You are on page 1of 2

RASPADO 1BSBA3

Barayti at Baryasyon ng Wika

 nagkakaiba-iba ang mga ideya at gawain ng tao at nagdudulot ito ng pagkakaiba-iba sa kultura at wika.
 Sa loob ng isang bansa, na inaasahang may iisang wika, may makikita pang mga pekulyaridad mula Hilaga
hanggang Timog nito.
 Ayon kina Joshua Fishman at mga kapanalig na sosyolingguwista, heterogenous ang wika dahil sa magkakaibang
indibidwal lugar na tinitirhan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.

Barayti ang tawag sa isang wika nagtataglay ng mga katangiang katangi-tangi sa iba pang wika. Samakatwid, lahat ng
wika ay matatawag na isang barayti.

Baryasyon naman ang mga tawag sa mga katangiang ito kung ihahambing sa iba pang wika.

Mahahalagang Konsepto

Idiolect
Ito ang paraan ng paggamit ng wika ng isang tao. Pampersonal na gamit ito na natatangi sa indibidwal batay sa
kanyang mga karanasan at nilakhang paligid.

Dialect
Madalas itong ipagkamaling kasingkahulugan ng wika. Tumutukoy ang dialect sa isang wikang ginagamit sa
isang lugar (heograpikal), panahon (temporal), at katayuan sa buhay (sosyal).

Sa Pilipinas, may mahigit 170 wikang sinasalita at 400 diyalekto ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino.
Pinatutunayan nitong ang ating bansa ay multilinggwal. At sa loob ng isang wika, may iba’t ibang dialect.

Isang halimbawa ang wikang Bikol na sinasalita sa buong rehiyong Bikol. Binubuo ang rehiyon ng Camarines
Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Albay, Catanduanes, at Masbate. Ngunit ang Bikol sa Camarines Norte ay iba sa
Bikol ng Masbate. May halong Tagalog ang Bikol ng Camarines Norte dahil sa lapit nito sa lalawigang Quezon.
May halong Cebuano naman ang Bikol ng Masbate dahil sa lapit nito sa mga pulo ng Visayas.

Temporal naman ang dialect dahil sa pagbabago ng panahon at pag-unlad ng tao. Ibang-iba at malayong-malayo
ang Tagalog sa Florante at Laura ni Francisco Balagtas at sa Banaag at Sikat ni Lope K. Santos sa sinasalitang
Tagalog sa kasalukuyan. Kung dati’y payak ang gamit nila sa wikang Tagalog sa kanilang panahon, mabigat at
hindi na maintindihan ngayon ang marami sa mga salitang Tagalog na nasa mga akdang nabanggit.

Sociolect
Nakatuon ito sa wikang ginagamit ayon sa katayuan sa buhay, natamong edukasyon, edad, kasarian, at iba pa.
Mapapansing magkakaiba ang wikang ginagamit natin sa bahay, sa paaralan, sa simbahan, sa palengke, sa pulong,
at iba pa.

1. Balbal
Itinuturing na pinakamababang antas ng wika. Tinatawag din itong salitang kalye. Sumusulpot ito sa isang
panahon at pagdaka’y matitigil sa paggamit.

Halimbawa: atik (kita, earning) Kano (Amerikano)


erpat (pater, father) KSP (kulang sa pansin)

2. Kolokyal
Isinasaalang dito ang mga salitang madaling maintindihan. Ito rin ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-
araw na pag-uusap.
RASPADO 1BSBA3

Halimbawa: ayoko (ayaw ko) nandyan (nariyan) meron (mayroon)


3. Lalawiganin
Kabilang dito ang mga wikang ginagamit sa mga lalawigan o mga malayo sa kabisera/sentro ng bansa.

Halimbawa: bana (Cebuano, asawang lalaki)


dagà (Bikol, lupa)
ebun (Kapampangan, itlog)

4. Pambansa
Ito ang mga salitang kilala o higit na ginagamit sa pook na sentro ng kalakalan, edukasyon, at pamahalaan. Ito
rin ang maririnig sa mga pormal na talakayan at mababasa sa mga pormal na babasahin.

5. Pampanitikan
Ito ang antas na ginagamit sa mga anyong pampanitikan tulad ng tula, maikling kwento, nobela, sanaysay, at
iba pa. Masining ang pamamaraan sa antas na ito upang higit na maging mabisa ang pagpapahayag.

Halimbawa: Lumuha ang langit nang siya’y lumisan.


(Umulan nang umalis siya.)

Isang kahig, isang tuka ang pamilya nila.


(Napakahirap ang kanilang mag-anak.)

Register at Jargon
Espesyalisadong gamit ng wika naman ang register. Tumutukoy ito sa natatanging gamit ng wika sa mga larangan
o disiplina. Ang mga doktor ay gumagamit ng register/wika na iba sa mga inhinyero. Gayundin ang paggamit ng
register ng mga abogado sa register ng mga negosyante. Jargon ang tawag sa mga salita/termino nasa isang
register.

Ayon kay Sibayan, ang mga larangan o disiplina ay nakapaloob sa mga controlling domains of language. Inuri
niya ang mga ito sa tatlo:

1. Non-controlling domain- ito ang wikang ginagamit lamang sa bahay at sa pamayanan. Pasalita
lamang ito at hindi nangangailangang marunong sumulat ang mga marunong ng wikang tinutukoy.

2. Semi-controlling domain- hindi rin mahigpit ang paggamit ng wikang ito bagaman kailangan nang
marunong sumulat ang gumagamit ng wikang nabanggit. Ang ganitong register ay ginagamit sa
relihiyon, entertainment, at showbiz.

3. Controlling domain- sa domain na ito, tiyak ang paggamit ng wika dahil nakapaloob dito ang mga
larangang akademiko at propesyon. Kabilang sa controlling domains of language ang mga disiplina sa
edukasyon, batas, medisina, agham, at teknolohiya.

Pidgin at Creole
Hindi maituturing na wika ang pidgin. Ayon kay Consuelo Paz (1998), nabuo ang pidgin mula sa iba’t ibang wika
ng mga taong kailangang makipagtalastasan. Isang paraan ito na walang mga gramatikal na signal at tumutukoy
lamang sa mga bagay na naoobserbahan. Kung gayon, nagaganap ang pidgin sa isang multilinggwal na pook.

Habang ginagamit ang pidgin at nauulit ang mga paraan kung ito ginagamit, nagkakaroon ito ng mga
estandardisadong anyo, alituntuning gramatikal, at naging wika na ng isang komunidad, creole na ang tawag sa
wikang ito.

You might also like