You are on page 1of 2

Escalante, Clair May

BSEd – Filipino
Reaksyong Papel

Sa panahon ngayon ay sobrang hirap ng ating sitwasyon kung saan hindi lang
ang bansang Pilipinas ang nakararanas ng napakalubhang sitwasyon, ang buong
mundo ay nakararanas ng pandemikong krisis na kung saan tinatawag na Covid19
na nagmula sa bansang China/Tsina at di naglaon ay kumalat na sa ibat-ibang
bahagi ng mundo, noong una inisip ko na hindi dadapuan ng virus ang bansang
Pilipinas ngunit, ito tayo ngayon nararanasan na amg hirap at tindi ng sitwasyon na
kung saan marami ang nagkakasakit , namamatay at nakararanas na rin ng
matinding takot at kaba dahil natatakot ang bawat isa na madapuan ng nasabing
sakit. Kaya naman ang mga pamilihan, mga malls, pasyalan at ang skwelahan sa
ibat-ibang panig ng mundo kasama na ang Pilipinas ay ipinasara . Katulad na rin dito
sa Lungsod ng Olongapo ipinasara ang lugar na iyan kaya naman mahirap ito para
sa mga nagtatrabaho at nag-aaral, napakahirap ng sitwasyon dahil kapag walang
trabaho mahihirapan sa pang araw-araw na pamumuhay ang bawat pamilya. Hindi
na rin pinapasok sa paaralan ang mga mag-aaral dahil maaring madapuan sila ng
virus kapag lumabas sila ng tahanan.
At bilang isang guro kinakailangan maging handa tayo sa mga ganyang
sitwasyon na kung saan kinakailangan pa rin nating maibigay ang kalidad na
edukasyon para sa ating mag-aaral kinakailangang mag-isip ng ibat-ibang
estratehiya upang ang mag-aaral ay makapag-tamo ng napakagandang edukasyon
kahit na sa ganitong sitwasyon, bilang magiging isang guro sa kasalukuyan at
nararanasan pa rin ang ganitong sitwasyon mag-iisip at gagawa ako ng ibat-ibang
estratehiya sa pagtuturo at kung ang paksain ay patungkol sa maikling kwento ay
mas lalo akong gaganahan mag-turo kahit mayroong pandemikong krisis sa buong
mundo at sa bansang Pilipinas.
Kung aking ituturo ang maikling kwentong Walang Panginoon at Ang Kalupi
ay mas mainan na magpadala muna ako ng mga larawan na kung saan nakasulat
ang buong detalye ng nasabing kwento ngunit kinakailangan kapansinpansin at
makukuha pa rin ang atensyon ng bawat mag-aaral na papasahan ng larawan sa
messenger ,dahil iyon ang pinakamura at kayang tugunan agad ng mga mag-aaral
dahil madali itong buksan sa messenger gamit lamang ang pinakamurang load at
kanilang cellphone at kalakip ng ipapasa kong larawan ay mayroong ibat-ibang
katanungan na maari nilang sagutin at isulat lamang sa papel upang hindi na sila
magpunta sa internet shop upang ligtas sila sa pandemikong krisis, at isa pa riyan
upang mas maging kapanapanabik at malalaman mo talaga na ang mag-aaral ay
nakasusunod sa iyong itinuturo maari ring mag-pagawa ng mga tanong sa mga
mag-aaral upang malaman mo kung talaga ngang naunawaan nila ang kwento at
kung talagang nabasa nila, at ang isa pang naiisip ko ay magpapasa ako ng maikling
video na kung saan naglalaman ng mahahalagang bahagi ng kuwento isang buod na
kung saan tatatak sa kanilang isipan at makakukuha ng aral na magagamit nila sa
pang araw-araw na pamumuhay. Isa pa sa aking naiisip na estratehiya ay hindi ko
rin sila bibigyan ng hangganan ng pagpapasa upang hindi sila mabalisa dahil
kailangan nating unawain ang sitwasyon ngayong mayroong pandemikong krisis sa
bansa dahil ang iba sa ating mag-aaral ay walang sapat na kagamitan upang agaran
nilang magawa ang pinagagawa ng kanilang guro. Maari ko ring ipagawa sa kanila
ang slogan na kung saan gagawan nila ang dalawang kuwentong nasabi ng slogan
upang gumagana rin kanilang pangangatawan kahit na may pandemikong krisis, isa
na rin ang pagtatalaga ko ng oras ng pagsisimula ng klase dahil na rin ang ibang
mag-aaral ay mayroon ding ginagawa sa kanilang tahanan hindi lang ang pag-aaral
pati na rin ang gawaing bahay, nariyan ay tatanungin ko ang aking mga mag-aaral
ng oras na maari silang mag-aral at ipag-papaalam nila ito sa kanilang magulang
kahit na sila ay nasa loob lamang ng kanilang tahanan upang hindi sila mabalisa at
walang makagulo sa kanilang pag-aaral at kung ang ibang mag-aaral ay hindi
ganoon kabilis ang pagtugon sa nasabing aralin ay bibigyan ko rin sila ng
alternatibong paraan na kung saan madali para sa kanilang sitwasyon.
Bilang magiging guro sa hinaharap,kailangan nating pahalagahan ang
sitwasyon ng ibat-iba nating mag-aaral dahil iba-ibang ang sitwasyon nila sa buhay
lalo na ngayong mayroong pandemikong krisis na talaga namang nagpapahirap sa
lahat ng indibidwal sa mundo at sa bansa natin at bilang magiging guro sa
hinaharap kinakailangan din nating pangalagaan ang kalusugan sa pangangatawan
man at sa kaisipan upang makapagturo tayo ng maayos sa ating mag-aaral at upang
humaba ang buhay at higit sa lahat kinakailangan natin manalangin sa Panginoon
upang mabigyan tayo ng lakas sa ibat-ibang sitwasyon higit sa ganitong mayroong
pandemikong krisis.

You might also like