You are on page 1of 17

Bulacan State University

Kolehiyo ng Arte at Literatura


Departamento ng Araling Pilipino
Guinhawa, Lungsod ng Malolos, Bulacan
PAG-UULAT SA ARALING PILIPINO (ARP 101)

PANGALAN PANGKAT PETSA ISKOR


1. Adriano, Denise Kylla Marielle C.
2. Bautista, Richelle F. 3 11/19/19
3. Bautista, Steffany Joy F.
4. Betonio, Monica Lyza T.
5. Dela Cruz, Ellery Jane L.
6. Divinagracia, Anna Marie S. SEKSIYON
7. Faustino, Alexandria S.
8. Isidro, Hanna Mae R. BSA 1E
9. Lovendino, Sinhaisez C.

MARKA PARA SA WRITTEN REPORT MARKA PARA SA PAG-UULAT


PAMANTAYAN PUNTOS PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman (50) Presentasyon (30)
1. Lubos na nauunawaan ng grupo 1. Malinaw na naitawid ng grupo
ang paksang kanilang tinalakay. ang mga puntong nais nilang
2. Makabuluhan ang ibinibigay na iparating sa klase.
mga punto ng grupo sa kanilang
reaksiyong papel.
3. May sapat at wastong mga datos.
Oranisasyon ng mga Ideya (35) Kahandaan (10)
1. May maayos at mabisang 1. Handa ang grupo sa pag-uulat.
pamagat ang papel. 2. May mga inihandang
2. Maayos at lohikal ang paglalahad kagamitang makatutulong sa
ng mga punto. pag-uulat katulad ng power
point presentation at iba pa.
Kasinupan ng kopya (10) Organisasyon (10)
1. Angkop ang gamit sa mga salita. 1. Organisado ang grupo na
2. Masinop ang kopya dahil humarap sa klase.
sumunod sa ortograpiyang
Filipino.
Pagsunod sa pormat (5)
1. Sumunod sa itinakdang pormat
ng instruktor.
2. Naipasa sa itinakdang dedlayn
ang papel.

Kabuoang Iskor para sa Written Report Kabuoang Iskor para sa Pag-uulat

Mga Komento ng Instruktor

PAHINA 1 NG 17
Kagandahan sa Panahon ng Globalisasyon ni Sylvia Estrada-Claudio

Sa unang parte ng basahin, binibigyang kahulugan ni Claudio Sylvia ang pagbabago sa

Kultura dulot ng globalisasyon. Ayon kay Sylvia, ang globalisasyon ay isang bagong

yugto ng kapitalismo na lumulusaw sa mga dating hadlang sa internasyunal na

pangangalakal at pinansya. Sinabi na ang globalisasyon ay mayroong dalawang aspeto

ito ay ang Kultural at Ekonomiko. Sa ekonomiya sa buong mundo mabibilang na

lamang ang mga bansa na hindi nagpapasok ng ibang produkto mula sa ibang bansa.

Para naman sa kultural, napabilis ang paglaganap nito nang dahil sa umuusbong na

teknolohiya. Nang dahil sa globalisayon nagkaroon ng isang organisasyon na tinawag

na World Trade Organization, ngunit dahil dito tinatanggal ang kapasidad ng mga

estado na protektahan ang kanilang yaman. Nawawalan ng karapatan ang mga

manggagawang agrikultural sa sarili nilang bansa dahil mas natatangkilik ang mga

ibang produkto mula sa ibang bansa. Binigyang diin ni Claudio Sylvia ang paggamit ng

wikang Ingles sa mga Fashion Magasin na isa sa mga epekto ng globalisasyon.

Karamihan sa mga fashion magasin, ayon kay Sylvia, ay nakasulat sa wikang ingles at

ang dalawa dito ay nakasulat sa wikang katutubo. Maganda sa unang dinig na ang

mga magasin na ito ay nakasulat pa rin sa wikang katutubo subalit, paano naman ang

nilalaman? Aniya, ang mga ito ay puro chismis lang at walang kabuluhan.

Sino ang Maganda?

Sino nga ba ang maganda? Di maipagkakaila

na sa ating bansa ay nagkakaroon ng

pamantayan ang kagandahan – puti, seksi,

tangos ng ilong, laki ng pwet at ng suso, walang

tiyan, makipot, mapula ang labi at marami pang

iba. Makikita ito sa mga palabas o commercial

ng pampaganda samantalang ang mga hindi pasok sa pamatayan ay ginagawang

katatawanan o komedyante. [Dagdag Kaalaman] Gumawa ng ingay ang isang ad ng

GlutaMaxx noong Abril 2019, narito ang larawan:

PAHINA 2 NG 17
May dalawa akong paliwanag hinggil dito. Maaaring nakakasakit ang ad na ito sa

ilan lalo na sa mga morena na makakapagpatotoo na ito ay talaga nga namang

nangyayari ngayon. Maaari ring iniisip ng iba na ang pagpapaputi na lang nga ba talaga

ang tanging paraan upang tanggapin ka sa lipunan? Siguro ay may gustong iparating

ang GlutaMaxx. Hindi naman nila kasalanan na ganito and reyalidad pero pinili pa rin

nilang gamitin ito. Hindi lang nakita ng kumpanya na mag-aani ito nang ganitong isyu.

