You are on page 1of 10

TALAAN NG ESPESIPIKASYON

FILIPINO 7
Lagumang Pasulit
Ika- 8 ng Nobyembre, 2019

Distribusyon ng
Paksang Natalakay Kasanayang Pampagkatuto Bilang ng Araw Bilang ng Aytem
Aytem

CS_ FA11/12PB-Oa-c-101
Kahulugan, kalikasan Nabibigyang kahulugan ang 1, 2, 3, 4, 5, 6,
at katangian ng akademikong pagsulat 7, 8, 9, 10, 11,
5
pagsulat ng sulating 12, 13, 14, 15,
akademik 16, 18, 19, 20

Kabuuan 5 20 20

Inihanda ni: Nabatid ni:

VANESSA V. RAMIREZ MYRNALYN V. EVANGELIO, ESP-II


Guro sa Asignatura Punong Guro
Lagumang Pasulit sa Piling Larang
Ika- 15 ng Nobyembre, 2019

Pangalan: _________________________________ Baitang at Seksyon: _____________ Iskor: ____________

A. Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Isang awtor na nagsasaad na ang pagsulat ay “ Writing is rewriting. A good writer is wasteful”. He saws and shapes and
cuts away, discarding wood… The writer cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an
abundance of fine raw materials.”
a. Peck at Buckingham b. Donald Murray c. Badayos d. Keller
2. Layunin ng pagsulat na ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y mapapakinabangan.
a. impormatib na pagsulat b. mapanghikayat c. malikhain d. pansariling pagpapahayag
3. Kilala sa tawag na expository writing na naghahangad na makapagbigay ng impormasyon at mga paliwanag.
a. pansariling pagpapahayag b. impormatib c. malikhain d. mapanghikayat
4. Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran,
opinyon o paniniwala.
a. pansariling pagpapahayag b. impormatib c. malikhain d. mapanghikayat
5. Ito ang artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman na ipinahahayag sa paraang pasulat, limbag
at elektroniko (sa kompyuter).
a. pagbasa b. pakikinig c. pagsulat d. panonood
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga paraan at ayos ng pagsulat.?
a. eletroniko b. pagsasalita c. pasulat o sulat kamay d. limbag
7. Bakit nagsusulputan ang mga akdang kumbinsyon sa kasalukuyan?
a. Dahil sa pag-usbong ng mga makatang pinaghalo ang pormal at di-pormal na pagkakasulat.
b. Dahil sa mga uso ngayong panahon.
c. Dahil sa pagkawala ng pormal at di-pormal na pagkakasulat.
d. Dahil hindi na na-uuso ang nabanggit na pagkakasulat sa kasalukuyan.
8. Ito ang anyo ng pagsulat na naglalayong magpaliwanag na nakasentro sa pagbibigay- linaw sa mga pangyayari, sanhi
at bunga at magkakaugnay na mga ideya.
a. paglalarawan b. paglalahad c. pangangatwiran d. pagsasalaysay
9. Ito ang anyo ng pagsulat na nakapokus ito sa kronolohikal o pagkakasunud-sunod na daloy ng pangyayaring aktwal na
naganap.
a. paglalarawan b. paglalahad c. pangangatwiran d. pagsasalaysay
10. Ito ang anyo ng pagsulat na ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa
isang isyu na nakahain sa manunulat.
a. paglalarawan b. paglalahad c. pangangatwiran d. pagsasalaysay
11. Ito ang anyo ng pagsulat na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil
sa isang bagay, tao, lugar at kapaligiran.
a. paglalarawan b. paglalahad c. pangangatwiran d. pagsasalaysay
12. Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel.
a. konklusyon b. titulo c. katawan d. simula
13. Karaniwang isinasaad dito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan ng pagsulat ng paksa at pambungad na talakay
sa daloy ng papel.
a. konklusyon b. titulo c. katawan d. simula
14. Ito ang yugto ng pagsulat na Nagkakaroon ng artikulasyon ang mga ideya, paniniwala at iba pa sa dahilang masusing
dumaraan ito sa isipan ng tao-napag-isipan, naisapuso o naunawaan bago naisulat.
a. yugtong ng proseso ng pagsulat b. yugtong pagkognitibo c. yugtong pang- emosyon

Para sa bilang 15-20. Ayusin ang angkop na pagkakasunod-sunod ng mga prosesong naganap sa proseso ng pagsulat.
Isulat ang 1 para sa pinaka-una at 6 sa pinakahuling proseso.
pala-palagay
pinal na papel
Pagsulat ng burador
Pagtatanong at pag-uusisa
Inisyal na pagtatangka
Pagpapakinis ng papel
TALAAN NG ESPESIPIKASYON
PILING LARANG
Lagumang Pasulit
Ika- 6 ng Disyembre, 2019

