You are on page 1of 1

Sagutan Mo

1. Ano ang iyong reaksiyon sa tinuran ng dating Chairperson ng CHED na si Patricia Licuanan

na :" After the 12 th year , they would presumably better equipped for the jobs out there . So

they would not have to go to college anymore "


Ang pagtatapos sa kolehiyo ay isa sa mga batayan sa paghahanap ng trabaho . Karamihan

sa mga hinahanap ng isang pribado o pampublikong kompanya ay ang college degree ng isang

empleyado , kung kaya ’ t ang pagtatapos lamang ng senior high school ay di magiging sapat

upang ang isang mag - aaral na Pilipino ay makahanap ng trabaho . Ayon sa aking mga nabasa

at napanood , kung ikukumpara ang kasanayan ng isang senior high school graduate at college

graduate ay malayong ito ay magtugma dahil sa higit na mas nahasa ang kasanayan ng isang

college graduate hindi lamang sa pangakademikong larangan ngunit pati na rin sa pampisikal

na kasanayan . Sa katunayan , base sa aking karanasan biang isang mag - aaral na nagtapos ng

senior high school , karamihan sa mga guro sa senior high school ay di gaanong pamilyar sa

assignaturang kanilang tinturo . May mga pagkakataong din na ang kinuha na track at strand

ng isang mag - aaral ay di tugma sa gusto nilang kurso sa kolehiyo o sa kanilang kapasidad

bilang estudyante na mas lalong nagpapahirap sa kanilang pag aaral .


Masasabi ko na ang memorandum na ito ay di gaanong napagisipan . Hindi nila

napagaralan ng husto ang negatibo at positibong epekto nito hindi lamang sa mga mag - aaral

at guro kundi sa lahat ng mamayang Pilipino na nasa laylayan o yung mga naghihirap na

mamayan . Dahil sa kagustuhan nating makipagsabayan sa ating mga karatig bansa , hindi na

natin nabibigyang pansin ang mga bagay na dapat mas bigyan ng aksiyon tulad na lamang sa

pagsagot nila sa lumalawig pang problema ng kahirapan na isa sa mga dahilan kung bakit di

lahat ng mag - aaral na Pilipino ay nakakapagtapos ng elementarya o kaya naman di na

nakakayanan pang mag - aral .


2. Bilang isang magaaral na kumukuha ng kursong ______ ano ang iyong paninindigan kaugnay

ng pagpapatupad ng CMO 20 . 2013


s o pagtanggal ng asignaturang Filipino sa GE Curriculum

sa kolehiyo ?
Bilang isang mag - aaral na kumukuha ng kursong BSBA Management , di ako sang - ayon

hinggil sa pagtanggal ng assignaturang Filipino sa kolehiyo . Dahil ang pag - aaral nito ay isa sa

pinakamalaking aspeto natin bilang isang nagkakaisang bansa . Bagama ’ t sa panahon ngayon

mas karaniwang ginagamit ang wikang ingles sa pakikipagtalastasan , hindi dapat nito

mapalitan ang ating pansariling wika na siyang dahilan ng ating kaunlaran at pagkakaisa .
Tayo ay nasakop na noon at nakalaya nang dahil sa ating mga bayani kung kaya ’ t dapat natin

itong pahalagahan at wag na magpasakop pa muli . Sa pamamagitan din ng assignaturang ito ,


nalilinang ang ating kultura at kasanayan sa paggamit ng ating sariling wika . Ating

napapansin na karamihan sa atin di gaanong sanay sa paggamit ng wikang Filipino sa

pakikipagtalastasan o pagpapahayag ng kani kanilang opinion patungkol sa isang isyu . Ayon

din sa aking napanood , ang ating batas ay nakasulat sa wikang ingles , ito ay dapat nasa

wikang naiintindihan ng lahat dahil parte ito na ang ating karapatang pantao .
3. Ano - ano ang posibleng epekto ng CMO no , 20, . 2013 s sa pambansang identidad at

kaunlaran ?
Malaki ang ginagampanang ng wika sa pagbuo ng isang pambansang identidad at

kaunlaran , lalo na sa pagbagsak sa proseso ng globalisasyon . Mahalagang mabuo muna ang

identidad ng isang bansa para makasabay sa hamon ng kasalukuyang panahon . Ayon kay Dr .
Nita Buenaobra , malaki ang bahagi ng mga mamamayang Pilipino sa pagtanggap sa Filipino

bilang wikang umiiral sa bansa . Ang Filipino ay ang wikang nauunawaan ng lahat simple ,
madaling iakma , o fleksibol at ekonomikal . Ito ay simbolo ng ating pagkabansa .
Ang mga posibleng epekto nito sa ating identidad at kaunlaran bilang isang bansa ay ,
una , hindi tayo magkakaisa sa ating sinusulong na karapatan bilang mamayan dahil sa ang

ating batas ay nakasulat sa wikag banayga at hindi lahat may kakayahan magsalita at

umunawa ng wikang ingles . Pangalawa , mas pinapaunlad natin ang ibang bansa dahil sa

pagpapadala ng ating mga mamayang may wastong kaalaman sa iba ’ t ibang larangan . Aking

napapansin na mas nakapokus tayo sa pagabot ng internasyunal na pamantayan at hindi sa

pagunlad ng ating pansarilig bayan . Pangatlo , mas iigting ang chansa na tayo ay masakop

muli , dahil sa kakulangan natin sa mga kagamitang pandigma na kung tutuusin isa din ito sa

dapat nag pagtuunan ng pansin .

A L Z A G A N I C O L E A N N O . B S B A M A N A G E M E N T 1 A

You might also like