You are on page 1of 50

YUNIT I

INTRODUKSYON: FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA, WIKA NG


PANANALIKSIK SA NAKAUGAT NA PANGANGAILANGAN NG SAMBAYANAN

Aralin 1.
Sa Madaling Salita: Kasaysayan At Pag-Unlad Ng Wikang Pambansa
Mula sa produksyon ng UP Sentro ng Wikang Filipino – Diliman
ni Ar-Jay O. Torres

Bienvenido L. Lumbera
Pambansang Alagad ng Sining/Propesor ng Wika at Panitikan
 Wikang sumasalamin sa mahabang kasaysayan ng mga Pilipino
 Isang wikang nagpapakilala kung ano ang mga Pilipino

Eulalio R. Guieb III


Manunulat/Propesor ng Brodkasting
“Ang pinaka unang magiging tagpuan naming ng iba pang mga nagsasalita sa ibang wika, lagi’t
laging wikang Filipino ang unang tagpuan. Pagdating sa tagpuang iyan ‘dun magsasanga-sanga either
sasanga ako sa Ingles depende sa konteksto o sasanga ako sa Bisaya depende sa konteksto o sasanga ako
sa iba pang mga wika at pagkatapos noon muling bumabalik sila sa tagpuang iyon.”
“Tulad lang nang laging sinasabi sakin ni Roger Sikat, kung ano ang sinasabi ng kaluluwa mo, yun
ang wikang lalabas. Nagkataon siguro na nasapul na wika natin dito yung pagpapalabas ng aking mga
pananaw sa buhay at habang ginagamit ito lalo kong napapasin habang ginagamit ang wikang ito at lalo
kong naipapaliwanag ang kompleksidad ngating mga buhay na hindi madali para sa aking gawin kung ibang
wika ang aking ginagamit.”

Ricardo Ma. D. Nolasco


Dating Komisyoner ng KWF/Propesor ng Linggwistiks
“Kailangan yung isang malawak ng kilusang pangmasa gaya nung 1970s na nagsusulong ng
paggamit ng sarili nilang wika at pagkokonsepto sa sariling nilang kultura. Hindi lang problema ng wika
iyan eh, problema ‘to kung paano tayo mag-isip. Nag-iisip ba tayo ng alinsunod doon sa kultura ng mga
wika at kultura ng mga iba’t ibang grupong etniko dito sa Pilipinas o ang pinaninindigan pa rin natin ay
yung balangkas na kolonyal.”
“Kung pag uusapan natin yung malawak na masa ng sambayanan at gusto natin na magkaroon ng
pagkakaisa. Isang importanteng sangkap kung gusto natin ng tinatawag nating Pambansang
Pagkakakilanlan at Pagkakaisa isang makapangyarihang instrumento yung meron kang iisang wika. ‘Yon
yung medyo palagian ng sinasabi pero sa katotohanan ay palagian ding nilalabag.”

Portia P. Padilla
Propesor ng Edukasyon
“Sa larangan po ng wika ng pagkatuto ng wika at sa larangan po ng edukasyon, hindi naman po
nag aaway-away at walang kompetisyon ang mga resulta ng mga pag-aaral. Ang sariling wika ay ang daan
papunta sa Pilipino at papunta sa iba pang wika, banyaga man o ibang wika sa Pilipinas. Hindi ito sariling
wika laban sa Filipino, hindi ito sariling wika laban sa Ingles.”

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 1


Niel Martial R. Santillan
Propesor ng Kasaysayan
“Kailangan may pagkilala ang mga Pilipino na marami sa mga datos sa kasaysayan ay nakasulat sa
ibang wika. Kasi pagpupunta ka sa National Archives, marami sa ating mga dokumento ‘dun nasa wikang
Espanyol at marami rin ang nasa wikang Ingles na makikita mong dokumento doon na nasa National
Library. Ngayon, ang lente, lenteng kultural na ginamit ay mula sa mga Amerikano’t Espanyol kaya’t sa
pagbasa ng mga dokumentong na ‘yan kailangan ang lenteng kultural na ginagamit ay mula sa kulturang
Pilipino so babalikan ko yung pagpapakahulugan. Ang pagpapakahulugan ng mga Pilipino ay iba sa
pagpapakahulugan ng mga Kastila’t Amerikano so para sa mga makabagong historyador na Pilipino, dapat
mula sa lenteng kultural ng mga Pilipino tinitingnan mo ang mga dokumentong kolonyal at maiintindihan
mo lang yan kung ginagamit mo ang wika bilang impukan-kuhunan ng pag-unawa ng kasaysayan at
kultura.”

Chito N. Angeles
Tagapamahala ng Aklatan ng Unibersidad
“Sa Library ng UP actually ang pinaka mayaman o pinaka komprehensibo ang pag-uusapan natin
ang koleksyon ng resources sa Filipino kasi ang library ng UP may policy na i-acquire ang lahat ng mga
nailimbag sa Pilipinas. Kasama dyan ang nasusulat sa wikang Filipino so lahat-lahat kung ano man yung
na-publish na tinatawag naming Filipiñana o yung mga materyales na tungkol sa Pilipino, Pilipinas, naisulat
ng mga Pilipino ‘yon yung komposisyon ng mga Filipiñana materials so umaabot tayo sa ngayon mga
111,000 na total na mga titles ng Filipiñana, ganon karami.”

Nicanor G. Tiongson
Kritiko/Propesor ng Pelikula
“Bahagi ako noong henerasyon na lumaki talaga sa Ingles. Wala kaming Filipino subjects, ni wala
kaming Philippine History sa Ateneo noon, so noon pa man sa Ateneo medyo nagrereact na ako bakit
ganon. Noong pagkagraduate ko, ako mismo naghanap ng paraan para – nagpunta ako sa Jolo, nagturo ako
dun kasi gusto kong malaman kumbaga’y ang tunay na kondisyon ng lipunan. At nag-enroll na ako sa UP,
doon nag simula yung pagkamulat ko sa mga nagyayari at alam mo na naman yung panahon na yon, ‘yon
yung panahon ng aktibismo na kinukwestyon ng lahat ang pamantayan sa lipunan hindi lamang sa kultura
kundi sa ekonomiya, sa politika, lahat. Talagang hinahanap natin noon yung – kumbaga’y yung sarili nating
identidad. Sa kultura, napaka lakas noon, sa UP, lalo na di ba?”

Wendell J. Capili
Manunulat/Propesor ng Ingles at Komparatibong Panitikan
“Noong nililinang natin yung Wikang Filipino within the university, merong mga objection mula
sa mga lider ng ating bansa. Ano ba yan? Bakit backward na tayo? – English is medium of instruction, the
lingua franca of world etc. Si Dr. Connie Paz De Jotet Maceda with support of some officials ng UP System,
pumunta sa kongreso para magkaroon ng linaw angating mga kongresista, mga senador at ang iba’t ibang
opisyal ng ating pamahalaan para makita nila kung ano ba yung policy sa wika ng UP at kung paano ito
makatutulong sa pag unlad ng ating bayan.”

Ramon Guillermo
Propesor ng Araling Pilipino
Isang usapin ng orientasyon nito ngating sistemang pang edukasyon kasama ng Unibersidad ng
Pilipinas - nitong mga nakaraan taon ng mga neoliberal na mga reporma ibig sabihin yung
pagsasapamilihan, yung pagsasakalakal ng edukasyon ay naglalayo sa ating unibersidad mula ‘ron sa dapat
niyang talagang orientasyon na tungkulin sa ating lipunan, ang nangyayari ay nahuhumaling angating mga
administrador na pagsikapan na lamang na mapataas yung ating competitiveness sa pandaigdigang
pamilihan kung ‘di man sa pamilihan sa Asya na pang edukasyon. Doon na lamang, ibig sabihin paano

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 2


maibebenta ng mabisa ang edukasyon sa Pilipinas sa ibang mga bansa kaya yung orientasyon ng edukasyon
ay hindi na, paano natin pagsisilbihan ang mga nakararaming kabataan?

Victor Paz
Propesor ng Arkeoloji
“Tandaan natin na kaya lang naman naging hindi na isyu yung usapin ng wika pero pwede naman
natin sabihin na hindi. Marami pa rin sa mga pulitiko natin hindi nila alam at naniniwala pa rin na dapat
Ingles ang wika natin pero ang datos ay talagang hindi lalapat doon. Karamihan ng mga Pilipino ay hindi
marunong mag Ingles pero karamihan ng mga Pilipino kung hindi man lahat ay marunong mag Filipino.”

Pamela Constantino
Propesor ng Wika
“Dahil nga instrument ang wika pwede mong i-manipulate. Pwede mong rin naming magamit ang
wika parahindi ka mapagcommunicate. Mag-iingles ka sa mga taong di marunong mag-ingles, ang purpose
mo dun ay hindi para magcommunicate. Ang gusto mong ipakita ‘dun siguro ay ipakita na mas mataas ako
sa inyo, mas prestigious yung aking wika at mas nakapag-aral ako kaya ganon. May sariling katangian ang
wika, kung minsan nga sabi nga nila, “Language is an ideology” siya mismo kumukontrol na sa tao, sa pag-
iisip ng tao.”

Teresita G. Maceda
Propesor ng Wika at Panitikan
 Miyembro ng KAAKBAY ng pinamunuan ni Jose Diokno
 Pinadala ni Diokno sa mga punong-bahay o punong-bayan para magbigay leksyon sa mga
mamamayan (Hal. Utang ng Pilipinas sa IMF o World Bank) ngunit nahirapan sila ipaintindi ang
napaka komplikadong ekonomikong isyu kung gagamitan ng Ingles kaya’t ginamit nilang ang
Wikang Filipino.

Cosuelo Paz
Propesor ng Lingwistiks
“Ang Lingua Franca, ‘yon ang naiintindihan ng karamihan. Dahil iba’t ibang grupo tayo, buhat sa
Norte hanggang Mindanao, magkakaibang tribo, hindi ko gusto ang tribo dahil minamaliit ang galing sa
tribo.”

Rowena L. Guevarra
Propesor ng Inhenyeriya
“Tayo-tayo mismo nag aaway-away tayo kung ano ba talaga ang magiging Filipino language. Ang
aking example actually diyan ay yung Bahasa Malay at tsaka yung Bahasa Indonesia, sana nag ganon tayo,
kaso nandito na tayo sa panahon ngayon na global na ang ating mga workers tapos nag ASEAN Integration
pa tayo. Napakahirap ng ibalik yung nakaraan, ang maganda nalang na nakikita ko ngayon, mas magaling
mag explain yung mga estudyante namin in Filipino. So, sa palagay ko yung kahit na hindi iisa lang ang
ating policy talaga sa wika palagay ko somehow umandar eh dahil ang galing talagang mag-explain ng mga
bata ngayon in the Filipino language kumpara sa aming henerasyon.”

Tatjiana M. Medina
BS Industrial Engineering
“Hindi naman po namin inexpect na makakapag-adjust po lahat ng gagamit pero syempre umaasa
po kami na syempre na magamit din po siya kasi syempre pagka nagkaroon na po tayo ng sarili nating
keyboard layout parang maiisip po natin lagi na syempre parang mas convenient na rin gamitin yung
Filipino language kasi may design na po tayo for it. Isa rin po siyang way para hindi din po tayo mapag-
iwanan ng mga ibang bansa.”

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 3


Jose Miguel R. Salvo
BS Industrial Engineering
“Sana yung project na ‘yon namin mag-inspire sa ibang estudyante to apply their respective
discipline sa Filipino for the benefit of the language itself and syempre pag na benefit naman yung language
lahat naman tayo magbebenefit kasi ‘yon yung culture natin eh sariling atin yun.”

 Ginamit ang 10.7 Million Filipino words mula sa Bantay Wika Project ng Triple E ni Sir Randy
Cajote
 Pinaka madalas gamitin na Filipino Letters (a,n,g,s,t,p,m, i,o) at inilagay sa gitna para mas madali
abutin.

Agustin L. Arcenas
Propesor ng Ekonomiks
“Ang wika ay mahalaga kasi ito yung paraan mo talaga kung papaano ka magtuturo sa mga
estudyante. May mga bagay na higit na naiintindihan at naibabahagi ng mas mainam kapagka Filipino ang
ginagamit. Kadalasan nga Tagalog kasi kapag Tagalog biglang parang nagpe-pay attention ng malalim yung
estudyante. ‘Yon ang pinaka dahilan kung bakit gumagamit ako ng Filipino, hindi para sa kung ano pa man
kundi talaga para lang maging mas mabisa yung pagtuturo ko.”

Percival F. Almoro
Propesor ng Pisika
“Yung aking karanasan dyan na sa tingin ko ay importante rin yung role ng wika. Sa paglelecture,
kapag mayroon akong binabahagi sa estudyante na mga konsepto na in Filipino then makikita mo sa mga
mata nila na lumalaki. Ibig sabihin, nagreresonate sa kanila, naiintindihan nila.”

Armand Mijares
Propesor ng Arkeoloji
“Yung aking unang MI Thesis ay isang etnograpiya ng pag-aaral sa Bukid-Mangyan. Ang nagtulak
saakin, nagimpluwensya sakin na isulat ko sa Filipino yung aking adviser noon si Dr. Padilla. Siya rin yung
una sa mga antropologo na nagsulat na kanilang mga disertasyon sa Filipino. Pero sa kanilang pag-aaral
kasi Noro-Mangyan, yung aking pinag-aralan ay Bukid-Mangyan so ang aking ginamit ay Filipino medyo
matagal nga yung pagbalik. Noong 1995 ko ginawa ang aking pag-aaral, noong isang taon, nagpunta ako
sa mga Bukid-Mangyan, nagdala ako ang kopya ng aking thesis, binigyan ko si La Yaum, si Mayor Yaum
ng Buid at ilang mga Buid leaders ‘dun at tuwang-tuwa si Yaum at pinagmamalaki niya sa lahat ng lider,
tinitingnan nya at binuksan nya yung thesis, pinapakita nya sabi nya - ito yung unang-unang libro na kaya
niyang basahin at maintindihan.”

Angelito G. Manalili
Propesor ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan
“Hindi na lamang ito ang nakagapos sa layuning paunlarin ang wikang Filipino na nakabase sa
Tagalog. Angating layunin ay ibase ito sa lahat ng wika, kaya ngayon sa ayaw at sa gustuhin natin ay
umaalagwa tayo. Halimbawa, pinaguusap tayo ng Pilipino pero pwede namang Filipinong Bisaya, pwede
namang Filipinong Bikol, yung ganoong tipo. Bakit? Hindi kailangang maging turista tayo.”

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 4


Aralin 2.
“Intelektuwalismo at wika ni Renato Constantino”
ni Ayessa V. Gomez

Dalawa ang layunin ng may-akda sa sanaysay na ito:


1. Maipakita ang koneksyon ng wika sa tradisyong intelektuwal ng bansa,
2. Maipakita ang walang kakayahan ng wikang banyaga sa pagpaunlad ng isang bansa at ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wikang pambansa na siyang magpapaunlad nito. Nilinaw
rin ni Constantino ang pagkakaiba ng karanasang kolonyal sa mga karatig bansa, na tinatawag
niyang “Indirect Colonialism”.

Ang mga bansang napakaloob sa anyong kolonyal na ito ay “hinahayaang manatili ang institusyon
at wika ng taumbayan” ayon sa may akda. Ngunit ayon sa kasaysayan, ginamit at nagsilbing wikang opisyal
ang wikang kolonyal at nagamit rin ang nasabing wika ng mga elite, mapabanyaga man o hindi, partikular
ang wikang Dutch sa Indonesia ng masakop sila ng mahigit tatlong siglo (Paauw, 2009). Tulad din ang
karanasang ito sa pananakop ng Espanyol sa Pilipinas at ang wikang kolonyal rin ay hindi napalaganap
bilang wika ng karamihan, dahil nakareserba ito sa elite o ruling class.
Ayon rin sa may-akda, nagsimula ang pagpapalaganap ng wikang banyaga at pag ukit ng
institusyong panlabas sa ating pag iisip sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, katulad sa wikang
Dutch sa Indonesi, madaling natanggal sa ating bansa ang wikang Espanyol hindi lamang dahil sa ito ay
hindi naukit sa kultura ng karamihan, bunga rin ito ng kawalang presensyang internasyunal. Ayon sa kanya,
nagkukulang ang mga Pilipino ng tinatawag na “Intellectual Tradition” at ito ang sanhi kung bakit ‘walang
karanasang intelektuwal sa kahulugan at layunin’ at kung bakit hindi napapansin ang mga ‘problemang
panlipunan’.

May limang dahilan ng pagkawala ng tradisyong ito;


1. Dahil ang mga kontribusyon ng ating kababayan sa mundo ng kaisipan ay hindi nabibigyang pansin
at importansya sa ating kasalukyang akademya,
2. Ang pagtangkilik sa mababaw na kaisipan na mula sa mga salita ng may akda ay ang “mga pelikula
o palabas sa telebisyon na simpleng mga pormula ang ginagamit sa paglutas ng mga problemang
personal”.
3. Ang pagpapalaganap ng miseducation ng mga tinatawag na niyang “mental technicians” na bunga
ng pagkabiktima sa “kolonyal na kamalayan”.
4. Ang pangangalaga sa status quo na nagpalaganap ng anti-intellectualism, na naglalayong pigilan
ang pag usbong ng progresibong pag-iisip na kayang magpabago at ‘magluwal ng bagong
kamalayan’, at
5. “Ang pagtanggap at pagkaalipin sa wikaang banyaga”. Mas naging kritikal ang akda sa panlimang
dahilan at ito ang nagsisilbing koneksyon ng wika at intelektuwalismo.

