin na maaaring gawing
panturismo ng kanilang bayan at hindi na kailangang dumayo pa sa ibang lugar
para maranasan ang biyaya ng kalikasan. Malalaman nila ang kahalagahan ng
kalikasan sa kanilang buhay lalo na kung gagawin itong pook-panturista.
Magsisilbi ring impormasyon ang pag-aaral na ito sa kanilang mayamang kultura
na nakaukit sa kalikasan.
Malaki rin ang kapakinabangan ng pag-aaral na ito sa mga guro.
Magagamit nila ang mga makakalap na akdang Meranaw sa kanilang pagtuturo.
Madadagdagan ang kanilang kaalaman at mapapadali ang kanilang pagtuturo ukol
sa mga alamat, salaysayin, mito, at iba pang karunungang bayan ng mga Meranaw
na maitatampok sa gagawing pag-aaral.
Malaki rin ang maihahandog ng gagawing pag-aaral sa mga mag-aaral lalo
na sa panitikan. Magagamit nila ito bilang batayan sa pag-aaral sa panitikan ng
iba’t ibang kultura. Maeengganyo rin ang mga mag-aaral na tuklasin ang iba’t
ibang turismong napapaloob sa bawat naratibo ng kulturang Meranaw.
Mahalaga rin ang gagawing pag-aaral sa mga lokal na pamahalaan at
probinsya ng Lanao del Sur upang buksan at paunlarin pa ang mga turismo sa
kanilang nasasakupan nang sa ganoon ay makilala ang kanilang mayamang
kultura.
Malaking tulong din ang gagawing pag-aaral sa mga adbenturistang
Meranaw lalo na ng mga kabataan at sa iba pang tribog turista upang pasyalan at
linangin ang biyayang maihahatid sa kanila ng kalikasan. Sa ganitong paraan nila
mapahahalagahan ang kalikasan.
10

Higit sa lahat mahalaga ang pag-aaral sa mga mananaliksik. Makatutulong


ang gagawing pag-aaral upang tuklasin ang kulturang napapaloob sa kalikasan ng
mga Meranaw. Magiging gabay nila ito sa pa-aaral sa iba pang kultura ng ating
bansa.

1.6 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang mga matatagpuang pook-panturismo
ng Lanao del Sur na matatagpuan sa iba’t ibang munisipalidad nito. Ito ay
maaaring nasa anyong tubig at anyong lupa kasama na ang mga imprastrakturang
maaaring maipagmalaki ng Lanao del Sur.
Sinasaklaw rin ng pag-aaral ang mga makakalap na naratibo na may
kaugnayan sa mga pook-panturismo ng Lanao del Sur. Mga impormanteng nasa
edad 40-pataas ang panggagalingan ng mga naratibo at kinakailangang puro at
tubong Meranaw na nakatira sa pook na kinalalagakan ng pook-panturismo.
Isa sa mga nakikitang limitasyon ng mananaliksik ukol sa pag-aaral ay ang
kawalan ng seguridad sa mga pupuntahang lugar. Mangyari pa ay mga liblib na
lugar ang mapanunungkulan ng gagawing pag-aaral.
1.7 Depinisyon ng mga Termino
Maaaring maisaangguni sa bahaging ito ang mga pagpapakahulugang
madalas gamitin sa pag-aaral.

Kultura. Isang kompleks na kabuuan na may malawak na saklaw sapagkat


kabilang dito ang kaalaman, paniniwala, sining, moral/valyu at kaugalian ng tao
bilang miyembro ng isang lipunan (White, nasa aklat ni Hufana, 2010). Sa pag-
aaral, ito ay tumutukoy sa kultura ng tribong Meranaw.

Meranaw. Sila ang tribong naninirahan sa paligid ng Lawa ng Lanao sa


Mindanao. Ang tribong ito ay naniniwala sa relihiyong Islam kaya sila ang may
pinakamaraming Muslim sa Mindanao. Mayaman sila sa oral na literatura. Sa
kanilang makakapal na gubat at mga bundok nagmumula ang kanilang mayamang
11

oral na panitikan. Sa pag-aaral na ito, sila ang mga taong naninirahan sa kabuuan
ng probinsya ng Lanao del Sur.

Naratibo. Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao


o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o isang tagpuan nang may
maayos na pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan. Sa pag-
aaral, ito ay tumtukoy sa mga oral o salaysay ng mga impormante na nauukol sa
mga turismo ng lugar.

