Ang pagkakaiba ng aming literatura sa unang litaratura ay ang gamit nilang teknolohiya ay laptop at
tablet samantalang sa amin ay cellphone lamang. Ang pakakaparehas naman ay may nilagay na
magandang epekto ang teknolohiya.
Sa pangalawang literatura naman, ang pagkakaiba ay nakatutok lamang sila sa epekto ng teknolohiya
pag-aaral samantalang sa amin ay hindi lamang nakapokus sa pag-aaral kundi pati na rin sa epekto nito
sa pamilya, kalusugan at ugali. Ang pagkakaparehas naman ay parehong may nakalagay na negatibong
epekto.
Sa pangatlong literatura naman, ang pagkakaiba ay ibinibigay nila ang mga positibo at magandang
nagagawa ng teknolohiya sa mga magaaral at sa amin ay puro negatibong epekto nito. Ang
pagkakaparehas naman ay parehas na tungkol sa pagamit ng teknolohiya sa pagaaral ng mga istudyante.
Sa ikapat na literatura naman, sinasabi nila na ang paggamit ng gadyet at ay nagiging sanhi ng
pangingisay at ang amin ay epekto nito sa pagaaral at pakikitungo ng istudyante na gumagamit ng
teknolohiya. Ang pagkakaparehas naman ay parehas na nagbibigay ng negatibong epekto nito sa
magaaral.
Sa ikalimang literatura sinasabi nila na malaki ang naitutulong at malaki ang binabago nito sa buhay ng
bawat tao at napapabilis ang paggwa ng mga bagay at sa amin ay ang magiging negatibong epekto at
pagbabago ng paggamit ng maga magaaral ng teknolohiya. Ang pagkakaparehas naman ay parehong
nagbibigay ng nagiging epekto ng paggamit ng teknolohiya.
Study
Ang pagkakaiba ng aming study sa kanila ay sinasabi nila na nawawala na ang quality time ng mga
kabataan sa pag-aaral samantalang sa amin ay hindi lamang sa pag-aaral kundi pati narin sa pamilya at
pagkain. Ang pagkakaparehas naman ay masasabi na ang teknolohiya ay isang daan para makausap ang
mga malalayong kamag-anak at kaibigan.