You are on page 1of 5

Enclosure 4.

Teacher-made Learner’s Home Task


School: LATABAN NATIONAL HIGH SCHOOL Date: _______________________________
Grade/Section: GRADE 8 Subject Area/s: FILIPINO 8

I. MELC: F8PT-Ia-c-19- Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na pahayag


na ginamit sa tula ayon sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan
II. Objective/s:
Knowledge: Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na pahayag
na ginamit sa tula ayon sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan
Skills: Nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga salitang binigyang-kahulugan
Values/Attitude: Naaangkop ang tamang kahulugan sa bawat salita.

III. Subject Matter: Eupemistikong Pahayag


IV. References: Pintig ng Lahing Pilipino 8 (ikalawang edisyon)

V. Procedure:
A. Readings
Ang Magsasaka
Ni Julian Cruz Balmaceda

Sa maghapong singkad ikaw’y nasa-linang


Sulong mo’y ararong batak ng kalabaw.
Di mo pinapansin ang lamig at ginaw,
Ang basal ng lupa’y mabungkal mo lamang.

Iyong isinabog ang binhi sa lupa


Na ikalulunas ng iyong dalita;
Tag-ani’y dumating sa dili-kawasa
Lahat ng hirap mo’y nabihis ng tuwa.

Anupa’t ang bawat butil


Ng bigas na naging kanin
Sa isip at diwa nami’y
May aral na itinanim.

Iya’y tunay na larawan


Ng lahat mong kapaguran
Bawat butil na masayang
Ay pintig ng iyong buhay.

Kaya nga’t sa aming puso’t dilidili,


Nakintal ang isang ginintuang sabi;
Sa lahat at bawat bayaning lalaki
Ikaw, magsasaka, ang lalong bayani.
B. Exercises for skill subjects / Analysis questions using HOTS for content subjects
Gawain 1 Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1. Sa tulang binasa, paano mo ilalarawan ang magsasaka?
2. Naniniwala ka ba na ang magsasaka at ang palay ang pag-asa ng mga tao? Bigyang-katwiran
ang iyong sagot.
3. Anong mahalagang kaisipan ang iyong natutuhan sa binasang tula?

Gawain 2 Hanapin sa kahon ang salitang tinutukoy o binibigyang-kahulugan at isulat ito sa katapat
na linya ng bawat bilang.

Hila lumago isipan tagtuyot

Puno lupain punla nakintal

Maaksaya bumukod

__________1. Bawat butil na masayang


__________2. Panahon na walang ulan
__________3. Humiwalay sa mga kasama
_________4. Natanim sa isipan
_________5. Isinabong ang binhi sa lupa
_________6. Lumawak ang kanilang pananim
_________7. Hitik sa bunga
_________8. Ararong hatak ng kalabaw
_________9. Malawak na kabukiran
_________10. Sa aming puso’t dili-dili

C. Assessment/ Application
Panuto: Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salitang nilinang sa Gawain 2.
1. masayang-
2. Panahon na walang ulan-
3. Humiwalay-
4. Natanim-
5. Binhi-
6. Lumawak-
7. Hitik-
8. hatak-
9. kabukiran-
10. dili-dili-
Prepared by: FARRAH CHLOE B. UGHOC
Teacher Verified by: MARYLUZ T. CANEN
School Head
Enclosure 4. Teacher-made Learner’s Home Task

School: Date:
Grade & Section: Subject Area:

I. MELC

Knowledge:
II. Objectives: Skill:
Values/Attitude:
III. Subject Matter:
IV. References:

A. Readings

B. Exercises for
skill subjects /
Analysis
V. Procedure: questions
using HOTS
for content
subjects

C. Assessment/
Application

Prepared by: ____________________________


Teacher Verified by: ___________________________
School Head

You might also like