Panitikan. Nagpapahayag ng karanasan ng isang bansa na nasusulat sa


makahulugan, maganda at masining na paglalahad. Masasalamin ito ayon sa
ideya, damdamin at isipan ng tao tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan,
galit, awa, paghihiganti at iba pa.

Sa pag-aaral, ito ay tumutukoy sa mga alamat, mito, kuwentong bayan,


epiko, pabula, salaysayin at mga karunungang bayan na makakalap mula sa
pagbisita sa mga pook-panturismo.

Pook-Panturismo. Lugar na dinarayo dahil sa taglay nitong kagandahan.


Ito ay maaaring naglalaman ng representasyon ng isang pangkat. Kabilang ito sa
mga programa ng pamahalaan upang buhayin at ipakilala ang kultura ng isang
lugar. Sa pag-aaral, ito ay nauukol sa kalikasan maaaring sa anyong lupa, tubig at
imprastraktura na kasasalaminan ng kulturang Meranaw.

Taros Kano. Mga kataga na nangangahulugang ‘tuloy kayo’. Ito ang


kadalasang sinasabi ng mga Meranaw upang patuluyin ang kanilang mga bisita sa
kanilang tahanan. Sa pag-aaral, nagpapakilala ito sa pagiging magiliw sa panauhin
ng mga Meranaw.

Turista. Pansariling kaligayahan sa paglalayag at maaari ring sa


pamamagitan ng paglalakbay sa mga pook upang maakit sa kagandahan nito. Sila
ang mga taong dumarayo sa hindi nila lugar na may layuning libangin ang sarili at
12

tingnan ang mga nakamamanghang pangitain ng isang lugar. Sa pag-aaral, sila


ang mga taong dadayo sa mga poo-panturismo ng Lanao del Sur.

1.8 Balangkas ng Pag-aaral


Pangunahing layunin ng pag-aaral ang makalap ang mga naratibo sa likod
ng mga pook-panturismo ng Lanao del Sur at ipakilala ang mayaman at mga
nakatagong pook-panturismong napapaloob sa probinsya sa ibang pangkat ng
lipunan.
Sa tsapter 2, tumalakay sa mga rebyu ng mga kaugnay na literatura. Dito
ipinaliwanag ang mga kaugnay na literature at kaugnay na panitikan. Dito
tinalakay ang heyograpikal na kalagayan ng Lanao del Sur nang matalos ang mga
likas na kayamanan na napapaloob dito na siyang bumubuo sa turismo ng Lanao
del Sur. Napapaloob din dito ang mga katangian ng panitkang Meranaw noon
hanggang sa kasalukuyan, at ang pagpapakilala sa kanilang tribo, maging ang
kanilang kinaroroonan.
Sa tsapter 3, tumatalakay naman sa gagamiting metodolohiya sa pag-aaral.
Aalamin ang mga lugar ng pananaliksik, kasama na rin ang pagbibigay krayterya
sa mga impormante ng pag-aaral. Tinalakay rin dito ang paraan ng pangangalap
ng datos maging sa paraan ng pagsasaayos sa mga dato at ang pagbibigay ng mga
krayterya sa mga balideytor.
13

Mga Reperensya

Branch, Michael M. (1995). Place and Narrative Scholarship in Ecocriticism.


University of Nevada, Reno

Dalandangan, Fairuz M. (2017). Mga Kuwentong-Bayan at Epikong


Balatamay Lumëna: Pagmamapang Pangkasaysayan sa Lipunan ng
Maguindanawng Taw sa Laya. Departamento ng Filipino at Iba Pang
mga Wika. Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan: MSU-Iligan
Institute of Technology, Iligan City

Freedman, Diane P. (1995). Embedded Stories: Ecocriticism and/as of


Autobiographical Scholarship. University of New Hampshire.

Manabilang, Monaimah G. (2016). Posaka Ago Rawaten: Kaban ng Salaysay at


Kulturang Meranaw. Departamento ng Filipino at Iba Pang mga Wika.
Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan: MSU-Iligan Institute of
Technology, Iligan City

Balita.net.ph
14

TSAPTER 2
REBYU NG MGA KAUGNAY NG LITERATURA

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ang maipakilala ang mga pook-


panturismo ng Lanao del Sur at malikom ang mga oral na naratibong bumabalot
sa mga matatagpuang pook-panturismo ng lugar. Upang mapalawak ang paksa
sumangguni ang mananaliksik sa iba pang mga aklat at babasahin na may
kaugnayan sa kanyang pag-aaral.

