You are on page 1of 34

1

Kabanata I

ANG SULIRANIN

Panimula

Ilang taon na ang lumipas ng mabuo ang kabihasnan ng

Pilipinas. Mula noon, ang mga Pilipino ay may pagkakaiba na, sa

paniniwala, pananalita, at gawi. Ang naging bunga nito ay ang

pagkabuo ng iba’t-ibang pangkat etniko na sumisimbolo na ang ating

bansa ay masagana hindi lamang sa likas na yaman kundi pati na rin

sa kultura. Ngunit sa pagdaan ng panahon, mayroong mga katutubong

pangkat na unti-unti nang nawawala dahil sa mga makabagong

paniniwala at teknolohiya na naging dahilan sa paglaho ng kanilang

mga kinaugalian, tradisyon at iba pa. Bagama’t ganito ang nangyari

mayroon pa ring mga pangkat na nanatili at hanggang ngayon ay

buhay pa rin ang kanilang kultura. Isa na rito ang pinakapopular at

pinakamalaking tribo ng mga Muslim, ang mga Maranao.

Ayon kay Mamitua Saber, dekano ng Pananaliksik sa MSU

Research Center, may nakatago at maipagmamalaking pangkulturang

pamana ang mga Pilipino sa kabila ng ating makabagong kultura at

pag-uugali. Ang nabanggit na kultura ay nagmula sa mga Maranao.

Ang ibig sabihin ng Maranao ay “people of the lake”, sapagkat, sila

ay naninirahan malapit sa Lawa ng Lanao, sa lungsod ng Marawi.

Maraming Muslim ang nabibilang sa pangkat Maranao dahil ang

relihiyong Islam ay nangingibabaw sa nasabing lungsod.


2

Ang mga Maranao ay naninirahan noong una sa kabundukan,

ngunit ngayon ay mayroon na ring namamahay sa baybayin. Ayon sa

artikulo ni Jansen (2013), maraming nayon ng mga Maranao na may

iilang pamilya ang naninirahan sa iisang bubong. Isang tipikal na

tahanan ng mga Maranao ang bahay na walang dibisyon sa loob. Sila

ay karaniwang mga magsasaka at mangingisda. Magaling din silang

maghabi ng tela at banig, paglililok ng kahoy, tanso, pilak, at ginto.

Isang halimbawa nito ay ang okil o okirr na ginagamit bilang motif sa

sining at kagamitan ng Maranao at iba pang Muslim sa Mindanao.

Kilala rin sila para sa pagbebenta ng banig na dayami, ibat-ibang gamit

sa bakuran, kumot, at ilang uri ng produktong metal. Mayroon din

silang tinatawag na Sarimanok, ito ay ang pangunahing sagisag ng

kultura ng mga Maranao. Sinasabing ang ibong may isda sa bibig ay

naglalarawan ng maunlad na buhay at kultura ng Maranao sa tabi ng

Lawa ng Lanao.

Ang tradisyonal na kasuotan ng mga Muslim ang kalimitang

kasuotan ng mga tribong Maranao at ito ay ang malong. Ang mga

malong ay mga malalaki at makukulay na telang hinabi at pinagtagpi

na karaniwang ginagamit na pambalot sa katawan ng mga Maranao.

Ayon kay Casan Alonto sa kanyang “Perspective on Maranao

Society” (1974), may mga teorya tungkol sa pinagmulan ng mga

Maranao. Ang isang teorya’y batay sa epiko ng mga Maranao na

Bantugan o Darangan. Sinasabing ang unang mga naninirahan dito sa


3

kapaligiran ng Lanao ay pinangungunahan ng isang nangangalang

Butuanon Kalinan na buhat sa dakong Silangan na siyang tinatawag

na Bombaran. Sa katunayan, ang kanilang sayaw na Singkil na marahil

ay isa sa pinakamatagal sa mga totoong Pilipinong sayaw ay isang

pagsasalaysay sa mahabang tula ng Darangan.

Likas na mayaman sa kultura at paniniwala ang mga Maranao,

kung kaya’t marami sa mga ito ang mahigpit na tumututol sa isang

sentralisadong pang-gobyerno ng Pilipinas na naging dahilan sa

pagrebelde ng iba laban dito. Ito ay nagbungsod ng iba’t ibang

kaguluhan sa Mindanao.

Ang Xavier University Senior High School, bagama’t isa itong

Katolikong Pamantasan, hindi nalilimita ang mga estyudanteng nag-

aaral dito sa mga Katoliko lamang. Isa ang Xavier sa mga paaralang

kumopkop sa mga Maranao na estyudante mula Marawi noong

nagsimula ang kaguluhan sa nasabing lungsod. Kaugnay nito, nais

mapag-aralan ng mga mananaliksik ang kayamanan at kalinangan sa

kabihasnan ng Maranao noon at paano ito nabubuhay sa

kasalukuyang panahon.

