You are on page 1of 9

EPP 5

Quarter 1

Modyul 18
Pagtutuos ng
puhunan, gastos
at kita
E.P.P Agrikultura– Ikalimang Baitang
Unang Markahan – Modyul 1: Pagtutuos ng Puhunan at Gastos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marites V. Rojo
Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, OIC – Schools Division
Superintendent
Aurelio G. Alfonso, Ed. D., OIC - Assistant Schools Division
Superintendent
Victor M. Javeña, Ed. D. Chief – School Governance & Operations
Division & OIC – Chief Curriculum Implementation
Division
Education Program Supervisors
1. Librada L. Agon, Ed. D., EPP/TLE
2. Liza A. Alvarez, Science
3. Bernard R. Balitao, Araling Panlipunan
4. Joselito E. Calios, English
5. Norlyn D. Conde, Ed. D., MAPEH
6. Wilma Q. Del Rosario, LRMS
7. Ma. Teresita E. Herrera,Ed. D., Filipino
8. Perlita M. Ignacio, Ph. D., ESP/SPED
Department of Education – Dibisyon Ng Pasig City
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax:
E-mail Address:
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (E.P.P Agrikultura 5) Modyul ukol sa (Pagtutuos
ng Puhunan,Gastos at Kita ) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makympleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito. 

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
psmpagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral

MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito sa modyul ang mga-aaral ay inaasahang:


matutuos ang puhunan, gastos at kita.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Gamitin ang mga sumusunod na pormula sa pagkukuwenta ng kabuuang


tubo at netong tubo.
Pinagbilhan- Puhunan= Kabuuang tubo
Kabuuang tubo-Mga gastos= Netong tubo

Pinagbilhan Puhunan Kabuuang Mga Gastos Netong Tubo


(Php) (Php) Tubo (Php) (Php) (Php)
1. 750.00 630.00 20.00
2. 440.00 325.00 15.00
3. 875.00 655.00 30.00
4. 685.00 380.00 25.00
5. 545.00 414.00 28.00

BALIK-ARAL

May natatandaan ka ba sa nakaraang aralin?


Ano-ano ang mga istratehiyang maaaari mong gawin upang maisapamilihan ang
iyong inalagaang hayop/isda.?
ARALIN

Pagtutuos ng Puhunan, Gastos at Kita


Ngayon naman ay gusto kong matutunan mo kung paano mag magtuos o
magkwenta upang masiguro kung may kinikita sa ibinibentang hayop.
Upang malaman ni Mang Ramon at Aling Solie ang kanilang tubo o kinita, gumawa
rin sila ng buod na talaan ng gastos at kita.
Narito ang ginawa nila.

Kabuuang Gastos at Kinita


Inalagaang Kabuuang Kabuuang Kabuuang Kita o
Hayop Benta Gastos Tubo
Tilapya 865.00 350.00 515.00
Bangus 1,750.00 545.00 1,205.00
Manok 2,343.00 836.50 1,506.50
Kabuuan 4,958.00 1,731.50 3,226.50

Tingnan ang talaan ng gastos at kinita sa mga inalagaang hayop nina Mang Ramon
at Aling Solie. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Anu- anong mga hayop ang inlagaan nina Mang Ramon at Aling Solie?
2. Anong hayop ang may pinakamalaking benta? Pinakamababang benta?
3. Sa anong hayop sila may malaking gastos?
4. Sa palagay mo bakit nakapagtakda sila ng mataas na presyo sa kanilang
inalagaang hayop?
5. Ano ang masasabi mo sa kanilang kinita?
6. Paano mo kukuwentahin kung magkano ang iyong kinita?

Sa kabuuang kita nila, naisip ng mag-asawa na ideposito sa isang bangko


ang 20% nito.

Ganito ang pagtutuos ng kita.

1. Itala ang lahat ng ginastos at halaga ng pinagbilhan.


2. Mula sa halaga ng pinagbilhan, ibawas ang halaga ng mga ginastos.
3. Ang halagang natitira ay iyong tubo/kita o kaya lugi ng ginawang
pagbebenta.

