You are on page 1of 1

FILIPINO

2 WORKSHEET
PANG-ABAY NA PAMANAHON

Panuto: Basahin ang pangungusap. Bilugan ang pang-abay na pamanahon. Ito ang salitang sumasagot
kung kailan ginaganap ang salitang-kilos na nakasalungguhit.

1. Si Tatay Dominique ay umuuwi sa kanyang pamilya tuwing Disyembre.


2. Siya ay darating na bukas.
3. Si Nanay ay nagluto ng lahat ng kanyang paboritong pagkain kagabi.
4. Sina Tess at Harold ay naglinis ng buong bahay kanina.
5. Susunduin nila si Tatay Dominique sa paliparan mamayang hapon.
6. Ngayon lang siya makikita ng kanilang bunsong si Joaquin.
7. Ang buong pamilya ay pupunta sa Boracay sa darating na linggo.
8. Sila ay babalik sa Manila sa susunod na Biyernes.
9. Si Tatay ay lilipad nang muli pabalik ng Dubai sa makalawa.
10. Gabi-gabi ay nagdadasal ang mag-anak na patnubayan ng Diyos ang kanilang tatay.

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng buong pangungusap. Bilugan ang pang-abay na
pamanahon sa iyong sagot.
Halimbawa: Kailan nagsisimula ang inyong pasukan?
Ang aming pasukan ay nagsisimula tuwing Hunyo.

1. Kailan ang inyong klase sa Computer?


____________________________________________________________________
2. Kailan kayo nagdidiwang ng Buwan ng Wika?
____________________________________________________________________
3. Kailan niyo ipinagdidiwang ang kaarawan ng iyong ina?
____________________________________________________________________
4. Kailan kayo huling pumunta sa isang parke?
____________________________________________________________________
5. Tuwing kailan ka nakikipaglaro sa iyong mga kaibigan?
____________________________________________________________________

Teacher Abi’s Worksheets


teacherabiworksheets.blogspot.com

You might also like