Paglalahad ng Suliranin

Naglalahad ang kabanatang ito ng kahalagahan at mga

kahulugan sa papel. Layunin ng pag-aaral na malaman ang

impluwensiya ng kultura sa mga estyudanteng Maranao ng Baitang 11-


4

ABM Strand sa Xavier Unversity Senior High School. Sinagot sa pag-

aaral ang mga sumusunod na mga tiyak na suliranin:

1. Ano ang mga kultura sa Maranao ayon sa:

1.1 Tradisyon

1.2 Wika

2. Paano nakakaimpluwensiya ang kultura sa kanilang pang araw-

araw na gawi batay sa kanilang:

2.1 Pakikipag-ugnayan

2.2 Pag-aaral

2.3 Pananamit

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kayamanan at

kalinangan sa kabihasnan ng mga mag-aaral na Maranao ng Xavier

University- Ateneo de Cagayan Senior High School. Ang saklaw na ito

ay nakapaloob din sa kanilang paniniwala, pananalita, at gawi.

Ang mga mananaliksik ay naglalayon na makabuo ng 10

respondanteng babae o lalaki mula sa Baitang 11, partikular na yaong

nasa ABM. Dito nakabase ang pagsakatuparan ng pananaliksik na ito.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik tungkol sa mga bagay-bagay ay isang

mahalagang tungkulin. Nagdudulot ito ng pagkakaroon ng malawak na

pang-unawa ukol sa isang partikular na paksa para sa kapaki-

pakinabang ng mga mananaliksik, mambabasa at maging ng


5

komunidad. Sa pamamagitan nito, nadadagdagan ang ating kaalaman

na magbubukas ng mga mata sa mga impormasyong nakalap, bagkus

magpapabatid ng kamalayan sa mga mamamayan. Samakatuwid, ang

pag-aaral na ito ay mahalaga upang higit na maunawaan ang kultura

ng mga Maranao na itinuturing na isa sa mga kayamanan ng bansang

Pilipinas. Sa kanilang kultura nakapaloob ang kanilang mga tradisyon,

relihiyon at ang wikang ginagamit ng bawat isa sa paaralan, partikular

sa Xavier University Senior High School, at kahit saanman sila

naroroon. Sa pag-aaral na ito, inaasahang lubos na maiintindihan ng

mga tao ang kanilang mga kaugalian, pag-uugali, maging ang kanilang

mga araw-araw na gawain.

Sa mga mananaliksik. Ang papel pananaliksik na ito ay

magiging silbing gabay ng mga mananaliksik upang makakalap ng

mga karagdagang impormasyon at datos sa hinaharap tungkol sa

kultura ng Maranao. Magagamit din ang papel pananaliksik na ito para

mapatunayan at magamit sa paghahambing ng mga datos.

Sa mga mambabasa. Makakatulong ang papel pananaliksik na

ito sa mga mambabasa upang madagdagan ang kanilang kaalaman

tungkol sa iba't ibang aspekto at mga salik na nakaapekto sa kultura ng

Maranao.

Sa mga kommunidad. Malaki ang epekto ng papel

pananaliksik na ito sa mga komunidad, dahil malalaman ng mga tao

ang tungkol sa kultura ng Maranao. Ito ay magsisilbing gabay nila sa


6

pakikitungo sa mga Maranao at kung paano sila nakakaimpluwensya

sa tradisyon at kultura ng mga ito.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Kabihasnan. Paraan ng pamumuhay ng isang tao sa isang

tiyak na lugar.

Kultura. Tinatawag din bilang kalinangan, ito ay binubuo ng

kaugalian, tradisyon, paniniwala, relihiyon, at wika ng mga tao sa isang

tiyak na lugar.

Maranao. Pinakamalaking pangkat- etniko sa Pilipinas na

nabibilang sa Mindanao at karaniwang na impluwensiyahan at binubuo

ng relihiyong Islam.

Marawi. Matatagpuan sa isla ng Mindanao, sa pook ng Lanao

del Sur at Lanao del Norte. Dito naninirahan ang mga Maranao.

Muslim. Tawag sa mga taong naniniwala sa Allah at nabibilang

sa relihiyong Islam. Marami sa kanila ang sumusunod sa mga turo ng

propetang si Muhammad.

ABM. Ang Accountancy and Business Management or mas

kilalang ABM ay isang sa apat na strand sa track ng akademya na

pwede maging pokus ng isang mag-aaral sa senior high school. Pinag-

aaralan nila ang mga asignatura ng accountancy, business math at iba

pa. Ang mga nakapagtapos ng Senior High Academic Track sa ABM

ay pwede kumuha ng kurso sa kolehiyo na may kinalaman sa negosyo.


7

Strand. Ang strand ay sumisilbing pokus ng mga mag-aaral sa

bagong ipinatupad na K-12 curriculum kung saan lahat ng mga mag-

aaral ay makatapos ng grade 12 kapag piliin nilang mag-aral sa

kolehiyo matapos ang senior high school. May apat na strand ang

akademiko, ito ang mga sumusunod; Science, Technology,

Engineering, and Mathematics o STEM, Accountancy and Business

Management o ABM, Humanities and Social Sciences o HUMSS, at

ang General Academic Strand o GAS.

Xavier University Ateneo De Cagayan Senior High School.

Ang Xavier University Ateneo de Cagayan ay isang matandang

institusyon na nangagarap na makabigay ng kalidad na edukasyon

para sa kabataang Pilipino. Ngunit noong taong 2016, binuksan nila

ang kanilang mga pinto para salubungin ang kanilang pinaka-unang

pangkat ng Senior High School dahil sa sapilitan na idinala ng bagong

K-12 curriculum. Ang Xavier University Senior High School ay

matatagpuan sa sentro ng lungsod ng Cagayan De Oro, Misamis

Oriental sa dakong timog Pilipinas.