Dito pumapasok ang pagkakaroon ng stereotyping sa kababaihan. Kapag ikaw

ay maitim or morena, pangit ka na, “shupi, doon ka na”. Kapag ikaw ay maputi, “tara na

dito miss, uwi ka na, di na ko galit”.

Elitismo at Komersyalismo

Ang mga paksa na kadalasan nasa mga magasin ay sex, fashion at

kagandahan. Sa larangan ng kagandahan, nagpapalaganap ito ng pamantayang rasista

at seksista. Kapag sarat ang iyong ilong at mayroong kayumangging balat, ikaw daw ay

“ethnic”. Kung ganito na ang lumalabas sa mga magasing tagalog, paano pa ang

pagsasalarawan sa atin ng mga banyaga? Ayon kay Gokongwei, sinsundan lang nila

ang pormula ng mga dayuhang kumpanya. Pinapalitan lang ng modelo ang mga

panlalaking magasin kasi mas gusto nila ang mga modelong Pilipina. Sabi Sylvia

Estrada-Claudio, ito ang pinakamalupit na kombinasyon, elitista, seksista, at

makakanluraning diwa na bibigyang-buhay ng mga imaheng mala-Pilipina. [Dagdag

Kaalaman] Ang R.A. 11203 o mas kilala sa tawag na Rice Tarrification Law, na gawa ni

Sen. Cynthia Villar at naging batas noong Pebrero 14, 2019. Ang prayoridad ay ang

imported na bigas kaysa local. Ang presyo ng palay noong August 14 sa Nueva Ecija ay

P8.00 hanggang P10.00/kilo. Ayon kay Rhaya De Jesus (2019), ang nakakagalit pa dito

ay agricultural na bansa ang pilipinas ngunit bakit natin kailangang umangkat at bigyang

prayoridad ang mga import na bigas? Umaaray na nga ang mga may-ari ng sakahan,

paano pa kaya ang mga magsasaka na walang sariling lupa? Ang buong pangyayari ay

kontra-mahirap at pagpapayaman ng mga mayayaman.

PAHINA 3 NG 17
Mapanganib na Kagandahan

Nagbibigay ng pamantayan ang lipunan kung ano nga ba ang kagandahan

ngunit malupit ang epekto nito sa pananaw ng ibang babae. Dahil sa pamantayang ito,

mayroong iba na nagkakaroon ng eating disorder. Hindi lang pisikal na kalusugan ang

mapanganib kundi pati na rin ang tingin mo sa iyong sarili, ang iyong mentalidad

kumbaga. Dahil sa mga itinakdang basehan ng kagandahan ng lipunan, nawawalan ng

tiwala sa sarili ang ibang mga kababaihan. Hindi maiaalis sa isang tao na takot ka

mahusgahan.

Ang pagbibigay diin sa panlabas na kagandahan at pagiging kaakit-akit sa lalaki

ay nagiging resulta ng patriyarkiya. Inaalis nito ang mga tagumay ng kababaihan sa

pag-angkin ng sariling katawan at sa pagtuklas ng pagnanasa at libog. Ang pagsisikap

na ito ay tinatawag na karapatang sekswal at reproduktibo. [Dagdag Kaalaman] Dahil

sa nagbabagong panahon ngayon, pinag-uusapan na ang peminista/feminism. Hindi

pumapayag ang mga babae na kakaya-kayanin lang sila ng mga manyak at malibog na

lalaki kung kaya’t mayroong mga lumalaban

– pisikal man o adbokasiya. Usap-usap

ngayon sa social media na hindi dapat mag-

suot ng maikli ang mga babae. Mayroong

sabi si twitter user @darnitJC hinggil dito:

Liwanag at kagandahan sa lumang

kundiman

Maraming talasalitaan at mga kundiman ang tungkol sa kagandahan at liwanag. Mula

sa musika ni Nicanor Abelardo, titik ni Servando De los Angeles " Bituing marikit" na

ginamit noong 1937 film by Sampaguita puctures, isang kanta nagpapakita na ang

babae ay isang bituin na hindi maabot at may isang tao na humihiling sana ay

mabigyan ng liwanag. Hindi lang metapora sa romantikong pag ibig ang liwanag o ilaw.

Mula sa awit ng katipunero "kundimang jocelyn baliwag" ay kailangang maging

PAHINA 4 NG 17
matalinhaga para maiwasan ang mga malulupit na mga Espanyol. Ang dilag na

kanilang sinasabi ay ang ating bansa.

Sa isang magulang ang kagandahan ay tuwing nasisilayan nila ang kanyang mga anak

na siyang nagbibigay ng liwanag sa loob ng bahay kung kaya't hindi lamang puwedeng

itulad ang ningning ng iyong mahal sa liwanag nga araw, buwan at bituin.

Ayon naman sa mga ads, ikaw ay magiging maganda sa paningin ng iba kung ikaw ay

makinis, kaakit akit at seksi. Kung ating susuriin ang kundiman ay gumaganda ang

minamahal. At ang mga babae ay parang isang liwanag ng isang araw sa mata ng

kanyang sinisinta o minamahal. Ngunit sa ads bago ka mahalin kailangan mo muna

maging maganda at bumili ng mga pampaganda.

