You are on page 1of 3

Pusong Walang Pag- ibig

(Suring Basa)
Isinulat ni: Jenny A. Bendanillo
Ang nobelang ito ay isinulat ni Roman G. Reyes. Ang
Pusong Walang Pag-ibig ay nasundan pa ng tatlong
nobela.
Narito ang buod ng nobelang Pusong Walang Pag-ibig:
Sa baryo na Pulang- gubat, nais ni Matandang Tikong na
maikasal na ang anak niyang si Loleng. Nararamdaman ng
matanda na malapit na siyang mamatay at mapapalagay
lamang siya kung mayroong lalaki makakasama ang
kaniyang anak habangbuhay. Napili niya si Ikeng na isang
lalaking hindi handang magpakasal kahit kanino. Wala
namang magawa si Loleng dahil iyon ang kagustohan ng
kaniyang ama. Dumating ang araw na ikinasal na sina
Loleng at Enrique. Maganda sa umpisa ang pagsasama ng
bagong kasal ngunit hindi nagtagal ay nag balik ang
dating Ikeng sa kaniyang dating gawi. Namatay na
nagsisisi ang matandang Tikong kung bakit si Enrique pa
ang kaniyang napili para sa kaniyang anak ngunit hindi ni
Loleng sinisi ang kaniyang ama. Naghirap sila at
nagkahiwalay siyang tatlo dahil sa himagsikang
pangyayari. Subalit nagkitang muli sina Loleng at ang
kaniyang anak na si Nene. At ang sugarol na si Ikeng ay
naghahanap sa kanila ngunit nasagasaan siya at doon pa
siya nagsisi at humingi ng kapatawaran sa kaniyang
asawa't anak. At tuluyan ngang namatay si Ikeng. Dito
nagtatapos ang kuwentong "Pusong Walang Pag-ibig" .
Ang Pusong Walang Pag-ibig ay isa mga maganda at
kapaki- pakinabang na basahin dahil sa pagiging
dramatiko at sa mga mapupulot na aral.
Isang kahalagahan ang pagiging responsable. Naipakita ni
Roman G. Reyes ang katotohanan sa mga iresponsableng
ama noon at ngayon.

You might also like