You are on page 1of 30

KABANATA 1

A. Panimula

“Ang kalinisan ay kasunod ng kabanalan.” Ito ay katagang nagpapaalala sa mga tao

na mahalaga ang ating kalikasan. Ito ay dapat pahalagahan sapagkat ito’y pinagkaloob ng

Panginoon at inaasahan Niya ang mga tao na maging tagapangalaga ng lahat ng ito. Binigyan

Niya ang mga tao ng kapasidad upang mapangalagaan ang kalikasan. Isa na rito ay ang

kakayahang gumalaw gamit ang iba’t ibang parte ng katawan. Ang mga tao ay gumagawa ng

mga aksyon na makakatulong sa kalikasan tulad paglilinis ng kapaligiran at pagtatanim ng mga

halaman. Isa pang kapasidad na pinagkaloob sa tao ay ang kakayahang mag-isip. Ang mga tao ay

nag-iisip ng mga hakbangin na magpapanatili sa kaayusan ng kapaligiran. Halimbawa nito ay

ang mga batas na ipinasa ng mga mambabatas. Ang mga ipinatupad na batas ay naglalayong

hikayatan ang sambayanan na magkaisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran

at mayroong karampatang parusa ang lalabag sa anumang batas pangkalikasan.

Ang mga paaralan ay mayroong kanya-kanyang alituntunin na dapat sundin ng mga

estudyanteng nag-aaral dito. Kasama sa mga ito ay mga kautusan sa pagpapanatili ng malinis na

paaralan at isa ang Paco Catholic School (PCS) sa mga paaralang nangangarap ng isang malinis

at maayos na kapaligiran. Upang maisakatuparan ang pangarap na ito, ang PCS ay lumilikha ng

mga alituntunin tulad ng YCAP at CLAY GO. Ito ay naglalayong turuan ang mga Paconians na

magkaroon ng malasakit sa kapaligiran sa simpleng pagtatapon ng basura sa maayos na

basurahan, pagpupulot ng mga kalat sa paligid at aktibong pagsali sa aktibidad na pangkalikasan.

Ang PCS din ay gumagawa ng mga hakbang upang mapaalala sa mga Paconians ang

kahalagahan ng aktibong paglahok sa YCAP at CLAY GO. Ang PCS ay araw-araw nagpapaalala

1
bawat umaga bago magsimula ang klase. Ang eskwelahan din ay nagpapamigay ng mga

impormatibong papel sa mga estudyante at naglalagay ng mga poster sa loob ng paaralan ukol sa

YCAP at CLAY GO.

Sa kabila ng mga hakbangin na ginagawa ng Paco Catholic School sa pagpapanatili

ng kalinisan, marami pa ring dumi ang nagkalat sa loob ng paaralan. Dahil dito, nais malaman ng

mga mananaliksik ang pagpapahalaga ng mga Paconians sa kalinisan ng kanilang paaralan. Ang

mga mananaliksik ay gustong alamin kung talaga bang nasusunod nila ang mga alituntunin ng

kanilang paaralan tungo sa malinis at maayos na kapaligiran.

B. Balangkas na Konseptwal

KAHALAGAHAN

KAPALIGIRAN

PACONIANS

IKAPITONG IKAWALONG IKASIYAM IKASAMPUNG


BAITANG BAITANG BAITANG BAITANG

2
C. Paglalahad ng layunin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman kung pinapahalagahan ng mga Paconians

ang kapaligiran partikular ang mga nasa ikapito hanggang sa ikasampung baiting.

1. Malaman kung gaano kahalaga ang kapaligiran sa mga mag-aaral

2. Matukoy kung gaano kaaktibo ang mga mag-aaral sa mga programang pangkalikasan

ng Paco Catholic School.

3. Malaman ang gampanin ng kurikulum sa paghubog ng pagpapahalaga sa kapaligiran.

4. Makalikha ng mga pagkilos at gawain na magpapabuti sa kalagayan ng kalikasan.

D. Kahalagahan ng pag-aaral

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito maaaring mapalawak ang kaalaman ng mga

mambabasa tungkol sa isang pag-aaral sa lalim ng pagpapahalaga ng mga Paconian sa

kapaligiran. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod na indibidwal:

Sa Pamunuan ng Paaralan

Ang magiging resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagbuo at

pagsasaayos ng mga programa ukol sa pagpapahalaga sa kapaligiran.