Halimbawa Tilapya kabuuang benta P 865.00


Kabuuang gastos - 350.00
Kabuuang kita/tubo P 515.00
Bangus kabuuang benta P 1,750.00
Kabuuang gastos - 545.00
Kabuuang kita P 1,205.00

Manok kabuuang benta P 2,343.00


Kabuuang gastos - 836.50
Kabuuang kita P 1,506.50

kabuuang benta ng lahat ng hayop P 4,958.00


Kabuuang gastos ng lahat ng hayop - 1,731.50
Kabuuang kita P 3,226.50

MGA PAGSASANAY

Panuto: Tuusin ang mga gastos at kikitain sa sumusunod:

A. Talaan ng Gastusin
Halaga ng mga pananim P 900.00
Halaga ng pataba, pamatay peste at kulisap 200.00
Bayad sa Serbisyo o paglilingkod 400.00
Iba pang gastusin 100.00
P

Halaga ng Pinagbilhan
2 pasong cactus P 1,500.00
5 pasong rosal 1,200.00
3 pasong daisy 150.00
2 pasong gumamela 200.00
P

Halaga ng pinagbilhan P________


Halaga ng gastusin - ________
Kita o Tubo P _________
PAGLALAHAT

Sa talaan ng puhunan at ginastos, dito malalaman ng isang nagnenegosyo kung


saan siya kumita o nalulugi. Kailangan marunong siyang magkuwenta o magtuos
Ganito ang payak na pagtutuos ng kita. Itala ang halaga ng pinagbilhan ng
produkto. Ibawas ang pinagkagastusan. Ang natirang halaga o pera ay tinatawag
na kita o tubo o kaya lugi ng ginawang pagbebenta.

PAGPAPAHALAGA

Mag impok tayo ng pera para sa ating pamilya, para maibigay natin ang kanilang
mga pangangailangan. Kung dumating ang oras na tayo ay magigipit may
mahuhugot tayo.Sabi nga, ‘‘kapag may isinuksok may madudukot”.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto : Basahin at unawain ang sumusunod na kuwento. Sagutin an gang mga


tanong. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.
May alagang 5 biik si Christian. Binili nya ng Php 1,300.00 ang bawat isa.
Inalagaan niya iyon ng apat na buwan. Nagkagastos siya ng Php 7,600.00 sa
gamut at pagkain. Ipinagbili niya ng Php 12,400.00 ang tatlo at Php 6,980 ang
dalawa.
1. Magkano ang halaga ng lahat ng biik na inaalagaan niya?
A. 2,500.00 C. 6,000.00
B. 7,600.00 D. 6,500.00
2. Magkano ang nagastos niya sa pagkain at gamot?
A. 7,000.00 C. 6,500.00
B. 7,600.00 D. 7,500..00
3. Magkano lahat ang nagastos niya sa limang baboy?
A. 14,000.00 C. 12,000.00
B. 14,100.00 D. 13,000.00
4. Magkano ang kanyang tinubo?
A.5,000.00 C. 5,000.00
B. 5,280.00 D. 6280.00
5. Sa palagay magkano kada buwan ang kunsumo o gastos niya gamut at
pagkain sa mga alaga niyang biik?
A. 1,000.00 C. 2,000.00
B. 1,800.00 D. 1,900.00

SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsubok:
Kabuuang tubo Netong Tubo
120 100
115 100
220 190
305 280
131 103

Balik Aral
1. Pagbebenta sa palengke
2. Online selling
Aralin
1. Ang mga inalagaan nilang hayop ay tilapia, bangus, at manok.
2. Manok, tilapia
3. Manok
4. Dahil mataas din ang gastos o puhunan.
5. Malaki rin ang kinita nila.
6. Kuwentahin ang kabuuang benta, ibawas ang gastos at ang natirang
halaga nag kita o tubo.

Pagsasanay:

Halaga ng pinagbilhan P 3,050.00


Halaga ng gastusin - 1,600.00
Kita o Tubo P 1,450.00
SANGGUNIAN

1. Cleofe del Castillo et al., Makabuluhang Gawaing


Pantahanan at Pangkabuhayan,Adriana Publishing Co.,
INC.2003
2. Susana V. Guinea, Ma. Gilmina G. Sotoya Makabuluhang
Gawaing Pantahan at Pangkabuhayan, Adriana Publishing
Co., INC., 2015
3. https://wwe.coursehero.com., paraan ng pagtutuos ng
puhunan, gastos at kita

You might also like