Ang kahulugan ng intektuwalismo ayon kay Constantino ay ang pagkakaroon ng “malalim na


kaisipan”. Ito ay ang kaisipang kayang umunawa at mag-isip ng lunas sa mga suliraning panlipunan. Sa
ikalawang layunin ng sanaysaysay ay ipnapakikita ng may akdang pagkakaroon ng pambansang wika upang
paunlarin ang pambansang kaisipan. Ayon sa kanya, “ang mahabang kasaysayan ng paggamit ng Ingles ay
di nagbunga ng kaunlaran.” Katulad ng sinabi sa kanina, hindi madali magtanggal sa sistemang kolonyal
ang Ingles dahil; sa presensya nito sa buong daigdig; dahil narin sa globalisasyon, mas lalong napaigting
ang kapit ng wika sa ating bansa dahil magsisilbi itong instrumento upang magkaroon ng komunikasyon sa
iba pang bansang gumagamit nito.
Samakatuwid, hindi na natin kayang gawin ang nagawa ng mga maunlad na bansa tulad ng Japan,
Taiwan at Korea dahil nga sa pagsubong nito; naging pangangailangan na ang paggamit ng wikang banyaga
o ang wikang pandaigdig sa diplomasyon at ekonomiya ng isang bansa. Dagdag pa rito, hindi nakaranas

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 5


ang mga nasabing bansa ng kolonyalismo upang maikumpara ang pag-unlad nito sa kasalukuyang
kalagayan ng mga bansang nakaranas nito.
Isa rin naging balakid sa pagkakaroon ng maayos na pambansang wika ay ang pagkakaroon ng
iba’t-ibang wika at dialekto sa bansa, dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago na may iba’t-ibang kultura, at
ang pagpili sa pambansang wika ay lubhang mahirap at nagbunga pa ito ng oposisyon mula sa iba’t –ibang
lalawigan na may ibang sinasalitang wika. Nabuo rin ang katagang “Imperyalismong Tagalog” sa
kadahilanang kahit wikang Filipino na ang pambansang wika, nakondisyon na ang mga tao sa wikang
tagalog kaya iyon parin ang itinatawag ng mga Pilipino at maging dayuhan (P. Constantino, 1996).
Filipino bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng Pananaliksik na nakaugat sa
Pangangailangan ng Sambayanan. Wikang pambansa ang nagbibigay indentitad at bumubuo sa atin bilang
mga Pilipino, intelektuwalismo ang kailangan upang malutas ang hinaharap na suliranin ng lipunan, huwag
nating hayaang lamunin tayo ng sistemang pangdayuhan at tanggalin ang wikang kinagisnan sa bansang
sinilangan.
Huwag dapat tayo maging dayuhan sa sarili nating bayan dapat tayong lahat ay magkaisa at
mabubuklod-buklod gamit ang Wikang Filipino na siyang ating pambansang wika, wika ng bayan, wika na
pananaliksik na makakatulong upang bigyan tayo ng kaalaman, na nakaugat sa pangngangailangan ng
sambayanan.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 6


YUNIT II

FILIPINO BILANG LARANGAN AT FILIPINO SA IBA’T IBANG LARANGAN

Aralin 1.
“Sariling Atin: Ang Nagsasariling Komunidad na Pangkomunikasyon sa Disiplinang
Araling Pilipino ni Ramon Guillermo”
ni Lonelyn Z. Alba

Sa pagdami, pagdalas, at pagbilis ng paulit-ulit na pagtatagpuan ng mga akademiko at mananaliksik


sa loob ng namumuong talastasan ng nagsasariling AP, posibleng lumitaw ang maraming orihinal na
konsepto teorya, lapt, metodo, at suliranin. May larangan ng talastsan ang AP sa wikang Filipino (a) at may
larangan ng talastasan (at tradisyon) ang AP sa wikang Ingles (b) Naipagbibigkas ang mga ito sa iba’t-ibang
paraan bilang mga bahagi ng iisang komunidad na pangkomunikasyon ng mga nagsasagawa ng AP sa
Pilipinas. Tinutukoy din ng posibilidad ng pagbubuo ng mga larangan ng talastasan sa ibang mga wikang
“trans-rehiyonal” (o mga wikang sinasalita sa higit sa isa o sa mga pagtawid ng mga rehiyon sa Pilipinas).
Ang pangunahing wikang nagagamit ng mg Cebuano at Ilokano (at maging ng iba pang mas maliit
na wika) sa akademikong konteksto ay Ingles o Filipino. Ang ganitong mga trans-rehiyonal na wika, na
tumatawid sa mga rehiyon at may mga nagsasalitang populasyon na mas malaki pa sa maraming bansa sa
daigdig, ay maaring maging batayan ng orihinal na masiglang akademikong produksyon sa AP na
rehiyonal, trans-rehiyonal at pambansang saklaw sa mga sentrong akademikong maitatag ng mga
kabisayaan o Ilocos mismo. Sa pangkalahatan, maaaring magsilbi ang Filipino at Ingles bilang mga
magkapantay na “Conference Language” sa mga komunikasyon at talastasan kung kaya’t mas inaasahan
na ang mga ito ay magiging mga pantawid sa pagitan ng Cebuano at Ilokano.
Ang mga wikang trans-rehiyonal lamang na ito ang masasabing kasalukuyang may sapat na
populasyon, rekurso, at tradisyon upang praktikal na maakapaglunsad ng ganitong proyekto bilang mga
wikang akademiko sa AP sa mga pamantaan sa kabisayaan at Ilocos. Hindi rito nanawagan para sa anumang
anyo ng iresponsableng “panglingguwistikang anarkismo” na magreresulta lamang sa ganap na
pagkakawatakwatak ng buong komunidad na pangkomunikasyon sa ngalan lamang ng “pluralidad” lilikha
ng ganitong maling tunguhin ng napakatinding mga balakid sa pagsusulong ng AP bilang talastasang
pambansa.
Gayunpaman, hindi imposibleng magkaroon din ng masiglang produksiyon na ambag sa
pangkalahatanng AP ang iba pang “mas maliit” na wika sa Pilipinas. Nagmumungkahi lamang dito ng
posibleng iskema na makapagbabalanse ng panawagan para sa higit na “pluralidad” pangwika at ng
pangangailangan din ng pagkakaroon ng mabisa at hindi lubos na komplikadong sistema ng pamamalakad
ng komunidad na pangkomunikasyon sa AP. Hindi dapat mag-alala o mangamba ang mga nagtataguyod ng
pambansang wika-Filipino na maaring mapahina ng ganitong mas saklaw na konsepto ng komunidad sna
pangkomunikasyon ang gawain at produksiyong akademiko sa Filipino.
Pinakamalakas sa ngayon ang wikang Filipino sa gawaing pang akademiko sa Pilipinas(maliban sa
ingles)at relatibong malayo na ang narating sa pag-unlad at antas ng kasanayan sa pormal na
talastasan,pagsusulat,paglalathala,pagtuturo at pagsasalin. Pinabibigkis ng AP ang interdisiplinaryong
paraan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ng mga wika, panitikan, araling sining at kultura, at ang mga
konsepto,teorya,metodo, at ng mga paksain ng agham pampulitika, sosyolohiya, sikolohiya,lingguwistiks,
antropolohiya, ekonomiks, at kasaysayan. Ang papatindi at papahigpit na integrasyon ng lahat ng mga
bahagi ng komunidad na pangkomunikasyon ay maaring humantong sa isang yugto ng estabilidad at
katatagan ng awtonomo, at bukas na talastasan sa AP sa Pilipinas. Ang kabuuang komunidad na
pangkomunikasyon na ito ay ang paraan ng pagsasariling atin ng samu’t saring kaalaman tungkol sa ating
sarili bilang isang bansa.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 7


Aralin 2.

“Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas para sa Siglo 21


at Lagpas Pa ni D.M San Juan”
nina Allen Ian F. Distura, Ma. Christine C. Dacles at Patricia Degoma

Ang Araling Pilipinas, Araling Pilipino, Araling Filipino, Filipinolohiya, Philippine Studies. Hindi
pa ganap na nagkakasundo sa terminong dapat gamitin ang mga nasa akademya ngunit may mga bagay
naman na mapagkakasunduan gaya ng makabuluhang adyenda sa pananaliksik na akma sa mga
pangangailangan ng Pilipinas at ng mga Pilipino sa Siglo 21. Pahapyaw na tatalakayin ng papel na ito ang
mga isyu at problemang kinakaharap at kakaharapin pa ng mg mananaliksik sa Pilipinas sa mga susunod
na dekada at siglo, mga bagay na maaaring bigyang-pokus sa mga pananaliksik o kaya’y paghalawan ng
paksa na maaaring saliksikin mula sa politika at ekonomiks,hanggang sa kultura at medisina, at iba pang
larangan.
Ang mga suliraning ito ay bahagi ng “kayraming suliraning oras-oras na dumarating” na
karaniwang di na napapansin dahil tila di kayang lutasin, ayon nga sa awit na “Kahit Konti” ni Gary
Granada. Bagamat maaaring puta-putaki sa unang sipat, hiwa-hiwalay at tila di bahgi ng iisang kabuuan,
ang lahat ng mga ito’y tiyak na magkakaugnay sapagkat, gaya nga ng inilalahad sa awit na “Magkaugnay”
ni Joey Ayala, “Ang lahat ng bahay ay magkaugnay”.

1. Lupa, Politika, At Iba Pa


 Sitwasyong napakaraming bahay na walang tao at taong walang bahay, bukod pa sa mga taong
walang lupa at lupang walang tao.
 Ang mga pananaliksik sa mga material na pangangampanya at manipestong electoral ng mga
partido.

2. Araling Pangkalikasan: Imperatibo sa Pagliligtas ng Mundo


 Katapusan at nauubos ang maraming resources sa mundo. Nauubos ang mga puno, nauubos ang
ginto, nauubos ang malinis na tubig at iba pa, dahil sa walang habas na paghahangad ng mga
bansa na pataasin ang kani-kanilang produksyong ekonomiks.
3. Ugnayang Panlabas at Usaping Panloob
 Ang mga usaping pangkalikasan na may koneksyon sa ugnayang panlabas at ugnayang
multi/transnasyunal.

4. Paggawa, Dependensiya, at Globalisasyon


 Ang mga pananaliksik na nagdodokumento sa daing, salaysay, naratibo ng mga hindi nakinabang
sa pangakong borderless world ng globalisasyon: ang mga magsisibuyas ng Nueva Ecija;
Manggagawa sa mga nagsarang pabrika; Lumad at iba pang National Minorities na itinaboy,
inagawan ng lupa, pinalayas ng mga mining firms at logging companies; mga trabahador na
kontrakwal sa mga higanteng plantasyong pag-aari ng mga kumpanyang trans/multinasyunal;
mga factory worker sa export processing zone na pinagbabawalang mag-unyon; mga
magsasakang nawalan nang lupang sakahan dahil sa malawakang land conversion; Pagsasalin
ng Mga Di Pinangangahasang Isulat sa Filipino.
 Dapat samantalahin ng mga mananaliksik ang mga positibong epekto ng globalisasyon sa
mabilis na paglaganap at sa (halos) instant availability ng mga makabuluhang akda mula sa ibang
bansa (pagsasalin o pagpaparami pa ng salin ng mga sinulat ni Alejandro Lichauco, Ha-Joon
Chang, Albert Einstein, John Bellamy Foster, Ian Angus, at iba pa upang ma-expose naman sa
mga (mas bagong ideya ang mga mamamayan ng bansa).

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 8


5. Paglilinaw sa Malabo: Pagsipat sa Lenggwahe ng Globalisasyon
 Sa konteksto ng patuloy na Globalisasyon, panahon na rin na i-replicate ang mga pag-aaral na
gaya ng "The Language if Globalization" ni Marcuse na lumabas noong 2000, gayundin ang
"Bankspeak: The Language of World Bank Reports" ni Moretti at Pestri (2015). Nagbabago ang
lenggwahe ng panlilinlang kaya't pana-panahon dapat itong pag-aralan.

6. Matatapang na Solusyon sa Malalang Problema


 Kung solusyon sa problema, pwedeng subukin ang mga inobasyon sa geoengineering laban sa
climate change, genetic engineering laban sa kagutunan, at stem cell treatment laban sa mga
sakit.

7. Wika, Kultura, Panitikan At Iba Pa
 Sa larangan ng wika at kultura, bawat araw, may wikang namamatay dahilsa homegenisasyon
dulot ng modernisasyon at globalisasyon. Idokumento ang lalim at lawak ng mga wikang
nabubura, ang mga konseptong walang katumbas sa mga wikang dominante, ang sariling paraan
ng pagpapahayag ng sarili, pagtukoy sa oras, paglalarawan sa kalikasan na hindi kayang
saklawin at sapulin ng mga wikang dominante. Tungkulin ng mga mananaliksik na ipreserba ang
mga wikang uto sa abot nang makakaya sa pamamagitan ng pagtatala sa lahat ng maaaring itala,
at idokumento rin ang paghihingalo ng mga wika.

8. Pagbabaginan ng kaalaman Tungo sa Daigdig na Walang Hangganan


 Kaugnay ng Intellectual Property Rights, talamak ang pamimirata ng libro at halos wala namang
nagdedemandang may-akda. Mababait ang awtor na Pilipino at marahil ay naniniwala sa ideya
ng sharing.

9. Kritikal na Perspektiba sa Pedagohiya


 Kaugnay ng Pedagohiya, dapat muling pag-aralan ang implementasyon ng K to 12. Bakit hindi
ibinigau na lamang ang bilyong pisong pera sa voucher sa pribadong paaralan, sa mga paaralang
publiko? Ang ginasta para sa karagdagang 2 taon ay ginamit na lang sana sa pag-ayos ng lumang
10 year basic education cycle lalo pa at malinaw naman sa "Length of School Cycle and The
Quality of Education" nina Felipe at Porio (c.2008) na mas mainam kung ang K to 12 ay ipataw
lamang sa mga gustong maging OFW at/o mag-aaral sa ibang bansa.

10. Kritikal na Perspektiba sa Relihiyon at Ekonomiya


 Sa Relihiyon, interesanteng pag-aralan ang pagsalansang ng mga korporasyong kapitalista sa
mga doktrina ng mga simbahan.
 Hindi uubra ang economic integration ng mga bansang magkakaiba ang bilis at bagal ng
ekonomiya. Malulugi ang mabagal at laong mangunguna ang mabilis, at halos di makakahabol
ang iba.

Marami pang mahalagang hakbang na dapat isakatuparan sa ikauunlad ng pananaliksik mula sa at para
sa mga Pilipino. Narito ang mga hakbang na ito:
1. Magpapansinan muna tayo bago magpapansin sa iba. I-cite ang pananaliksik ng kapwa
Pilipubi. Paano babasahin ng ibang bansa ang gawang Pilipino kung hindi rin ito binabasa ng mga
Pilipino mismo? Nakakalungkot na hindi yata nasanay ang mga Pilipino na I-cite ang mga
kababayan kahit na binasa ang gawa nila kasama sa aktwal na sanggunian.

2. Magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik gaya ng narcis.nl ng Netherlands at


diva.portal.org ng Sweden. Sa pamamagitan nito, makatitiyak na madaling mababasa at
maiapapalaganap sa buong bansa at sa ibang bansa rin ang mga pananaliksik ng mga Pilipino.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 9


Mahalaga rin kung gayon ang proyektong National Broadband Project na may potensyal na
makapagpabilis at makapagpalawak ng serbisyong internet sa buong kapuluan. Maaaring obligahin
ng CHED ang lahat ng unibersidad na magsumite ng digital copy ng bawat thesis at disertasyon na
naisulat. i-aarkibo ito sa isang website para madaling mag search at mag download.

3. Magdevelop ng katiwa tiwalang translation software na libreng magagamit para sa mass


translation projects. Kailangang lansakang isalin ang mga pananaliksik na naisusulat sa buong
mundo tungkol sa pilipinas para matiyak na mapakikinabangan ang mga iyon ng mga Pilipino.
Dahil realidad ang kakulangan ng sapat ng mga tagasaling kompetent, mainam kung may magiging
available na translation software na libreng magagamit.

4. Bigyang prayoridad ang Filipinisasyon ng lalong mataas naedukasyon at ng mga


programang grawado. Dahil ito ang makapagtitiyak na ang mga mananaliksik at eksperto sa ating
kapuluan ay may kakayahan nang makaipag usap, makipagtalakayan, atbp. Sa mga ordinaryong
Pilipino na inaasahang makikinabang sa kanilang mga pananaliksik. Kaugnay nito, dapat agad
magbalangkas ng guidelines ang CHED para atasan ang mga unibersidad na payagan at hikayatin
ang paggamit ng Filipino sa pananaliksik, lalo na sa mga tesis at disertasyon.

5. Atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng Departamento ng Filipino at/o araling
Pilipinas. Kung paanong bawat institusyong akademiko sa Estados Unidos ay may American
Studies Department o Center. Ang mga ganitong departamento ang magbibigay ng sapat na espasyo
at maglilinang pa sa mga saliksik kaugnay ng Filipino at/o araling Pilipinas sa loob nga bansa.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 10


YUNIT III

REBYU SA MGA BATAYANG KASANAYAN SA PANANALIKSIK

Aralin 1.
Pagpili ng Batis (Source) ng Impormasyon at Pagbabasa at Pagbubuod ng Impormasyon
ni Hazel Jean P. Crespo, Genevan G. Artates at Vence Brian Barrogo

Mga Uri ng Batis


1. Primaryang Batis. Naglalaman ng mga impormasyon na galing mismo sa bagay o taong
pinagusapan sa kasaysayan.
2. Sekondaryang Batis. Batayan ng impormasyon ay mula sa pangunahing batis ng kasaysayan.
3. Pasalitang Kasaysayan. Kasaysayan na sinambit ng bibig.
4. Kasaysayang Lokal. Kasaysayan na nagmula sa ating lugar.
5. Nationalist Perspective. Pagtingin o perspektiba na naaayon o mas pabor sa isang bansa
6. History from Below. Naglalayong kumuwa ng kaalaman batay sa mga ordinaryong tao,
binibigyang pansin ninto ang kanilang mga karanasan at pananaw, kaibahan sa estereotipiking
tradisyunal na pampulitikang kasaysayan at tumuton sa gawa at aksyon ng mga dakilang tao.
7. Pantayong Pananaw.Isang metodo ng pagkilala sa kasaysayan at kalinangan Pilipino na
nakabataysa “panloob na pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng mga katangian , halagahin
(values), kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng iisang kabuuang
pangkalinangan—kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng iisang wika.”
8. Pangkaming Pananaw. Ito ay nagawa ng hanay ng mga propagandista tulad nina Rizal, luna atbp.
Bilang pamamaraan sa paglilinang ng kabihasnan natin ang kausap nila sa kanilang mga nilalathala
ay ang mga banyaga—partikular ang mga kolonyalistang kastila. Ang mga Kastilang ito na
pinapaniwala ang mga indio na sila ang nagdala ng ‘kaliwanagan’ sa atin (bunga ng relihiyon) at
utang natin ito sa kanila dahil tayo daw ay mga barbaro at walang sariling sibilisasyon, kung hindi
pa sila dumating dito sa atin.
9. Pansilang Pananaw. Sa perspektiba ng pp “Pansilang pananaw” ito na na-absorb o
ipinagpapatuloy ng kasalukuyang mga antropologong Pilipino (sa nasyonalidad ngunit siguro hindi
sa kultura at wika). Ibig sabihin, wala pa nga sa pangkaming pananaw ang aghamtao sa Pilipinas
(na ginagawang mga may nasyonalidad ng “Pilipino.”)

Pagbubuod
BUOD
 Siksik at pinaikling bersiyon ito ng teksto
 Ang teksto ay maaring nakasulat, pinanood o pinakinggan
 Pinili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos
 Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na daloy ng mga ideya ng binuod na teksto

Pangunahing Katangian Ng Pagbubuod


 Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa
 Hindi inuulit ang mga salita ng may akda; bagkus ay gumagamit ng sariling pananalita
 Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang buod

Mga Hakbang Sa Pagbubuod Ng Impormasyon


1. Basahin, panoorin o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 11


2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan, tukuyin ang paksang pangungusap
o tema, tukuyin ang keywords
3. Pag ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o tesis
4. Sulatin ang buod, tiyakin ang organisasyon ng teksto
5. Huwag maglagay ng detalye, halimbawa at mga ebidensiya
6. Makakatulong ang mga signal words o salitang nagbibigay transisyon sa mga ideya gaya ng:
 Gayunpaman
 Kung gayon
 Bilang pagwawakas
7. Huwag magsisingit ng mga opinyon

Pagbasa ng Batis ng Impormasyon


1. Iskaning
Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na
hawaktulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at subtitles. Dito, ang mahalagang
salita ay di binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe
sa pahinang binasa o tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung
nakapasa ang isang board examination, pagtingin sa winning number ng lotto. Nakatuon ang
kanyang mga mata sa partikular na impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit
ang ganitong pamamaraan sa pagbasa ng mga nilalaman (table of contents), index, classified ads at
sa paghahanap ng numero ng isang taong nais makausap.

2. Iskiming
Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuhaang pangkalahatang ideya o
impresyon, o kaya’y pag pili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa
mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o
pamanahong papel, riserts at iba pa. Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na
pagbasang magagawa ng isang tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa
ng mga pahiwatig sa selekyon katulad ng pamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya nang
pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa
sandaling iyon.

3. Previewing
Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at
ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na
pagbasa at pag-unawa sa babasa. May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing gaya ng mga
sumusunod:
a) Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heading nakaraniwang nakasulat ng italik.
b) Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print
c) Pagbasa sa una at huling talata
d) Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata
e) Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay binibigyan suri o
basa
f) Pagtingin at pagbasa ng table of contests o nilalaman

4. Kaswal
Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang may
inaantay o pampalipas ng oras.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 12


5. Pagbasang pang-impormasyon
Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa
pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang pagbasa
ng aklat sa layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na mapalawak
ang kaalaman.

6. Matiim na pagbasa
Nangangalinangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang
binasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba pa.

7. Re-reading o muling pagbasa


Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan
o pagkabuo ng pahayag. Isinagawa ng muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o masakyan
ang kabuuang diwa ng materyal na binasa.

8. Pagtatala
Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahahalagang kaisipan o ideya bilang
pag-imbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan ng pansin o
highlight ang bahaging mahalaga sa binasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.