Distribusyon ng
Paksang Natalakay Kasanayang Pampagkatuto Bilang ng Araw Bilang ng Aytem
Aytem

CS_FA11/12PN-0a-c-90
1, 2, 3, 4, 5, 6,
Etika at Nakikilala ang iba’t ibang
7, 8, 9, 10, 11,
Responsibilidad ng akademikong sulatin ayon sa:
12, 13, 14, 15,
Pagsulat a. Layunin 7 25
16, 17, 18, 19,
b. Gamit
20, 21, 22, 23,
Pagbabalangkas c. Katangian
25, 25
d. Anyo

Kabuuan 7 25 25

Inihanda ni: Nabatid ni:

VANESSA V. RAMIREZ MYRNALYN V. EVANGELIO, ESP-II


Guro sa Asignatura Punong Guro
Lagumang Pasulit sa Piling Larang
Ika- 6 ng Disyembre, 2019

Pangalan: _________________________________ Baitang at Seksyon: _____________ Iskor: ____________

A. MAPANURING TAMA O MALI. Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang at Isulat ang TAMA kung pahayag ay tama at KUNG MALI,
salungguhitan ang mga pahayag na nagpapamali sa pangungusap at palitan ng tamang sagot.
TAMA 1. Sa pagsulat at pananaliksik, kilalanin mo ang ginamit mong ideya.
TAMA 2. Huwag kang kumuha ng datos kung hindi ka pinapayagan o walang permiso.
3. Iwasan mong gumawa ng mga personal na obserbasyon, lalo na kung negatibo ang mga ito o makakasirang-
TAMA
puri sa taong iniinterbyu.
Hindi maari 4. Pwede kang magshort-cut.
TAMA 5. Huwag kang mandaya. Isang “krimen” ang pandaraya sa pananaliksik.
6. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa notecard hinggil sa mga impormasyon na
Sistematiko
kaniyang nakuha sa mga aklat.
Matapat 7. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon ng kaniyang ginagawang pag-aaral.
Maingat 8. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na kwestiyonable.
9. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga pangyayari hinggil sa mga paboritong artista sa
Malikhaing
telebisyon.
10. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-uulat ng mga pananaliksik na ginawa ng
TAMA
iba’t ibang mga iskolar hinggil sa iba’t ibang mga disiplina.

B. MARAMING PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang at tukuyin ang iba’t ibang uri ng plagiarism ang inilarawan sa bawat sitwasyon. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

11. Isang estudyanteng freshman ang nagsabmit sa propesor ng kanyang papel na gawa ng iba at pinalitan lang niya ang pangalan nito ng
kanyang pangalan. Anong uri ng plagiarism ang sitwasyong ito?
a. Pag-aangkin at/o paggaya sa pamagat ng iba
b. Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba.
c. Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap at hindi kinilala ang awtor.

12. Inaatasan ka ng inyong guro na gumawa ng isang talumpati na nangangailangan ng impormasyon na makukuha sa aklatan o kaya ay
sa internet. Kaya, nagsaliksik ka sa internet na mga impormasyon iyong magamit sa sulatin. Upang mapadali ang pagsasagawa ng
sulatin binago mo ang ideya ng may-akda upang magmukhang iyo ang ideya. Anong uri ng plagiarism ang sitwasyong ito?
a. Pag-aangkin at/o paggaya sa pamagat ng iba
b. Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba.
c. Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap at hindi kinilala ang awtor.

13. Pinapagawa kayo ng isang tula bilang pangwakas na gawain sa asignaturang Filipino. Nalaman mong tapos na ang iyong kaklase kaya
kinopya mo ang pamagat ng kanyang tula sa paniniwalang magkaiba naman ang nilalaman ng inyong mga kada. Anong uri ng
plagiarism ang sitwasyong ito?
a. Pag-aangkin at/o paggaya sa pamagat ng iba
b. Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba.
c. Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap at hindi kinilala ang awtor.
Para sa bilang 14-18. Tutuyin ang bahagi ng notecard.

Peña, Estrella L.2017. Kanlungan: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika


at Kulturang Filipino. Ermita, Manila Philippines. ELP Campus Journal Maikling deskripsyon
Sanggunian Printing sa paksa

Kasaysayan ng Wika sa Panahon ng Katutubo

Nagkaroon ng sariling sistema at ortograpiya ang Pilipinas bago pa man


Pamagat/ Paksa
dumating ang mga mananakop. Nakilala ang baybayin at iba pang paraan pahina
ng pagsulat na may 17 simbolo na 14 sa mga ito ay kumakatawan sa katinig
at 3 sa patining
Pahina 91-94
Para sa bilang 19- 25. Ayusin ang mga impormasyong nakatala sa ibaba upang makabuo ng isang papaksang balangkas na
may tatlong lebel.