Kagandahang loob

Bawat isa ay may kanya kanyang katangian. May dalawang katangian: kagandahang

panloob at kagandahang panlabas. Ang kagandang loob ay hindi makukuha at mabibili

ng kung sino man dahil ito ay tumutukoy sa buong pagkatao, diwa, isip, gawa at mithiin

na siyang nagpapakita ng pagpapakatao at pagiging marespeto. Mula kay De Mesa,

ang pa loob na sarili ay buod ng buong pagkatao ng bawat isa dahil dito nakasalalay

ang kahalagaha ng tao. Ayon kay Miranda ang kagandahang loob ay kaialngan nating

pagyamin dahil ito ay lumilikha ng kagandahan para sa kapwa. Ayon naman kay

Estrada-Claudio, "self and other" ay isang batayan na ang isang babae ay ginagawa

lamang na bagay. At ang pakikipagkapwa ay makapangyarihang pangontra sa lahat.

Panawagan

Ang tradisyon noong sinaunang panahon ay hindi sapat na buhayin kung walang sapat

at tamang proseso ng pagsusuri. Ayon dito ang mga tradisyon o gawain ay ipinapasa

upang mas mapaunlad pa. Ibig sabihin lamang neto ay ito ang nagsisilbing gabay para

sa susunod na henerasyon na dapat natin iangkop sa mga oportunidad at problema.

Ngunit may karapatan din tayong sariwain at suruin ang mga tradisyon o kultura noon at

gawing makabago kasabay ng pagbago ng takbo ng lipunan. Hindi pupuwedeng gawin

PAHINA 5 NG 17
o isabuhay ang mga kultura noon ng walang pagbabago dahil nabubuhay na tayo sa

moderno at makabagong henerasyon. May mga kilusang nasyonalistang lumalaban sa

globalisasyon. Dahil nais ng mga pundamentalista na ibalik ang dating kultura, kawalan

ng demomrasya at ipaglakaban ang karapatan ng mga kababaihan. Ang konsepto ng

kagandahang loob at pakikipag kapwa ay dapat lang balikan upang makagawa ng

konsepto ng kagandahan. Ito ang konsepto na kailangan ng mga kababaihan na mas

kilalanin pa ang kanilang mga sarili, alamin ang mga karapatan at tuklasin ang kanilang

mga kakayahan. Bilang isang pilipino, kailangan nating pagyamanin ang kagandahang

loob upang makamit ang masagana at mapayapang bansa. Gusto ko din sabihin na

makakamit natin ang kapayapaan at kasaganahan kung sisimulan natin ito sa ating

sarili. Dahil kung kaya natin respetuhin at mahalin ang ating sarili magagwa din natin ito

sa ating kapwa na siyang magiging tulay upang umunlad ang ating bansa. Ito ang

nagpapakita kung ano ang tunay na kahulugan ng konsepto ng kagandahan at

kagandahang loob.

News Stories on Rape ni Claudio Sylvia


Rape as news

Sa bawat uri ng komunikasyon, kinakailangan na ang ipanababatid na impormasyon ay

makatotohanan para sa mga taong makakatanggap nito. Sa lagay ng mga kaso ng

panggagahasa, ang katotohanan sa impormasyon ay ipinababatid sa pormat ng balita.

Isang pag-aanalisa sa mga kwento ng karahasan mula sa siyam na pahayagan ang

isinagawa ng Women's Crisis Center (WCC), isang organisasyon para sa mga biktima

ng karahasan sa mga kababaihan. Sa 75 insidente ng panggagahasa mula sa clippings

sa buwan ng Agosto, 1990, dalawa dito ang may kaso ng pagpatay, 13 sa mga ito ang

naka-feature sa harapan ng mga pahayagan at nakasulat sa malalaki at pulang mga

letra, at nakasaad ang tungkol sa panggagahasang naganap. Sa unang pangungusap

ng balita ay karaniwang nakasaad ang mga pangunahing impormasyon: ano, sino, saan

at kailan naganap ang panggagahasa. Sinusundan naman ito ng mga pangungusap na

naglalaman ng mga relatibong impormasyon tungkol sa pangyayari - kagaya lamang

PAHINA 6 NG 17
din ng teknikal na pagsusulat ng balita. Sa kabilang banda, mayroong walong istorya

ang hindi sumunod sa pormat na nakasaad. Tatlo sa mga ito ang mayroong isang

pangungusap lamang, at ang natitirang lima ay may nakasaad na dalawang insidente

ng panggagahasa sa iisang ulo ng balita. Maaaring iberipika ang mga balitang ito ayon

sa mga impormasyong nakalagay, para sa isang mambabasang hindi lubos na

naniniwala sa balitang matatanggap. Bukod pa rito, mayroon pang ibang paraan ng

pag-aanalisa sa mga balita - sa pamamagitan ng mga ulo nito. Ang estruktura ng ulo ng

balita ay makaaapekto sa mambabasa sa kung ano ang nais bigyang pansin nito.

THE HEADLINE: A COGNITIVE-MORAL FRAMEWORK ON RAPE

Mula sa mga clippings noong Agosto, 1990, mapapansin na sa mga ulo ng balita ay

maihahanay ang tatlong uri ng impormasyong nais bigyang pansin sa balita:

1) ang detalye sa kaganapan ng panggagahasa;

2) katangian ng suspek, at

3) katangian ng biktima ng panggagahasa.