Aralin 2.
Pagsasalin, Paraphrasing at Iba Pa
ni Veatrice Nicole J. Mallen

Pagsasaling-wika
Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay
nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na
pahayag sa ibang wika.
Mi Ultimo Adios Huling caisipan
Ni Jose Rizal Ni Pascual H. Poblete
Adios, Patria adorada, region del sol querida, Paalam na sintang lupang tinubuan
Perla del Mar de Oriente, nuestro perdido Eden! Pinacaiibig na bayan ng araw
A darte voy alegre la triste mustia vida, Perlang mahalaga ng dagat silanganan
Y fuera más brillante más fresca, más florida, Edeng maligayang sa ami'y pumanaw
Tambien por tí la diera, la diera por tu bien. Sa iyoy handog co ang ganap na tuwa
Yaring abang buhay na lantat dalita
Pahimakas Maging dakila may iaaLay din nga
Ni Andres Bonifacio Cung dahil ng iyoy icatitimawa
Pinipintuho kong Bayan ay paalam
lupang iniirog ng sikat ng araw, Huling pahimakas
mutyang mahalaga sa dagat Silangan Ni Julian Cruz Balmaceda
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw. Paalam na mutyang Tinubuang-lupang minahal
Masayang sa iyo'y aking idudulot ng araw,
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot; Ligayang naglaho at Perlas ng Dagat sa
maging maringal man at labis alindog Kasilanganan,
sa kagalingan mo ay akin ding handog. Masayang sa iyo’y dulot ko ang aking aba’t
lantang buhay,
Gano mang kaningning, gano man kaganda at
kasariwaanIdudulot ko rin kung dahil sa iyong
ikatitiwasay.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 13


Mga Anyo Ng Pag-Uulit
Ang tugma at sukat ay isa lamang sa mga anyo ng paguulit sa pag tula. Pag-uulit ng tunog sa dulo
ng dalawa o mahigit pang taludtod ang tugma. Pag-uulit ng mga bilang ng pantig sa dalawa o mahigit pang
taludtod ang sukat. Nagdudulot ang ganitong pag-uulit ng musika at umuukit sa ritmo ng tula. May
malaking ambag din ang pag-uulit sa pagtuturo. Kailangang ulitin ng guro o paham, halimbawa ang isag
mahalagang salita upang matandaan ng mga tinuturuan o madla.

Alusyong Pampanitikan
Isa sa problemang kinakaharap ng tagasalin ng isang akdang pampanitikan ang pagsasaliksik sa
mga posibleng bukas ng akdang isinalin. Hindi naman nagsusulat ang makata ng mga salitang mahuhulog
mula sa langit. Malimit na dinudukal niya o isinusulat sa gunita ang pag alala sa iba’t-ibang pansariling
karanasan. Matatawag natin itong “pinagkukunan” ng kaniyang akda.

Pagpili Ng Paksa Ng Pananaliksik


Ang paksa ay isang salita mula sa salitang griyego na "topos" na nangangahulugang lugar. Ito ang
pinaka sentrong ideya ng anumang sulatin. Ito rin ang nagsisilbing puso ng anumang katha at kumokontrol
sa takbo ng buong sulatin.
Ayon kay Rivera (1987), dito nakasalalay ang buhay ng isang mananaliksik. Ang paksa ay
kailangang may kahalagahan sa panig ng bumabasa at sumusulat.

Mga Gabay Sa Pagpili Ng Paksa


A. Kawili-wili at kapakipakinabang
B. May mapagkukunang sanggunian
C. Iwasan ang masyadong teknikal o matayog ang paksa
D. Pumili ng paksang maaaring lagyan ng kongklusyon
E. Paunlarin ang paksa sa abot ng kakayahan

Pagbabalangkas
Ang balangkas ay sistema ng isang maayos na paghahati-hati ng kaisipan ayon sa talatuntuning
lohikal na pagkakasunod-sunod bago ganapin ang pag-unlad ng pagsusulat (Arrogante 1992).

Kategorya Ng Balangkas
A. Divisyon - Sa bahaging ito inilalagay ang mga pangunahing ideya. Ito ay ginagamitan ng
panandang bilang (Romano)
B. Seksyon - Sa bahaging ito gumagamit ng mga malalaking letra ng alpabeto.
C. Sab-Divisyon - Sa bahaging ito ginagamit ang mga bilang arabiko.

Sa seksyon at sab-divisyon matatagpuan ang mga pansuportang detalye sa pangunahing kaisipan o


paksa.

Mga Uri Ng Balangkas


A. Papaksang Balangkas - Ito ay binubuo nga mga salita o parirala na ang bawat bahagi ay nahahati
sa mga pangunahing ideya na sinusuportahan ng mga subordineyt na ideya o detalye.
B. Pangungusap na Balangkas - Binubuo ito ng mga mahahalagang pangungusap na sadyang bahagi
na ng sulatin. Maari itong nasa anyo ng deklaratibo o interogatibo.
C. Patalatang Balangkas - Ito ay binubuo ng mga pangungusap na nagsasabuod sa mga gagawing
talata. Pinagsusunod-sunod lamang nito ang talata at hindi gaanong nangangailangan ng detalye.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 14


Aralin 3.
Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik at Pagbabalangkas
Nina Jona Mae Recto at Jerome D. Mahinay

Pananaliksik
Proseso ng pangangalap ng totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito
sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang
karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaran ( o
sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang
prosesong mapagsuri, sistemateko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang kinikilingan (obhetibo).

Pagpili Ng Paksa Ng Pananaliksik


Ang pagpili ng paksa ay magiging pundasyon ng ating gagawing pananaliksik. Ang paksa ay
pangunahing ideya sa gagawing pag aaral. Iikot ang nilalaman ng ating pamanahong papel at ito ang
magiging batayan sa pagkuha ng mga ilalagay nating datos. Mahalagang planuhan nating mabuti ang
paksang nais nating pag-aralan o saliksihin. Sa pagpili ng paksa mahalagang makapagbigay tayo ng ating
gagawing pamagat kung saan dito napapasok ang mga saklaw at limitasyon ng ating gagawing pag-aaral.

Mga Dapat Isaalang-Alang Sa Pagpili Ng Paksa


1. Kasapatan ng Datos - Kinakailangang may sapat na impormasyon na tungkol sa napili mong paksa.
Kapag kakaunti ang datos na makakalap mo tungkol sa iyong paksa, maaaring kapusin sa mga
detalye sa gagawing pag-aaraal.
2. Limitasyon ng Pag-aaral - Deadline o ang oras kung hanggang kalian lamang pwedeng gawin ang
iyong pananaliksik. May mga paksa na hindi kayang gawin sa loob lamang ng isang semester kaya
nangangailangan ng mahabang panahon para maisakatuparan.
3. Kakayahang Pinansyal - Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang iyong kakayahang
pinansyal. May mga paksang masyadong magastos at mabigat sa bulsa. Bilang isang mag-aaral,
maaaring hindi mo matapos ang iyong pananaliksik sapagkat ang pinili mong paksa ay masyadong
malaki ang mailalabas na pera.
4. Kabuluhan ng Paksa - Sa pagpili ng paksa, hindi sapat na ito ay napapanahon lamang, sa halip
dapat ito ay makakatulong din sa iba pang mananaliksik at tao.
5. Interes ng Mananaliksik - May kasabihan tayo na kapag gusto mo ang isang bagay lahat ay
gagawin mo para makuha ito. Sa pananaliksik, mas mapapadali ang iyong gawain kung ang iyong
paksa ay nakabatay sa iyong interes. Magagawa at matatapos mo ng komportable ang iyong pag-
aaral sapagkat gusto mo ang pinili mong paksa.

Mga Hanguan Ng Paksa


1. Sarili - Maaari tayong makakuha ng paksa mula mismo sa ating sarili. Maaaring ang maging paksa
natin ay batay mismo sa ating karanasan, nabasa, napakinggan at maging sa ating mga kaalaman
na natutunan. Halimbawa, ikaw ay isa sa kabataang lulong sa computer games, maaari mo itong
gawing paksa sa iyong pananaliksik para mas maalaman pa ang iyong kondisyon o magkaroon pa
ng impormasyon ukol sa paksang ito.
2. Dyaryo at Magazine - Sa dyaryo at magazine, makikita at mababasa natin ang mga napapanahong
isyu sa loob at labas ng bansa na pwede nating pagbatayan sa pipiliin nating paksa.
3. Radyo at TV- Katulad sa dyaryo at magazine, natatampok din sa mga programa ng telibisyon at
radio ang mga napapanahong isyu sa ating lipunan. Dito, maaari din tayong makakuha ng mga

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 15


ediya na pwede nating gawing paksa sa gagawing pananaliksik tulad ng mga impormasyon sa
isport, edukasyon at maging sa mga balita.
4. Mga Awtoridad, Guro, at Kaibigan - Sa pagtatanong sa kanila, maaari tayong magkaroon at
makabuo ng ideya batay sa mga impormasyong ibibigay nila patungkol sa gagawin nating
pananaliksik.
5. Internet - Dahil sa lumalago nating teknolohiya, mas mabilis na ang ating pangangalap ng
impormasyon. Sa pamamagitan ng pag browse sa internet, makakakalap tayo ng mga ediya na
pwede nating gawing paksa. Maaari tayong makakuha ng paksa sa mga social media websites tulad
ng facebook, sa pagse-search sa search engines tulad ng google, at sa mga online web articles na
ating nababasa.
6. Aklatan - Pwede din tayong humango ng ating paksa mula sa aklatan. Magandang kumuha ng
paksa sa aklatan kung ang nais nating maging pangunahing ediya ay may kaugnayan sa edukasyon
at akademya.

Pagbabalangkas
 Ang balangkas ay nakasulat sa plano na nagpapakita ng mga bahagi ng bubuo sa isang sulatin. Sa
pamamagitan nito, nalalaman natin kung ano ano ang mga pangunahing ideya.
 Ang pagbabalangkas ay maayos na pagtatala ng mga pangunahing kaisipan o paksa ayon sa
pagkakasunod – sunod sa isang katha o seleksyon.
 Ito ay ang pinakakalansay ng isang akda bilang karagdagan, ito ay ang paghati-hati ng mga
kaisipang nakapaloob sa isang selekyon ayon sa pagkakasunod – sunod ng mga ito.

Anyo Ng Balangkas
Papaksa – Isinusulat ito sa anyong parilala
Pangungusap – Isinusulat sa buong paangungusap

Mga Layunin Ng Pagbalangkas


 Maorganisa ang mga ideya
 Matukoy ang ugnayan sa isat isa ng mga detalye
 Malaman kung anong bahagi ng tatanggalin kung kinakailangan
 Matukoy ang mga mahahalagang detalye
 Mapabilis ang proseso ng pagsusulat
 Hindi maligaw sa pagsulat

Mga Dapat Isa Alang-alang sa Pagbabalangkas


 Sa paggawa ng balangkas tanungin mo muna ang iyong sarili kung paano mo maayos sa mga
grupo o mauuri ang mga pangunahing ideya.
 Palawakin ang mga ideyang ito sa pamamagitan ng pag iisip ng mga detalye o subtopics sa bawat
grupo.
 Ang mga pangunahing ideya na pinagsama sama ay mga impormasyon o data na magkakapareho
o magkakatulad.

Paraan ng Pagbabalangkas
1. Isulat ang pamagat o pangunahing ideya
2. Gumagamit ng isang uri ng pamamaraan sa pagbabalangkas
3. Gamitin ng mga Roman Numeral I, II, III, atbp. Ang mga pangunahing paksa malalaking titik A,
B, C, ang mga mahahalagang paksa; ng maliliit na titik a, b, c, ang hindi gaanong mahalagang
paksa. Ang kaayusan ay laging bilang, titik, bilang at titik. Salisihan ang gamit nito
4. Ang mga nasabing titik o bilang ay kailangan isulat ng inihahanay pababa

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 16


5. Isulat sa malaking titik ang unang salita ng bawat paksa.
6. Lagyan ng tuldok ang katapusan ng bawat paksang bilang o titik at ang katapusan ng isang
pangungusap.
7. Ang bawat pangunahing paksa ay dapat buod ng paksang susunod dito o subtopic.
8. Ang mga pangunahing paksa ay dapat maging bahagi ng mga subtopic nito

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 17


YUNIT IV

BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA (PAGTITIPON, PAGPROSESO AT


PAGSUSURI NG DATOS) SA PANANALIKSIK PANLIPUNAN

Aralin 1.
Pagmamapang Kultural, Ekonomikal at Iba pa
nina Rio Candido, Daniel Castro III, Michael Jude A. Laverez, Michael Jela, at Ryan Arnesto

Pagmamapa ng Pagbabagong Heograpikal, Historikal at Kultural ng Quiapo


ni Jema M. Pamintuan

Tinalakay sa sanaysay na ito ang heograpikal at historikal na pagbabago ng Quiapo, gamit ang
pangtubig na halamang "kiyapo" bilang metapor. Ang huli ay tumutulong magpakahulugan at magpakita
ng sitwasyon sa Quiapo na noon ay sentro ng negosyo at kultura at ngayon ay tirahan na ng mga nasa
impormal na sektor tulad ng mga nagbebenta ng mga pinirata o kinopyang pelikula at musika. Sinusuri ng
sanaysay na ito kung paano ang isang lugar sa loob ng isang malaking lungsod ay tila hiwalay na sa buong
kalunsuran, pati narin ang pagmamapa ng teritoryo ng mga nakatira nito. Ginagamit ng sanaysay na ito
bilang kultural na teksto ang mga negosyante at mga aktibidad at proseso na napakaloob sa pamimirata ng
pelikula at musika.
Sa kasalukuyan, angat parin ang notoriety sa imahen ng Quiapo at patunay ito ng Paggamit dito ng
ilang palabas sa telebisyon tulad ng Mangarap Ka. Kundi naman likhang-isip, Pinanatili ng Quiapo ang
bad boy image nito, patunay ng walang tigil na mga raid na ginagawa ng pamahalaan sa mga tindahan at
tagabenta ng mga produkto ng pamimirata.
Layunin ng sanaysay na ito na taluntunin ang ilang bahagi ng masalimuot na kasaysayan at ilang
pagbabagong heograpikal at kultural ng Quiapo, habang tatangkain ding kapain ng konstruksiyon ng tao at
modernidad sa pagaaral ng espasyong ito.
Magsisimula ang papel sa pagtalakay ng postmodernong katangian ng Quiapo, Tinitingnan din
kung paano naglalarawan ng heograpiya ng pakikitunggali ang Quiapo, mula sa pagiging sentro o puso ng
lungsod, hanggang sa pagsuri sa Quiapo bilang sityo ng laylayan sa larangan ng komersyo at kultura.
Kaakibat nito ang usapin ng pagtatag at pagpalaganap ng impormal na sektor ng Quiapo.

Paglutang ng Kiyapo, Pagkalutang Ng Quiapo


Lutang na espasyo ang Quiapo, tulad siguro ng pagkalutang na isinasaad ng halamang-tubig na kiyapo
na pinanggalingan ng pangalan ng sityo. Kawalang katiyakan ang isinisiwalat ng pagkalutang; hindi
malinaw ang pinangalalandakang posisyon ng naghaharing bahagi nito, ibig sabihin ang, kayraming
iimaheng nagtatagisan at hindi kagyat mahihinuha ng kung aling imahen ang ibig paibabawin at bigyang
prayoridad.
Ang basilika ng Nazareno na katumbas ng matibay na pananalig ng mga deboto sa relihiyon ay
tinutunggali ng hilera ng mga manghuhulang nasa labas nito, at parang nanunudyong kung hindi makakapa
ang garinteya ng mainam na kapalaran sa loob ng simbahan ay aapuhapin na lamang ito sang ayon sa giya
ng mga tarot card.
Sa labas ng simbahan matatagpuan din ang maraming halamang-ugat, halamang gamot, mga boteng
may tatak na "pamparegla", "miracle water", at kung aanu-ano pang lekido.
Ibat-ibang laki at hugis ng mga kandila, mga telang ipinunas sa mga santo, rosaryo, ibat-ibang hugis at
laki ng mga anting-anting, eskapularyo, kopya ng mga nobena, imahen ng Sto. Niño at Birhen, at ibat-ibang
uri ng kristal.
"Maunlad na Maynila, Huwaran ng isang bansa" - slogan na nakapaskil sa ilalim ng malaking video
screen sa mercury drug store.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 18


Tila maglalaro sa hindi tiyak na dimensyon ng ating guni-guni ang konsepto ng kaunlarang itinitulak
ng slogan, makalutang ang kaisipang ito sapagkat hindi malinaw ang pagkakapako o pagkakaposisyon ng
premis na kaunlarang itinataguyod nito, na para bang nang-uuyam, gayong nasa ilalim lang ng islogang ito
ang hilera ng mga pulubing makapikit na maaring dahil sa sila'y nagpapahinga o nasisilaw sa matinding
sikat ng araw.

Heograpiya ng Pakikitunggali: Mula Sentro Patungong Laylayan


Katulad ng kiyapo (halamang tubig) na hindi napalulubog gaano man katindi ang mga ulan at bagyo,
may angking katatagan ang Quiapo sa kabila na pababagong-pihit nito pagdating sa may angking katatagan
ang Quiapo sa kabila ng pagbbagong-pihit nito pagdating sa posisyon ng lungsod.
Noong panahon ng Kolonyalismong Espanyol, itinuring na puso ng lungsod at sentro ng komersyo ang
Quiapo. Noong mga 1590 higit na nagpakitang-gilas ang lugar sa larangan ng komersyo, ang mga mamayan
nito ay nagpakadalubhasa sa metalcraft at iskultura; sa palikha ng kagamitang pangkusina, pangingisda at
pagsasaka; mga sandata; at paguukit ng mga santo.
Noong 1700, dinala ng mga galyon ng Acapulo ang estatwa ng Nuestro Padre Senor de Jesus de
Nazareno, na nililok ng isang Kristyanong Aztec sa bansang Mehiko.
Ang sentro naman ng negosyo at kalakalan sa bansa ay gumalaw mula sa Parian (sa may intramuros)
patungong Binondo noong mga 1850, hanggang sa Sta Cruz at Quiapo sa pagkatapos ng Siglo.
Pinaniwalaan ng mga mangangalakal at negosyante ng Quiapo noong yugtong ito na magiging mahusay
ang pagpasok ng kayamanan lalo’t higit o hanggang nnalig sila sa gabay at milagro ng Nazareno.
Kaya sa panahong ito, ang Quiapo ay maituturing na teritoryo ng mga ilustrado, Sumulpot ang mga
Nouveau riche ng Maynila sa pagbubukas nito sa pandaigdigang kalakalan.
Self- Contained na komunidad ang Quiapo sapagkat kumpleto ito sa mga pasilidad na kailangan sa
isang payapa at kumportableng residential district- mayroon itong mga pangunahing tindahan at pamilihan,
mga eskuwelahan at simbahan.

Pagsulpot ng Impormal na Sektor


Pakikitunggali sa larangan ng komersyo ang nagging tugon sa Great Depression noong 1929 na
nagdulot ng pagbabagong-anyo sa tungkuling pang-ekonomiya ng Quiapo. Kinailangan ang impormal na
sector sapagkat hindi na natutugunan ang pangangailangan na nakararami dulot ng pagkawala ng trabaho
at pagbagsak ng ilang negosyo.
Umuusbong ang impormal na sector sa mga espasyong may tinatawag na “uneven modernity…class
struggle inscribed in space” (Wilson ang Dissayanake, 1996) o yaong may hindi pantay at hindi konsistent
na larawan ng modernidad tulad ng Quiapo.

Ang Ilusyon ng Kultura at Pamimirata sa Quiapo


Tigib ng mga produkto ng pamimirata ang Quiapo. At ang malawakang kultural na pagkakahati
(cultural divide) ang nag-udyok na lumitaw ito.
Sinasalungat nito ang mundo ng materyal na pag-unlad kung saan ibinebenta ang mga “orihinal”
at “lehitimong” produkto, mga lunang nasa sentro ng komersyo tulad ng Glorietta, SM at kung saan pang
mall.
Upang higit na masinsin ang pag-aaral sa espasyo at kultura ng pamimirata, gayundin ang
mobilidad at kung paano ito pinakikilos at dinaranas sa espasyo ng Quiapo, hahatiin sa walong bahagi ang
pagtalakay rito:
1. ang pagtukoy sa ruta ng pinanggalingan ng produkto ng pamimirata;
2. ang pagkakasangkot at pagkawing ng pamimirata sa ilang mangangalakal na Muslim;
3. ang mga partikular na lunan sa Quiapo kung saan ito ibinebenta;
4. ang pamamaraan ng pagbebenta;
5. ang distorsyong nagaganap sa presyo at panahon;
6. ang transaksyong namamagitan sa tagabenta at mamimili;
7. ang sistema sa pagitan ng mga kapwa tagabenta; at

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 19


8. Pagtukoy ng ruta ng pagsuplay ng mga produkto sa iba pang lugar sa lungsod, tulad ng Makati
Cinema Square, Greenhills, at Marikina Riverbanks.