Paraan ng Pagpapamalas ng Paggalang sa mga Magulang


Konklusyon: Pagmamahal at Paggalang sa mga Magulang
Paggamit ng Po at Opo Hinggil sa Maingat na Pagpili ng mga Kaibigan at Kasama
Pagsunod sa Kanilang Payo Hinggil sa Pagsisikap sa Pag-aaral
Pagdangal sa mga Magulang

I. Paraan ng Pagpapamalas ng Paggalang sa mga Magulang


A. Paggamit ng Po at Opo
B. Pagsunod sa Kanilang Payo
1.Hinggil sa Maingat na Pagpili ng mga Kaibigan at Kasama
2.Hinggil sa Pagsisikap sa Pag-aaral
C. Pagdangal sa mga Magulang
II. Konklusyon: Pagmamahal at Paggalang sa mga Magulang

Inihanda ni: Nabatid ni:

VANESSA V. RAMIREZ MYRNALYN V. EVANGELIO, ESP-II


Guro sa Asignatura Punong Guro
TALAAN NG ESPESIPIKASYON
PILING LARANG
Lagumang Pasulit
Ika- 6 ng Marso 2020

Distribusyon ng
Paksang Natalakay Kasanayang Pampagkatuto Bilang ng Araw Bilang ng Aytem
Aytem

Repletibo at Lakbay
14 25 1-50
Sanaysay

Kabuuan 14 50 25

Inihanda ni: Nabatid ni:

VANESSA V. RAMIREZ MYRNALYN V. EVANGELIO, ESP-II


Guro sa Asignatura Punong Guro

Lagumang Pasulit
PILING LARANG
Ika- 6 ng Marso 2020

I. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang buong pangungusap, isulat ang TAMA, kung
may bahagi namang mali sa pangungusap, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa)
1. Ang sanaysay ay akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o kaisipan ng isang
manunulat kaugnay ng kanyang nakikita o naoobserbahan.
2. Seryoso at personal ang paksa ng pormal na sanaysay.
3. Kalimitang ginagamit ang patalinhagang sanaysay sa mga impormal na sanaysay.
4. Maituturing na lakbay-sanaysay ang programang Biyahe ni Drew.
5. Ang programang pampaglalakbay ay nakasulat na tekstong naglalarawan at nagsasalaysay tungkol sa lugar,
tao, aktibidad at pagkain sa isang partikular na lugar.
6. Ang lakbay-sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng sanaysay na tungkol sa mga naiisip ng manunulat
kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserbahan.
7. Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay na tungkol sa mga nararamdaman, kaugnay ng mga
nakikita o naoobserbahan ng manunulat.
8. Maaaring lamanin ng replektibong sanaysay ang mga kalakasan at kahinaan ng manunulat.
9. Mas naglalahad at nangangatwiran ang replektibong sanaysay kaysa nagsasalaysay at naglalarawan.
10. Parehong may introduksyon, katawan at wakas ang replektibong sanaysay at lakbay-anaysay.

II. SANAYSAY. Sumulat ng sanaysay batay sa hinihingi sa ibaba. (40 puntos)


1. Pumili ng isang lugar na napuntahan.
2. Pumili ng isang paksa sa ibaba:
a. pag-ibig b. kahirapan c. edukasyon
3. Batay sa napiling lugar at paksa sa itaas, sumulat ng isang sanaysay na nagsasalaysay at naglalarawan ng
paglalakbay at repleksyon kaugnay ng paksa. (Halimbawa: paglalakbay sa Boracay at repleksyon tungkol sa pag-ibig)
4. Gumawa ng dalawang lebel na balangkas na pangungusap. Lagyan ng pamagat, introduksyon, katawan at wakas.(5
puntos)
5. Magsulat ng sanaysaysay na HINDI BABABA sa 15 pangungusap. (45 puntos)

Pamantayan sa Pagmamarka
a. Nilalaman- 15 puntos
b. Organisasyon- 15 puntos
c. Wika- 15 puntos
TALAAN NG ESPESIPIKASYON
PILING LARANG
Lagumang Pasulit
Ika- 21 ng Pebrero, 2020

Distribusyon ng
Paksang Natalakay Kasanayang Pampagkatuto Bilang ng Araw Bilang ng Aytem
Aytem

Posisyong Papel,
Talumpat at Katitikan 14 25 1-30
ng Pulong

Kabuuan 7 30 30

Inihanda ni: Nabatid ni:

