You are on page 1of 2

MODULE 2 – ACTIVITY 1 (WEEK 3)

FILIPINO 4
Panuto: Tukuyin ang pangngalan o mga pangngalang ginamit sa pangungusap. Salungguhitan
ang mga ito.

1. Ang guro ay nagbigay ng pagsusulit.

2. Mahusay umawit si Romina.

3. Ang sanggol ay sinuri ng doctor.

4. Ang mga alaga kong aso ay may regular na tsek-ap sa beterinaryo.

5. Si Donita ay gumagamit na ng salamin sa mata.

6. Ang pinsan ko ay balikbayan mula sa Canada.

7. Para kay Gng.Tironia ang mga dala niyang bungangkahoy.

8. Magsasaka sa Nueva Ecija ang aking Tiyo Delfin.

9. Ang aking ina at ama ay kapuwa guro sa mababang paaralan.

10. Si nanay ay nagluto ng masarap na pansit.

11. Sina Allen at Jarred ay laging sabay sa pagpasok sa paaralan.

12. Ang kaunting pagkain ay masayang pinagsaluhan ng pamilya.

13. Ang kangkong ay madahong gulay.

14. Kartero sa aming bayan ang tatay ko.

15. Masipag sa kaniyang gawain ang bagong sekretarya.

Parent’s Signature: _______________________ Date: _________________


MODULE 2 – ACTIVITY 2 (WEEK 3)
FILIPINO 4

Pagsulat ng Talatang Pasalaysay:

Sumulat ng talatang pasalaysay tungkol sa kahalagahan ng paggalang sa mga nakatatanda at sa lahat ng


may buhay sa mundo.
Tandaan: Maaring gumamit ng makatawag-pansing panimula, mga aral, kongklusyon o kasabihan
bilang pangwakas. Lagyan ng sariling pamagat ang talata.

Parent’s Signature: _______________________ Date: _________________

You might also like