2.1 Heyograpikal na Kalagayan ng Lanao del Sur

Ayon kay Lao (2005), nagsimula ang salitang “Lanao” sa katawagang


“ranaw” na nangangahulugan “lawa” o ang bayan sa palibot ng lawa kaya tinawag
ang mga mamamayan nito na Meranaw o mga taong nakatira sa paligid ng Lanao.
Ang Lanao del Sur ang bumubuo sa mga bulubundukin sa kanluran ng Hilagang
Mindanao. Sa bahaging timog-kanluran naman nito ay ang mga baybayin ng
Illana Bay na napaliligiran ng mga burol patungo sa mga bulubundukin ng
siyudad ng Cotabato. Samantala sa bahaging silangan naman ay ang hangganan
nito sa Bukidnon. Karamihan sa mga munisipalidad ng probinsiya ay matatagpuan
sa paligid ng Lawa ng Lanao at kilala bilang pangalawa sa pinakamalaking lawa
sa bansa. Tinatamasa ng probinsya ang malamig na klima ng lugar dahil sa
pagkakaangkla nito sa lawa.

Sa aklat ni Mamitua at Madale (1975), ang rehiyon ng Lanao ay


matatagpuan sa dulo ng Mindanao. Ang probinsya ay binubuo ng 39 na
munisipalidad kabilang na rito ang lungsod ng Marawi bilang kabisera nito.
Hinati sa dalawang distrito ang probinsya.

Batay sa pulitikal at edukasyonal na heyograpiko ng Lanao del Sur, hinati


ito sa tatlong (3) distrito. Ang unang distrito ay ang lungsod ng Marawi na
binubuo ng mga munisipalidad ng Saguiaran, at Ditsaan Ramain; ikalawa ang
distrito ng Lanao del Sur I na binubuo ng mga munisipalidad ng Buadi Bentong,
15

Mulondo, Maguing, Lumbaca-Bayabao, Poona Bayabao, Masiu, Lumbatan,


Piagapo, at Marantao. Ang ikatlong distrito ay ang Lanao del Sur II na
kinabibilangan ng Balindong Wato, Tugaya, Bacolod Grande, Madalum,
Madamba, Ganassi, Pualas, Pagayawan, Binidayan, Bayan, Lumbayanague,
Sultan Gumander, Picong, Malabang, Balabagan, Kapatagan Marogong, Tubaran,
Butig, Bumbaran at Wao.

Figyur 2. Mapa ng Lanao del Sur


Pinagkunan: (http://www.mapangLanaodelsur.phil/maps.ph)
Nakilala ang Lanao del Sur dahil sa napakalaking lawa nito. Ang lawa ang
siyang pangunahing prodyuser ng enerhiya sa buong probinsya maging sa buong
Mindanao. Ang sariling kakayahang ito ng Lanao ang nag-uudyok sa mga
dayuhan na sakupin ang probinsya. May sinasabi ang panitikan ukol sa alamat na
ito ng lawa at sa enerhiyang pinagmumulan nito. Sinasabing ito ay nilikha ng mga
16

anghel sa kalangitan upang bigyan ng kasagutan ang lumulubong populasyon ng


lugar (Madale, 2001).

Batay sa katangian ng lawa ng Lanao ay masasabi natin na nagkakaroon


ng pagkakilanlan ang isang lugar dahil sa naiaambag nitong likas na yaman
maaaring sa pamamagitan ng hanapbuhay, pagkakilanlan ng kultura at identidad
ng isang pook na kinalalagakan nito.

Maliban sa lawa ng lanao, ilan sa mga natampok na pook-panturismo ng


Lanao del Sur ay ang kanilang mga bundok tulad ng Mt. Ragang, Mt. Makaturing,
Mt. Paypayungan at ang bulubundukin ng pinakasikat na Sleeping Lady Mountain
sa munisipalidad ng Butig, at ang Mt. Gurain ng Tugaya. Ang mga nabanggit na
bundok ay naakyat na ng maraming mountaineers club mula sa iba’t ibang panig
ng bansa.

Maliban sa mga bundok ay mayaman din ang Lanao del Sur sa mga
anyong tubig na maaari nilang maipagmalaki tulad ng Tugaya seashore,
Malabang Beach at Picong Beach. Ilan lamang ang mga nabanggit sa unti-unting
nakikilalang pook-panturismo ng Lanao del Sur. Karamihan sa mga magagandang
tanawin ng lugar ay di pa lubusang nakikilala.

