Teorya at Akda

You might also like

You are on page 1of 5

p

MGA TEORYANG
PAMPANITIKAN
Panunuring Pampanitikan

BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION MAJOR IN FILIPINO 3

SUZETTE MARIE A. ARIAS


EDWIN G. PELONIO, JR.

16 HULYO 2015
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE - CALABANGA
Calabanga, Camarines Sur
Teorya Katangian Halimbawa
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan
o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig
sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa
buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga
“pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga


akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat o
Bayograpikal sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating
nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang
ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa
kanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang
mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng
may-akda upang masmapaganda pa nito ang
paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan
din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang
kababasaan ito ng kanyang pananaw patungkol sa
mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan


ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa
kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais
din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo.

Ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at


pag-unlad ng wikang ginamit sa mga akdang
Historikal
pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga
pagbabago sa paggamit ng mga salitang naaayon sa
panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga
pagbabagong nagaganap sa ating bayan, kasama rito
ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan,
ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa lahat
ang ating pananampalataya.

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga


pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado
sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang
Klasismo daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang
may kaayusan.

Humanismo Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang "Paalam sa Aking
sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan Pagkabata" ni
at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, Zantiago Pepito
talento atbp.

Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng


Humanismo, pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan
ng lahat ng bagay kaya’t kailangang ma-ipagkaloob
sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin
sa pagpapasya.
Naniniwala ang mga humanista na sibilisado ang
mga taong nakapag-aaral dahil kinikilala ang
kultura.
Ang humanismo ay nakatuon sa mga tao at
ginagamitan ito ng ideya ng mga tao.

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t


ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-
aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at
mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na
gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat
upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa
tao o bayang napupusuan.

Ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe


noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon.
Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat
PAG-IBIG ni Jose
Romantisismo ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay
Corazon de Jesus
ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang
romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal
sa kalayaan ay sa lupang sinilangan, paniniwala sa
taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng
espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal,
pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga
karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at
kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag-
aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian,
inspirasyon at kagandahan.

Realismo Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan Noli Me Tangere


kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at
lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging
makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-
pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

Sa teoryang realismo, higit na mahalaga ang


katotohanan kaysa kagandahan. Hangad ng
Realismo ang makatotohanang paglalahad at
paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan, at
alin pa mang pwedeng mapatunayan sa
pamamagitan ng pag-iisip ng tao.  Higit na
binibigyang-pansin ng Realismo ang paraan ng
paglalarawan at hindi ang uri ng paksa ng isang
akda. Kahit na ang paksa ay buhay ng mababa o
pangkaraniwang tao at hindi ng mayayamang tao
(gaya ng Klasismo), tanggap pa rin ito sa panitikan.
Ang tunay na mahalaga ay ang pagiging obhetibo ng
awtor
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga
imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin,
kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi
ng may-adka na higit na madaling maunawaan
kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa
halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng
Mga Tula, Tulang
Imahismo mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan
Panambitan
ng pahayag sa loob ng panitikan.

Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng


biswal, eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo
sa mga ideya.

Ang layunin ng panitikan ay iparating sa


mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung
ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan
Banaag at Sikat ni
Pormalismo ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa –
Lope K. Santos
walang labis at walang kulang. Walang simbolismo
at hindi humihingi ng higit na malalimang
pagsusuri’t pang-unawa

Nakatuon sa kalagayan ng isang tao. Maaaring sa


pag-iisip o sa kanyang pag-uugali.
Siko-analitiko Pag-aaral sa kilos o gawi ng mga tauhan at
pananalitang ginagamit ng tauhan.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may


kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa
kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human existence).
Eksistensyalismo
Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng
personalidad ng tao at binibigyan halaga ang
kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang


aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at
manunulat na walang iisang pananaw ang nag-
udyok sa may-akda na sumulat kundi ang
pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay
ang kabuuan ng pagtao at mundo.
Dekonstruksyon
Ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong
baguhin ang katapusan at pwede ka ding mag
dagdag nga mga tauhan ngunit hindi mo pwedeng
buhain ang mga namatay na sa akda!

Feminismo Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga Paalam sa Pagkabata


kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang ni Nazareno D Bas
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling
matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo
sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing
tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.

Ang Feminismo ay tumutukoy sa kalakasan at sa


kakayahan ng tauhang babae sa isang kuwento o
akda.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga


mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng
mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang
mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin
muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan "Sa Tabi ng Dagat" ni
Arketaypal
sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda Idelfonso Santos
ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo
ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng
may-akda sa mga mambabasa.

Hermeneutics

You might also like