You are on page 1of 2

Gawain 1 Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon.

Tukuyin ang layunin, paraan, at sirkumstansiya sa bawat ipinakitang


kilos. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. May markahang pagsusulit si Erick. Siya ay pumasok sa kaniyang silid at nagbasa ng kaniyang mga napag-aralan.
Layunin _______________________________________________________
Paraan _______________________________________________________
Sirkumstansiya _________________________________________________
2. Magaling sa asignaturang Matematika si Glenda. Siya ang panlaban ng paaralan sa mga kompetisyon at palagi
siyang nananalo. Siya ay nagtuturo sa kapuwa niya kamag-aral na mahina sa asignaturang Matematika tuwing hapon
bago siya umuwi.
Layunin _______________________________________________________
Paraan _______________________________________________________
Sirkumstansiya _________________________________________________
3. Si Jomar ay malungkot dahil naiwan siyang mag-isa sa kanilang bahay. Tinawagan siya ng kaniyang barkada at
niyayang mag-inuman sila ng alak sa bahay ng isa pa nilang barkada. Dahil nag-iisa si Jomar at nalulungkot, siya ay
nakipag-inuman.
Layunin ______________________________________________________
Paraan _______________________________________________________
Sirkumstansiya ________________________________________________

4. Matagal nang nais ni Kim na magkaroon ng cellphone. Isang araw, habang mag-isa lamang siya sa kanilang silid-
aralan ay nakita niyang naiwan ng kaniyang kamag-aral ang cellphone nito. Kinuha ito ni Kim at itinago.
Layunin _________________________________________________
Paraan _________________________________________________
Sirkumstansiya ___________________________________________
Mga Tanong:
1. Ano-ano ang layunin, paraan, at sirkumstansiya sa bawat sitwasyon?
2. May pagkakaiba ba ang kilos sa sitwasyon bilang 1 at 2 sa sitwasyon bilang 3 at 4? Ipaliwanag.
3. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mas tamang kilos, sitwasyon 1 at 2 o sitwasyon 3 at 4? Patunayan.

You might also like