Sa mga bulubundukin, kaparangan, mga burol, talampas patungo sa mga


talon at iba pang anyo ng katubigan nabuo ang mga alamat, kuwentong-bayan,
mga pamahiin at mga karunungan bayan ng isang bansa.

Maraming mga makasaysayang pangyayari at mga kuwento ang naganap


sa bawat daan patungo sa mga magagandang tanawin na ito upang maging isang
ganap na turismo ng isang lugar.

2.2 Ang Panitikan ng Meranaw

Mayaman sa panitikan ang lahing Pilipino. Isa sa mga dahilan ay ang


pagiging multi-etnikong bansa nito. Nakikilala ang identidad ng isang lahi sa
17

kanilang panitikan dahil dito nakalimbag ang buhay at karanasan ng mga taong
nakapaligid dito.

Ayon kay Maria Ramos (nasa Santiago 1987), sa kanyang pagbibigay


pakahulugan sa panitikan, ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng
mamamayan. Sa panitikan masasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip,
pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa
maganda, makulay, makahulugan, masining, at matalinghagang pagpapahayag.

Batay naman sa pag-aaral ni Dalandangan (2017) ang panitikan ay


maaaring magpasalin-salin sa bibig ng sinuman o ang oral na pagsasalin na
isinasalaysay ng mga ninuno o mamamayan sa kanilang lahi. Ang pagsasalin na
ito ay maaaring daan upang maisatitik ang mga kuwentong nakaukit sa kanilang
balintataw.

Dagdag pa ni Dalandangan, ang mga Meranaw sa paligid ng Lake Lanao


ay maituturing na isa sa mga lumalagong etnikong grupo sa Pilipinas. Kilala sila
sa kanilang pambihirang kaugalian, tradisyon, at paniniwala na masasalamin sa
kanilang panitikan. Gaya ng Darangen na maituturing na isa sa pinakamahabang
epiko sa kasaysayan ng panitikan sa bansa. Naiiba sila sa iba pang etnikong grupo
na maituturing na may mayamang kultura at tradisyon. Ang kulturang ito ay
maingat nilang inaalagaan, pinagyayaman upang makilala ng bagong henerasyon
ang kultura na pinanday ng kanilang kanunuan.

Binigyang pakahulugan ni Winnick (1970:326) ang panitikang oral bilang


uring sining tulad ng mga mitolohiya, epiko, awit at mga alamat na hindi pa
naisusulat. Tinatawag din itong poklor: bilang tradisyonal na uri ng pagsasalin sa
paraang pasalita.

Sa pakahulugan naman ng UNESCO: ang poklor ay isang koleksyon ng


mga tradisyunal na kaalaman na ginawa ng isang tao mula sa kanyang malikhaing
guni-guni. Kadalasan ang kaalamang ito ay masasalamin sa paraan ng kanilang
18

pagpapahayag at sa ganitong paraan din nila ito naisasalin sa iba. Sinasabing


nakabatay ang pagiging lehitimo ng isang poklor kung mayroon itong
magkakaibang bersyon.

Sa aklat naman ni Madale (2001), winika niya na ang mga Moro sa lawa
ng lanao ay mayaman sa oral na panitikan. Tanging sa kanilang isipan lamang
nabubuhay ang kababalaghan at kagandahan ng panitikang ito.

Inuri naman ni Tan (1974) ang panitikang oral at pasulat ng mga


Meranaw. Ang mga nasa unang uri tulad ng bugtong, salawikain, kuwentong
bayan, pabula at epiko ay maihahanay sa darangen, parang-sabil, kissa, kata-
kata, tukud-tukud, khutba, ang hanay na ito ay maituturing na panitikang Islamic.
Ang ikalawang uri ay ang panitikang naimpluwensiyahan ng mga dayuhang
Kastila, Amerikano, at Hapones.

2.1 Sintesis

Sa ginawang pag-aaral ni Pacquiao na “Ang Kalikasan sa Pananaw ng


Bandang Asin: Ekokritikal na Pagsusuri”, sinuri niya ang mga piling awitin ng
Bandang Asin batay sa ekokritikal na pananaw. Pangunahing layunin ng kanyang
pag-aaral ang maging instrumento ito para mas mauunawaan at magagampanan pa
ng mga tao ang kanyang tungkulin sa pagligtas ng kalikasan sa paraang-
pangkaisipan, pandamdamin at pangkaasalan. Pangalawa ang malaman ang papel
ng kalikasan sa mga piling awitin ng Bandang Asin. Napatunayan niya sa kanyang
pag-aaral na may iba’t ibang uri ang relasyon ng tao at kalikasan sa paraang
pangkaisipan, pandamdamin at pangkaasalan.