8

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG- AARAL

Masasabing ang kultura ng mga Maranao ay isa sa

pinakamayaman at nanatiling buhay sa kasalukuyang panahon, kung

kaya ay nais ng pag-aaral na ito na lubusang malaman at maunawaan

ang kanilang sibilisasyon at kalinangan.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Denise O’ Neil (2013) ang kultura ay mga pag-uugali

at paniniwala na kadalasang namamana o natututunan sa mga ninuno.

Sa kultura nakasalalay ang kalinangan ng lahi ng bawat etnikong grupo

sa loob ng Pilipinas. Ito rin ang nagsisilbing tanda ng kanilang

pagkakakilanlan sa lipunan. Nahahati ang kultura sa dalawang

komponent, ang materyal at di-materyal na kultura. Ang materyal na

kultura ay tumutukoy sa mga tradisyunal na kagamitan. Ito ang mga

bagay na nililikha at ginagamit ng bawat etnikong grupo na nagiging

tanda ng kanilang kultura na wala sa ibang grupo. Binubuo naman ng

norm, valyu, paniniwala at wika ang di-materyal na kultura. Ito ang

kulturang hindi nahahawakan ngunit nakikita sa pamamagitan ng

pagsasagawa nito. Hindi nahihiwalay sa ganitong kultura ang mga

pamahiin, antoka o palaisipan, gawi sa iba’t ibang aspektong

pangkultural at paraan ng pagsasalita ng grupong gumagamit nito.


9

Nabigyan-diin sa artikulo ni Hannbal Bara (2015) na ang ibig

sabihin ng Maranao ay "People of the Lake". Sila ay naninirahan sa

Lanao na nangangahulugang "lake". Ito ay matatagpuan sa pagitan ng

Iligan Bay sa Hilaga at Illana Bay sa Timog. Ang kanilang wika ay

katulad sa wika ng Maguindanaon at Iranun. Sila ay nakakaintindi ng

60% sa wikang Maguindanaon. Noong panahong Kolonyal, sila ay

nakipaglaban sa mga Espanyol sa ilalim ng Maguindanao Sultanate.

Sila ay matatapang at nagsasakripisyo para sa seguridad ng Marawi at

Islam. Sa panahong ito, ang Lanao at Maguindanao Sultanate ay

nagsanib - pwersa. Nang nakita ng American Colonial Government ang

kahalagahan ng Lanao, nanghihikayat nila na lumipat ang mga

Pilipinong walang matirahan patungo sa Mindanao. Karamihan ay

lumipat sa Lanao. Limampung taon na ang lumipas, ang mga Filipino

ay matatag na sa hilaga ng Lanao. Ang pangyayaring ito ay naging

sanhi sa paghahati ng Lanao sa dalawa: Del Norte at Del Sur sa mga

taong 1960's. Ang lipunang Maranao ay hindi nagbabago. Ang Marawi

ang nag-iisang lugar sa Pilipinas na hindi naaapektuhan sa mga

impluwensiya ng Kanluran. Nangangahulugan lamang na kahit sa

pagdaan ng panahon at kung anu- anong mga pagsubok ang nangyari

sa Pilipinas ay nanatiling matatag ang mga Maranao at hindi isinuko

ang kanilang dangal at kalayaan.

Mayaman ang kanilang kultura at marami sa kanila ang nakatira

malapit sa Lawa ng Lanao. Kahanga-hanga sila para sa kanilang mga


10

gawa; katulad ng Awang, Kulintang at Darangen. Ang Maranao ay

kabilang sa kinikilalang grupo ng mga Muslim sa bansa. Marami sa

mga Kristiyano noong sinaunang panahon ang nagsikap para mailipat

sa Kristiyanismo ang pangkat na ito. Pero dahil sa lakas ng paniniwala

nila sa Diyos ng mga Islam, konti lang ang nagtagumpay. Mahirap

maabot ang puso at isipan ng mga Maranao kung kaya’t nahirapan ang

mga misyonaryo noon. Lalo na’t may ibang wika ang mga Maranao

dahil mas kinikilala nila ang kanilang mga sarili bilang Maranao kaysa

Filipino. (Joshua Project, w.p.).

Batay din sa artikulo ni Hannbal Bara (2015) ang tribo ng

Maranao ay isang siradong komunidad. Ang kabuuan ng mga

munisipyo ng Lanao Del Sur, lalo na sa kalapit na ilog ay

ipinagbabawal sa mga dayuhan. Ang pang araw-araw na buhay ng

mga Maranao ay sa kanilang katutubong kasuotan, ang malong at

abaya. Sa katunayan, ito lang ang natatanging lugar sa Pilipinas na

hindi naapektuhan ng western trend. Batay sa mga pahayag, lubhang

binibigyan ng importansya ng mga Maranao ang kanilang

pagkakakilanlan sapagkat hindi nila hinahayaan na basta na lang

mapasok at maimpluwensyahan ang kanilang kultura.

Ayon kay Herrington (n.d.), ang mga kababaihang Maranao ay

nagsusuot ng mga espesyal na kasuotan na kakaiba sa kanila. Ang

malong ay isang uri ng kagamitang pandamit na magagamit sa iba't

ibang paraan. Sinusuot nila bilang isang palda, damit, blusa, o toga.
11

Gayunpaman, ginagamit din ito sa pang araw-araw na pamumuhay.

