You are on page 1of 21

1.

Ang downward sloping na galaw ng


demand curve ay nagpapahiwatig ng:

a.Kawalang ugnayan ng presyo at


demand.
b.Positibong ugnayan ng presyo at
demand.
c.Inverse na ugnayan ng presyo at quantity
demanded.
d.Pagtaas ng presyo ng mga produkto at
paglilingkod.
2. Sa ekonomiks, ang pagtugon sa walang
katapusang pangangailangan ng tao ay
tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa
dami ng produkto na handa at kayang ipagbili
ng mga prodyuser?
A.demand
B.produksiyon
C.ekwilibriyo
D.supply
3. Ang upward sloping na galaw ng supply
curve ay nagpapahiwatig ng:
a.Kawalang ugnayan ng presyo at quantity
supplied.
b.Positibong ugnayan ng presyo at quantity
supplied.
c.Inverse na ugnayan ng presyo at quantity
supplied.
d.Pagbaba ng quantity supplied kapag tumataas
ang presyo ng mga produkto at paglilingkod.
4. Ito ay tumutukoy sa talaan o listahan na
nagpapakita ng kaugnayan ng presyo at
dami ng demand para sa isang partikular
na produkto o paglilingkod.

a.Demand Schedule
b.Demand Function
c.Demand Curve
d.Quantity Demanded
5. Tumutukoy ito sa punto sa pinagsamang
kurba ng demand at suplay na
magkasalubong; o punto kung saan ang
quantity demanded at quantity supplied ay
pantay o magkapareho.

a.Ekwilibriyo
b.Surplus / kalabisan
c.Disekwilibriyo
d.Shortage / kakulangan
6. Magreresulta sa isang kondisyon ng
disekwilibriyo maliban kung may:

a.labis na suplay
b.kakulangan sa suplay
c.labis na demand
d. sapat na suplay upang tugunan ang
demand.
7. Ang tumutukoy sa balangkas na umiiral
sa sistema ng merkado kung saan
ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at
prodyuser.

a.ganap na kompetisyon
b.estruktura ng pamilihan
c.di ganap na kompetisyon
d. pamilihan
8. Ang pamilihan kung saan hindi kayang
kontrolin ng mga prodyuser ang presyo
sapagkat maraming nagtitinda ng
magkakaparehong uri ng produkto at
serbisyo sa pamilihan.
a. monopolyo
b. di ganap na kompetisyon
c. ganap na kompetisyon
d. monopolistikong kompetisyon
9. Uri ng pamilihan na may kakayahang
impluwensiyahan ang presyo sa pamilihan
sapagkat iisa lamang ang gumagawa ng
produkto o nagbibigay ng serbisyo.
a.monopolyo
b.oligopolyo
c. monopsonyo
d. monopolistikong kompetisyon
10. Ito ang paglalagay ng mga simbolo o
marka sa mga produkto o serbisyo na
syang nagsisilbing pagkakakilanlan ng
kompanyang may gawa o nagmamay-ari
nito.
a. copyright
b. trademark
c. patent
d. credits
11. Isang uri ng intellectual property right na
tumutukoy sa karapatang pagmamay-ari
ng isang tao na maaring kabilang ang mga
akdang pampanitikan o akdang pansining.

a. copyright
b. trademark
c. patent
d. credits
12. Ito ang pagkontrol o sabwatan ng mga
negosyante sa presyo ng produkto para
mawalan ng pagpipilian ang mga
konsyumer at mawala ang kompetisyon sa
pagitan ng mga pamilihan.

a.collusion
b.hoarding
c.patent
d.kartel
13. Ito ang pagtatago ng produkto upang
magkulang ang suplay sa pamilihan na
magdudulot ng pagtaas ng
pangkalahatang presyo.

a.collusion
b.hoarding
c.patent
d.kartel
14. Uri ng pamilihan na nagbebenta ng
mga produktong magkakapareho ngunit
hindi eksaktong magkahawig. Maraming
prodyuser ang nagbebenta nito para
matugunan ang iba’t-ibang
pangangailangan ng mga konsyumer.

a.monopolyo
b.oligopolyo
c. monopsonyo
d. monopolistikong kompetisyon
15. Kilala ito sa katawagang maximum
price policy o ang pinakamataas na presyo
na maaaring ipagbili ng isang prodyuser
ang kaniyang produkto.

a.price ceiling
b.price floor
c.price freeze
d.suggested retail price
16. Ang patakarang ito ay isang
pamamaraan upang mapanatiling abot-
kaya para sa mga mamamayan ang presyo
ng nasabing produkto lalo na sa panahon ng
krisis.

a.price ceiling
b.price floor
c.price freeze
d.suggested retail price
17. Ang pagbabawal sa pagtaas ng presyo
sa pamilihan. Ipinatupad ito ng pamahalaan
upang mapigilan ang pananamantala ng
mga negosyante sa labis na pagpataw ng
mataas na presyo ng kanilang mga produkto.

a.price ceiling
b.price floor
c.price freeze
d.suggested retail price
18. Ito ay kilala rin bilang price support at
minimum price policy na tumutukoy sa
pinakamababang presyo na itinakda ng
batas sa mga produkto at serbisyo.

a.price ceiling
b.price floor
c.price freeze
d.suggested retail price
19. Isang pansamantalang pangyayari sa
pamilihan kung saan, ang supply ng
produkto ay hindi sapat sa planong
ikonsumo ng tao,

a.kalabisan
b.kakulangan
c.kagustugan
d.alokasyon
20. Ang patakarang ipinatupad ng
pamahalaan upang mapatatag ang presyo
ng mga pangunahing bilihin sa pamilihan.

a.subsidy
b.price freeze
c.price stabilization
d.price ceiling/floor

You might also like