Ang tipikal na ulo ng balita sa mga kaso ng panggagahasa: Atsay Niluray ng Sekyu

(Maid Mangled by Security Guard) Mga ulo ng balita kung saan hindi binabanggit ang

biktima: Ginahasa ng Sakristan (Raped by a Sacristan) Mga ulo ng balita na hindi

binanggit ang mga kasangkot: Niluray sa Camposanto (Mangled in a Graveyard)

Niluray sa Ibabaw ng Nitso (Mangled Upon A Gravestone) Ang estruktura ng balita ay

mahalaga para sa mga mambabasa, sapagkat nakaaapekto ito sa persepsyon ng

mambabasa kung ano ang mahalagang impormasyon na nais bigyang pansin ng

tagapagsulat ng balita. Sa pamamagitan rin ng estruktura ng ulo ng balita, nakikiangkop

ang ating isip sa kung paanong ipinresenta sa atin ang balita. Sa nakasanayang

depinisyon ng panggagahasa, ito ay ang pagpipilit na makipagtalik sa isang babae ng

isang lalaki. Sa mga kaso ng mga lalaki na nakararanas ng panggagahasa, madalas ay

hindi ito pormal na nasasampahan ng kaso kung kaya't hindi rin pormal na nakikilala

bilang kaso ng panggagahasa. Dagdag pa rito, karamihan sa mga biktima ng

PAHINA 7 NG 17
panggagahasa ay mga kababaihan kung kaya't nagkaroon na ng stereotyping sa

ganitong konsepto. Ang magkakaibang ulo ng balita ay inaasahang awtomatikong

magpopormula ng mga hinuhang impormasyon mula sa mga mambabasa. Ang mga ulo

ng balita na hindi nagsasaad ng mga kasangkot sa naganap na pangyayari ay

dumadagdag lamang sa streotyping na nagaganap sa mga kaso ng panggagahasa.

The Survivor

Mayroong iba't-ibang termino ang ginamit sa biktima ng rape sa balita. Narito ang ilan:

Una ay base sa edad at Civil status tulad ng dalagita na may walong biktima,dalaga na

may dalawang biktima, 39 anyos na ginang at 17 anyos na dalaga na parehong mag

tig-isang biktima.Mayroon itong kabuuan na 12 na biktima.Sumunod naman ay base sa

okupasyon o trabaho; tsinay/atsay/katulong na may limang biktima,coed,estudyante at

saleslady na may tig-iisang biktima. Mayroong kabuuan na 8 biktima.Base nman sa

edad,ang mga termino ay bagets,9 anyos,8 anyos na pare-parehong may tig-dalawang

biktima,14 anyos,12 anyos at 5 anyos na may tig-iisang biktima.Mayroon itong kabuuan

na 9 na biktima. Base naman sa Civil status; misis na may dalawang biktima at biyuda

na may isang biktima na may kabuuan na 3 biktima.Kaugnayan sa suspek o

nanggahasa; pamangkin,apo at anak na may tig-iisang biktima at may kabuuan na 3

biktima.Base rin sa edad at kasarian; kabataang babae na may isang biktima.Base sa

edad at okupasyon; 17 anyos na kahera na may isang biktima. Base sa edad at

kapansanan; dalagang illiterate na may isang biktima.Base sa edad,civil status at

okupasyon; dalagang katulong na may isang biktima. Base sa kapansanan; isip-bata na

mayroong isang biktima.Bilang isang biktima; rape victim na may isang biktima at ang

huli ay base sa kinilos; tumanggi sa kasal na may isang biktima. Ang kabuuang bilang

ng mga biktima ay 42. Ang sumunod ay ang mga deskripsyon ng biktima ng

panggagahasa na nangunguna sa mga artikulo.Una ay edad at civil status;13/14/15

taong gulang (anyos) na dalagita na may limang biktima, 15 anyos na dalaga at 17-26

anyos na dalaga na may parehong tig-isang biktima, dalaga na mayroong apat na

biktima, dalagita na mayroong anim na biktima at 39 anyos na ginang na may isang

PAHINA 8 NG 17
biktima.Mayroon itong kabuuan na 18 na biktima.Sunod ay edad at okupasyon; 12

anyos na school grader at 15 anyos na working student na parehong may tig-isang

biktima. 14/15/18 anyos na may tatlong biktima. 18 anyos na coed at 18 anyos na

saleslady na may tig-iisang biktima.Mayroon naman itong kabuuan na 7 biktima.Sa

edad nman at kasarian; 9/10 na taong gulang na batang babae na may apat na biktima,