Ruta at Sistema ng Backdoor Policy


Ilegal itong nakapapasok sa bansa mula sa Tsina, o kaya’y sa Kota Kinabalu ng Malaysia, sa
pamamagitan ng mga alternatibong ruta, o tinatawag ding backdoor, tulad ng Sulu, at ilang paliparan at
daungan sa Davao at Cebu.
Ang sistema umano ng ilang manlalakbay upang hindi mahuli sa customs ay inilalagay nang hiwalay
ang mga disc at mga lalagyan nito sa magkakahiwalay ring piraso ng bagahe, samantalang ang mga pabalat
ng mga DVD na may pamagat ng pelikula ay inilalagay sa isang folder (Jimeno, 2002).

Teritoryalisasyon ng Ilang Mangangalakal na Muslim


Sa kasalukuyan, ang Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) ang may pinakamalaking
bilang ng mahihirap na mamamayan ng bansa.
Bagaman maraming produktong maaaring ibenta, tulad ng mga tela, ilang kagamitan sa bahay, at
mga produktong nanggagaling sa mga karatig na bansa, hindi maunlad ang sirkulasyon ng pera sa
Mindanao.
Madalas ikawing ang larawan ng pamimirata sa mga Muslim dahilan na rin sa rutang backdoor
nito; ang bagsakan ng mga suplay ng DVDs at VCDs ay sa mga daungan at paliparan ng Sulu at Davao.

Makikitid at Lihim na mga Sulok ng Pamimirata


Sinasalamin ng mga pagbabago sa pisikal na anyo ng Quiapo ang pag-iba rin ng landasin ng
pagdanas ng mga aktibidad dito.
Ang kakakitiran ng mga kalye at ang kalumaan ng mga gusali ay mga katangiang angkop para sa mga
espasyong malihim at hindi lantad, na kailangan para sa pag bebenta ng ipinagbabawal ding produkto.
Hindi tulad ng maluluwang at malalamig na espasyo ng mga mall kung saan “malayang”
nakapagbebenta ang mga tindahan at walang nadaramang paranoia ang mga tindera at mamimili, kadalasa’y
sa mga tagóng sulok ng Quiapo, sa mga bangketa, underpass, hindi pansing mga gusali sa Hidalgo
maaaninag ang mga nagbebenta nito.
Sa ilang lunan ng pamimirata, may mga mag-aalok muna sayo bago mo Makita ang koleksyong
ibebenta.

Display at Packaging ng mga Produkto


Maayos na nakahanay ang mga DVD, audio CD at VCD sa mga tindahan ng mall tulad ng Astrovision,
Video City, at Tower Records. Sa magkakahiwalay na eskaparate nakalagay ang mga ito, nakalagay sa
mainam na packaging, at kung maaari pa nga’y may maayos na pag-uuri o klasipikasyon.
Samantala, tila mga prutas na inilalako ang mga pirated na produkto sa Quiapo. Literal na naghahari sa
mga espasyo ang mga produkto ng pamimirata, nangangahulugang halos wala nang maupuan o
mapuwestuhan ang mga tindera dahil sa taas ng mga patung-patong na VCD at audio CD sa humigit-
kumulang na apat na sentimetro kuwadradong tindahan.
Kung hindi naman sa loob ng masikip na tindahan, ang distorsyon naman sa anyo ng pagbebenta ay
nasa pagkakabalandra ng mga produkto sa mga folding bed, patung-patong, at kung walang casing ay nasa
plastik lamang.

Distorsyon sa Usapin ng Panahon at Pagpepresyo


May kaakibat ding discontinuity sa usapin ng panahon ang paggamit sa backdoor policy sa Quiapo.
Kadalasan, ang mga orihinal na kopya ng VCD at DVD ay ibinebenta sa mga tindahan sa mall ilang buwan
pa pagkatapos ipalabas ang pelikula para magarantiyang may manonood sa mga sinehan.
Hindi totoong paubos na nang paubos ang suplay ng mga DVD sapagkat mistulang mga pandesal itong
inilalako sa kahabaan ng Hidalgo at Arlegui. At ang pagdami nito ay nagdulot, hindi ng pagtaas, kundi ng
pagbaba ng presyo — sagaran na ang bargain, kumbaga.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 20


Transaksyon
May ilang pirated na produkto na posibleng hindi compatible sa iyong player kaya maaari mo itong
ibalik basta may tatak ito ng petsa kung kailan mo ito nabili.

Komunidad ng pagbebenta
Lumilikha ng komunidad, sa halip na kompetisyon. Alam naman kasing pare-pareho lang sila ng mga
titulong ibinebenta. Puwedeng rnaghiraman ng kopya ang isa't isa kung sakaling wala nang stock ang isang
nagbebenta at may potensyal itong mamimili. Taliwas ito sa eksklusibo at nagsasariling sistema ng mga
tindahan sa mga mall.

Pagdala sa lba Pang Estratehikong Lokasyon


Ang Quiapo ang pangunahing tagapagsuplay ng mga produkto ng pamimirata sa iba't ibang bahagi ng
lungsod.
Kung lilikha ng dibuho ng ruta kung saan ito nagpapadala ng mga produkto, tulad sa Greenhills, Makati
Cinema Square, at Marikina Riverbanks, mapapansing tila tumatapat at hindi ito kalayuan sa rnj "legal" na
tindahan ng mga DVD.
Sa mga masisikip na sulok at gilid-gilid ng mga tiangge ng Greenhills idinaraos ang transaksyon,
malapit o halos katapat lamang ang mga "lehitimong" tindahang nagbebenta ng CDs gaya ng National
Bookstore.

Hyperreality ng Pamimirata, Hyperreality ng Ekonomiya


Maaaring usisain kung ang pamimirata nga ba ay paglaganap ng mga peke o huwad na produkto.
Maaaring mas may hubog ng katotohanan ang pagiilusyong kultural na ito, ang produkto ng pirata, ang
antas panlipunan ng mga konsumer, at ang mga lugar kung saan ito ibinebenta.
Ang orihinal na CD ay hyperreal, sapagkat ito'y mga reified lamang na produkto ng musika, ng tinig
ng mang-aawit o tunog ng instrumento
Hyperreal sapagkat dumaan sa mga milagro ng kompyuter at digital sound enhancing ang pagsagawa
sa naturang CD, at ang pirated copy ay kopya o reproduksyon lamang ng hyperreal na CD na iyon
Nakasalalay ang price adjustment ng mga orihinal na VCD at DVD sa mga pirated na produkto. Na ang
pagbaba ng presyo ng mga VCD, particular ng ilang "lehitimong" establisimyento tulad ng Video City,
Music One, at Tower Records ay dahil hindi na ito tinatangkilik ng nakararaming konsumer at mulat ang
mga itong may alternatibong inas mababa ang presyo.

Aralin 2.
Etnograpiya at Pananaliksik na Leksikograpiko
ni Mary Angelique Claire Palanog at Joyce Lynn Mae Diama

Etnograpiya
Ito ay maka agham na estratehiya ng pananalik na kadalasang ginagamit sa larangan ng mga agham
panlipunan, partikular na sa antropolohiya. Kilala din ito bilang isa bahagi ng agham pangkasaysayan na
nag aaral ng mga tao, pangkat etniko, at iba pang kabuuang pangkat etniko.

Layunin ng Etnograpiya
Mailarawan ang kalikasan ng mga pinag aaralan sa pamamagitan ng pagsulat.

Mga Hakbang sa Linggwistikong Etnograpiya


1. Pananaliksik sa mga kaugnay na literatura.
Magiging batayan ito ng mga kailangang saliksikin pa at likumin hinggil sa wikang nais
pag aralan at/ o dokumento.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 21


Ang diyakroniko at komparatibong mga obserbasyon ay makapagbibigay ng mga
gramatikal na paglalarawan sa bawat panahon at magbibigay din ng magandang ideya kung saan
aangkop ang kasalukuyang saliksik sa kabuoang pamamaraan ng pagdodokumento/pag aaral.

2. Pagtukoy sa lawak ng pananaliksik.


Ito ang nagbibigay ng direksiyon sa gagawing pananaliksik. Dito nakalahad ang saklaw at
limitasyon ng pananaliksik/pag aaral. Sa hakbang na ito matutukoy ang mga paksang tutugunan ng
pananaliksik.

3. Pagtukoy sa Kabuuang erya ng wikang idodokumento.


Makakatulong kung sa umpisa palang ay matukoy na ang lawak ng lugar ng wikang
idodokumento. Saan ito sinasalita at paano ang distribusyon ng mga tagapagsalita ng wikang nais
pag aralan. Sa pamamagitan nito ay matutukoy ang mga lugar at maiaatos ang iskedyul ng fildwork.

4. Pagtukoy sa Paraan ng pananaliksik.


a. Linggwistik na Paraan. Wika ang pangunahing tuon ng proyekto. Sa pamamagitan nito
malalaman ang mga unibersal o magkakaparehong elemento ng ibat ibang wika, kung pag
aaralan batay sa aktwual na gamit ng mga nagsasalita nito. Maaaring ilarawan ang iba’t
ibang anyo ng wika batay sa edad, seks, istatus sa buhay at trabaho.
b. Etnograpikong Paraan. Ang panguhanhing paraan ng isa ethnographer ay ang pagiging
partcipant observer nia kapag nasa komunidad. Ito ay pagmamasid sa pang araw araw na
ikinikilos ng grupo habang nakapaloob at namumuhay sia sa komunidad.
c. Historikal na Paraan. Makakatulong din ng malaki kung may mga naunang pag aaral na
tumatalakay sa kasaysayan ng isang komunidad. Kailangang makalap ang mga
dokumentong ito at gawan ng malalimang data analysis. Sa pamamagitan nito,
matutugunan ang bahagi ng pagtalakay sa pandarayuhan at kasaysayang politikal ng isang
pangkat o komunidad.
d. Pagbuo ng team ng mananaliksik para sa bawat wika. Ang isang team ay maaaring
binubuo ng dalawa o tatlong mananaliksik, isang lider, isang photographer, at isang
videographer.
i. Punong Mananaliksik - Magsisilbing lider ng buong team.
ii. Katuwang na mananaliksik - Tutulong sa pananaliksik sa pamamagitan ng
pagtatala ng pagrerekord ng interbyu, pagsisinop ng mga datos, pangangalaga ng
mga gamit at suplays, gayon din, pagsasagawa ng maaaring italagan lider.
iii. Photographer.
iv. Videographer.
v. Guide - Siya ang magiging kasama sa buong pananatili ng team sa komunidad.
Mahalagang ang kasamang guide ay kilala sa komunidad. Dapat ding marunong
mag Filipino at ng wika ng katutubong oangkat o hanggat maari ay miyembro ng
pangkat.
e. Makipag-ugnayan sa LGU at/o NCIP. Ito ay upang maging opisyal ang pakikipag ugnayan
sa mga katutuno at para sa seguridad ng mga mananaliksik.
f. Pakikipagpulong sa komunidad ng pangkat ng wikang idodokumento. Makipagpulong
kung hindi man sa buong komunidad ay sa pamunuan ng komunidad. Layunin ng pulong
na humingi ng pahinutulot na maidokumento at makalikom ng mga datos hinggil sa
kanilang wika at kultura.
g. Paghahanda sa lahat ng kagamitang kakailanganin sa fildwork.
a. Mga dokumento
b. Mga kagamitan
c. Mga basic needs
d. Mga gamot o first aid

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 22


h. Pakikipamuhay sa komunidad nang hindi bababa sa 10 araw. Dahil komprehensibo ang
isasagawang pagdodokumento mananatili ang mga mananaliksik sa lugar ng mga katutubo
nang sampung araw upang maobserbahan ang kanilang pamumuhay, makapag interbyu,
makalikom ng mga datos at makapagsaliksik.

Sa sampung araw na pakikipamuhay, narito ang mga nakatakdang gawain ng mananaliksik:


Gabay sa pagkuha ng informant:
1. Rekomendado ng mga namumuno sa pangkat
2. Miyembro ng Katutubong Pangkat
3. Pinanganak at naninirahan sa komunidad ng hindi bababa sa 15 taon.
4. Magkaroon ng informant sa iba't ibang edad (14-25,35-50,55 o mas mataas).
5. Magkaroon ng dalawa o tatlong informant sa bawat paksa.
6. Paghahanda ng write ups/manuskrito.
7. Pagbabalida ng manuskrito
8. Pagpapaedit ng manuskrito
9. Pagsasapinal ng manuskrito
10. Paghahanda para sa pagpapalimbag

Leksikolohiya
Proseso ng paglikha o pag-eedit ng diksyunaryo at mga simulain at praktika ng paggawa ng
diksyunaryo. Tumutukoy sa sangay ng linggiwistika na nakatuon sa proseso teorya at praktika ng pagtitipon
ng mga salita upang makabuo ng mga sangguniang leksikograpikal katulad ng diksyunaryo.

Dibisyon
 Lexicographic Practice - pagbuong diksyunaryo; iniuugnay sa industriya ng sanggunian ng aklat.
 Lexicographic Theory - pananaliksik ukol sa mga teorya sa pagbuo ng diksyunaryo; iniuugnay sa
akademikong pananaliksik.

Pagtatambal - Marami na ring mga salita ang nabuo sa pamamagitan ng pagtatambal ng mga mor fema na
nagging bahagi na ng wikang Filipino dahil sa tinanggap ito ng masa.
Halimbawa:
Dalawit- pinagtambal na dula at awit.
Bahaghari- bahag at hari.
Anak-araw- anak at araw.
Bahay-bata- bahay at bata.
Boses-palaka- bosses at palaka.

Akronim - Hango ito mula sa mga inisyal o mga unang pantig ng mga salita.
Halimbawa:
NSO- National Statistics Office
LSU- Lasalle University
PAL- Philippine Airlines
GAP- Gender and Development

Pagbabawas o Clipping - Ang prosesong ito ay pagpapaikli ng mga salita na kadalasang ginagamit sa
pasalitang paraan.
Halimbawa:
Dok- Doktor
Kabs- Kababayan
Direk- Direktor
Ads- Advertisement

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 23


Pagdaragdag - Mga salitang dinadaragdagan.
Halimbawa:
Boss- Bossing

Paghahalo o Blending - Pagbabawas at pagtatambal ng mga salita.


Halimbawa:
Cryspylicious - Crispy at delicious
Cha Cha - Charter Change

Mga Salita Mula Sa Mga Pangngalan - Pagiging malikhain sa pagbubuo ng mga salita may mga pangalan
ng produkto o brand na nagiging pandiwa. May ibang brand na kinakabitan ng panlahi.
Halimbawa:
Xerox- nagseroks, magseseroks, nagpaseroks.
Colgate- Mayroon ba kayong kolgeyt na Close up?

Aralin 3.
SWOT Analysis at Literature Review
ni Hermielyn D. Magbanua

SWOT Analysis
Ang SWOT Analysis (o SWOT Matrix) ay isang diskarte sa pagpaplano na ginagamit upang
tulungan ang isang tao o organisasyon na makilala ang mga lakas, kahinaan, oportunidad at pagbabanta na
nauugnay sa kumpetisyon sa negosyo o pagpaplano ng proyekto. Ito ay inilaan upang tukuyin ang mga
layunin ng venture ng negosyo o proyekto at tukuyin ang panloob at panlabas na mga kadahilanan na
kanais – nais at nakapipinsala sa pagkamit ng mga layunin.
Ang mga gumagamit ng isang SWOT analysis ay kadalasang nagtatanong at sumasagot ng mga
tanong upang makabuo ng makabuluhang impormasyon para sa bawat kategorya upang gawing kapaki-
pakinabang ang tool at tukiyin ang kanilang competitive advantage. Ang SWOT ay inilarawan bilang tried-
and true tool ng estratehikong pag-aaral.
Ang mga lakas at kahinaan ay madalas na may kaugnayan sa loob, habang ang mga pagkakataon
at pagbabanta ay karaniwang nakatuon sa panlabas na kapaligiran. Ang pangalan ay isang acronym para sa
apat na parameter na sinusuri ng pamamaraan.

 Mga Lakas: mga katangian ng negosyo o proyektong nagbibigay ng kalamangan sa iba.


 Mga Kahinaan: mga katangian ng negosyo na naglalagay ng negosyo o proyekto sa isang kapansanan
na may kaugnayan sa iba.
 Mga Mapaggamitan: mga element sa kapaligiran na maaaring pagsamantalahan ng negosyo o
proyekto sa kalamangan nito.
 Mga Banta: mga elemento sa kapaligiran na maaring magdulot ng problema para sa negosyo o
proyekto.

Elemento ng SWOT Analysis


Ang isang SWOT analysis ay nakatuon sa apat na element na binubuo ng acronym, na
nagpapahintulot sa mga kumpanya na makilala ang mga pwersa na nakakaimpluwensiya sa isang diskarte,
aksyon o inisyatiba. Ang pag-alam sa mga positibo at negatibong sangkap na ito ay maaring makatulong sa
mga kumpanya na mas mabisa makipag-usap kung anong mga bahagi ng isang plano ang kailangan
makilala.
Kapag ang pag-draft ng SWOT analysis, ang mga indibidwal ay kadalasang lumikha ng isang table
split sa apat na haligi upang ilista ang bawat element na nakakaapekto sa tabi-tabi para sa paghahambing.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 24


Ang mga lakas at kahinaan ay hindi karaniwang tumutugma sa mga nakalista na mga pagkakataon
at pagbabanta, bagaman dapat silang magkaugnay na medyo dahil sila ay magkasama sa ilang paraan.
Sinabi ni Billy Bauer, managing director ng Roycee Leather, na ang pagpapares ng mga panlabas na
pagbabanta na may mga panloob na kahinaan ay maaaring i-highlight ang mga pinakaseryosong isyu na
nahaharap sa isang kumpanya.
“Kapag nakilala mo ang iyong mga panganib, maari mo nang magpasiya kung ito ay pinaka-
angkop upang maalis ang panloob na kahinaan sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga mapagkukunan
ng kumpanya upang ayusin ang mga problema, o lugar ng negosyo at pagtagumpayan ito pagkatapos
mapalakas ang iyong negosyo”, sabi ni Bauer.

Panloob na Kadahilanan
Ang unang dalawang titik sa acronym, S (strengths) at W (weaknesses), ay tumutukoy sa mga
panloob na mga kadahilanan, na nangangahulugang ang mga lugar na karaniwang itinuturing ay
kinabibilangan ng:
 Mga mapagkukunang pinansyal (pagpopondo, pinagkukunan ng kita, mga pagkakataon sa
pamumuhunan)
 Mga pisikal na mapagkukunan (lokasyon, kagamitan, kagamitan)
 Mga mapagkukunan nga mga tao (mga empleyado, boluntaryo, target audience)
 Access sa mga likas na mapagkukunan, mga trademark, mga patente at mga karapatang-kopya.
 Kasalukuyang mga proseso (mga programa ng empleyado, mga hierarchy ng departamento, mga
sistema ng software).

Mga Panlabas na Kadahilanan


Ang panlabas na pwersa ay nakakaimpluwensiya at nakakaapekto sa bawat kumpanya,
organisasyon at indibidwal. Kung ang mga kadahilanang ito ay konektado direkta o hindi direkta sa isang
pagkakataon o pagbabanta, mahalaga na tandaan at idokumento ang bawat isa. Ang mga panlabas na
kadahilanan ay kadalasang nagbabanggit ng mga bagay na hindi mo kinokontrol o ng iyong kumpanya,
tulad ng:
 Mga trend ng merkado (mga bagong produkto at teknolohiya, nagbabago sa mga pangangailangan
ng madla)
 Mga usaping pang-ekonomiya (local, Pambansa at pang-internasyonal na mga trend sa pananalapi)
 Pagpopondo (donasyon, lehislatura at iba pang mga mapagkukunan)

Demograpiko
Mga relasyon sa mga supplier at kasosyo Pampulitika, kapaligiran at pang-ekonomiyang mga
regulasyon.
Sa sandaling punan mo ang iyong SWOT analysis, kakailanganin mong makabuo ng ilang mga
rekomendasyon at estratehiya batay sa mga resulta. Sinabi ni Linda Pophal, may-ari at CEO ng kumpanya
sa pagkonsulta sa Strategic Communications, na ang mga estratehiya na ito ay dapat na nakatutok sa
paggamit ng mga lakas at pagkakataon upang mapaglabanan ang mga kahinaan at pagbabanta.
“Ito talaga ang lugar ng pag-unlad ng diskarte kung saan ang mga organisasyon ay may isang
pagkakataon na maging pinaka-creative at kung saan ang mga makabagong ideya ay maaaring lumitaw,
ngunit kung ang pagsusuri ay angkop na inihanda sa unang lugar”, sabi ni Pophal.