Tulad ng pag-aaral ni Pacquiao, nakatuon din ang pag-aaral na ito sa mga


kultural na relasyon at pagpapahalaga ng mga Meranaw sa kanilang mga pook-
panturismo. Kung nakapokus si Pacquiao sa kalikasan mula sa mga awitin ng
Bandang Asin, magiging lunsaran naman ng pag-aaral na ito ang mga pook-
19

panturismo ng Lanao del Sur bilang kalikasan at yaman ng kanilang lugar sa


pamamagitan ng mga kuwentong bayan at mga karunungang bayan ng mga
Meranaw.

Sa opisyal na pahayagan at dyornal ng probinsya ng Lanao del Sur- ang


Achiever sa taong 2015 ay kakikitaan ng malaking gap o puwang ang ukol sa
pagpapaunlad ng turismo ng probinsya. Binanggit ni Gov. Adiong (2015) ang 7-
reporma nito sa pamamahala na nauukol sa imprastraktura, kalusugan at
pangkabuhayan ngunit wala itong binanggit ukol sa pagpapalawak at
pagpapakilala ng mga turismo sa Lanao del Sur. Maaaring isa sa mga dahilan ay
ang kawalan ng pagtatangkang mag-aral sa kagandahan ng kapaligiran ng lugar.
Dahil dito, isa ito sa mga dahilan ng mananaliksik upang palakasin pa ang
kanyang pag-aaral ukol sa turismo sa kanilang lugar- Lanao del Sur.
20

Mga Reperensya

Anisco, Elmer G. (_______). Naratibo sa 1,001 Talon ng Pilipinas: Tungo sa


Pagbuo ng Aklat Pang-Turismo sa Wikang Filipino. Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa, Manila.

Dalandangan, Fairuz M. (2017) Mga Kuwentong-Bayan at Epikong Balatamay


Lumëna: Pagmamapang Pangkasaysayan sa Lipunan ng
Maguindanawng Taw sa Laya. Departamento ng Filipino at Iba Pang
mga Wika. Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan: MSU-Iligan
Institute of Technology, Iligan City

Escultor, Gemma O. (_______). Karadjaw Surigao: Mga Naratibo sa Likod ng


mga Pook Panturismo sa Lalawigan ng Surigao. Surigao State College
of Technology Main Campus, Surigao City.

Manabilang, Monaimah G. (2016). Posaka Ago Rawaten: Kaban ng Salaysay at


Kulturang Meranaw. Departamento ng Filipino at Iba Pang mga Wika.
Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan: MSU-Iligan Institute of
Technology, Iligan City

Madale, Nagasura T. (2001). Tales from Lake Lanao and other Essays.
National Commission for Culture and Arts. Manila

____________. (2015). Achiever News and Photo Journal. Province of Lanao


del Sur. Marawi City
21

TSAPTER 3

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Ang mananaliksik ay gagamit ng disenyonng kwantitatibo at kwalitatibo


sa pag-aaral at deskriptibong palarawan sa pag-aanalisa ng mga naratibong
impormasyon na makakalap. Gagamit din ng pamamaraang purposive at snowball
sampling upang matiyak ang mga lalapitang impormante. Gagamit din ng teyp
recorder ang mananaliksik upang mairekord ang mga kuwentong bayan at mga
karunungang maibabahagi ng mga impormante.

3.1 Lugar ng Pananaliksik

Isasagawa ang pag-aaral sa distrito ng Lanao del Sur na matatagpuan sa


bagong tatag na Rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim
Mindanao (BARMM). Binubuo ang probinsya ng Lanao Del Sur ng tatlong
distrito- ang Marawi City, Lanao Sur I at Lanao Sur II at sinasakop naman ng mga
distritong ito ang 39 na mga munisipalidad. Magkalalapit ang mga bayan ng
tatlong distrito. Bubunuin ng 2-6 na oras upang marating ang pinakamalayong
lugar na munisipalidad ng Lanao tulad ng munisipalidad ng Wao Lanao del Sur.