19 anyos na babae na may isang biktima at may kabuuan itong 5 biktima. Sa civil

status,edad at pisikal na katangian; magandang dalagita at magandang dalaga na may

tig-dalawang biktima na may kabuuang 4 na biktima. Sa okupasyon naman; isang

katulong na may tatlong biktima at mag-aaral na may 1 biktima.Mayroon itong

kabuuang 4 na biktima o bilang. Relasyon sa nanggahasa;kanyang kasintahan,kanyang

sariling anak,dalawa nilang anak at apo na mayroong tig-iisang bilang na may kabuuan

na 4 na biktima. Sa civil status naman ay ginang na may tatlong bilang at biyuda na

may isang bilang na mayroong kabuuan na 4. Sa pisikal na katangian at okupasyon;

magandang katulong na may 3 bilang. Sa pisikal na katangian naman ay murang

katawan na may 2 bilang.Mayroon naman sa edad at pisikal na katangian; 14 anyos na

mura ang katawan at may edad ngunit maganda na parehong may tig-isang bilang at

may kabuuan na 2. Sa edad at kapansanan; 18 anyos na mentally retarded at 20 anyis

na pipi at bingi na may tig-isang bilang na may kabuuan na 2.Sunod ay ang

edad,relasyon sa nanggahasa at civil status; 14 taong gulang na anak na dalagita at 5

anyos na anak na babae na parehas may tig-isang bilang at may kabuaan na 2. Sa

edad,kapansanan at civil status; dalagang retarded na may isang bilang. Sa edad,civil

status at reproductive status; 17 anyos na dalagang ina na may isang bilang.Sunod ay

edad,okupasyon at pisikal na katangian; 16 anyos na mestisang estudyante na may

isang bilang. Base sa kasarian; isang babae na mayroong isang bilang. Base sa edad;

16 anyos na bagets na may isang bilang.At ang huli ay ang edad,civil status at lahi; 15

anyos na dalagitang bombay na may isang bilang. May kabuuang bilang ang lahat na

63. Ang biktima naman nagmukhang kaawa-awa.Narito namang ang ilang terminong

binigyang pansin. Luhaan/dumulog/luhaang dumulog/ kapus-palad na dumulog na may

walong bilang.Duguan at gula-gulanit ang damit,dumanas ng matintinding

PAHINA 9 NG 17
kamalasan,naging kalunos-lunos ang sinapit,dumanas ng mapait na karanasan,walang

awang pinagsamantalahan, walang awang ginahasa at natagpuang nakatimbuwang na

may tig-iisang bilang.Ang kabuuan ng lahat ay 15. Sumunod naman ay ang biktiman ay

walang kamalayan.Natutulog/mahimbing na natutulog na mat tatlong bilang. Hindi sukat

akalain na may isang bilang at ang kabuuan ng lahat ay 4. Ang ilan sa mga direktang

sinabi ng mga kababaihang nakaligtas sa panggagahasa ay "hindi ko akalain!",

"masakit po iyan!", at "huwag po, maawa kayo!" na may tig-iisang bilang kaya't may

total na tatlong biktima. Sa kabilang banda, ayon naman sa rapist ay sabik na

makatikim ng balot ang kanilang biktima. Ito ay may isang bilang lamang. Ang bilang ng

kabuuan ay umabot ng 86. Sampu sa mga naiulat ay hindi pinangalanan ang mga

nakaligtas. Sa halip ay tinawag na lamang silang mga dalaga, dalagita at paslit.

Mayroon pang ilang dinagdag sa pagbibigay-larawan sa katawan ng balita. Ang una ay

dumulog, luhaang dumulog at luhaang magreklamo. Ito ay may bilang na sampu.

Sumunod naman ay ang musmos, paslit at biktimang kalong pa ng ama na may tatlong

bilang, nagtamo ng mga impeksyon na may tatlo ring bilang. Ang mga sumunod ay ang

walang awang pinagsamantalahan, grade 2 lang ang naabot sanhi ng sakit na asthma

at kahirapan at iba pa na may tig-iisang bilang. Bukod pa rito, bingyang-larawan din ang

katawan o parte ng katawan ng nakaligtas. Una ay ang maselamg bahagi ng kanyang

katawan na may limang bilang. Sumunod ay kanyang kaselanan at murang katawan na

may tig-dalawang bilang. At ang panghuli ay nananakit ang kanyang pagkababae na

may isa lamang na bilang. Ang kabuuan ng bilang ay sampu. Ito ay mga ebidensya na

ang isang babae ang ginahasa.

The Rapist

Mayroong ilang terminong ginamit upang bigyang larawan ang nanggahasa o

nanghalay sa balita. Ang una ay ang relasyon ng nanggahasa sa biktima:

1. Tiyuhin/tiyo/tiyong na may anim na bilang

2. Ama na may apat na bilang

3. Lolo at Amain na may tig- tatlong bilang

PAHINA 10 NG 17
4. Amo na may dalawang bilang at;

5. Anak ng amo, kapatid ng amo, kamag-aral, kaibigan, byfriend at dating boyfriend

na may tig-iisang bilang.

Pangalawa naman ay ang maaaring problema sa pag-iisip dulot na rin ng kanilang

ginagawa. Ang mga terminong ito ay “thrill killer”, manyakis, addict at drug addict,

Pangatlo ay base naman sa trabaho o okupasyon. Ang ilan sa mga termino ay

“serviceman”, tricycle driver, sakristan at sekyu. Pang-apat naman na pinagbasehan ay

ang bilang ng mga manggagahasa tulad ng salitang tropa at apat. Sunod na

pinagbasehan ay ang “race” o lahi ng nanggahasa. Mayroon lamang itong isang

termino at iyun ay ang salitang kano. Kolokyal na salita na ginagamit upang bigyang

identidad ang isang tao naninirahan sa Pilipinas ngunit iba ang nasyonalidad. Pang-

anim ay ang lahi at relasyon sa biktima tulad ng salitang among Intsik. Kasunod na

pinagbasehan ay ang edad. Ang terminong kasama dito ay ang salitang bagets.