Ang Tugaya ay isang maunlad na bayan na matatagpuan sa mga

pampang ng lawa ng Lanao. Kinikilala ang bayang ito sa kanilang mga

produkto na ginawa sa tanso. Ang mga taong naninirahan sa lugar ay

nakasanayan nang gumawa ng produktong galing sa tanso, simula pa

noong ika-15 na siglo. Ang mga produkto ay binubuo ng mga kaldero,

kulintang, plorera, batingaw, at iba pa, Ang disenyo ng mga produktong

nalikha ay kakaiba, at kinatay, gamit ng isang sangkap na materyal na

tinatawag na okil.

Ang mga Maranao marahil ang may pinakanakakahangang

arkitektura sa Pilipinas dahil sa kanilang Torogan. Ang disenyo ay

nakabase sa okil. Maliban dito, kilala rin sila sa kanilang Sarimanok at

Naga (National Commission for Culture and Arts, w.p.).

Naipapaliwanag ng pahayag na ang mga Maranao ay magaling rin sa

Sining at Arkitektura, sila ay may nakamanghang mga likha na

masasabing kakaiba kaysa sa ibang pangkat etniko sa Pilipinas. Ang

kanilang angking galing sa mga kategorayng ito ay mga salik kung

bakit buhay na buhay pa rin ang kanilang kultura.

Batay kay Mahmoud (n.d.), mahalaga ang pag unawa sa

tinatawag na Muslim Problem. Ang mga patnugot na sina Dr. Antonio

Isidro at Dr. Mamitua Saber ay sinubukang bakasin ang

makasaysayang pag-unlad ng mga Muslim sa Pilipinas; ang kanilang

lipunan at kultura, pamahalaan at politika, ekonomiya, pangkalusugan


12

at medikal na mga problema, at edukasyon. Naniniwala silang

maaaring makamit ang pagkakaisa sa gitna ng pagkakawatak-watak

ng relasyon ng mga Muslim at Kristiyano. Sa kasalukuyang panahon,

masasabing mayroon pang distansiya ang relasyon ng mga Muslim at

Kristiyano. Ngunit hindi ito nangangahulugang habang buhay na

magkakagulo ang dalawang relihiyon. Unti-unti nang nababawasan

ana distansiyang ito dahil sa pagdaan ng panahon, marami nang

Muslim at Kristiyano ang nagkakasama sa mga intitusiyon katulad ng

opisina at mga paaralan. Marahil hindi na magtatagal ay ang

distansiyang nabanggit ay tuluyan ng mawala.

Kaugnay na Literatura

Ayon kina Rivera, Navarro at Casanova (2003), ipinagmamalaki

ng mga Pilipinong Muslim sa Mindanao na sila ang natatanging mga

tao na hindi nasakop sa isang bansa na Kristiyanismo na ang

nangingibabaw. Dito naipapakita ang katatagan ng mga Maranao, na

kahit ano pa ang mangyari ay mananatili ang kanilang paniniwala at

kultura. Ang mga Maranao ay masasabing mapagmahal sa kanilang

kultura sapagkat ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan nila na naiiba sa

mga pangkat- etniko na matatagpuan sa Pilipinas.

Ang relihiyong Islam ay ipinakilala sa Timog-Silangang Asya sa

pamamagitan ng mga manlalakbay na mangangalakal at Sufis na

nanggaling sa Arabia at Western India. Ang Islamic Civilization ay

nababatay sa Katutubong pre-Islamic maritime South-East Asian


13

Cultures. Bagamat walang nag-iisang proseso o ebidensya sa pagkalat

ng Islam sa Timog- Silangang Asya, ang paglalakbay ng mga

mangangalakal at Sufis, ang tagumpay ng mga apprentices at alagad,

at ang pagtatag ng mga paaralan ay may malaking ginagampanan sa

paglinang ng Islam sa Timog-Silangang Asya.Ang kautusan at

edukasyon sa Islam ay umunlad sa pagpapalaganap ng batas at

identidad ng mga Muslim. Ang tagumpay ng Islam ay sanhi sa

pagpapahintulot sa tradisyong lokal. Sa halip ng pagpapalipat patungo

sa relihiyong Islam, itinatanggap ng Timog- Silangang Asya ang Islam

sa mga bansang nabibilang nito. Ang pangyayaring ito ay

nakadaragdag ng bagong paniniwala at matatag na ideyang lokal. Ang

impluwensya ng Islam sa Sumatram, Ternate, at Borneo ay umabot sa

Pilipinas. Ito ang nagdulot sa pagpapalipat ng relihiyon sa Luzon, Sulu,

at Mindanao. Ang Islam ang pangunahing relihiyon ng mga Maranano

at ang siyang lubhang nakakaimpluwensiya sa kanilang paniniwala,

kinaugalian at gawi. (Lapidus, 2012)

Ayon kay Majul (1985), kahit na mayroong pagkakaiba ang mga

Muslim, ang mga Muslim sa Pilipinas ay nagkakaisa at kinikilala ang

kanilang sarili na mga tunay na Muslim. Alam din nila na ang kanilang

relihiyon na Islam ay naiiba sa relihiyon ng pangkaraniwang Pilipino.

