You are on page 1of 4

Masusing Pang Isang Araw Na Banghay

Aralin Sa Asignaturang Filipino Para Sa


Baytang 10

Things Fall Apart ni Chinua Achebe


Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Guro: Christine S. Manzanero

Punong Guro: Bernardo Cristino Altamira

Principal II
I. LAYUNIN

A. Nakapagbubuo ng kaalaman mula sa musika at mga larawang kaugnay ng


akda.

B. Naiisa-isa ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa tulong ng isang video


presentation.

C. Natutukoy ang katuturan at kahalagahan ng akda sa sarili at lipunan, at sa


ibang kultura.

D. Nakapagbibigay ng kuro-kuro at input mula sa pagtuklas sa moralidad ng


nobela gamit ang pagsusuri sa akda.

II. PAKSANG ARALIN

A. Pamagat/Paksa: Paglisan (buod) Nobela mula sa Nigeria

B. Sanggunian: Panitikang Pandaigdig (DepEd)

C. Kagamitan: Pantulong na Biswal, Speaker, Powerpoint, at Laptop.

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


Panimulang Gawain
*Panalangin *Amen!
*Pagbati *Magandang Hapon din po!
-Magandang Hapon mga Bata!
*Pagtatala ng liban *Wala po!
A. AKTIBITI
Motibasyon

Makikinig ang mga mag-aaral ng isang (Tahimik na makikinig ang mga mag-
musaka, na sakanila'y magbibigay ng aaral)
konklusyon, patungkol sa paksang
tatalakayin.

*Ano ang nais ipahiwatig ng musikang *Ang nais ipahiwatig ng musikang aking
inyong napakinggan? napakinggan ay patungkol sa
pamamaalam o pag lisan.

*Maaari ba kayong magbigay ng isang (Magbibigay ng sariling kasagutan ang


pangyayari na tumutugma sa musikang mag-aaral patungkol sa pangyayari na
inyong napakinggan na nangyari sa inyong kaniyang naranasan)
buhay?
TUKLASIN: Paunang pagtataya.

Gawain 1: "4 Pics 1 Word"


May apat na magkakaibang larawan
ngunit may iisang kahulugan ang
huhulaan ng mga estudyante sa
unahan at ipapaliwanag kung ano
ang nahulaang salita.
PAGLISAN

(Huhulaan ng piling mag-aaral ang


kahulugan ng apat na larawan at
ipapaliwanag sa unahan)
B. ANALISIS

Presentasyon ng Akda (Tahimik na manonood ang mga mag-


Ang guro ay magpapalabas ng maikling aaral)
pelikula o buod ng nobela sa klase.
Pagtalakay sa Aralin
Magbigay ng kaisipang nakapaloob sa
akda gamit ang pagsulat sa papel at (Maglalahad ang piling mag-aaral)
pipiliin ng guro ang maglalahad sa unahan
ng klase.
C. ABSTRAKSYON

I.paglalahat *Si Okonkwo ay nagnanais ng


Sagutin ang mga gabay na tanong. kapangyarihan upang magkaroon ng
1. Ilarawan mo si Okonkwo batay sa mataas at marangal na disposisyon at
iyong napanood na kwento. pangalan.
2. Makatuwiran ba ang ginawa ni * Hindi, Habang nasa harapan ng kanyang
Okonkwo kay Ikemefuna? pinamumunuan kailangan mamili ni
Patunayan. Okonkwo at upang ipakita ang katapangan
3. Batay sa mga ipinakita ni Okonkwo sa harap ng mga kanayon, pinili niyang
karapat-dapat ba siyang kilalaning patayin ang bata sa kabila ng paghingi nito
isang magiting na mandirigma? ng saklolo.
4. Sang-ayon ka ba sa naging wakas * Para sa akin dapat siyang maging
ng nobela? Pangatuwiranan ang magiting na mandirigma sa pagkat sa
sagot. murang edad ay natalo na niya ang isang
5. Kung isasapelikula ang nasabing pusa na si ikemefuna lalo na sa kaniyang
nobela, ano-anong bahagi ang pinakitang pinagtanggol niya ang buong
iyong bibigyang kulay? bakit? nayon.
* Hindi, sapagkat kahit pinagbayaran ni
Okonkwo ang mga nagawa niyang
kamalian sa pamamagitan ng
pagpapakamay ay pwede naman syang
gumawa ng kabutihan. hindi sagot ang
pagpapakamatay.
* Para saakin ang bibigyan ko ng kulay ay
ang pagiging bayani at pagtatanggol niya s
a kaniyang mga ka nayon.

D. APLIKASYON
Papangkatin sa 4 ang klase upang
magbigay ang bawat mag-aaral sa
kanilang pangkat ng kanilang kuro-kuro
mula sa pagtuklas sa moralidad ng nobela
gamit ang pagsusuri sa akda. Isulat sa
cartolina at pipili ng lider ang bawat
pangkat upang maglahad sa unahan. Ang
bawat pangkat ay magsusuri batay sa mga
sumusunod. (Maglalahad ang bawat pangkat)
Pamagat ng susuriin:
Tema:
Sitwasyon:
Tagpuan:
Moralidad ng Akda:
Tungalian:
Aral:
Mensahe:
Natutunan sa Akda:
PAMANTAYAN SA PAG-UULAT
*Kasanayan sa Paksa 25%
*Kaangkupan sa Paksa 25%
*Nilalaman 50%
Kabuuan 100%
Ebalwasyon
Sumulat ng talata, hinggil sa mga kultura (tahimik na magsusulat ang mga mag-
na inilahad sa akda at ihambing sa kultura aaral)
sa ating bansa. Isusulat sa kalahating
bahagi ng papel.
PAMANTAYAN SA PAGSULAT
*Nilalaman 10%
*Kakanyahan 15%
*Paggamit ng Salita 10%
*Tamang Pagbaybay 10%
*Mensahe 20%
*Kalinisan 20%
*Kabuuan 100%
TAKDANG ARALIN
Gumupit o magsaliksik sa internet ng mga
larawan na nagpapakita ng mga kultura sa
Pilipinas na dapat pang panatilihin at mga
larawan na dapat baguhin o alisin.
PAMANTAYAN
*Pagkamalikhain 50%
*Linis ng pagkakagawa 30%
*Kakanyahan 20 %
*Kabuuan 100%

Inihanda ni: Virgil Norber S. Gomez

You might also like