Ang tatlong distrito- bayan ng Marawi, Lanao del Sur I at Lanao del Sur 2
ay mayaman sa pook-panturismo na di pa naipakilala sa labas ng probinsya.
Tanging mga nakatirang Meranaw lamang ang nagtatamasa sa mga magagandang
tanawin ng kani-kanilang lugar. Sa mga likas na tanawing ito nakaukit ang mga
kuwentong bayan at mga karunungang bayan ng kanilang lugar na siyang
nagpapakilala sa kulturang Meranaw.

3.2 Ang mga Importmante

Ang mga impormante ay kinakailangang tubo at purong Meranaw ng


Lanao del Sur. Sila ay kinakailangang nasa gulang na 40-pataas upang maging
lehitimo ang mga ibabahaging impormasyon. Naniniwala rin ang mananaliksik na
22

higit na malawak ang karanasan at kaalaman ng impormante sa ganitong edad


ukol sa mga kaalaman at kuwentong-bayan ng pook panturismo.

Kinakailangang naninirahan rin ng 10-taon pataas sa lugar na


mapagkukunan ng mga kuwento at karunungang bayang panturismo. Higit na
otentiko ang mga kalalabasang resulta ng pag-aaral kung matagal ang paninirahan
ng mga impormante sa lugar.

3.3 Pangangalap ng Datos

Magpapaalam. Pupuntahan ang lokal na pamahalaan ng lugar upang


magbigay ng liham na hihingi ng pahintulot na makabisita sa mga pook
panturismo ng kanilang lugar para sa gagawing pag-aaral. Isasagawa ang
pamamaraang ito sa mga dadalawing munisipalidad ng Lanao del Sur.

Magmamasid-masid. Magmamasid muna ang mananaliksik sa buong lugar


at pakikiramdaman ang mga residente saka makikipagpalagayang-loob sa kanila.

Magtatanong-tanong. Magtatanong ang mananaliksik sa mga respondente


ng lugar ukol sa kanilang pangalan, edad, hanapbuhay, tagal ng paninirahan sa
lugar at kung may kaalaman ito sa mga kuwentong-bayan o mga kaalamang bayan
na may kaugnayan sa kanilang pook panturismo.

Magbibisita. Bibisitahin ang pook panturismo saka magkakaroon na ng


pakikipanayam gamit ang teyp recorder sa mga impormante ukol sa mga
kuwentong bayan at karunungang-bayan na may kaugnayan sa kanilang pook
panturismo.

3.4 Pagsasaayos ng Datos

Sa bahaging ito sisimulan ng pakinggan ng mananaliksik ang mga


naisateyp o narekord na mga kuwentong-bayan at mga karunungang bayan.
Pakikinggang mabuti saka isasatitik ang mga mairerekord na mga kuwentong
bayan at karunungang bayan sa mga pook panturismo ng lugar. Pagkatapos
23

maisatitik ay magkakaroon ng pagsasalin sa mga kuwentong bayan at


karunungang bayan mula sa wikang Meranaw tungo sa wikang Filipino.

Maghahanda ang mananaliksik ng instrumentong gagamitin para sa


balidasyon ng gagawing pananaliksik na siyang magiging batayan naman ng mga
mapipiling balideytor para sa kanyang gagawing pagsasalin.

3.5 Krayterya ng mga Balideytor

Pipili ang mananaliksik ng mga balideytor ukol sa gagawin niyang


pagsasalin. Sila ay bubuuin ng tatlong (3) miyembro lamang. Ang bawat isa ay
kinakailangang bihasa sa dalawang wikang kasangkot – wikang Meranaw at
wikang Filipino. Gagamit din ang mananaliksik ng instrumentong gagamitin para
sa balidasyon ng mga naisaling kuwentong bayan at karunungang bayan.
24

Mga Reperensya

Dalandangan, Fairuz M. (2017). Mga Kuwentong-Bayan at Epikong


Balatamay Lumëna: Pagmamapang Pangkasaysayan sa Lipunan ng
Maguindanawng Taw sa Laya. Departamento ng Filipino at Iba Pang
mga Wika. Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan: MSU-Iligan
Institute of Technology, Iligan City

Escultor, Gemma O. (_______). Karadjaw Surigao: Mga Naratibo sa Likod ng


mga Pook Panturismo sa Lalawigan ng Surigao. Surigao State College
of Technology Main Campus, Surigao City.

Manabilang, Monaimah G. (2016). Posaka Ago Rawaten: Kaban ng Salaysay at


Kulturang Meranaw. Departamento ng Filipino at Iba Pang mga Wika.
Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan: MSU-Iligan Institute of
Technology, Iligan City

You might also like