VANESSA V. RAMIREZ MYRNALYN V. EVANGELIO, ESP-II


Guro sa Asignatura Punong Guro

Lagumang Pasulit
PILING LARANG
_______________________

I. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang buong pangungusap, isulat ang TAMA, kung may
bahagi namang mali sa pangungusap, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa)
1. Isang mahalagang rekord ang katitikan ng pulong hinggil sa mga napag usapan at napagtibay ng isang partikular na
organisasyon.
2. Ang ulat ng mga napag-usapan at mga aksyon gagawin, ay ang siyang pinakamahalagang impormasyon na makikita sa
katitikan ng pulong.
3. Agenda ang tawag sa mga paksa o aksyong gagawin na makikita sa katitikan ng pulong.
4. Maaaring magbigay ng enumerasyon ng mga bagay na inilalahad o di kaya’y suriin ito batay sa bahagi o uriin ayon sa
kategorya kapag sumusulat ng tekstong naglalahad.
5. Ang tekstong naglalarawan ay nagkukuwento ng isang pangyayari o mga pangyayaring ugnay-ugnay at may
karakterisasyon o pag-unlad ng tauhan.
6. Ang mga tekstong naglalahad at naglalarawan ay nagpapahayag ng mga katangian batay sa limang pandama:
pangingin, pandinig, pang-amoy, panlasa at panalat.
7. Nanghihikayat pumanig sa opinyon ng tagapagsalita ang akademikong sulating nangangatwiran.
8. Ang talumpati ay isang akademikong teksto na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
9. Sapat na ang matitibay na argumento sa posisyong papel kahit walang ebidensya.
10. Mas epektibo ang posisyong papel kung mabulaklak ang pananalita upang maitago ang tunay na kahulugan ng mga
pahayag.
II. PAGPILI NG SAGOT. Piliin ang titik ng tamang sagot. (2 puntos bawat isa)
1. Alin sa mga sumusnod ang hindi nararapat na ilagay sa unang pahin ng katitikan ng pulong?
A. oras ng pagtatapos ng pulong B. lugar ng pulong C. pangalan ng organisasyon
2. Alin sa mga sumusonod ang kadalasang makikita sa katawan na bahagi ng katitikan ng pulong?
A. Mga Dumalo B. Ikatlong Agenda C. Oras ng pagsisimula ng pulong
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kailangan habang kumukuha ng notes para sa gagawing katitikan ng pulong?
A. audio recorder B. katitikan ng nakaraang pulong C. bolpen at papel
4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naglalahad?
A. Matangos ang ilong ng babae. B. Pulang-pula ang labi ng babae. C. May dugong Hapones ang babae.
5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI nangangatwiran?
A. Dapat na wakasan na ang korapsyon sa bansa.
B. Hindi talaga mawakasan ang korapsyon sa bansa.
C. Mahalagang wakasan ang korapsyon para umunlad ang bansa.
6. Ano ang pagkakatulad ng paglalarawan at pagsasalaysay?
A. Hindi maaaring gamitin sa posisyong papel.
B. Gamitin bilang mga ebidensya sa argumento.
C. Ginagamit sa pagkukwento ng mga pangyayari.
7. Ano ang pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel?
A. Ang talumpati ay isinulat upang bigkasin samantalang ang posisyong papel ay isinulat upang basahin lamang.
B. Ang talumpati ay gumagamit ng pagsasalaysay habang ang posisyong papel ay gumagamit naman ng
pangangatwiran.
C. Ang talumpati ay dapat makahikayat, pero ang posisyong papel ay dapat maglarawan ng isang partikular na isyu.
8. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gamiting matibay na ebidensya para sa argumento?
A. narinig na kwento B. balitang napanood C. sariling karanasan
9. Batay sa binigkas na talumpati ni Dr. Bienvenido Lumbera sa 2009 Carlos Palanca Awards Night, “Ano ba ang naging batayan
sa pagpaparangal sa nagwaging likha? Galing sa akademya ang karaniwang hinihirang na hurado, kaya’t ang mga propesor
at manunulat ay naghahanap ng mga katangiang kinikilala sa unibersidad at kolehiyo bilang makabuluhan at makasining.”
Ano ang mahihinuha sa mga pahayag na ito tungkol sa pagpili ng mga paparangalang likha?
A. kinikilala at batikang mga manunulat ang nagdedesisyon sa mananalo
B. mga mahuhusay at tanyag na propesor ang pumipili ng mga mananalo
C. mataas na uri ng sining at pagpapahalaga sa lipunan ang pinipiling mananalo
10. Batay sa Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at
Unibersidad, “Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo
sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito.” Ano ang pangunahing argumento sa nasabing
pahayag?
A. pagkilala ng sariling wika B. intelektwalisasyon ng wika C. pagtakwil sa dayuhang wika
III. MAIKLING SANAYSAY. Gumawa ng maikling sanaysay nang hindi bababa sa limang (5) pangungusap. (10 puntos)
Ilahad ang pagkakaiba at pagkakapareho ng katitikan ng pulong, talumpati at posisyong papel.
a. Nilalaman- 7 puntos
b. Organisasyon- 2 puntos
c. Wika- 1 puntos

You might also like