Hindi rin sila nangangamba kahit pa sabihin ng mga dayuhang Muslim

na ang iba sa kanilang mga paniniwala ay hindi gawa ng tunay na

Islam. Nagpapatunay ito sa lakas ng paninindigan ng mga Maranao sa


14

Pilipinas sapagkat kahit pa sabihin ng iba na sila ay may maling

paniniwla ay ipinaglalaban nila ang kanilang kinikilalang kultura at

paniniwala.

Sa kaugnay na literatura at pag- aaral na aming nakalap para sa

aming pananaliksik, makikita ang paglago ng koneksiyon ng mga ito sa

paksa ng aming papel. Ang aming pananaliksik ay nakatuon sa kultura

at kalinangan ng mga Maranao. Dito nakabatay ang kanilang mga

tradisyon at arkitektura na nagbibigay distinksyon sa kanilang

pagkatao. Hindi matatawaran ang yaman ng kultura ng mga Maranao

kung kaya’t malaki ang bahaging gingagampanan ng mga nakalap na

kaugnay na literature para sa papel pananaliksik na ito.


15

Kabanata III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay nagtatanghal ng disenyo ng pananaliksik

na ginamit sa pag-aaral. Ito rin ay tumatalakay sa pamamaraan,

populasyon, instrumento ng pananaliksik at tritment ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang papel ay gumagamit ng deskriptib-analitik na disenyo ng

pananaliksik.Kung saan inilalarawan ang mga taong sangkot sa

pananaliksik. Hindi lang ito nagbabahagi ng nakalap na datos,ngunit

ang pananaliksik ay nagbabahagi rin ng presentasyon at deskripsyon

ng datos na nakalap at ipinakita sa papel. Pinag-aralan ng mga

mananaliksik ang paglinang ng sibilisasyong Maranao batay sa

impluwensiya nito sa mga estudyanteng nabibilang sa baiting 11,

partikular na sa Accountancy at Business Management strand.

Mga Respondente ng Pag-aaral

Ang mga taong napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay mga

mag-aaral ng Xavier University – Ateneo de Cagayan, mga

estudyanteng galing sa ABM strand, partikular sa nasa ika-labingisang

baitang. Ang paraan na ginamit ng mga mananaliksik ay ang pagpili ng

mga estudyanteng Maranao sa lahat ng seksyon ng ABM na strand.

Hindi lahat ng seksyon ng ABM ay may mga estudyanteng Maranao,

dahil dito, limitado ang pag-aaral na ito sa mga taong napili ng mga

mananaliksik.
16

May humigit tatlong daan at sampung mga mag-aaral galing sa

istrand ng ABM, ngunit kunti lamang ang mga Muslim. Karamihan sa

mga mag-aaral na Muslim ay galing sa tribo etniko ng mga Maranao.

Kumuha ang mga mananaliksik ng labing-anim na respondante,

dalawa bawat seksyon sa baitang 11 istrand ng ABM.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng isang interbyu sa mga

respondante upang makalap ang mga datos at impormasyon. Ang

interbyu ay nahahati sa tatlong bahagi ayon sa qualitative na datos.

Ang unang bahagi ay nakatuon sa kultura mismo ng mga Maranao

saklaw ang kanilang tradisyon at wikang sinasalita. Ang ikalawang

bahagi ay tungkol sa anong paraan nakakimpluwensya ang kultura nila

sa kanilang pang-araw-araw na gawi batay sa pakikipag-ugnayan sa

madla, edukasyon at pag-aaral, at sinusuot na damit. Nagsagawa rin

ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik

sa hanguan ng aklatan, katulad ng aklat at sa internet

Tritment ng Datos

Ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pagbuo ng

isang papel pananaliksik kaya hindi gumamit ang mga mananaliksik ng

mga komplikadong pagtatally. Ang mga katanungang isinagawa sa

interbyu ay itinipon ng mga mananaliksik upang makagawa ng

pagbubuod.
17

Kabanata IV

PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG DATOS

Nagtala ang mga mananaliksik ng isang interbyu sa mga

estudyanteng Maranao ng baitang 11 – ABM istrand sa Xavier

University Senior High School, tungkol sa kanilang kultura at

sibilisasyon. Kumuha ang mga mananaliksik ng dalawang respondante

sa mga seksyon ng Bellarmine, Becker, Canisius, Dela Colombiere,

Gordon, Hayes, Pesch, at Schall. At dahil dito, natuklasan sa pag-aaral

na ito ang sumusunod na datos at impormasyon.

Suliranin 1. Ano ang mga kultura ng Maranao ayon sa:

1.1 Tradisyon

A. Ayon sa mga nakuhang datos, 100% sa mga respondante

ang sumagot na ang kanilang tradisyon bilang Maranao ay kailangang

makapagdadasal ng limang beses sa isang araw.

B. Ngunit, 75% sa mga respondante and sumagot na isang

beses o tatlong beses na lamang sila nakapagdadasal.

C. At 37.5% sa mga respondante ang sumagot na nagdadasal

sila ngunit hindi sa tamang bilang at tamang oras.

1.2 Wika

A. Ayon sa mga nakuhang datos, 75% sa mga respondante ang

sumagot na dahil sa kanilang wika mas napapadali ang kanilang

pakikipaghalubilo at pagkikilala sa mga katulad nilang Maranao.


18

B. Samantalang 205% sa mga respondante ang sumagot na

hindi na sila nakakapagsalita ng wikang Maranao ngunit nakakaunawa

pa rin sila sa wikang ito.

