You are on page 1of 26

ANG SAYSAY NG Sir Jumel

Ibe Abellera
WIKANG PAMBANSA
Maliit ba ang bansang Pilipinas?

Gerardus Mercator (1569)


Mercator Projection

Mula sa:
https://i.insider.com/5935b5f7b74af40c508b618c?width=75
0&format=jpeg&auto=webp

Mula sa:
https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/hi2hu6/is_the_p
hilippines_a_small_country/

Mula sa: https://www.natureindex.com/file/countries-map-projection-new


Ang Kronolohiya ng Pagkabuo ng
Lupaing Pilipino
53-37 milyong 6 milyong
taon Bago 23-6 milyong taon CE taon CE
Ngayon (CE)
MAAGANG GITNANG HULING
EOCENE MIOCENE MIOCENE MIOCENE

HULING GITNANG HULING MIOCENE


CRETACEOUS OLIGOCENE HANGGANG SIMULA
NG PLEISTOCENE
65 milyong 37-23 milyong
taon BC taon CE 6-2 milyong taon CE
Batayan sa Pagkakaiba-iba ng
lahi sa Timog-Silangang Asya
1. Ang BIOLOHIKAL na katangian ay resulta ng matagalang
pakikibagay sa kapaligiran

2. Pakikibagay pa rin sa kapaligiran at adaptasyon ang batayan ng


KULTURA ngunit ito ay nagaganap sa higit na mas maikling
panahon ng pagsasaling-lahi.
Ano ang Wika?

Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang


tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura, ayon kay Gleason (Bernales, R. et.al. 2011).
Ang wika ay dinamiko.
Ayon kay Andrada, Mykel (2020)
VARAYTI NG WIKA

HEOGRAPIKAL - nagkakaiba-iba ang mga katawagan at


kahulugan ng salita sa iba’t-ibang lugar

Ibon (Filipino) - Langgam (Sinugbuanong Binisaya)

Salvage (Ingles): Iligtas, isalba


Salvage (Filipino); pagpatay ng hindi nilitis
VARAYTI NG WIKA

MORPOLOHIKAL - nagkakaiba-iba ang pagbuo ng salita dahil


sa paglalapi

Sino dito ang nainom ng gatas? (Batangas)


Sino dito ang umiinom ng gatas? (Maynila)
Organization (American)
Organisation (British)
VARAYTI NG WIKA

PONOLOHIKAL - nagkakaiba-iba sa pagbigkas


punó (tree) vs punô (full)
Ati vs Ate
VARAYTI NG WIKA

DAYALEK – ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na


rehiyon, lalawigan, malaki man o maliit. Tinatawag din itong
wikain

Maynila – Aba ang ganda! Bataan – Ka ganda ah!


Batangas – Aba, ang ganda eh! Rizal – Ka ganda, hane!
VARAYTI NG WIKA

SOSYOLEK – ito ay nakabatay sa pangkat ng lipunan na


gumagamit ng mga jargon na salita. Ang jargon ay mga
tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng
gawain.

Ssob! bili ka naman, etneb lang.


Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
Wow pre, tindi na tama ko! Heaven!
VARAYTI NG WIKA

Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro.


Ang rehistro ay mga salitang ginagamit na may kinalaman sa
isang larangan.

Fiscal, court, justice


Debit, credit, gross income
Ward, prognosis, check-up
VARAYTI NG WIKA

Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang


barayti ng mga wikang ginagamit, indibidwal pa rin ang
paggamit ng wika. Bawat isa ay may kani-kaniyang paraan ng
paggamit ng wika. Tinatawag itong Idyolek.

Gus Abelgas Kris Aquino


Mike Enriquez Ruffa Mae Quinto
Ang pinakaubod ng konseptong Filipino bilang batay sa mga
wika ng Filipinas ay ang pagiging pambansang lingua franca
nito, na kinapapalooban ng iba’t ibang varayti.

Sa pakikipagkomunika ng bawat pilipino sa isa’t isa lalo na sa


mga syudad, gumagamit siya ng wikang alam din ng kanyang
kapwa pilipino kahit pa meron silang katutubong wika. Ang
wikang ito ang nagsisilbing pangalawang wika, at lingua
franca sa bansa.
BAKIT KAILANGAN NG WIKANG
FILIPINO?
“Lumitaw ang naging kapangyarihan ng wikang Filipino na gamitin ng
bawat network sa bawat palabas upang mapanatili nito ang mataas
na reyting. Naging mahalagang sangkap din ang wikang Filipino sa
pagda-dub ng mga panooring anime dahil sa kasikatang dulot nito sa
telebisyon at pelikula. Lumaganap naman ang paggamit at pag-aaral
ng wikang Filipino dahil lumaganap din ang paghahanapbuhay ng mga
Pilipino sa iba’t ibang sulok ng bansa.”