Literature Review (Pagsusuring Pampanitikan)


Pagsusuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa
pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga
malikhaing manunulat at katha.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 25


Mga Sangay ng Pagsusuring Pampanitikan
 Pagdulog
 Pananalig

Mga Bahagi ng Pagsusuring Pampanitikan


1. Pamagat – binubuo ito ng pangalan ng akda at may-akda ng iyong sinusuri at paksa na iyong
ilalahad sa paghihimay.
2. Panimula – impormasyon na may kaugnayan sa iyong sanaysay at kasiya-siyang pambungad na
talata na kinabibilangan ng angkop na pahayag ng tesis.
3. Paglalahad ng Tesis – kadalasang nakapaloob sa panimula; nagsasabi sa iyong mambabasa kung
ano ang aasahan sa kaniyang mababasa
4. Katawan – naglalaman ng paliwanag ng iyong mga ideya at katibayan mula sa teksto at
sumusuporta sa iyong inilalahad na tesis
5. Konklusyon – ang buod ang mga pangunahing punto na iyong ginawa, na may-katuturang
komento tungkol sa teksto na iyong pinag-aaralan

Pakinabang ng Pagsusuring Pampanitikan


Nagbibigay ng kakayahan upang Makita ang mas malalim na kahulugan sa nilalaman ng akda at
kung paano ito ay lahat nagiging isang buong ideya.

Kahalagahan ng Panitikan
1. Nagbibigay ng isang magandang pagtakas sa realidad at ibinabahagi nito ang isang uri ng
libangan para sa tao
2. Nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil tinutulungan nito
ang mga mamamayan na bumuo ng opinion sa mundo at kwestiyonin ang kasalukuyang sistema
3. Nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito
4. Isang uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-
sariling mga buhay.

Aralin 4.
Pagtatanong-tanong, Obserbasyon, Interbyu at Participant Observation
nina Nicole Rose Bernales, Rejane Bulaclac, Jan Marie Obregon at Alyssa Kyren Mendoza

Bakit isang sining ang pagtatanong?


 Ang pagtatanong ay isang sining sapagkat dito naipakikita ng guro ang kaniyang istratehiya kung
paano niya magaganyak ang mga mag-aaral na lumahok o makibahagi sa isang talakayan.
 Katulad ng isang pagsusulit, ito ay isang mabisang pagtataya sa mga kaalaman at kasanayan dapat
matamo ng mag aaral

Bakit kailangan magtanong?


1. Upang bigyan ng pagkakataon ang magaaral na mag-isip ang pagtatanong
2. Upang mapukaw ang interes ng mag-aaral
3. Upang malaman ang mga bahaging nahirapan ang mag-aaral
4. Upang matuklasan ang interes o kahinaan ng mag-aaral
5. Upang malinang ang kakayahan ng mag-aaral na magsuri at magsaayos o bumuo ng mga kagamitan
o karanasan

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 26


6. Upang matulungan ang mga mag-aaral na iugnay ang natutunan sa sariling karanasan
7. Upang maipokus ang atensiyon ng mag-aaral sa mahahalagang puntos ng aralin at iayos ito sa
lohikal na pamamaraan
8. Upang malinang, maliwanagan, maiayos, o mapalawak ang mga ideya hinggil sa mga
pagpapahalaga at pananaw
9. Upang magsilbing isang paraan ng pagsasanay
10. Upang maipakita ang ugnayan, gaya ng sanhi at bunga
11. Upang himukin ang mga mag-aaral na ilapat ang mga konsepto sa tunay na buhay

Mga Layunin ng Pagtatanong:


 Makilala ang mga katangian ng isang maayos at tamang tanong
 Magkaroon ng pansariling kamalayan tungkol sa mga pamamaraan at estratehiya sa pagtatanong
 Makilala ang kahalagahan ng mga kasanayan sa pag-iisip ayon sa inilahad ng Taxonomy ni Bloom
 Makabuo ng mga tanong sa iba ibang antas batay sa mga aralin sa araling panlipunan

Katangian ng Mabisang Pagtatanong


1. Pinatitibay at pinauunlad ang mga layunin sa pagkatuto
2. Nakahihikayat upang mahimok ang mag-aaral unawai o itaas ang antas ng hamon sa pagpapatuloy
ng aralin
3. Kasangkot o kasama ang lahat ng mag-aaral
4. Magbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na mag-isip
5. Pagtataguyod ng katuwiran at paliwanag
6. May pagpapahalaga sa opinyon at ideya ng bawat mag-aaral
7. Nagpapakita ng pagkakaugnay ng nauna at kasalukuyang aralin
8. Humihikayat sa mga mag-aaral na magbakasakali at magbigay ng hipotesis
9. Humihikayat sa mga mag-aaral na magtanong din
10. Humihikayat sa mga mag-aaral na makinig at sumagot sa tanong ng bawat isa at ng guro.

Bakit mahalaga ang pagtatanong?


1. Upang maging masigla ang talakayan sa klase
2. Upang matiyak kung naging mabisa ang pagkakalahad mg aralin
3. Upang matiyak kung natamo ang layunin ng pagtuturo
4. Upang matuklasan kung anong damdamin ang namamayani sa dibdib ng mga mag-aaral matapos
ang talakayan

Bakit kailangan ng Teknik sa Pagtatanong?


1. Upang hikayatin ang mga mag-aaral.
2. Upang malaman kung mayroon na silang alam tungkol sa itatanong.
3. Upang maalaala ng mag-aaral ang dati na niyang kaalaman o karanasan tungkol sa nilalaman ng
tanong.
4. Upang makabuo ng panibagong karanasan at magkaroon ng impormasyon tungkol satanong.
5. Upang maiangat pa ang pag-iisip ng mag-aaral mula sa konkreto tungo sa mapanuri at mapagtayang
kasagutan.
6. Upang alalayan ang mag-aaral sa tamang pagkakasunod-sunod na siyang magbubuo ng lubos na
pag-unawa.
7. Upang mahikayat sa pagbubuo ng hipotesis, pagtataya, at problem solving.

Iba’t-Ibang Uri ng Pagtatanong


 Tanong tungkol sa mga tao, bagay, lunan, o pangyayari
 Tanong na bakit

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 27


 Bukas na mga tanong
 Tag Question

Mga Tanong na may Mataas na antas? Pinalawak o expanded? Dayberdyent, pang-ebalwasyon?


Reperensyal? Sa antas ding ito ay mahalagang mapag-ugnayugnay ang mga dati nang natutuhan (stock
knowledge) upang makapagbigay ng panibago at pansariling ideya. Ang mga tanong na may mataas na
antas ay mapapangkat sa tatlo:
1. Mga Tanong ng Pagsusuri (Analysis) - Pag-eksamen at paghahati-hati sa bahagi ng impormasyon
sa pagkilala sa motibo o sanhi; paggwa ng hinuha at paghahanap ngebidensya sa suportang
paglalahat. Susing salita: maisuri, mahimay-himay, maihambing, maiba-iba, maidayagram,
maihiwalay at mabuo muli, maitangi-tangi, mailaay, makapagpasiya, maiugnay, magbigay-
kabatiran, maitimbang-timbang.
Halimbawang tanong:
a) Aling mga kaganapan dito ang maaaring nangyari…?
b) Ano ang ilan sa mga problemang hinarap ni Maria?
c) Ano ang ideyang nasi palutangin ng may akda?

2. Mga Tanong sa Pagtataya (Evaluation) - Pagharap at pagtatanggol ng opinyon sapaggawa ng


pasya o hatol tungkol sa impormasyon, validiti ng ideya o kalidad ng gawa batay sa set ng kraytirya.
Susing salita: maisaklasipika, maikategorya, maibuo o makapagbuo, mapag-isa o mapagsama,
matipon, maisatipo,makagawa, makapaghandog, makapagdisenyo, makapagpaliwanag,
makapagbigay, maitago, maisama-sama, makapagplano, maiayos muli, mabuo muli, maiwasto,
maisulat muli, maibuod, maisabi, makasulat, makapagbalak.
Halimbawang tanong:
a) Ano ang mararamdaman mo kung…?
b) Anong mga pagbabago ang maiimungkahi mo?

3. Mga Tanong ng Paglikha (Synthesis) - Pagsasama-sama ng impormasyon sa iba’t-ibang paraan


tungo sa bagong pardon o alternatibong solusyon; paglikha ng bago o orihinal. Susing salita:
makilatis, maihalintulad, makalikha ng bago, makapagpalagay, maiba-iba, makapagsuri,
maibukod-tangi, maitataya, maipaliwanag ng bago, makapagpapakahulugan, makapangatwiran,
makabuod, maisuporta, makapagmungkahi.
Halimbawang tanong:
a) Maaari ka bang magbigay ng posibleng solusyon sa…?
b) Kung ikaw ang may akda, paano mo wawakasan ang kwento? Bakit?
c) Ano sa tingin mo ang mangyayari kung…?

Obserbasyon
Obserbasyon o pag-oobserba ay maarinv isang gawain ng isang nabubuhay na nilalang katulad ng
tao, na binubuo ng pagtatanggap ng kaalaman ukol sa mundong panlabas sa pamamagitan ng pandama; o
maaaring pagtatala ng dato na ginagamitan ng mga instrumentong pang-Agham.
Maaring bigyan ng kahulugan ang obserbasyon bilang isang tuwirang masusing
pagsisiyasat,mabuting pagsuri, mabuting morning pagmamasid ng sitwasyon o kalagayan. Isa itong masigla
at aktibong pagtatamo ng impormaston at kabatiran mula sa isang pangunahing pagkukunan.

Ang Pakikinayam o Interbyu Panayam


 Isang pakikipagpulong sa isang kinatawan ng pahayagan sa isang taong nais niyang kunan ng
impormasyong maiuulat o maipalilimbag.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 28


 Isang pagtatanong upang makakuha ng impromasyon tulad ng opinion, kaisipan o tanging
kaalaman ukol sa isang paksa na nakatatawag ng kawilihan sa madla na karaniwang na nagmumula
sa tanyag na tao o otiridad na kinakapanayam.

Layunin ng Pakikipanayam
 Kumuha ng impormasyon, reaksyon o kurokurong kailangan sa paghahanda ng isang bagay na
ilalathala sa pahayagan
 Layuning pagtatampok
 Layuning pagtalambuhay

Uri ng Pakikipanayam (Ayon sa anyo)


A. Formal
 may ginagawang pakikipagtipan sa kakapananayamin sa isang takdang araw, takdang oras at
takdang lugar.
 Isang harapang pag uusap ng reporter at ng kanyang kinakapanayam
B. Di-formal
 isang pakikinayam na walang ginawang pagtitipan sa isang taong kakapayamin.
 tinatawag din itong ambush interview
 Ito ay biglang pagtatanong sa mga taong kagagaling sa isang mahahalagang pangyayari na
nangangailangan ng pangmadalang kabatiran.

Uri Ng Pakikipagugnayan (Ayon sa layunin)


1. Pakikipanayam na Nagbibigay ng Kabatiran (Informative)
Isinasagawa upang makakuha ng impormasyon mula sa isang taong may kinalaman sa
bagong ideya, sa isang taong nakasaksi sa isang pangyayari o sa isang taong maaring
mapagkukunan ng balita.
2. Opinyon (Opinyon Interview)
Isinasagawa upang makakuha ng komentaryo o opinion mula sa taong bantog o kilalang
otoridad
3. Lathalain (Feature Interview)
Pakikipanayam sa isang sikat na tao o sa isang taong may makulay na karanasan upang
makakuha ng kaalaman sa kanyang katauhan na magiging kawili-wili sa madla.
4. Pangkat (Group Interview)
5. Nagtatanong sa Reporter (Inquiring Reporter Type)
Iisa ang mga tanong na sinasagot ng mga kinakapanayam at sa pasinulang na pagtawag.
6. Simposyum (Symposium)
Nagtatanong ang mga reporter ng mga magkaugnay na tanong sa bawat kapanayam na
inaakalang dalubhasa sa napiling larangang pinaghanguan ng katanungan. Ang bawat kapanayam
ay dalubhasa sa kani-kanilang linya.
7. Pandiyaryo (Press Interview)
Pakikipanayam ng maraming reporters sa isang taong kilala gaya ng pangulo ng bansa o
ng isang tanyag na dayuhan at iba pang may kinalaman sa pambansang aktibidad.

Ang Pinakamabisang Paraan ng Pakikipanayam


 Kailangang malaman muna sa anumang paraan ang lahat ng maaring malaman hinggil sa taong
kapapanayamin.
 Mahalagang malaman din ang hilig o libangan ng taong kinakapanayam.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 29


Dalawang Uri ng Informante
1. Impormanteng lihim ang pangalan - informanteng nagbibigay ng mga delikado o maseselang
impormasyon sa maaring maglagay sa delikadong kalagayan sa kanya kung ilalantad ang kaniyang
pangalan.
2. Informanteng naglalantad ng pangalan - informanteng walang ibinibigay na informasyong
delikado.

Mga Mungkahi sa Pagsulat ng Interbyu


 Sundin ang ayos na baligtad na paramide (Inverted pyramid)
 Simulan sa angkop na pamumuhay. Maaaring ito’y tuwirang sabi (direct quotation) o di-tuwirang
sabi (indirect quotation).
 Lagyan ng pang-ugnay (tie-in) sa pagitan ng pamatnubay at ng unang talata ng katawang balita
 Tiyaking maignay ang pamatnubay sa katawan ng balita
 Ayusin ang katawan ng balita na nagbibigay kaalaman at ng opinion sa magkasalit-salit na talata
na tuwirang sabi at ng nagbubuod na pangungusap (Summary Statement).

Aralin 5.
Secondary Data Analysis at Experimental na Pananaliksik
nina Ray Ivan Botin at Micole Maganto

Secondary Data Analysis


Ang Secondary Data Analysis o Pangalawang Pagsusuri ng Datos ay tumutukoy sa pagtatasa ng
umiiral na datos na nakolekta ng iba. Nagbibigay din ito ng mga pagkakataon sa mga mananaliksik na
siyasatin ang mga tanong sa pananaliksik gamit ang malalaking sukat ng datos na kadalasang kasama ng
mga grupong kulang sa kinatawan, upang makatipid ng oras at mapagkukunan.
Sa kabila ng napakalawak na potensyal para sa Pangalawang Pagsusuri bilang isang kasangkapan
para sa mga mananaliksik sa agham panlipunan, hindi ito kadalasan na ginagamit ng mga Psychologist at
kung minsan ay natutugunan ng matalas na pagpuna sa mga taong pabor sa mga pangunahing pananaliksik.
Ang Secondary Data Analysis, sa kabilang banda, ay ang paggamit ng datos na nakolekta ng ibang
tao para sa ibang layunin. Sa kasong ito, ang mga mananaliksik ay maglalabas ng katanungan na
tinutugunan sa pag-aaral ng isang datos na hindi sila kasangkot sa pag kolekta. Ang datos ay hindi na
kolekta upang sagutin ang mga partikular na katanungan ng pananaliksik ng mga mananaliksik at sa halip
ay tinipon para sa iba pang layunin.
Kaya, ang parehong hanay ng datos ay maaaring maging isang primaryang datos para sa isang
mananaliksik at maging pangalawang datos para sa iba.

Pananaliksik
Isa itong sistematikong paraan ng pag-aaral at pagsusuring lohikal sa pamamagitan ng matiyagang
pagkuha ng mga datos o impormasyon mula sa pangunahing mga materyales ukol sa isang paksa o
problemang pang-agham, panliteratura, pangkasaysayan, pangmedisina at iba pa pang disiplina na
isinusulat at inuulat para sa kaalaman at impormasyon ng mga tao.

Kahalagahan ng Pananaliksik
Maituturing ang pananaliksik na susi sa kaunlaran. Sa halos lahat ng Larangan ng buhay walang
magiging pagsulong o pag-unlad kung hindi gagamit ng pananaliksik maging sa pamahalaan, sa edukasyon,
sa pangangalakal at komersyo, at sa lahat ng uri ng industriya

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 30


Eksperimental na Pananaliksik
Ito ay paraan ng pananaliksik na ginagamit ng laboratory upang tuklasin ang kadalisayan at
katotohanang bunga ng mga datos na nakalap para sa isang mahalagang problema at paksa.

Mga Bahagi
1. Mga Pahinang Preliminari o Front Matters
2. Kabanata I : Ang Suliranin at Kaligiran
3. Kabanata II : Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
4. Kabanata III : Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
5. Kabanata IV : Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
6. Kabanata V : Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

Mga Pahinang Preliminari o Front Matters


1. Pamagatang Pahina. Ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pananaliksik. Naka saad
din ditto kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung saang asignatura o kurso ito kailangan,
kung sino ang gumawa at panahon ng komplesyon.
2. Pasasalamat o Pagkilala. Tinutukoy ng mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o
institusyong maaaring makatulong makatulong sa pagsulat ng pananaliksik at sa gayo’y nararapat
pasalamatan.
3. Abstrak. Ito ay naglalayong magbigay ng lagom o summary ng isang pananaliksik. Dito isinasaad
ang mga metodong ginamit, mga paraang nabanggit, mga variables o mga objects of the study, at
ang analysis at resulta ng ginawang pananaliksik. Kadalasan, ito ay may haba ng hindi hihigit sa
300 words.
4. Talaan ng nilalaman. Nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pananaliksik
at nakatala nang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawats isa.

Kabanata I : Ang Suliranin at Kaligiran


1. Panimula o Introduksyon. Isang maikling talatang kinapapalooban ng pangkatang pagtalakay ng
paksa.
2. Layunin ng Pag-aaral. Inilalahad ang pangkatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang
pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik na patanong.
3. Kahalagahan ng Pag-aaral. Inilalahad ang signipikans o kahalagahan ng pagsasagawa ng pag-
aaral. Tinutukoy rito ang maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba’t ibang
indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon, propesyon, disiplina o larangan.
4. Depinisyon ng Terminolohiya. Ang mga katawagang makailang ganagamit sa pananaliksik at ang
bawat isa’y binibigyan ng kahulugan.
5. Saklaw at Limitasyon. Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Ditto itinakda ang
parameter ng pananaliksik.

Kabanata II : Mga Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura


Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa
ng pananaliksik. Kailangan ding matukoy ng mananaliksik kung sino-sino ang mga may akda ng naunang
pag-aaral o literature, disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-aaral.

Sintesis o Buod
Isang pamamaraan kung saan ang isang manunulat o tagapagsalita ay sinasabi ang mga orihinal na
teksto sa mas maikli ngunit kumpleto at detalyadong paraan.

Kabanata III : Disenyo at paraan ng pananaliksik


1. Disenyo ng Pananaliksik. Nililinaw dito kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-
aaral.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 31


2. Instrumento ng Pananaliksik. Inilalarawan ang paraang ginamit ng mananaliksik sa pangangalap
ng mga datos at impormasyon. Iniisa-isa rito ang mga hakbang na kanyang ginagawa at kung
maaari, kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang.
3. Tritment ng Datos. Inilalarawan kung anung istatisyikal na paraan ang ginagamit upang ang mga
numerical na datos ay mailarawan.

Kabanata IV : Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos


Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng
tekstwal at tabular grapik na representasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o
pagsusuri.

Kabanata V : Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon


1. Lagom. Binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensibong
tinatalakay sa kabanat VI
2. Kongklusyon. Ito ay mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkatang
pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik
3. Rekomendasyon. Ito ay mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa
pananaliksik.

Aralin 6.
Case Study at Aksyong Pananaliksik (Action Research)
ni John Diel Alcones

Pananaliksik - paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa teorya at paglutas ng isang suliranin. Ito ay
isang prosesong paghahanap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito
sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na.

Case Study o Pag-aaral sa Kaso


Masusing pag-aaral at pagiimbestiga sa patikular na tao sa pang-araw araw na buhay, gawi, kilos,
at ugali. Ito ay malawak na pag-aaral sa isang aklat, pangyayari, karanasan o kaya’y isang mabigat na
suliranin.