C. Sa kabilang banda, 37.5% sa mga respondante ang nagsabi

na mas kumportable ang paggamit ng wikang Filipino at Bisaya sa

pananalita.

Suliranin 2: Paano nakaka-impluwensiya ang kultura sa kanilang

pang araw-araw na gawi batay sa kanilang:

1.1 Pakikipag-ugnayan

A. Ayon sa mga nakuhang datos, 12.5 % sa mga respondante

ang sumagot na mas kumportable silang makipag-ugnayan o makipag-

usap sa kapwa nila Maranao.

B. Bukod pa dito, kalahating porsyento ang nagsabi na dahil sa

kanilang kultura nalilimita ang pakikipag-ugnayan ng isang babaeng

Maranao sa kapwa babae lamang.

C. Ang lahat ng mga respondante ay nagpahayag na sila ay

pinagbabawalan na magkaroon ng “nightlife” dahil hindi ito sa

mapagsarili nilang kultura.

1.2 Sa pag-aaral

A. Ayon sa mga nakuhang datos, 87.5% sa mga respondante

ang sumagot na sila ay nag-aaral ng mabuti upang mawala ang

masamang hinala tungkol sa kanilang tribo.


19

B. Mayroon namang 12.5% sa mga respondante ang sumagot

na sila ay nag-aaral ng mabuti dahil kultura ng kanilang pamilya na

tumupad sa kanilang tungkulin sa paaralan lalo na sa kadahilanang

mga iskolar ang iba rito.

1.3. Sa pananamit

A. Ayon sa mga nakuhang datos, 87.5 % sa mga respondante

ang sumagot na kinakailangan magsuot ang isang Maranao ng mga

konserbatibong kasuotan at ang pasusuot ng “Hijab” sa babae.

B. Bagaman, 56.25% sa mga respondante ang nagpahayag na

hindi na masyadong mahigpit ang patakaran ng kanilang pananamit

ngayon dahil moderno na ang panahon at marami na ang nagbago.

C. At 100% sa mga respondante ang nagpahayag na sa mga

espesyal na pagdiriwang, kagaya ng kasal, sila ay kinakailangang pa

rin na magsuot ng wastong kasuotan.


20

Kabanata V

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng buod, natuklasang

konklusyon at rekomendayoson ng pag-aaral.

Lagom

Sa pananaliksik na ito, pinagtuunan ng mga mananaliksik ang

buhay, tradisyon at kultura ng mga Maranao, lalo na ang mga Maranao

sa Accountancy and Business Management (ABM) na istrand ng

Unibersidad ng Xavier Ateneo. Kinilala ng mga mananaliksik ang iba’t

ibang gawi at katangian ng mga mag-aaral na Maranao ng

Unibersidad. Inunawa ng mga mananaliksik ang kahalagan ng pag-

aaral na ito at binigyan-diin kung bakit kailangan intindihin ang buhay

ng isang Maranao.

Nagsagawa ang mga mananaliksik ng isang interbyu para sa

mga Maranano na nasa ikalabing-isang baitang ng ABM istrand.

Nagkaroon sila ng labing-anim na mga katugon at dumating sa isang

konklusyon sa tulong ng mga ibang mga sanggunian sa pamamagitan

ng pagsusuri ng mga nauugnay na panitikan. Binibigyan-diin din ng

mga mananaliksik ang kahalagahan ng pag-aaral na ito sa pang araw-

araw na buhay ng mga tao.


21

Konklusyon

Batay sa mga natuklasan, nabuo ang mga sumusunod na

konklusyon:

a. Nakita sa pananaliksik na ito na karamihan sa mga

istudyanteng Maranao ng baiting 11 sa ABM istrand ay hindi na

madalas naisasagawa ang mga tradition ng mga Maranao

katulad ng pagdadasal ng limang beses sa isang araw.

b. Sa nabigay na datos ng mga respondante, ang wika ng mga

Maranao ang nagsisilbing instrumento upang magkakilala ang

mga kapwa Maranao. Sa paaralan ay mas kumportable silang

magsalita gamit ang bisaya at tagalog.

c. Sa nabigay na datos ng mga respondante, ang mga maranao

ay mayroong mapagsarili o reserved na kultura sa pakikipag-

ugnayan. Dahil dito, ang mga babaeng istudyanteng Maranao

naman ay higit na mas nakakapag-usap sa kapwa babae o mas

kumportableng makipag-usap ang isang Maranao sa katulad

niyang Maranao.

d. Natuklasan sa pananaliksik na ito na ang mga istudyanteng

Maranao ay nag-aaral ng mabuti upang mawala ang mga

panghuhusga ng iba sa mga Maranao. Isa rin itong gawain na

dapat nilang gampanan sa paaralan.

e. Nakita rin sa pananaliksik na ito na ang pananamit ng mga

istudyanteng Maranao ng baiting 11 sa ABM istrand ay madalas


22

konserbatibo at kinakailangang natatakpan ang balat sa

katawan.