Pangwalo ay ang kapansanan at relasyon sa biktima. Ginamit dito ang terminong piping

ama. Pangsiyam na pinagbasehan ay ang Psychopathology at relasyon sa biktima. Ang

termino dito ay manyakis na ama. At ang panghuli ay ang pagbase sa pagkilos upang

maganap ang krimen at iyun ay ang nagkunwaring maghatid ng package. Binigyang

deskripisyon din ang katangian ng suspek. Katulad mga salitang hayok sa laman, thrill

killer, manyakis, sex maniac, nanabik sa asawa, maton, matanda, pipi, istambay at

overseas worker. Para sa pagkakilanlan ng suspek, labing apat lamang ang nakilala sa

isang personal na detalye. Ang pito sa ibang reports ay hindi nakilala ang rapists sa

pangalan subalit binigyang pagkakilala tulad ng pamangkin ng amo, manyakis, thrill

killer, salarin, umano’y drug addict at pinaghihinalaang sex maniac.

Kung susuriin ng mabuti ang mga datos, makikita na madalas sa mga pagkakakilanlan

ng suspek ay iyung mayroong kaugnayan o relasyon sa biktima na tunay na

nakakabahala. Minsan kung sino pa itong ating lubos na inirerespeto, at ang mga taong

matagumpay na sa buhay ay siya ring gumagawa ng mga kalunos lunos na krimen.

Kalimitan sa mga babae ay nagagahasa ng mga kakilala o karelasyon nila.

PAHINA 11 NG 17
The Rape

Ang panggagahasa ay gawaing illegal na nagmimistulang salot o panira sa seksualidad

ng bawat kababaihan o kahit pa ng ilang mga kalalakihan na naging biktima nito. Ayon

sa mga kaso na naitamo patungkol dito, ang panggagahasa ay pinakalaganap o

karaniwan na klase ng pang aabuso partikular sa mga kababaihan. Mayroong ilang

terminong ginamit upang bigyang-larawan ang panggagahasa sa mga balita. Ang una

ay ang ginahasa/ipinagahasa/nanggahasa at ipina-rape na sinasabing may tatlumpung

biktima. Sumunod ang terminong niluray na may labing-apat na biktima, binuntis na

mayroong lima, hinalay at inabuso na parehong mayroong dalawang biktima. Kaugnay

din ang nilaspag, naglaro, ginamit, inanakan, nagmistulang sex slave at iba pa na

mayroong tig iisang biktima. Ang total ng mga biktima ay may kabuuan na 63. Para

naman sa katawan ng balita, mayroon ding nagbigay larawan sa panggagahasa. Una

ay ang mga terminong tumutukoy sa direktang panggagahasa at pang-aabuso. Ito ay

ang ginahasa at panggagahasa may dalawampu't-isang biktima. Kasunod naman ay

ang panghahalay na mayroong labing-anim na biktima, pang-aabuso na may labing-

dalawang biktima, pinagsamantalahan na mayroong pito. At ang panghuli ay ang

magtalik na mayroong isang biktima. Ang total nito ay limampu't-pitong biktima.

Pangalawa naman sa katawan ng balita ay ang pagbibigay ng isang aktibong papel sa

rapist sa pagsasagawa ng maling pagnanasa. Ito ay ang pagpaparaos na mayroong

anim, pagsasakatuparan ng maitim na hangarin na mayroong lima, gumawa ng

kahalayan na may tatlo. Kasunod ay ang sapilitang nakipagniig at pinagpasasaan na

parehas mayroong dalawang biktima. At ang huli ay ang kagustuhang magtagumpay at

maisakatuparan ang insidente na parehas mayroong isang biktima. Sa ikatlong bahagi

ng katawan ng balita ay tumutukoy sa mga terminong paggamit at ginapang na

mayroong tig-dalawang biktima. Sumunod ay ang pagpatong, naglano, tinyempuhan,

sinipingan at iba pa na mayroong tig-iisang biktima. Ang total ay umabot sa labing-

dalawa. Pang-apat ay ang pagbibigay diin sa kahalagahan ng mga nakaligtas sa

PAHINA 12 NG 17
panggagahasa. Ito ay ang pagpapasasa sa murang katawan na mayroong tatlong

biktima. Sumunod ay ang kalapastanganan at nailugso ang puri na parehas mayroong

dalawang biktima. At ang panghuli ay ang mga terminong pinigtal ang kamuraan at

winasak ang kaselanan na mayroong tig-isang biktima. Ang total ay siyam. Panglima ay

ang pagbibigay naman ng diin sa pagkababae. Una rito ang terminong kinuha ang

pagkababae na my dalawang biktima. Sumunod ay ang nailugso ang pagkababae at

pinagsamantalahan ang pagkababae na mayroong tig-isang biktima. Kabilang naman

sa pang-anim ay ang mga terminong niluray na may tatlong biktima, nagmistulang sex

slave at kababuyan na mayroong tig-isang biktima. Ang kabuuan ng mga biktima ay

lima. Pangpito ay ang pagbibigay ng paghatol ukol sa panggagahasa. Saklaw nito ang