Proseso ng Pananaliksik
Pagpili ng paksa Mga dapat isa-alang alang sa
paglimita ng paksa:
 Kasapatan ng Datos
 Limitasyon ng Panahon  Panahon at Lugar
 Kakayahang Pinansyal  Respondante
 Kabuluhan ng Paksa
 Aspekto
 Interes ng Mananaliksik

Hanguan ng Paksa
1. Sarili – maaring humango ng paksa mula sa sariling karanasan, nabasa o narinig.
2. Dyaryo at Magazine – mga mapapanahong isyu sa mga pamukhang pahina ng dyaryo at
magazine.
3. Radyo at TV – maaaring making at manood ng mga programa kung may makukuhang paksa.
4. Internet at Aklatan – may mga malawak na ideyang napapaloob.
5. Kaibigan at Guro – sa pamamagitan ng pagtatanong sa ibang tao maaring makakuha ng paksa.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 32


Pagpili ng mga Baryabol
Baryabol – ito ay katangiang may dalawa o higit pang halaga na mutually exclusive. Ang mga baryabol
ay mga constructs o mga katangian na iyong iniimbestigahan sa pag-aaral.
1. Malayang Baryabol/ Independent Variable – ito ay sanhi at batayan ng pagbuo ng pangkat.
2. Di – Malayang Baryabol/ Dependent Variable – ito ay kinalabasan o layunin ng pag-aaral.
3. Baryabol na Mababago/ Control Variable – maaring mabago o manipulahin.
4. Di – Mababagong Baryabol/ Extraneous Variable – hindi mababago at hindi manipulahin.

Tungkulin/ Responsibilidad ng Mananaliksik


Isang komprehensibong gawin ang pananaliksik lalo na sa mga mag-aaral. Narito ang ilang
tungkulin/responsibilidad ng isang mananaliksik
 Pagkamatiyaga  Pagkamapanuri o kritikal
 Pagkamaparaan  Pagkamatapat
 Pagkamasistema sa Gawain  Pagiging responsibilidad
 Pagkamaingat

Layunin
1) Makapagbigay ng mungkahing solusyon sa problema
2) Makapagpakatotoo o makapagpangatwiran sa tulong ng mga mapanaligang mga materyales o
dokumento tungkol sa mga paksang nangangailangan ng paglinaw
3) Nakapagbibigay ng mga ideya o mungkahi batay sa pangkasanayang perspektibo para sa isang
pangyayari o senaryo.
4) Sa pagsasagawa ng pananaliksik, dapat na alam kung ano ang layunin ng gawaing ito. Dapat na:
a) Makatuklas ng mga bagong impormasyon ideya at konsepto
b) Makapgbigay ng bagong pagpapakahulugan o interpretasyon sa dating ideya
c) Mabigyang linaw ang isang mahalagang isyu o paksa

Action Research O Aksyong Pananaliksik


Aksyong Pananaliksik (action research) ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga
espisipikong problema o amsagot ang mga espisipikong tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman
sa kanyang larangan. Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagbubuti ng mga bagay na siyang
paksa ng pananaliksik.
Mas payak ang suliraning nilulutas at ang pangongolekta ng datos ay impormal. Karaniwan ang
mananaliksik ay kabahagi o kasapi ng pinag-aaralan.
Ang aksyong mananaliksik ay maaaring gumamit ng iba’y ibang paraan ng pananaliksik ng
kwalitatibo o kwantitatibo man. Dapat tiyakin ng mga mananaliksik ang triangulation ng kanilang mga
paraan. Ang triangulation ay isang payak na simulain na sumasaklaw sa maingat na pamimiling teknik sa
pangangalap ng datos.
Ang pangunahing pamantayan sa pagpili ng particular na pamaraan sa pagkuha ng datos sa aksyong
pananaliksik ay kung makapagbibigay ba ito ng makabuluhang impormasyon tungkol sa praktikal na
paraan.

Mga Panuntunan sa Paggawa ng Pagkilos na Pananaliksik

Mga Nilalaman o Bahagi ng Aksyong Pananaliksik


1. Pamagating Pahina
Ito ipinapakilala ang pamagat ng aksyong pananaliksik na kasaad din ditto kung kanino
ipinasa ang pananaliksik at pati na rin ang pangalan ng mga mananaliksik gayundin ang petsa kung
kalian ito ipinasa.
\

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 33


2. Talaan ng nilalaman
Dito nakaayos ang mga pagbabalangkas ng mga bahagi at mga nilalaman aksyong
pananaliksik at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.

3. Panimula o introduksyon
Maipaliwanag ng mabuti ang mga kahalagahan at layunin ng pag-aaral.Matalakay ang mga
salik na nag-udyok sa mga mananaliksik upang gawin mabuo ang tanong (paano na-udyok ang
mga ideya?). Mailarawan kung paano makakatulong sa iyong pag-aaral ang pagsagot sa tanong.

4. Pag-aanalisa ng mga datos


Bahagi kung saan inilarawan ang pag-aanalisa ng mga datos.

5. Implekasyon
Dito ibinubuod ang mga pinag-aralang mga katanungan at mga pangunahing isyu.

6. Rebyu ng literature
Dito tinatalakay o ipinapakilala ang mga pangunahing teorya na makatutulong sa
mananaliksik sa pagtalakay ng proyekto.

7. Konklusyon
Dito makikita kung ano ang kinalabasan ng iyong pag-aaral.

Ang pangunahing layunin ng pagkilos na pananaliksik ay makahanap ng solusyon o malutas ang


pinagtutuonang problema o suliranin sa isang pananaliksik sa pamamagitan ng pangangalap ng mga
mapagkakatiwalaang datos.

Aralin 7.
Comparative Analysis at Discourse Analysis
ni Thea Mae B. Bermejo

Hambingang Pananaliksik (Comparative Analysis)


Ang paghahambing ay isang estratehiya at pamamaraan ng pag oorganisa kung saan sinusuri ng
manunulat ang pagkakatulad at mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawa o higit pang tao, lugar, ideya o mga
bagay. Ginagamitan ito ng mga talahanayan ng paghahambing ng mga datos.
Halimbawa:
K-Pop vs. OPM: Isang Pahambing na Pag-aaral (Comparative Study) sa mga Tagahanga ng K-Pop at
OPM sa Pilipinas
(Tesis, Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon)
Ang larangan ng musika sa Pilipinas ay binubuo hindi lamang ng mga lokal na tugtugin sapagkat
laganap rin sa bansa ang popular na musikang nagmumula sa iba’t ibang panig ng mundo. Isa sa mga
tinatangkilik ng mga Pilipinong tagahanga ay ang popular na musika ng mga Koreyano. Gayunpaman, hindi
rin naman nagpapahuli ang popularidad ng OPM o orihinal na musikang Pilipino sa bansa. Ang tesis na ito
ay nakasentro sa pagkukumpara sa mga tagahanga ng K-Pop at OPM sa Pilipinas. Nilalayon ng pag-aaral
na sagutin ang tanong na: Anu-ano nga ba ang mga kaibahan at pagkakapareho ng mga tagahanga ng K-
Pop at OPM base sa kanilang motibasyon sa pagkonsumo ng midya, lebel ng partisipasyon sa mga aktibidad
ng fandom, at kalugurang (pleasure) kanilang natatamo sa pagiging tagahanga? Upang magkaroon ng mas
tiyak at mas mapagkakatiwalaang resulta ang pag-aaral, gumamit ang mananaliksik ng parehong
kwantitatibo at kwalitatibong paraan ng pangangalap ng datos na sarbey at interbyu. Ginamit ng
mananaliksik ang teorya ng Cultural Proximity ni Joseph Straubhaar upang matukoy ang mga kultural na

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 34


handog (cultural offerings) na nakapaloob sa K-Pop at OPM. Ang lebel ng partisipasyon ng mga tagahanga
sa fandom ay sinuri base sa konsepto ni John Fiske ng Productivity and Participation.
Ang kalugurang natatamo naman ng mga fans sa pagkonsumo ng midya at pagiging tagahanga ay
ipinaliwanag gamit ang konsepto ng Affective Sensibility ni Lawrence Grossberg. Sang-ayon sa sinabi ni
Straubhaar sa kanyang teorya, nabatid sa pag-aaral na mas pinipili ng mga tagahanga ang musikang mas
madali nilang naiuugnay sa mga personal nilang karanasan sa buhay. Gayon pa man, kung ang kagustuhan
nila ay hindi nabibigyang-katuparan ng tekstong nagmula sa sarili nilang bansa, humahanap sila ng tekstong
makapagbibigay-kaluguran pero malapit pa rin sa kanilang kulturang kinagisnan. Pagdating naman sa
aktibidad ng mga tagahanga, halos pareho naman ang lebel ng pagiging aktibo at produktibo ng mga OPM
at K-Pop fans. Gayunman, bahagyang mas matindi ang mga ginagawang aktibidad ng mga tagahanga ng
K-Pop dahil sa pagkasabik nila sa mga K-Pop idol na minsan lamang pumunta sa bansa. Sa sensibilidad
naman, parehong nabibigyang-kahulugan ng OPM at K-Pop fans ang mga tekstong kanilang kinukonsumo
dahil batid nila ang nagiging epekto nito sa kanilang buhay. Sa kaso ng fans na naging bahagi ng pag-aaral,
ang panandaliang pagkawala ng problema at intindihin sa buhay ang pangunahing naidudulot ng K-Pop at
OPM sa mga tagahanga.

Discourse Analysis
Ito ay pag-aaral sa diskurso. Isang pag-unawa sa pangunahing istruktura ng isang kontrobersyal na
interaksyon o masusing paglalarawan ng kombersyon.

Dalawang Uri ng Diskurso


1. Istruktural na Diskurso – Nangangahulugang isang prtikular na yunit ng lenggwahe/wika. Paraan
ng pagsasalita ng mga tao.
2. Fangksyonal na Doskurso – Tiyak na pokus sa gamit ng wika. Maaari itong humantong sa lalong
malawak o pangkalahatang pagsusuri sa fangksyon ng wika.

Kabataan ng Makabagong Henerasyon: Iba Pero Tanaw Pa Rin Ang Pag-Asa

“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon” – mga salitang halos araw araw mong maririnig mula sa
mga matanda. Sa dyip, sa kalye, sa palengke. Halos nakakabingi na nga ‘di ba? Iba na nga talaga ang mga
kabataan ngayon. Ang kabataan ng makabagong henerasyon na maraming alam sa bagong teknolohiya,
maraming pangarap sa buhay, maraming nais maabot. Ang totoo, maraming kapuri-puri sa mga kabataan
ngayon. Marami sa atin ang hindi nakakakita nun dahil inaasahan nating maging pareho sila ng kabataan
noon. Hindi pa ipinapanganak, nakakulong na sa ating mga ganito, ganun. Ano sa tingin mo kaibigan?
Hindi ba pwedeng hayaan natin silang mamuhay sa mundo na kinamulatan nila? Mahirap. Mahirap ang
pilitin silang mamuhay sa mundong ibang-iba na rin. Iba man ang kabataan ng makabagong henerasyon,
tanaw pa rin nila ang pag-asa. Hindi man sa paraan na ating nakikita, pero malay mo, balang araw, mas
magiging maliwanag ang mundo dahil sa kanila.

Aralin 8.
Content Analysis at Saliksik Arkibo (Achival Research)
ni Jazel D. Distor at Kier John Bartolo

Content Analysis o Pagtatasa ng Nilalaman


Isang gabay na binubuo ng mga naka-code na dokumento ng mga transcript, pahayagan,
pagsasalita, at mga pelikula na ginagamit upang pag-aralan ang mga bilang ng mga kumpol ng salita-
parilala para sa layunin ng pagsasagawa ng pagsusuri ng istatistikal na husay. Kadalasan, ang mga
mananaliksik sa media at mga komunikasyon ay nagsasagawa ng pagtatasa ng kumpol sa pamamagitan ng
paglikha ng isang diksyonaryo ng mga cluster na salita-parilala sa anyo ng mga kategoryang huwarang

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 35


pangkalakat para sa layunin ng pagbilang ng mga nauugnay na mga salita at mga parilala. Ang pag-aaral
na ito ay pangunahing nakatutok sa mga application na batay sa print media, transcript ng media, at iba pa.
Sa medaling salita, ito ay pangunahing nakatuon sa mga application na kaugnayan sa komunikasyon.

Ano ang nilalaman?


Ang nilalaman na pinag-aralan ay maaaring sa anumang anyo upang magsimula sa, ngunit
kadalasang nag-convert sa mga nakasulat na mga salita bago ito pag-aralan. Ang orihinal na mapagkukunan
ay maaaring naka-print na mga publikasyon, mga programa sa broadcast, at iba pang pag record, intenet, o
live na sitwasyon. Ang lahat ng nilalaman na ito ay isang bagay na nilikha ng mga tao.

Ang lahat ng ito ay nilalaman:


Mga item sa dyaryo, mga artikulo ng magazine,
I-print ang media
mga aklat, mga katalogo
Mga web page, advertisement, billboard, poster,
Iba pang mga sulatin
graffiti
Mga programa sa radio, mga item sa balita, mga
Broadcast Media
programa sa TV
Mga larawan, mga guhit, mga video, mga pelikula,
Iba pang mga pag-record
musika
Mga live na sitwasyon Mga pananalita, panayam, pag-play konsyerto
Mga kilos, mga kuwarto, mga produkto sa mga
Mga obserbasyon
tindahan

Mga Paggamit
 Upang maunawaan ang pagbabago sa takbo ng nilalaman sa paglipas ng panahon
 Upang ipaliwanag kung bakit may espesyal na pansin o tumuon sa ilang mga paksa ng nilalaman.
Halimbawa, ang nakakaakit na larangan na binubuo ng tsismis ng tanyag na tao ay isang paksa na
malaking pansin sa mga tao sa lahat ng edad
 Ang pagtatasa ay maaring gamitin upang ihambing ang mga internasyonal na mga pagkakaiba sa
nilalaman
 Tinutulungan ang pagsusuri sa paghahambing ng mga pagkakaiba ng grupo sa nilalaman
 Tumutulong sa pagsubaybay sa pag-unlad ng teoretikal sa kasaysayan ng intelektwal
 Ang tagapagpanaliksik ay maaaring gumuhit ng isang paghahambing sa pagitan ng aktwal na
nilalaman at ang nilalayon ng nilalamit
 Ang mananaliksik ay maaring makita at pagatapos ay ilantad ang paggamit ng mga pinapanigang
tuntunin sa pananaliksik na kinakasangkutan ng impormasyon na nakakaimpluwensya sa mga
opinyon o pag-uugali ng mga tao
 Maaaring subukan ng mananaliksik ang mga teorya tungkol sa kultura at simbolikong paggamit ng
mga termino
 Maaari itong magamit ng isang mananaliksik para sa mga layunin ng coding. Maaaring code ng
mga mananaliksik ang bukas na natapos na mga tanong sa survey (ang bukas na natapos na mga
tanong sa survey ay ang mga pang tiyak na mga sagot)

Saliksik Arkibo
Ang Saliksik-Arkibo o Archival Research sa kasaysayan at tradisyon ng panitikan at dula, gagamit
ang mananaliksik ng datos, kung saan manggagaling sa mga silid aklatan ngmga kolehiyo at pamantasan.
Ang arkibong pananaliksik ay isang uri din ng pananaliksik kun saan ang mga nasaliksik ay tinatago at
maaring gamitin pa ng mga susunod na mananaliksik.
Ang pananaliksik sa Archival ay isang uri ng pananaliksik na nagsasangkot sa paghahanap at
pagkuha ng katibayan mula sa mga talaan ng archival. Ang mga rekord na ito ay maaaring gaganapin

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 36


alinman sa pagkolekta ng mga institusyon, tulad ng mga aklatan at museyo, o sa pangangalaga ng samahan
(maging isang katawan ng gobyerno, negosyo, pamilya, o iba pang ahensya) na orihinal na nabuo o naipon
ang mga ito, o sa na ng isang kahalili na katawan (paglilipat, o sa mga archive house).

Ang pananaliksik sa archival ay maaaring magkatulad sa:


(1) pangalawang pananaliksik (isinasagawa sa isang aklatan o online), na nagsasangkot sa pagkilala at
pagkonsulta sa mga pangalawang mapagkukunan na may kaugnayan sa paksa ng pagtatanong; at
(2) kasama ang iba pang mga uri ng pangunahing pananaliksik at empirikal na pagsisiyasat tulad ng gawain
sa larangan at eksperimento.
Ang pananaliksik sa archival ay nasa gitna ng karamihan sa pang-akademiko at iba pang mga anyo
ng orihinal na pananaliksik sa kasaysayan; ngunit madalas din itong isinasagawa (kasabay ng magkatulad
na pamamaraan ng pagsasaliksik) sa iba pang mga disiplina sa loob ng mga humanities at agham
panlipunan, kabilang ang mga pag-aaral sa panitikan, retorika, arkeolohiya, sosyolohiya, heograpiyang
pantao, antropolohiya, sikolohiya, at pag-aaral sa organisasyon.
Maaari rin itong maging mahalaga sa iba pang mga hindi pang-akademikong uri ng pagtatanong,
tulad ng pagsubaybay sa kapanganakan ng pamilya sa pamamagitan ng mga nagpatibay, at mga pagsisiyasat
sa kriminal. Ang data na hawak ng mga institusyon ng archival ay ginagamit din sa pananaliksik sa
siyentipiko at sa pagtatatag ng mga karapatang sibil.
Bilang karagdagan sa disiplina, ang uri ng pamamaraan ng pananaliksik na ginamit sa pananaliksik sa
archival ay maaaring magkakaiba depende sa organisasyon at mga materyales nito. Halimbawa, sa isang
archive na may isang malaking bilang ng mga materyales na hindi pa nasulit, ang isang mananaliksik ay
maaaring makahanap ng pagkonsulta nang direkta sa mga kawani ng archive na may malinaw na pag-unawa
sa mga koleksyon at ang kanilang samahan upang maging kapaki-pakinabang dahil maaari silang maging
mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa mga hindi edukadong materyales o ng mga kaugnay na
materyales sa iba pang mga archive at repository.

Ano ang Arkibo?


Ang Arkibo ay isang organisasyon na kumukolekta ng mga datos o record nfg bawat indibidwal,
pamilya at iba pang organisasyon.

Ano ang Repository?


Ito ay isang lugar na maaaring mapag-imbakan at mapangalagaan ang isang bagay o isang
organisasyon na kumokolekta ng mga dokumento.
Kung ang isang archive ay hindi ganap na nakatuon sa isa o may kaugnayan sa isang solong
disiplina, ang mga mananaliksik, halimbawa, ang mga mananaliksik, ay maaaring umasa sa pormal o
impormal na mga network upang suportahan ang pananaliksik sa pamamagitan ng pagbabahagi ng
impormasyon tungkol sa mga tiyak na samahan ng mga archive at mga koleksyon sa bawat isa. Ang
pananaliksik sa Archival sa pangkalahatan ay mas kumplikado at pag-ubos ng oras kaysa sa pangalawang
pananaliksik, paglalahad ng mga hamon sa pagkilala, paghahanap at pagbibigay kahulugan sa mga
nauugnay na dokumento. Bagaman nagbabahagi ang mga archive ng mga katulad na tampok at katangian
maaari rin silang mag-iba sa mga makabuluhang paraan. Habang ang mga archive na pinondohan ng
publiko ay maaaring magkaroon ng mga mandato na nangangailangan ng mga ito upang ma-access hangga't
maaari, ang iba pang mga uri, tulad ng corporate, religious, o pribadong archive, ay magkakaroon ng iba't
ibang antas ng pag-access at kakayahang matuklasan.
Ang ilang mga materyales ay maaaring paghigpitan sa iba pang mga paraan, tulad ng sa mga
naglalaman ng sensitibo o naiuri na impormasyon, hindi nai-publish na mga gawa, o ipinataw sa
pamamagitan ng mga kasunduan sa nagdudulot ng mga materyales. Bukod dito, ang mga talaan ng archival
ay madalas na natatangi, at ang mananaliksik ay dapat handa na maglakbay upang maabot ang mga ito.
Kahit na magagamit ang mga materyales sa mga digital na format maaaring may mga paghihigpit sa kanila
na nagbabawal sa kanila na mai-access sa site.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 37


Aralin 9.
Pagsasagawa ng Sarbey at Transkripsyon
ni Kella Mae V. Flor

Ano ang Sarbey?