Rekomendasyon

Ang mga mananaliksik ay nais na ibahagi ang kanilang mga

nakalap na impormasyon mula sa iba’t ibang boses ng labing-anim na

estudyante ng Xavier University sa baitang 11 ng ABM istrand ukol sa

kanilang sibilisasyon o pamumuhay. Ang pananaliksik na ito ay

nirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga taong kinasasangkutan

nito partikular na ang mga estudyanteng Maranao ng Xavier University

sa baitang 11 ng ABM Strand na may iba't ibang pananaw sa kanilang

tradisyon, at iba pa. Batay sa naisagawang pag-aaral, iminumungkahi

ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon:

a. Para sa mga estudyanteng Maranao ng baitang 11 sa ABM

istrand na hindi nakakasunod sa mga tradisyon ng Maranao,

sikapin na maglaan ng oras para sa pagsasagawa ng

tradisyon katulad ng pagdadasal ng limang beses sa isang

araw;

b. Para sa lahat ng estudyanteng Maranao, importante ang

pagkakaintindihan at komunikasyon lalo na sa kapwang

Maranao;

c. Para sa mga babaeng Maranao, hindi masamang sumunod

sa komportableng nais na pakikipag-ugnayan sa mga tao.

Hindi rin dapat mahusgahan ang kultura sa pananamit;


23

d. Para sa lahat ng estudyante sa anumang relihiyon o may

iba't ibang tradisyon, ipagpatuloy lamang ang pag-aaral ng

mabuti;

e. Para sa mga Maranao na mahalagang pananatilihin ang

kultura sa pananamit, ipagmalaki ito na walang takot sa mga

panhuhusga.
24

TALASANGGUNIAN

Mga Libro

Lapidus, I. M. (2012). Islamic Societies to the Nineteenth Century: A

Global History. New Delhi: Cambridge University Press.

Majul, C. A. (1985). The Contemporary Muslim movement in the

Philippines. Berkeley: Mizan Press. doi:DOI

Rivera, F. G., Navarro, A. M., & Casanova, A. P. (2003). Mga

Kuwentong Maranao: Sining Kambayokas. Manila, Philippines:

UST Pub. Hosue.

Artikulo

Alonto C. (1974). The Impact Of Islam On The Socio-Economic

Development Of Maranao Society: An Outline. In Perspective

On Maranao Society. 65-85

Hanguang Elektroniko

Ang Mga Maranao.docx. (n.d.). Nakuha noong October 22, 2017. Mula

sa https://www.scribd.com/doc/293180198/ANG-MGA-

MARANAO-docx

Aralin 1. (n.d.). Nakuha noong October 22, 2017. Mula sa

http://sining101.weebly.com/aralin-1.html

Bara, H. (2015). The History of the Muslim in the Philippines. Nakuha

noong 29, 2017. Mula sa


25

http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-cultural-

communities-and-traditional-arts-sccta/central-cultural-

communities/the-history-of-the-muslim-in-the-philippines/

Brainly, (n.d.). Nakuha noong October 22, 2017. Mula sa

https://brainly.ph/question/23313

Brainly, (2017). Ano ang kultura ng Maranao? Nakuha noong October

29, 2017. Mula sa https://brainly.ph/question/598996

Darangan. (n.d.). Nakuha noong October 22, 2017. Mula sa

http://www.kapitbisig.com/philippines/bilingual-tagalog-english-

version-of-epics-mga-epiko-darangan-an-epic-of-maranao-

bilingual-tagalog-english-version_791.html

Ang Mga Maranao.Docx. (n.d.). Retrieved October 29, 2017, from

https://www.scribd.com/document/355158040/ANG-MGA-

MARANAO-docx

Grapika, M. (2016). Pangkat Etniko ng Visayas at Mindanao. Nakuha

noong October 22, 2017. Mula sa

https://manilagrapika.wordpress.com/2015/08/03/pangkat-

etniko-ng-visayas-at-mindanao-photos-with-description/

Herrington, D. (n.d.). Maranaos Culture, Customs And Traditions |

Culture And Tradition. Nakuha noong October 29, 2017. Mula sa

http://www.livinginthephilippines.com/culture-and-

people/philippine-culture/culture-and-traditions/1287-maranaos-

culture-customs-and-traditions
26

Introduksyon - magandaakosalahat.weebly.com. (n.d.). Nakuha noong

October 29, 2017, Mula sa

http://magandaakosalahat.weebly.com/uploads/3/1/6/7/3167367

9/article-_mangorangca.pdf

Jansen, M. (2013). Ang mga Muslim na Maranao. Nakuha noong

October 29, 2017. Mula sa http://muslim-academy.com/ang-

mga-muslim-na-maranao/

Mahmoud, M. (n.d.). The Muslims In The Philippines: A Bibliographic

Essay. Nakuha noong October 29, 2017. Mula sa

http://www.asj.upd.edu.ph/mediabox/archive/ASJ-12-2-3-

1974/mahmoud-muslims%20in%20the%20philippines.pdf

Maranao. (n.d.). Nakuha noong October 22, 2017. Mula sa

http://www.ethnicgroupsphilippines.com/people/ethnic-groups-in-

the-philippines/maranao/

O'Neil, D. (2013). What is Culture? Nakuha noong October 29, 2017.