mga terminong walang awang pinilahan o pinagsamantalahan na mayroong dalawang

biktima. Kasunod naman ay ang masaklap na pangyayari at karumal-dumal na gawain

na mayroong tig-isang biktima. Pangwalo ay ang pagbibigay naman ng diin sa genitalya

ng gumahasa at ito ay ang pagpasok ng kanyang pagkalalaki na mayroon lamang na

isang bilang. Ang panghuli ay ang pagbibigay diin sa mga nabiktima. Ang termino ay

bumiktima na mayroong isang bilang. Ang lahat ng kabuuan ng bilang ay umabot sa

151. Malinaw na ipinahahayag ng mga datos sa balita na ang panggahasa ay laganap

at ito ay isang bayolenteng gawain kadalasan ng mga kalalakihan na may malalim na

pagnanasa sa mga walang kalaban-laban na kababaihan. Ang mga kababaihan na

nakararanas ng ganitong sitwasyon ay nakararanas din ng pagkawala ng dignidad at

karangalan.

Victim and Suspect: Why the Rape Happened But No One Did It

Sa krimen ng rape, dalawa ang kabilang sa istorya---

ang suspek at ang biktima. Sa balita, a ng mga

salitang ito ang lagi nating naririnig. Upang mas

palawakin ang paggamit ng salita na ito, ayon kayo

Sylvia, ang salitang “biktima” ay nangangahulugan na

mayroong naganap na rape samantalang ang salitang

PAHINA 13 NG 17
“suspek” ay nagbibigay ng kalituhan sa kung sino ang tunay na biktima. Ang

katotohanang ito ay nagaganap sa ating lipunan kung saan ang mga rapist ay hindi

tuluyang umaamin sa rape dahil sila ay “suspek” lamang. Nakakalungkot isipin na ang

lipunan at ang legal na sistema ay mas naniniwala sa hindi pagamin ng mga ito. Ayon

sa istatistika, mas maraming rapists ang malaya kaysa sa mga nasa kulungan. Ang

pangyayaring ito ay nagdudulot ng isang positibong epekto na nais ng mga aktibista sa

Karapatan ng mga kababaihan—Ang mass terror. Kung saan nabubuhay ang

kababaihan sa takot sa rape. Ang paggamit ng alyas ay nangangahulugan na maaaring

ako o ikaw ang sangkot sa krimen, biktima o suspek man. Kung ang mga suspek ay

mananatiling suspek lamang, siguro ang mga tunay na suspek ay malayang

nagpapakasaya sa buhay matapos masira ang dignidad, pagkababae at buhay ng

kaniyang biktima.

Sexism and Discursive Strategies

Tinutukoy ng bahaging ito ang apat na istratehiya na ginagamit ng mga nagbabalita sa

kanilang mga report upang tupdin ang tamang gawain at kaugalian sa pamamahayag.

Una, ang paggamit ng alyas upang maitago ang identidad ng mga biktima na

nakaliligtas mula sa panggagahasa. Nakatutulong ang paggamit ng alyas dahil hindi

lamang nito pinoprotektahan ang pagkakakilanlan at pagkatao ng biktima bagkus ay

iniiwas din sila nito mula sa diskriminasyon at iba pang sakit mapasosyal na maaari

nilang harapin. Nagbigay ng dalawang pangkalahatang deskripsiyon ang pagsusuri

patungkol sa uri ng mga babaeng nabibiktima ng panggagahasa: mapagbigay at

pakipot. Ang mapagbigay ay ang mga babaeng nasisiyahan sa gawain panseksuwal

gaya ng pakikipag-relasyon, mapang-akit kaya napagsasamatalahan. Pakipot naman

ang tawag kung ang isang babae ay tila ba itinatago ang kanyang interes sa gawaing

sekswal. Sinasabi na ang "virgin" ay kanais-nais na katangian para sa kababaihan. Ang

virgin o birhen ay ang mga kababaihang iniingatan ang kanilang mga puri. Ikalawa sa

sa mga istratehiya ay ang paggamit ng terminong suspect (suspek) bilang paglalarawan

sa mga taong maaring nagsasagawa ng kahalay halay na gawaing ito. Ayon dito,

PAHINA 14 NG 17
ginagamit ang katagang suspek upang mabigyan ng karapatan at hindi agaran

husgahan ang isang pinararatangan na may sala hanggat 'di pa napatutunayan na siya

nga ang salarin. Ikatlo, ay paggamit ng salitang "umano". Ikaapat, ay ang pagkuha ng

mga tunay na inpormasyon na kanilang ipinihahayag mula sa mga survivor, kanilang

kamag-anak, nakatataas na awtoridad gaya ng mga pulis at ibang taong mayroong

gampanin o sangkot sa pangyayari. Ginagamit nila ang "ayon kay" (according to;

narrated by). Sa bahaging ito gumagamit sila ng testimonya na kadalasan ay

nanggagaling mula mismo sa biktima. Ang ilan sa mga salitang o pahayag mula sa mga

testimonyang nakakalap ay nagpapakita ng pagiging inosente ng mga biktima gaya na

lamang ng "Huwag po, Tiyong." Pinapakita na sa kabila ng nagaganap na kahalayan ay

lumalabas pa rin ang pag-galang ng biktima sa salarin, dagdag pa rito, kapansin-pansin