Sa Kaguruan

Ang pag-aaral na ito ay maaaring magamit ng mga guro sa pagpapaibayo ng mga kaalaman

ng mga mag-aaral ukol sa kapaligiran. Makatutulong din ito sa pagbibigay kasagutan sa mga

katanungang naglalaro sa isipan ng mga etudyante.

3
Sa mga Mag-aaral

Ang mga datos na makukuha sa pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga Paconians upang

mapagbuti ang kanilang nakasanayang ginagawa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa

kapaligiran.

Sa pamamagitan nito, mahihimok ang mga Paconians upang mabigyang inspirasyon at

ipagpatuloy ang programa ukol sa pagpapahalaga ng kapaligiran.

E. Saklaw at Limitasyon

Ang pag aaral na ito ay nagsasagawa ng pagpapahalaga ng mga estudyante sa Paco

Catholic School mula baitang pito hanggang sampu ukol sa kanilang kapaligiran. Gagawin ang

pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng sarbey sa mga nasabing estudyante upang

malaman ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang kapaligiran. Dalawa hanggang tatlong mag-

aaral sa bawat seksyon ang mabibigyang pagkakataon upang masagot ang sarbey.

F. Katuturan ng mga salitang ginamit

Nakatala rito ang mga salitang ginagamit sa pag-aaral. Tanging mga katawagan, salita o

natatanging kahulugan sa pag-aaral ang bibigyang depinisyon.

Paconians – mga mag-aaral ng Paco Catholic School (PCS)

4
YCAP - "Young, Concerned and Active Paconians", isang programa sa Paco Catholic School

kung saan inaasahan ang mga estudyante na maging aktibo sa pagpapanatili ng kalinisan sa loob

ng paaralan sa lahat ng oras.

CLAY GO – “Clean As You Go” , isang programa sa Paco Catholic School kung saan

hinihikayat ang mga estudyante na panatilihin ang kalinisan habang sila’y naglalakad sa

paaralan. Inaasahan silang magpulot ng mga kalat na kanilang madadaanan sa loob ng silid,

pasilyo at sa buong paaralan.

5
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon kay Suellon Hoy, ang kalinisan ay matatamo kapag and isang katauhan ay

malinis at walang dumi at kaya niyan panatilihin ang ganitong estado. Ayon din sa kanya, ito

ay pagpapakita ng moral na maihahambing sa kasabihang “Ang kalinisan ay kasunod ng

kabanalan”.

Ayon kay Dr. Michael A. Berry PH.D, konektado ang malinis at maayos na

paaralan sa ugali at kagawian ng mga estudyante nag aaral dito, mga guro at mga parangal na

natanggap ng eskwelahan.

Batay sa pag-aaral nina Maslow at Mintz, malaking salik ang kalinisan at

Kaayusan ng isang lugar at silid upang ganahan ang isang tao na tapusin ang mga itinakdang

gawain.

Batay sa pananaliksik nina Earthman at Lemasters, mayroong epekto ang pisikal

Na kaanyuan ng isang silid sa abilidad at gawi ng isang estudyante.

Batay sa pag-aaral nina Bowers ay Burkett, mayroong epekto sa akademikong

kapasidad at kakayahan ng mga estudyante ang kanilang kapaligiran.

6
Isaad ang mga natuklasan ng pananaliksik na mga mag-aaral ay apektado mabuti o sa masama ng

mga biswal, acoustical at thermal na katangian ng kapaligiran ng silid-aralan. Noong 1986-87

school year, 280 ikaapat at ikaanim na grado sa mga estudyante sa dalawang magkahiwalay na

paaralan pasilidad – ang panganay at ang pinakabago sa isang rural Tennessee county school

district – ang sinubukan upang matukoy kung may kinalaman ang pisikal na kapaligiran ng

paaralan sa student achievement, health, pagdalo, at pag-uugali. ANOVA, chi-square at t-

pagsusulit ay ginagamit upang suriin ang mga datos. Umiral ang isang makabuluhang

pagkakaiba sa pagitan ng mga estudyante sa dalawang elementarya hinggil sa kaugnayan ng

pisikal na kapaligiran at tagumpay ng mga estudyante. Ang mga marka sa pagbabasa, pakikinig,

wika, at matematika ay nagpakita ng isang makabuluhang pagkakaiba, kasama ang mga

estudyante sa mga modernong gusali na pagsasagawa ng mas mahusay kaysa sa mga estudyante

ang nakatatandang School. Ang dating mga estudyante ay pinatunayan na magkaroon ng isang

mas mahusay na talaan sa mga lugar ng kalusugan, pagdalo, at disiplina

Ayon kila Canter, David, and Peter Stringer. Environmental Interaction. New York: International

Universities Press, 1975.