Correa, R. (2013). “Ang Pagsasa-Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon, Pagda-dub ng


Anime. At Paglaganap ng Wikang Filipino sa Bawat Sulok ng Mundo: Mga Patunay na ‘Moog’ ng
Pagka-Pilipino.” DLSU-Manila
BAKIT KAILANGAN NG WIKANG
FILIPINO?
Pinag-aaralan at ginagamit ang wikang Filipino bilang
pangalawang wika:
✓ Europa
✓ Asya
✓ Hilaga at Timog Amerika
Pang-51 ang Wikang Filipino sa may pinakamaraming taong
nagsasalita sa buong mundo
BAKIT KAILANGAN NG WIKANG
FILIPINO?
“Kung Filipino ang gagamitin sa agham, makasasali pati na ang
karaniwang tao. Maiintindihan ng bawat isa kung ano ang pinag-
uusapan at hindi sila madaling maloloko ng mga ekspertong dayuhan
o Pilipino. Lilitaw dito ang lakas na talino ng Pilipino. Ito ay isang
rebolusyong intelektwal. Ito ay people empowerment. Ito ang agham
para sa lahat.”

-Abueg at Sevilla (sipi mula sa Ang mga Teorya ng Relatividad ni Albert Einstein: Isang Pagsusuri
sa Kahandaan ng Wikang Filipino sa Pagtalakay sa mga Paksa ng Makabagong Agham ni:
Demetrio, F., 2009)
BAKIT KAILANGAN NG WIKANG
FILIPINO?
Sampaguita Haribon Kalabaw

FILIPINO
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/co https://upload.wikimedia.org/wikipedi http://4.bp.blogspot.com/-
mmons/thumb/a/ac/JasminumSambac2.jpg/ a/commons/2/29/Sir_Arny%28Philippine prgC89WIBW8/UFq3hqdBnpI/AAAAAAAAABM/
800px-JasminumSambac2.jpg _Eagle%29.jpg 3Xbt4GwZot4/s320/kalabaw.jpg

“Ang pagkakaroon ng isang wikang Pambansa ay


nagmimithing mabilis magkaunawaan at sibulan ng
damdamin ng pagkakaisa ang mga mamamayan na
may iba-ibang wikang katutubo.” -Almario, V (2014)
WIKANG PAMBANSA
Mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang wika
sapagkat: ito ang nagdadala ng
pambansang pagkakaisa at pagbubuklod.

1934 Kumbensiyong Konstitusyonal


Kapulungang binuo upang bumalangkas sa nagsasariling
pamahalan ng Filipinas kapag binigyan ng kasarinlan ng
Estados Unidos.
WIKANG PAMBANSA

Talumpati ni Delegado Felipe R. Jose


“Kailangan natin ngayong ipakilala sa daigdig na tayo’y hindi na ang
mga mamamayan sa silong ng Bandila ng Espanya, sa lilim ng Bandilang
Amerikano. Kailangan natin na ngayon pa’y mahalin ang kalayaan at
kaluluwa ng bayan – ang wika sarili. Kaya lamang tayo maging marapat
sa kalayaan ay kung maipagsasanggalang natin ang banal na kaluluwa ng
bayan, ang wikang sarili. Sapagkat ang wika, ang wika ng alin mang
bansa sa sansinukob ay siyang ginagamit na mabisang kasangkapan sa
pagpapahayag ng kanilang damdamin, sa pagtuklas ng karunungan at
pagtatanggol ng mga karapatan”
WIKANG PAMBANSA
1935: Tagalog ang naging wikang batayan
1936: Batas Komonwelt Blg. 184, Institute of National Language
1938: Surian ng Wikang Pambansa
1.Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa
Pilipinas;
2.Magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na
Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika; at
3.Bigyang-halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa
balangkas, mekanismo, at panitikang tinatanggap.
WIKANG PAMBANSA

1941: Pinagtibay ng SWP Balarila ni Lope K. Santos para gamitin


sa pag-aaral ng Wikang Pambansa.
1959: Pilipino ang pangalang itinawag sa nabuong wikang
pambansa
1987: Ang SWP ay ipinailalim sa DECS, at naging Linangan ng
mga Wika ng Pilipinas
WIKANG PAMBANSA
Artikulo XIV, Seksyon 6 ng 1987 Konstitusyon:
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.”

1991: Komisyon ng Wikang Filipino


2013: Nagkasundo ang Kalupunan ng KWF sa sumusunod na
depinisyon ng Filipino
WIKANG PAMBANSA
RESOLUSYON BILANG 96-1 ng KWF
Ang FILIPINO ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas
bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa
proseso ng paglinang sa pamamagitan ng:
1) panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika
At, 2) sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika…
WIKANG PAMBANSA
RESOLUSYON BILANG 96-1 ng KWF

… para 1) sa iba’t ibang sitwasyon,


2) sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang sanligang sosyal at para
3) sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.
“…nakikita ko na hindi talaga ang pagkukulang sa wikang Filipino
ang dahilan kung bakit hindi ito ginagamit na midyum sa
pagtuturo ng agham. Ang mga dahilan ay nakaugat sa kahinaan
sa mga tao, institusyon, at pamahalaan na gumagamit, o hindi
gumagamit, sa wikang Filipino.”

Demetrio, F. (2009). Ang mga Teorya ng Relatividad ni Albert Einstein: Isang Pagsusuri sa
Kahandaan ng Wikang Filipino sa Pagtalakay sa mga Paksa ng Makabagong Agham

You might also like