You are on page 1of 3

DETAILED LESSON PLAN SA ARALING PANLIPUNAN 9

I. Layunin
Pagkatapos talakayin ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a) mailalarawan ang mga salik na nakaiimpluwensya sa pagkonsumo,
b) maibabahagi ang kahalagahan ng wastong pagkonsumo bilang batayan o
pangunahing gawain ng tao,
c) makapagmumungkahi kung paano magiging makatwiran ang pagkonsumo,
d) maipapakita ang kahalagahan ng wastong pagkonsumo sa pamamagitan ng
“differentiated instruction.”

II. Nilalaman
A. Paksa: Pagkonsumo
 Salik na Nakaiimpluwensiya sa Pagkonsumo
B. Ekonomiks by Imperial at Antiono et. al, pahina 55-56
C. Kagamitan: DLP, Kompyuter, istripa ng papel, mga larawan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pag-aayos ng mga upuan
3. Pagtatala ng liban
4. Balik-Aral
 Ibuod ang tinalakay ng nakalipas na pinag-aralan tungkol sa pagkonsumo.
5. Pagganyak
 Pagpapakita ng iba’t-ibang produkto na pagpipilian ng mga mag-aaral at
ibabahagi kung bakit ito ang kanilang bibilhin.

B. Activity
Hahatiin ang buong klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay makakatanggap ng isang
larawan at istripa ng mga papel. Bubuo sila ng isang salita gamit ang mga istripa ng papel kung
saan iuugnay nila ito sa larawang natanggap.
C. Analysis
1. Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo?
2. Kailan nakakaapekto ang kita sa pagkonsumo ng isang tao?
3. Bakit nakakaapekto ang okasyon sa pagkonsumo ng isang tao?
4. Paano nakakaapekto ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng isang produkto sa pamimili nyo?
5. Magbigay ng mga sitwasyon kung kelan nakakaapekto ang panahon sa iyong pagkonsumo?

D. Abstraction
 Isang larawan ang ipapakita kung saan iintindihin ng mga mag-aaral kung ano ang
ipinahihiwatig nito.
Gabay na tanong:
1. Bilang isa konsyumer, paano mo maipapakita ang wastong
pagkonsumo?

E. Application
Bawat pangkat ay bibigyan ng isang paksa patungkol sa salik ng pagkonsumo. Ang
gagawin ay Ipapakita nila kung ano ang kahalagahan ng wastong pagkonsumo.

Pangkat 1 (Kita) – Paggawa ng islogan Criteria:


Pangkat 2 (Presyo) – Paggawa ng poster Nilalaman- 20%
Pangkat 3 (Panahon) – Paggawa ng tula Pagkamalikhain- 20%
Pangkat 4 (Okasyon) – Kanta at Sayaw Kooperasyon: 10%
IV. Evaluation
Essay Writing (Pangako: Tungo sa Wastong Pagkonsumo)

V. Assignment
Sa isang short bondpaper, gumawa ng isang weekly budget plan. Ipasa
bukas ng umaga.

Inihanda ni:
Beatriz Ann T. Simafranca

You might also like