 Isang anyo ng pagtugon sa papel at lapis sa isang intensive one-on-one at malalim na interbyu.
 Ang pagkolekta ng impormasyon tungkol sa katangian, aksiyon, o opinion ng malaking grupo ng
mga tao na tumutukoy sa bilang ng populasyon.

Ano ang Sarbey na Pananaliksik?


 Ang malawak na sakop ng pananaliksik ay binubuo ng iba’t-ibang istilo ng paghahanap kabilang
ang pagtatanong sa respondent.
 Isang sistematikong metodolohiya ng ginagamit para mangolekta ng impormasyon sa sampol na
indibidwal. Ang sarbey ang nagbibigay ng importanteng impormasyon sa lahat ng research fields.
 Isang pamamaraan na pananaliksik na may kinalaman sa paggamit ng questionnaires at statistical
survey (estatistikong sarbey) upang mangolekta ng datos tungkol sa kanilang saloobin, ideya at
pag-uugali.

Mga Instumento sa Pagsasagawa ng Sarbey:


 Ballpen
 Mga katanungan/ Tanong
 Recorder
 Videocam/Camera

Lawak ng Sarbey
Sarbey – ilang bahagi lamang ng populasyon
Sensus – isang pag-aaral na sumasalakay sa buong target na populasyon.

Layunin
 Makatuklas ng mga bagong impormasyon, ideya, at konsepto.
 Mabigyang – linaw ang isang mahalagang isyu o paksa.
 Makapagbigay ng mungkahing solusison sa problema.

Paano Gumawa ng Sarbey?


1 Ano ang olayunin ng iyong asisisyasat o pag-aaral? Dapat lang na malaman ang iyong sasaliksihin
o pag-aaralan. Mula rito bububo ka ng iyong layunin sa iyong gagawing sarbey.
2 Bumuo ng mgs tanong batay sa pangunahing layunin ng pag-aaral. Ang mga katanungan ng sarbey
ay nakabatay lamang sa pangunahing layunin ng pagsisiyasat upang magkaroon ng direksiyon ang
gagawing sarbey.
3 Alamin ang iyong istratehiya ng pagtatanong sa sarbey. Bumuo ng disenyo ng sarbey o maging
format ng pagtatanong para sa iyong sarbey form. Ito ay nababatay sa paraan ng pagsagot ng sarbey.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 38


YUNIT V

BATAYANG KAALAMAN SA MGA TEORYA SA PANANALIKSIK NA AKMA O


BUHAT SA LIPUNANG PILIPINO

Aralin 1.
Mga Diskurso sa Nasyonalismo
ni Rafael Cenon P. Montejo

Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng mga bansang Kanluranin


sa mga bansang Asyano, ang nagbigay-daan sa pag-isbong ng nasyonalismo sa Asya.

Ang Nasyonalismong Pilipino


Ang nasyonalismo ay inilalarawan bilang isang marubdob at mataos na pag-ibig sa baying
sinilangan. Sa kasaysayan, ang pagkabuo ng ganitong damdamin ay kaalinsabay ng masidhing hangaring
magkabulud-buklud at maging malaya mula sa pakikialam ng mga dayuhang lakas. Ito ang nagsilbing
pangunahing hakbang sa paghubog ng pambansang kamalayan at sa pagtatampok ng angking kakayahan at
identidad ng bansa. Ito ay umuusbong sa kalooban ng mga taong nabubuhay sa isang tiyak na pamayanan,
nagbubuklud ng isang sentimyentong hinuhubog ng iisang kasaysayan, wika, panitikan, pagpapahalaga,
saloobin, tradisyon, pananaw, at relihiyon. Ang nasyonalismo ay bunga ng rebolusyong pranses noong ika-
18 siglo sa panahin ni Napoleon Bonaparte bilang reaksiyon sa kolonyalismo. Pagsapit ng ng ika-19 na
siglo umusbong ang nasyonalismong Pilipino.

Dalawang Uri ng Nasyonalismo


1. Defensive Nationalism - uri ng nasyonalismo na ipinagtatanggol ang bayan laban sa mga
mananakop tulad ng ginagawa ng mga Pilipino laban sa mga Kastila, Amerikano, at Hapon.
2. Aggressive Nationalism - Ito’y uri ng nastyonalismo na mapusok at layong makapanakop o
mapalaki ang teritoryo ng kanilang bansa tulad na lamang na minsang ginawa ng mga Hapon sa
ating bansa.

Mga Kilalang Paghihimagsik na Isinagawa ng mga Pilipino


1. Ang GomBurZa
Isa rin sa mga paghihimagsik na isinagawa ng mga Pilipino ay ang “Kilusang Sekularisasyon”. Ito
ang paghihimagsik dahil sa hindi pinapayagan ng mga paring regular na mamuno o mamahala ang mga
paring secular sa pagbibinyag ng kristyanismo sito sa ating bansa. Pinagbitangan ng mga kasapi ng
kilusang ito ang tatlong paing martir na sina Gomez, Burgos, at Zamora. Sila ay binitay at pinugutan
ng ulo dahil sa bintang walang batayan.

2. Ang Kilusang Propaganda


Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan sa Pilipinas noong 1872 hanggang 1892. Sinimulan ito
dahil sa pagbitay sa tatlong paring martir. Layunin ng kilusang ang kilalanin ng mga Kastila ang
Pilipinas bilang bahagi at lalawigan ng bansang Espanya. Pantay sa pangtingin sa bawat Pilipino at
Kastila sa harap ng batas, pagkakaroon ng kinatawan sa Cortes Generales. Ang pakakaroon ng
sekularisasyon sa mga parokya ng Pilipinas, kalayaan sa pagpululong ng matiwasay, pagpapalathala at
pagsasabi ng mga pang-aabuso at ano mang anomaly sa pamahalaan. Nilalayon ng kilusang ito na
humingi sa pamahalaang kastila ng mga reporma sa mapayapang pamamaraan. Ang La Solidarida ang
pahayan ng mga propagandista na binuo noong Disyembre 13, 1888Itinatag ito ng Pilipinong ilustrado
sa Madrid para sa layuning pampanitikan at kultural sa halip na polikal na layunin. Sina Jose Rizal,
Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at ang magkapatid na Luna—Juan at
Antonio ang ilan sa kasapi dito.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 39


Aralin 2.
Teoryang Dependensiya
ni Dorothy Anne S. Bacanto

Ang Teoryang Dependensya ay ang paniniwala na ang pinagkukunang-yaman ay dumadaloy mula


sa "silid" ng nasa mahihirap na kalagayan tungo sa "sentro" ng mayayamang estado, kung saan ang kapalit
ng pag-unlad ay ang paghirap ng isa. Ito ay sentral na argumento ng teoryang dependensya na ang mahihirap
na estado ay pinagkaitan at ang mayayaman ay pinagkalooban sa paraan kung paano isinama ang mahihirap
sa "pamamalakad ng mundo."

Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa Edukasyon: Ideolohikal na Kritik ng Programang


K to 12 ng Pilipinas

Samakatwid, sa pananaw ni Constantino at ng iba pang nasyonalista, walang saysay ang anumang
programang pang-edukasyon kung hindi nito isinasaalang-alang ang kaunlaran ng mga mamamayan ng
bansa. Sa mas tahas na pananalita: walang saysay ang edukasyong hindi nasyonalista, kahit pa ito’y
sumunod sa “pamantayang global.” Sa kabuuan, binigyang-diin ni Constantino na hangga’t kontrolado ng
mga dayuhan at ng mga Pilipinong elite na kanilang kasabwat, ang ekonomiya, politika at kultura (kasama
na ang edukasyon) ng Pilipinas, mananatiling mahirap at walang pag-unlad ang mayorya ng sambayanang
Pilipino. Sa pangkalahatan, maituturing na kapanalig ng mga naniniwala sa bisa at katotohanan ng
Teoryang Dependensiya si Constantino. Sa mga nakaraang dekada, naging popular ang teoryang ito sa
Latin America at iba pang kontinenteng bahagi ng Third World. Sa pananaw ng mga naniniwala rito,
pinagsasamantalahan ng mga bansang industriyalisado ang mga bansang mahirap sa pamamagitan ng
neokolonyalismo sa ekonomiya.
Sa isang talumpati noong Marso 25, 1964 (“On Development”) sa sesyong plenaryo ng United
Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), ipinahayag ni Dr. Ernesto “Che” Guevara
(isang physician, ekonomista at popular na lider ng mga gerilya na katuwang ni Fidel Castro sa
pagpapatalsik sa diktadura ni Fulgencio Batista), ang buod ng kritisismo ng Teoryang Dependensiya sa
pandaigdigang status quo: “Ang pagpasok ng kapital mula sa mauunlad na bansa’y rekisito sa paglalatag
ng dependensiyang ekonomiko. Ang pagpasok na ito’y may iba-ibang porma: mga utang na may mabibigat
na kondisyon; puhunang naglalagay sa isang bansa sa kamay ng mga mamumuhunan; halos pangkalahatang
subordinasyong teknolohikal ng palaasang bansa sa maunlad na bansa; kontrol ng malalaking monopolyong
internasyonal sa kalakalang panlabas; at sa ilang malalang kaso, paggamit ng dahas bilang sandatang
ekonomiko na sumusuhay sa iba pang porma ng pagsasamantala.” Higit na magiging malinaw ang
kabuluhan ng Teoryang Dependensiya sa pagsusuri ng mga programang pang-edukasyon kung sisipatin
ang binanggit ni Che Guevara na “iba pang porma ng pagsasamantala.”
Nagbigay ng pahiwatig si Vincent Ferraro hinggil sa iba pang porma ng pagsasamantala sa
kabanatang pinamagatang “Dependency Theory: An Introduction,” (sa aklat na The Development
Economics Reader, ed. Giorgio Secondi) na masisipat sa isang webpage ng Mount Holyoke College: “Ang
distinksiyon sa pagitan ng mabagal na pag-unlad at kawalan ng pag-unlad ay naglalagay sa mahihirap na
bansa ng daigdig sa napakakakaibang kontekstong historikal…Sila’y mahihirap sapagkat sila’y sapilitang
isinama sa sistemang ekonomikong Europeo bilang mga prodyuser lamang ng hilaw na materyales o para
maging suplayer ng murang lakas-paggawa, at sila’y pinagkaitan ng oportunidad na ibenta ang kanilang
mga pinagkukunang-yaman sa paraang kokompitensiya sa mauunlad na bansa.” Ang Pilipinas ay isa sa
mga pangunahing “suplayer ng murang lakas-paggawa” sa kasalukuyan. Sa datos ng Philippine Overseas
Employment Agency (POEA), humigit-kumulang sa 3,500 Pilipino ang nangingibang-bayan araw-araw
para maging Overseas Filipino Workers (OFWs). Ipinagmamalaki rin ng gobyerno na ang Pilipinas ay isa
sa mga pangunahing sentro ng Business Processing Outsourcing (BPO) na “nagnanakaw” ng mga trabaho
sa mga Norte Amerikano at Europeo para “ibigay” sa ilang Asyanong bansa na tumatanggap ng mas
mababang lebel ng suweldo kaysa sa mauunlad na bansa, ayon sa mga kritiko nito. Kasama ang Information

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 40


Technology-BPO sa 10 “priority development areas” ng gobyerno sa ilalim ng Philippine Development
Plan (PDP) 2011-2016. Ayon naman sa ulat ni Francis Earl A. Cueto para sa Manila Times, naungusan na
ng Pilipinas ang India bilang nangungunang bansang nagbibigay ng serbisyong BPO. Kompara sa 300,000
call center agents ng India ay may 350,000 ang Pilipinas noong 2011, at batay sa projection ng gobyerno,
aabot na sa 1,000,000 ang call center agents sa bansa sa 2016.
Samantala, madaling mapatunayan na ang Pilipinas ay isa rin sa “prodyuser ng hilaw na
materyales” na nananatiling mahirap at hindi industriyalisado dahil sa imposisyon ng mga lider na kasabwat
ng mga dambuhalang dayuhang kapitalista. Mula sa administrasyong Marcos hanggang sa ikalawang
administrasyong Aquino, pag-akit sa mga dayuhang mamumuhunan o foreign investors ang bukambibig
ng gobyerno ng Pilipinas. Dapat tandaan na ang isa sa mga tunay na dahilan ng deklarasyon ng Batas Militar
noong 1972 ay ang pagpapabilis ng diktadurang Marcos sa implementasyon ng mga makadayuhang polisiya
sa ekonomiya at pagsangga sa mga nasyonalistang adkokasiya ng ilang miyembro ng Constitutional
Convention noong 1972 (Lichauco 200-204; Pimentel 73-74). Bagama’t may mga makabayang probisyon
sa Konstitusyon ng 1987 na inaprubahan sa ilalim ng unang administrasyong Aquino, hindi rin binaligtad
ni Pangulong Cory ang mga makadayuhang polisiya ng diktadurang Marcos. Halimbawa, pinanatili niya at
di ibinasura ang automatic debt appropriation na ipinataw ng diktadurang Marcos at pangunahing ugat ng
kakapusan sa badyet para sa mga serbisyong panlipunan gaya ng edukasyon at kalusugan. Samantala,
notorious naman ang administrasyong Ramos, Estrada at Macapagal-Arroyo dahil sa pagtatangka nilang
alisin ang mga makabayang probisyong ekonomiko sa Konstitusyon ng 1987 gaya ng pagbabawal sa 100%
pagmamay-ari ng mga dayuhan sa mga industriya sa Pilipinas at pagbabawal sa pagmamay-ari sa lupa ng
mga dayuhan sa bansa sa pamamagitan ng samu’t saring kampanyang Charter Change o Cha- Cha
(Transparency International-Philippines at Center for People Empowerment in Governance/ CenPEG, circa
2005). Isinusulong din nina House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte at dating Senate President Juan
“Johnny” Ponce Enrile – na pawang kaalyado sa ideolohiya ng ikalawang administrasyong Aquino – ang
ganitong uri ng Cha-Cha. Kapansin-pansin na ang Philippine Development Plan (PDP) 2011- 2016 ng
ikalawang administrasyong Aquino ay makadayuhan din ayon sa isang kritik ng Ibon Databank.

Aralin 3.
Pantayong Pananaw
ni Ben Billanes

“Pook at Paninindigan: Kritika ng Pantayong Pananaw ni Ramon Guillermo”

Maituturing na ang Pook at Paninindigan bilang isa sa mga pinakakumprehensibong kritikal na


pagsusuri sa kaisipang tinatawag na Pantayong Pananaw na unang sistematikong binalangkas ni Zeus A.
Salazar at iba pang mga historyador sa Unibersidad ng Pilipinas noon mga dekada 1980. Naghahangad din
itong makaambag sa pagbibigay-liwanag sa ilang bahagi ng kasaysayang intelektwal at ideolohikal sa
Pilipinas ng ika-20 ng dantaon.
Ang pantayong pananaw ay hango sa mga salitang ugat na “Tayo + Tanaw”. Tumutukoy ang
“Tayo” sa pangkalahatang tawag sa kapwa nagsasalita at nakikinig. Samantalang ang “Tanaw” ay
nangangahulugang pagtingin o pagsagap ng tao, bagay kapwa at paligid.
Ang pantayong pananaw at teoryang pangkasaysayang binuo ni Zeus A. Salazar. Nagpanukala ito
na dapat pag aralan sa ibang larangan tulad ng:
1. Antropolohiya. Ito ay ang pag aaral sa lahi ng tao o ito ay isang sistematikong pag aaral ng
pinagmulan.
2. Arkitektura. Ang arkitektura o agbarugan ay isang ay ang proseso at produkto ng pagplano,
pagdisenyo, at pagtayo ng mga gusali at iba pang pisikal na istraktura. Ang mga gawang arkitektura
sa materyal na anyo ng mga gusali ay madalas na kinikilala bilang simbolo ng kultura at gawa ng
sining. Ang mga makasaysayang sibilisasyon ay malimit na nakikilala dahil sa kanilang mga
arkitekturang nagawa na hanggang ngayon ay nakatayo pa.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 41


3. Batas. Ang batas ay isang regulasyon na sinusunod ng mga mamamayan sa isang particular na
lugar
4. Edukasyon. ang edukasyon ang yong yaman na di makukuha o mananakaw ninuman
5. Panitikan. Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipa, mga damdamin, mga
karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa
pagsusulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
6. Politika. Ito ay tumutukoy sa pagkamit ng katungkulan, kapangyarihan at mga posisyon ng
pamumuno.

Aralin 4.
Sikolohiyang Pilipino
Ni Jonas A. Apocero

Virgilio Enriquez
 Ama ng Sikolohikang Pilipino
 nag-aaral ng post-graduate sa ibang bansa
 bumalik sa Pilipinas noong 1970s
 Sikolohikang bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyo ng Pilipino, batay sa kabuuang paggamit
ng kultura at Wikang Pilipino.

Tatlong anyo ng Sikolohikang Pilipino


1. Sikolohiya sa Pilipinas
Ang Sikolohiya sa Pilipinas ay tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral, libro, at sikolohiyang
makikita sa Pilipinas, banyaga man o makapilipino.
2. Sikolohiya ng Pilipino
Ang Sikolohiya ng Pilipino naman ay tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik
at mga konsepto sa sikolohiya na mahy kinalaman sa mga Pilipino.
3. Sikolohiyang Pilipino
Sikolohiyang Pilipino ay bunga ng karanasa, kaisipan at oryentasyon ng sa Pilipinas.
Samakatuwid, mga Pilipino lamang ang makakasulat tungkol dito.

Sa maikling salita…..
Ang sikolohiya sa Pilipinas ay “bisita sa bahay”
Sikolohiya ng mga Pilipino ay “tao sa bahay”
Sikolohiyang Pilipino ay “ang maybahay”

Pangunahing-aral ng Sikolohiyang Pilipino


1. Core Value o Kapwa
Core Value o Kapwa na tumutukoy sa Kapwa, nangangahulugang ‘togetherness’, ang
nangunguna sa pangunahing-aral ng Sikolohiyang Pilipino. Ang kapwa ay tumutukoy sa
pamayanan; na hindi ka nag iisa sa paggawa.
Ang kapwa ay mayroong dalawang uri
A. Ibang Tao. Binubuo ng limang saklaw: pakikitungo: pakikisalamuha (civility) :
Pakikilahok (act of mixing): Pakikibagay (act of joining) : Pakikisama (conformity) : being
united with the group.
B. Hindi Ibang Tao. Binubuo ng tatlong saklaw: pakikipagpalagayang-loob : pakikisangkot
(act of mutual trust): Pakikipagkaisa (act of joining others): being one with others.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 42


2. Pivotal Interpersonal Value
Pakiramdam : ibahagi ang sarilingkaisipan. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng damdam, o ang
sariling kaisipan sa damdamin ng iba, bilang pangunahing kasangkapan sa kanyang pakikitungo sa
kapwa tao.

3. Linking Socio-Personal Value


Kagandahang-Loob: Ang pagbabahagi sa sangkatauhan. Tumutukoy ito sa kakayahang tumulong
sa kapwa tao sa panahon ng kanilang pangangailangan dahil sa kanilang pagkakaunawa na ang
pagiging magkasama ay bahagi na ng isang pagiging Pilipino.

4. Accommodative Surface Values


Hiya : kadalawas naiuugnay bilang “kaihiyan” ng mga Kanluraning Sikologo, katunayan ang
‘Hiya’ ay “naangkop nap ag-uugali”.
Utang na loob : “Norm of Reciproocity” sa Ingles. Ang mga Pilipino ay inaasahan ng kapwa na
gumanti sa pabor na natanggap- ito man ay hiningi o hindi – ito man ay kailangan o ginusto.
Pakikisama at Pakikipagkapwa: “Smooth Ibterpersonal Relationship (SIR)”, na likha ni Lynch
(1961 and 1973). Ang saoobin na ito una sa lahat ay pinatnubayan na alinsunod sa nakararami.

