You are on page 1of 1

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong maipakita ang epekto ng paggamit ng makabagong teknolohiya
sa pag-aaral ng mga estudyante ng STEM Baitang 11 at 12 sa Academia de San Agustin Carmen, Cebu sa
pamamaraan ng pagturo at pag-aaral gamit ang online classes habang hinaharap sa kasalukuyan ang
COVID-19 Pandemic. Sa pag-aaral na ito ay bibigyang pansin ang mga magandang epekto at ang mga
masamang epekto na madudulot sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya at internet o social
media sa larangan ng bagong sistema ng pagtuturo sa edukasyon.

Sa pag-aaral na ito ay nais ipabatid ng mga mananaliksik na tunay na malaki ang matutulong ng internet
at makabagong teknolohiya sa sistema ng pagturo at sa sistema ng edukasyon dahil sa iba’t-ibang
kalamangan ng internet at social media lalo na sa ating panahon ngayon na tayo ay naghaharap ng isang
pandaigdigang krisis. Subalit ang pag abuso at paggamit ng internet at social media ng malaking bahagi
ng inyong oras ay maaaring magdadala ng maraming kapinsala, mga dehado, at maaring maging sanhi
ng distraksyon at balakid sa iyong pag-aaral. Gumamit ng online surbey-kwestiyoner ang mga
mananaliksik upang malaman ang opinion ng mga respondent sa bawat baitang ng STEM strand ng
Academia de San Agustin.

You might also like