ang pagiging walang muwang at kawalang-kaya ng mga biktima. Binigyang-kahulugan

ang "Discursive Strategies" bilang report na nakasunod sa pamantayan gawain at

kaugalian ng isang mabuting pagpapahayag

Class Discrimination, Sexism and Sexuality at Men and the Suspicion of Rape

Hindi lamang naapektuhan ng teksto ang kahulugan ng mga kaganapan ngunit

nagbibigay rin ito ng pansariling persepsiyon o pananaw patungkol sa kalikasan ng mga

tao. Sa mga storyang patungkol sa rape, ipinakikita ang seksuwalidad, pagkato at

kalikasan ng mga kababaihan at kalalakihan. Hindi mo maitatanggi na sa panahon

ngayon ay ikaw na ang nabiktima at nasiraan ng dignidad ay ikaw pa ang may

kasalanan o ang tinatawag ng lahat na “victim blaming”. Sa unang hinalimbawa ng

awtor, mababatid na tila nakaiinsulto ang ilan sa terminong ginamit sa pagsasalaysay

ng kaganapan sa isang rape case. Base sa istruktura ng salita na nakaiinsulto,

mahihinuha natin na ang ibig palabasin ng mamamahayag ay ang "biktima ang may

sala" at tila sya pa ang nasisi. Sinong babae ang gugustuhing mapagsamantalahan na

lang ng kung sino sino? Wala, hindi sapat na dahilan na bumili ako ng balut at pag nag

suot ako ng maikling damit ay maaari na lamang akong bastusin ng kung sinong lalake

na mayroong makasariling pangangailangan. Laganap na sa panahon ngayon ang kaso

PAHINA 15 NG 17
ng panggagahasa at nakalulungkot isipin na pati sa ganitong isyu ay nagkakaroon ng

diskriminasyon. Sa pagpapakalat ng balita, ang mga mamamahayag ay nagkakaroon

ng bias na pagtingin sa pagitan ng naggahasa at biktima. Sa ikalawang bahagi naman,

sa kwentong rape na pinamagatang "Nasabik kay Misis, Bagets Binuntis". Ipinahahayag

ang dahilan kung bakit nagawa ng lalaki ang krimen. Ginagawa itong excuse ng may

sala sa kanyang nagawang kahalayan. Ipinakikita rito na dahil likas na sa lalaki ang

pagkakaroon ng sekswal desire at sa kasong ito ay kailangan nyang ilabas ang desire

na iyon sa kanyang sexual partner, sa kadahilanang wala ang misis upang ibigay ang

kanyang kagustuhan ay mayroon dapat na magbigay niyon para sa kanya. Isa sa mga

pangunahing dahilan ng panggagahasa ng isang lalaki ay dahil sa kaniyang seksuwal

na pangangailangan at sa pahiwatig na kailangan ito ilabas ngunit may mga

pagkakataon na ang asawa ay wala sapagkat halimbawa ay nagtatrabaho ito sa abroad

kaya ang resulta ay panggagahasa sa kung sino ang mapiling babae. Ang

nakakapanlumo sa sitwasyon na ito ay habang ang babae ay nagsasakripisyo para

mabuhay, ang lalaki naman ay hindi magkaroon ng kontrol at nagiging makasarili. Dito

ay nagkakaroon ng pagkasalungat sa seksuwalidad sa paraan na imbes na kamuhian

at tignan bilang krimen ang panggagahasa ay sinasabi pa na dala lang ng hayok na

laman. Isa pa sa mga dahilan na nagpapakita ng diskriminasyon para sa mga biktima

ng panggagahasa ay ang pagtingin sa puri at pagiging birhen. Ito ang nagiging

depinisyon ng panggagahasa na pag nakuha na nito ang puri na pinahahalagahan ng

mga babae ay bababa na ang pagtingin sayo at maaari ka na lang gawan ng hindi

kanais nais na bagay. Mas malawak pa sa mga mababasa mo sa dyaryo ang kwento

ng bawat biktima. Inilarawan na ang mga rape survivors ay karamihang nakararanas ng

kahihiyan, pangmamaliit at pagbaba ng tingin sa sarili bilang tao. Inilalarawan ng

lipunan at kultura ang mga "rapist" at mga suspisyon patungkol sa kanila. Una, ang mga

rapist ay mayroon sakit sa pag-iisip, kadalasan sila ay mga adik sa droga o di kaya ay

lango sa alak na sabik sa gawaing makalaman. Bukod pa rito, wala silang kontrol sa

kanilang seksuwal na pagnanasa na tumataliwas sa stereotype ng lipunan na ang mga

lalaki ay mayroong pansariling kontrol at disiplina. Marami pa ang dapat tignan sa

PAHINA 16 NG 17
bawat anggulo ng pangyayaring kanilang inilahad. Masakit at malaking trauma ang

naidudulot nito sa mga biktima kaya kailanman hindi dapat magkaroon ng pagiisip na

karapat dapat silang gahasain dahil lamang sa tawag ng laman at hindi dapat

kailanman magkaroon ng pagpapapugay sa panggagahasa. Ang ganitong klaseng

bagay ay dapat inilulugar dahil ang bawat babae, kagaya ng iyong Ina ay dapat

respetuhin

PAHINA 17 NG 17

You might also like