5. Confrontative Surface Values


Bahala Na: Ang saloobin na ito ay kadalasang naiuugnay sa Ingkes bilang “fatalistic passiveness”,
na katunayan ay tumutukoy sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga Pilipino na siya ay
determinadong gawin ang abot ng kanyang makakaya, kaya umusbong ang salitang bahala na, na
katunayang nanggaling sa salitang bathalan na, na ang kahulugan ay “gagawin ko ang lahat sa abot
ng aking makakaya, at ang Diyos na ang gagawa sa nalalabi”.
Lakas ng Loob: Ang saloobin na ito ay inilalarawan sa pagkakaroon ng buo na loob sa kabila ng
mga suliranin at pag-aalinlangan.
Pakikibaka: Ito ay nangangahulugang “concurrent clashes” sa Ingles. Tumutukoy sa kakayahan ng
mga Pilipino na magsagawa ng mga rebolusyon at pag-aalsa laban sa palasak na katunggali.

6. Social Values:
Karangalan: kadalasang nauugnay sa dignidad, na sa katunayan ay nangangahulugan na kung ano
ang palagay ng ibang tao sa kapwa at paano nila ginagamit ang kaalamang ito sa pagkilala at
paghusga ng kanyang buong pagkatao at kahalagahan.
Puri: ito ay ang panlabas ng aspeto ng dangal na tumutukoy sa kung paano natin hinuhusgahan ang
buong pagkatao at kahalagahan ng kapwa.
Dangal: ito ay ang panloob na aspeto ng dangal na tumutukoy sa kung paano niya hinuhusgahan
ang kaniyang pagkatao at kahalagahan.
Katarungan: kadalasan ito ay nauugnay sa katarungan o hustisya, na sa katunayan ay
nangangahulugan na ang pagkamakataong makapagbibigay gantimpala sa kapwa.
Kalayaan: Ito ay nangangahulugang :Freedom and Mobility” sa Ingles. Sa makatuwid ito ay
magkakasalungat sa hindi gaanong mahalaga nap ag-uugali na pakikisama or pakikibagay.

Ang kaalaman natin sa ibat-ibang kultura ay humubog sa atin upang luminang pa ang kaisipan at pag-
unawa.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 43


Aralin 5.
Pantawag Pananaw

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 44


YUNIT VI

FILIPINO SA HUMANIDADES AT AGHAM PANLIPUNAN AT IBA PANG KAUGNAY


NA LARANGAN

Aralin 1.
Luntian na Pamayanan: Tungo sa Pag-unlad ng Kalikasan,
Antas ng Pamumuhay at Wika ni R. Nuncio
ni Nica Calvo

Nagmumungkahi ang paksang ito na bigyang-kapangyarihan ang mga luntiang pamayanan bilang
sityo ng pag-unlad ng wika, kabuhayan at kalikasan. Tatlong nagsasangandiwang lapit ang ginagamit sa
papel na ito upang higit na maunawan ang panukalang luntian pamayanan: sosyolohikal na imahinasyon,
panlipunang polisya at diskurso bilang nagkilos. Ang luntiang pamayanan ay bubuuin bilang bahagi ng
ugyan ng pribadong publikong sector tulad ng mga Real Estate Company, pambansa at lokal na pamayanan,
kooperatiba at mga pinansyal na institusyon.
Sisikapin nitong hindi masira ang balanseng ekolohikal ng kapaligiran habang denidebelop ang
mga pabahay ng mayaman maykaya at mahihirap. Ang mga produktong agrikultural ay maaring isama sa
itatayong negosyo pang agrikultura sa tulong ng mga itatayong kooperatiba ng luntiang pamayanan habang
tinutugunan nito ang kabuhayan ng mga tao. Sisisbol ding ang posibilidad ng ugnayan, ng mga tao at ang
pag-unlad ng wika para sa ugnayang iyon.

Laboratoryo ng Wika: Isipan Panukala at Polisiya


Magsisismula ang lahat sa butil ng ideya at maaring umusbong dito ang posibilidad na praktikalidad
ng pag-unlad ng wika, agrikultrura at pamumuhay ng tao. Ang ideyang ito ay nangungulit sa imahinasyon
sa posibleng mangyari sa darating na araw kung may bisyon, paninindigan at makikipagtulungan ang lahat.
Ang experimentong kaisipan ayon sa Stanford Encyclopedia of Philosophy ay mga kasangkapang
imahinatibo at ginagamit upang imbestigahan ng kalikasan ng mga bagay sa ating mundo.

Tatlong Pinaghuhugutan ng Konseptuwal na Konsederasyon sa Panunukala ng Luntiang


Pamayanan.
1. Sosyolohikal na Imahinasyon - Tinuturing na makapangyarihan disposisyon ito ayon kay C.
Wright Mills(1959/2000) sa kinapopookan ng isang indibiduwal sa kanyang lipunan na malay s
aproblemang kinakaharap niya buhat s apinagkaka-ugatan nitong dahilan at kung paano nito
direkta at di direktang naapektuhan nag buhay ng tao sa gitna ng pagbabago sa lipunan.
2. Panlipunang Polisya - Bagaman madaling sabihin na kung itoy pagtutuunan ng pawis,
determinasyon oras, resources ng isang indibiduwal hindi parin ito sasapat ang paglihip at
imahinatibong pagkukuro-kuro lamang.
3. Diskurso bilang Pagkilos - Ang huling konseptong ito ay nakakiling sa sosyolingistiko o ang pag-
aaral hingil sa relasyon ng wika at lipunan.Pangunahingdiin ditto ang interaaaaaaksyon ng tao na
lumilikha at lilikha ng “speech event”, “speech situation” at “speech community”at berbal na
kumunidad.

Kongklusyon
Sa lahat ng ito pinakamahalaga ang wika. Uunlad din ang wika sa bansang maunlad. Ngunit mas
matingkad ang katotohanan ang wika ang susi ng pah-unlas na napatunayan na ang mga bansang tulad ng
tsina, Hapon, Timog Korea aaat ang mga karatig nating bansa sa Asya.
Makikinabang sa ganito ng paglikha ng Luntiang pamayanan bilang agribusiness, ekolohikal na sityo,
speech/community o sitwasyon.pabahay at kumunidad sa posibilidad nap ag unlad ng wikang Filipino.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 45


Aralin 2.
Varayti ng Wika sa Pinoy Indie: Isang Balangkas sa Ciaol:
Pagsusuri sa mga Pananda sa Negosasyon sa Pagbuo ng Transnasyunal na Identidad ng
mga Pilipino sa Venezia, Italya ni R. Madula
ni Raffy C. Calonce

Ang pangingibang bayan ang isa sa iilang natitirang pamamaraan na nakikita ng maraming
pamilyang Pilipino para sa panlipunang mobilidad sa kasalukuyang panahon. Sa loob ng ilang dekada, ang
polisiya sa pagpapaigting ng labor export ng pamahalaan ang nagtulak sa marami nating kababayan na
maghanap ng kabuhayan sa labas ng bansa. Nilalayaon ng papel na ito na dalamutin ang naging karanasan
ng mananaliksik sa kanyang pakikipag-ugnayan sa komunidad ng mga Pilipinong naninirahan sa Venezia,
Italya at sa pagtuturo ng wika at kulturang Pilipino sa mga bata at kabataang miyembro nito. Bibigyang
pansin ang mga pananda at pakikipagnegosasyon ng mga Pilipino sa kanilang pagbuo, pagpapanatili, at
paghubog ng transnasyonal na Pilipinong identidad sa isang dayuhang bansa. Gamit ang konsepto ng
transnasyonalismong migrasyon, natuklasan na ang mga Pilipino ay patuloy na nakikipagnegosasyon para
panatilihin ang kanilang pagka-Pilipino habang namumuhay at pumapaloob sa kultura at identidad ng mga
Italyano.
Sa nakalipas na mahabang panahon, nanging tahanan na ang bansang Italya ng maraming Pilipino.
Tinatayang nasa mahigit isandaang libong Pilipino ang nagtatrabaho sa bansang ito. Maraming Pilipinong
migrante ang pinipiling manatili sa bansang ito at dito na manirahan kasama ang kanilang pamilya. Dahil
dito may mga kabataang Pilipino na dito na ipinanganak o dito na lumaki’t nagkaisip. Ang phenomenon ng
diaspora ng mga Pilipino ay nagluluwal ng mga kabataang Pilipino na hindi lamang malayo sa pisikal na
lebel sa Pilipinas, kundi maging sa kanilang kamalayan bilang mga Pilipino. Marami sa kanila ay unti-unti
nang nakakalimot at tuluyang napapalayo sa kanilang wika at kultura.
Ang salitang “Ciao” ang isa sa mga pinakaginagamit na salita sa Venezia. Ang ibig sabihin nito sa
wikang Ingles ay maaaring “Hi,” “Hello,” o “Goodbye”. Ito ang salitang sinasambit kapag may
makakasalubong kang kilala o di kaya’y nagpapaalam sa kanya. Kung sa wikang Filipino, maaring
katumbas nito sa esensya ang mga salitang “kamusta,” “paalam,” o “Sige”. Pero kapag Pilipino ang iyong
nakasalubong, hindi lang isang Ciao ang iyong maririnig sa kanila kundi dalawa, Ciao Ciao. Bakit? Dahil
sa ito ay isang uri ng pakikipagnegosasyon ng mga Pilipino sa kanilang identidad.
Mahilig ang mga Pilipino sa pag- uulit ng mga salita, mula sa pangalan tulad ng jekjek, jayjay, john
john at maging sa mga pangkaraniwang salita tulad ng major major. Ang pag-uulit ng salitang Ciao ng mga
Pilipinong nakatira sa Venezia ay isang uri ng negosasyon, hindi lamang sa paggamit ng wikang Italyano,
kundi ng kanilang pagiging Pilipino. Ang konsepto ng negosasyon ay nangangahulugan na hindi tuluyang
at agarang tinatanggap ang ibinibigay o inihahain sa iyo. Gayun din, hindi rin naman nangangahulugan na
ikaw ang may hawak ng makapangyarihan, sa halip ay bahagi ito ng iyong pagigiit ng kapangyarihan,
pagkilala, at pagtanggap. Ipinapakita nito ang appropriasyon ng mga Pilipino sa bansang kanilang tinitirhan
lalo pa’t ito’y dayuhang bayan. Ito’y pagsusuri ng iba pang mga panandang naobserbahan ko bilang taga
labas na hindi rin namn talaga taga labas dahil ako rin ay isang Pilipino, na pumapasok sa loob ng
komunidad ng mga Pilipino sa Venezia.
Kung ikaw ay may trabaho sa ibang bansa, maari kang mabuhay ng marangal, ang sahod ay maaring
maging sapat para ikaw ay mabuhay, makabili ng mga gamit na gusto mo, habang nakakapagpadala sa
iyong pamilya sa Pilipinas. Ang buwis na iyong binabayaran ay bumabalik sa iyo bilang serbisyo, bagamat
laganap din ang korapsyon sa kanilag pamahalaan.
Ayon kay Erwin Nuguid, isa sa mga lider ng komunidad, “sa ngayon, may bukas na ang isip ng
mga Pilipino tungkol sa pagkuha ng Italian Citizenship, mas nagugustuhan na nila ang mag aplay ng dual
citizenship. Isa sa mga pinakamalaking dahilan nito ay ang pasaporte, dahil “para ka lang bilanggo kapag
sa pilipinas ang pasaporte mo: hindi mo mararating ang ibang bansa kung hindi ka kukuha ng Visa tulad
ng sa US, UK, at iba pang bansa.” Ayon nga sa Visa Restriction Index, ang Italyan passport ang pangatlo

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 46


sa pinakamakapangyarihang pasaporte sa buong mundo. Gamit ang pasaporteng ito, nakakapasok ka sa 172
bansang teritoryo nang hindi nangangailangan ng Visa.
Ngunit malinaw sa maraming Pilipino na hindi nila bibitawan ang pagiging Pilipino. Magpapatuloy
ang kaniang negosasyon sa pagpapanatili ng kultura at identidad bilang Pilipino, hindi laman sa hanay nila
sa Pilipinas lumaki, kundi maging sa mga bata at kabataang Pilipino na nasa Venezia na ipinanganak,
lumaki’t nagkaisip.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 47


YUNIT VII

FILIPINO SA SIYENSYA, TEKNOLOHIYA, INHENYERIYA, MATEMATIKA AT IBA


PANG KAUGNAY NA LARANGAN

Aralin 1.
Ang Gamit at Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Agham: Panayam kay
Prop. Fortunato Sevilla III nina W. Fajilan at R.B. Zafra
ni Stefanie Grate Sapeda

Sa kasaysayan ng kolehiyo ng Agham at ng Research Center for the Natural And Applied Siences
ng Unibersidad ng Santo Tomas ay hindi maikakailang malaki ang naging ambag ni Dr. Fortunato Sevilla
III upang ganap na makilala ang kagalingan ng nasabing institusyon, hindi lamang sa pagiging propesor ng
pananaliksik at isa rin siya sa mga nakikiisa sa pagkilala sa kakayahan at kapangyarihan ng wikang Filipino
bilang wikang may kakayahang magamit sa pagtuturo ng mga teknnikal na sabjek gaya ng Kemistri at mga
larangang may direktang kaugnayan dito.
Kung babalikan natin ang nakasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas tunggol sa wika n gating sistemang
pang-edukasyon ay malinaw na isinasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang ganito :
“ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipno. Samantalang nalilinang ito ay dapat pagyabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipanas at iba pang mga wika. Alinsunod sa mga
tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasiya ng kongreso, dapat magsagwa ng
hakbangin ang pamahalaan upang abunsod at puspusang itaguyod abg paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagututoro sa sistemang pang-edukasyon”

At sa Seksiyon 7, isinasaad naman ang ganito:


“Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, angmga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino
at, hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na
mga wikan opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na mga wikang panturo roon”

Agham sa Wikang Filiipino, bakit hindi?


Normal ang tawanan sa klase ni Dekano Fortunato Sevilla III ng UST College of Science. Ayon sa
Estudyante niyang si Hazel Leque, ikatlong taon sa Chemistry, kwela at hindi nakakaantok ang mga leksyon
niya dahil sa kakaiba ngunit epektibong istilo – ang pagtuturo ng agham sa salitang Filipino.
“Mas nagiging aktibo kami sa klase dahil nawawala ang ‘Fomality’”, ani Leque. Ayon sa kanya,
higit nilang naiintindihan ang mga mahihirap na aralin sa Chemistry dahil sa pagsasalita ng kanilang
propesor sa Filipino. Para kay Sevilla, anf layunin ng bawat guro ay maintindihan sila ng kanilang
estudyante, at nakita niyang madali itong makakamit kung gagamitin anf Filipino sa pagtuturo, lalo na sa
mga mahirap na asignatura sa agham at matematika. “ Iba ang dating ng Filipino sa mga estudyante”, diin
ni Sevilla.
“kung sumusulong sa agham ang mga mauunlad na bansa tulad ng Hapon, Korea, Taiwan, Tsina,
Germany, Pransiya, Espanya at iba pang bansa na gamit ang sariling wika, bakit hindi paunlarin ang sariling
wika para maging mataas dina ng mga Pinoy sa Agham?” ani Sevilla III.
Ayon sa Third Internation Mathematics and Science Study na Lumabas nooong 1997, nahuhuli ang
Pilipinas sa larangang ito.

Pilipinisasyon
“Haba ng alon” para sa “wavelength,” bilis para sa “speed” at tulin naman sa “velocity”.
Nakakatuwa sa pandinig ngunit naniniwala si Sevilla na higit na mainam gamitin ang wikang Filipino sa
Klase.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 48


“hindi lamang tayo sanay, ‘wirdo’ lamang dahil hindi natin ordinaryong ginagamit (sa Filipino ang
agham),” Wika ni Sevilla.
Aminado rin ang Dekano na sa ngayon, nahihirapan ang mga siyentipikong talakayin sa Filipino
ang mga paksang pang-agham dahil sa limitadong bokabularyo ng Filipino sa mga konseptong teknikal.
Aniya, hindi sapat ang wikang Filipino sa mga katawagang pang-agham dahil sa walang pangagailangan
para sa mga salitang teknikal noon. Gayunpaman, naninindigan siyang kung palalawakin ang pagtanaw sa
wikanng Filipino, isanng kumpletong diksyunaryong pang-agham na lamang ang kakaila nganin.
Ipinagmalaki ni Sevilla na isa sa mga maituturing na simula sa paggamit nng Filipino sa agham
ang talahulugang pang-agham; Ingles-Pilipino (UST Press) na isinulat noong 1977 ni Jose Reyes
Syntangco, isang Tomasinong doctor.

Aralin 2.
Mga Teorya ng Relatividad ni Albert Einstein: Isang Pagsusuri sa Kagandahan ng Wikang
Filipino sa Pagtatalakay sa mga Paksang Makabagong Agham ni F.P. Demetrio III
ni Maecon B. Tulale

Nahahati sa tatlong bahagi ang papel na ito:


1. Ang espesyal na teorya ng relatividad
2. Ang panglahatang teorya ng relatividad
3. Ang pagtingin ng may akda kung bakit hindi pa rin malawakan ang paggamit ng Wikang Filipino
sa domeyn ng agham.

Mga Susing Salita: Albert Einstein, Espesyal na Teorya ng Relatividad, Pangkahalatang Teorya ng
Relatividad, Wikang Filipino, Pagplanong Pangwika, Agham.

May ilang nagsasabi na hindi sapat ang antas ng inteletuwalisasyon ng wikang ito, na kapag ito ay
tumahak sa domeyn na agham, baka pagkalito lang at hindi pagkakaunawa ang maidudulot nito.
Halimbawa, si Bonifacio Sibayan (2008) na isa sa mga kilalang linggwista sa Pilipinas, ay naniniwalang
kahit sapat na ang antass ng Intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sa domeyn ng literature, hindo pa ito
handa sa domeyn ng agham. Ang kaisipan ni Sibayan ay sumasang-ayon nama sa kaisipan ng maraming
Pilipino na naniniwalang maari lamang gamitin ang Filpino sa mga domeyn ng humanidades at agham
panlipunan, habang ingles pa rin ang nararapat para sa mga domeyn ng agham, matematika at teknolohiya.
May iilan nang Pilipinong dalubahasa sa agham ang nagpapatunay na mas epektibo ang pagtuturo
ng agham sa kabataang Pilipino gamit ang Wikang Filipino. Noong Hulyo 17-18, 2008, halimbawa, sa
pambansang seminar ng SANGFIL (Sanggunian sa Filipino) na ginanap sa Unibersidad ng Pilipinas-
Deliman, ibinahagi nina Dr. Severino Capitan, isang beterinaryo sa UPLos Banos, Dr. Isidro Sia, isang
manggagamot sa UP-Manila, Dr. Lilian de las Llagas, isang manggagamot sa UP-Manila, at Dr. Florentino
Sumera, chemist sa UP-Deliman, ang kani-kailang mga positibong karanasan sa paggamit ng Wikang
Filipino hindi lamang sa pagtuturo ng agham, kundi pati na rin sa pagsusulat at paglalathala ng kanikanilang
mga pananaliksik. Sa mga larangan ng agrikultura at pag-aalaga ng hayop, medisina, at sa mga panimulang
pagaaral ng agham sa kolehiyo, naipakita na ng mga dalubhasang ito ang kahandaan at pagiging epektibo
ng wiakng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa agham. Nilayon ng papel na ito na palawakin at
palalimin pa ang kasalukuyang kakayahan at kahandaan ng wika sa pamamgitan ng pagtahak sa isa sa mga
pinkamasalimuot na paksa sa makabago at post-Newtonian na pisika: Ang mga teorya ng relatividad ni
Albert Einstein.

Albert Einstein
Ang pinakamahalagang ambag ni Einstein sa makabagong pisika ay ang kanyang pag-aaral sa
Brownia motion na siyang nagbibigay ng pisikal at matematikal na pruweba sa teorya ng atomismo, ang

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 49


kanyang pag-aaral sa epektong photoeclectric na siyang nagpaibayo sa teoryang quantum at nagbigay ng
pundasyon sa teknolohiya ng solar cells, ang kayang espesyal na teorya ng relatividad, ang kanyang
panglahatang teorya ng relatividad, at ang kanyang pananliksik tungkolsa unfied field theory. Kahit na
ginawaran si Einstein ng Premyong Nobel sa Pisika dahil sa kanyang nagawa tungkol sa epektong
photoelectric, mas kilala si Einstein dahil sa kanyang dalawang teorya ng relatividad. Sa katunayan sa
larangan ng kulturang popular, mahirap paghiwalayin ang pangalang Einstein at ang relatividad o di kaya
ay ang pormulang E = mc2.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA | 50

You might also like