Mula sa

https://www2.palomar.edu/anthro/Culture/Culture_1.Htm

Project, J. (n.d.). Maranao, Lanao in Philippines. Nakuha noong

October 29, 2017. Mula sa

https://joshuaproject.net/people_groups/13531/RP

Tools (n.d.). Nakuha noong October 22, 2017. Mula sa

http://www.seasite.niu.edu/trans/tagalog/modules_in_Tagalog/Etn

ikong_maranaw.htm
27

(n.d.). Nakuha noong October 29, 2017. Mula sa

https://www.coursehero.com/file/13674562/Kabanata-III/
28

CURRICULUM VITAE

Izzabella Marie C. Alamban

Tirahan: Camella Homes, Upper Balulang,

Cagayan de Oro City

Personal Na Impormasyon

Araw ng Kapanganakan: August 24, 2001

Lugar ng Kapanganakan: Cagayan de Oro City

Civil Status: Single

Edad:16

Citizenship: Filipino

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan ng Ama: Rudy Roel M. Alamban

Pangalan ng Ina: Susan C. Alamban Parent's

Tirahan ng Magulang: Camella Homes, Upper Balulang, Cagayan de

Oro City

EDUKASYON

Elementarya:

Xavier University Grade School Pueblo - 2013

Secondarya:

Xavier University Junior High School - 2017


29

Anne Zeta U. Alvarez

Tirahan: Greenhieghts Village, Upper Balulang,

Cagayan De Oro City

Personal Na Impormasyon

Araw ng Kapanganakan: April 17, 2001

Lugar ng Kapanganakan: Ozamis City

Civil Status: Single

Edad:16

Citizenship: Filipino

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan ng Ama: Manuel Sukarno Barton Alvarez

Pangalan ng Ina: Analiza Uy Alvarez

Tirahan ng Magulang: Greenhieghts Village, Upper Balulang, Cagayan

De Oro City

EDUKASYON

Elementarya:

Lourdes College Grade School- 2009

Xavier University- Ateneo De Cagayan Grade School-2013

Secondarya: Xavier University -Ateneo De Cagayan Junior High

School- 2017
30

Princess Marie L. Dalupere

Tirahan: Bliss, Bauk-Bauk, Balingoan,

Misamis Oriental

Personal Na Impormasyon

Araw ng Kapanganakan: June 29, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Davao City, Davao del Norte

Civil Status: Single

Edad: 17

Citizenship: Filipino

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan ng Ama: Jose Mari O. Dalupere

Pangalan ng Ina: Grace L. Dalupere Parent’s

Tirahan ng Magulang: Bliss, Bauk-Bauk, Balingoan, Misamis Oriental

EDUKASYON

Elementarya:

Don Ricardo Briz Central Elementary School - 2012

Secondarya:

Saint Mary's Academy of Talisayan – 2017


31

Carylle M. del Rosario

Tirahan: Cor. 9-21 Brngy. Nazareth,

Cagayan de Oro

Personal Na Impormasyon

Araw ng Kapanganakan: July 31, 2001

Lugar ng Kapanganakan: Butuan City

Civil Status: Single

Edad: 16

Citizenship: Filipino

Relihiyon: Jehovah's Witnesses

Pangalan ng Ama: Welmyr C. del Rosario

Pangalan ng Ina: Ma. Cristina M. del Rosario Parent’s

Tirahan ng Magulang: Cor. 9-21 Brngy. Nazareth, Cagayan de Oro

EDUKASYON

Elementarya:

Colegio de la Inmaculada Concepcion Mandaue- 2011

Colegio de la Inmaculada Concepcion Cebu-2013

Secondarya:

St. Paul University Surigao-2017


32

Rhee Adrienne L. Navales

Tirahan: Portico 1, Gran Europa,

Cagayan de Oro City

Personal Na Impormasyon

Araw ng Kapanganakan: September 23, 2001

Lugar ng Kapanganakan: Cagayan de Oro City

Civil Status: Single

Edad: 16

Citizenship: Filipino

Relihiyon: Pentecostal Father’s

Pangalan ng Ama: Reynaldo B. Navales Jr.

Pangalan ng Ina: Arlene L. Navales

Tirahan ng Magulang: Portico 1, Gran Europa, Cagayan de Oro City

EDUKASYON

Elementarya:

PROIS 2007-2012 Xavier University Grade Schoo- 2013

Secondarya:

Xavier University Junior High School- 2017


33

Shimea L. Pagurayan

Tirahan: Malinao, Banisilan, Cotabato

Personal Na Impormasyon

Araw ng Kapanganakan: May 23, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Cagayan de Oro City

Civil Status: Single

Edad: 17

Citizenship: Filipino

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan ng Ama: Peter Pagurayan

Pangalan ng Ina: Regina Pagurayan

Tirahan ng Magulang: Malinao, Banisilan, Cotabato

EDUKASYON

Elementarya:

Malinao Central Elementary School-2012

Secondarya:

Malinao National High School-2017


34

Jon Clark C. Paner

Tirahan: Tuscania Subdivision, Kauswagan

Cagayan de Oro

Personal Na Impormasyon

Araw ng Kapanganakan: July 12, 2001

Lugar ng Kapanganakan: Cagayan de Oro City

Civil Status: Single

Edad: 16

Citizenship: Filipino

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan ng Ama: Benedicto F. Paner Jr.

Pangalan ng Ina: Mary Clairyfel C. Paner

Tirahan ng Magulang: Blk 12 Lot 15, Tuscania Subdivision,

Kauswagan, Cagayan de Oro

EDUKASYON

Elementarya:

Xavier University Grade School- 2013

Secondarya:

Xavier University Junior High School-2017

You might also like