"Ito ay isang aklat na babasahin na tumatalakay sa maraming isyu na may kinalaman

sa kapaligiran ng sikolohiya, ang pagsusuri ng mga masalimuot na hanay ng mga

interaksyon na magkaroon ng mga tao sa kanilang pisikal na environment(13).

Canter, Stringer at ang iba pang mga nag-ambag sa kapaligiran ng mga interaksyon

siyasatin kung paano nakakaapekto ang pisikal na kapaligiran sa mga tao. Habang

ang hindi nasusulat lamang tungkol sa mga paaralan, marami sa mga partikular na

mga kadahilanan na iniukol ay angkop sa kapaligiran ng paaralan, pati na ang klima

(temperatura, halumigmig at bentilasyon), liwanag, ingay at spatial layout. Ang isang

7
bilang ng mga mas malawak na tema na tinalakay ay din kaugnay sa kapaligiran ng

paaralan, tulad ng ang pangangailangan para sa mga nag-iisip kung paano ang mga

partikular na mga kadahilanan na makipag-ugnayan sa isa 't isa. Sa kabuuan, ang mga

may-akda ay nakikipagtalo na magkaroon ng pisikal na kapaligiran ang physiological

at sikolohikal na mga epekto sa mga tao."

Ayon sa pananaliksik na “The Effectivity of “CLAY-GO” to the High School

Students”, minsan lamang sumunod ang mga Paconians sa programang CLAY-GO.

Ayon kay Lisa Ridgely, sa mga nakalipas na taon, karamihan sa paaralan na may

malinis at maayos na kapaligiran sa ibang bansa ang nakakapaghubog ng mga estudyante na

masanay at gawing malinis ang kapaligiran.

Ayon sa pag-aral ng Group 2 IV-5 sa programang “PCS-CLAY Go”nakasaad sa

ordinansa ng munisipalad ng Cainta o “TapatkoLinisko Ordinance”na maging malinis at

maayos ang harap ng bahay ng mga resident ng Cainta. Inaasahan nilang linisin ang kanilang

nasasakupan at iwasang magtapon ng basura sa labas ng kanilang bahay at sa ibang lugar.

Ayon kay Kate Fruelda, Marami  sa atin na gustong maging malinis ang ating

kapaligiran. Pero may iba na walang pakialam kung marumi ang kapaligiran. May mga taong

gumagawa ng karatula para maging malinis ang kapaligiran at sundin ng mga tao upang

malaman na Hindi lahat iasa sa iba at lahat ng basurahan ay may tamang lagayan.

8
Katulad ng karatulang “Tapat ko Linis  ko” masasabi ko na meron itong magandang naidudulot

para manatiling malinis ang kapaligiran. Pero di maiwasang sabihin na ito ay makasariling

hangarin. Sa Corcuera Romblon sa brgy. Mabini base sa aking karanasan marami ako nakitang

karatula na nakikita pero sa aking opinyon na ang ibig sabihin nun na kung ano ang tapat ng

yong bahay ton lang ang lilinisin mo hindi na yong iba. Hindi masabi na nagkakaroon na

pagkakaisa para mapanatiling malinis ang kapaligiran kase parang naturuan ang mga taong

maging makasarili at walang pakialam sa iba. Hindi lahat ay merong magagandang naidudulot.

May karatula man o wala iilan lng ang sumusunod at nagpapahalaga sa kapaligiran. Maraming

paraan para maging malinis ang kapaligiran hindi lahat ng bagay ay isaalang alang sa karatula.

Kung ikaw ay tunay na may malasakit sa iyong kapaligiran di mo na kailangan ng karatulang

“Tapat ko Linis ko”.

Ang isa pang pag-aaral na nagpapatibay ng teorya na ang malinis na kapaligiran a nakakaaapekto

sa mga mag-aaral ay ang pag-aaral ni David May. Ayon sa kanyang artikulo noong Abril 28,

2017

Isaad ang mga natuklasan ng pananaliksik na mga mag-aaral ay apektado mabuti o sa masama ng

mga biswal, acoustical at thermal na katangian ng kapaligiran ng silid-aralan. Noong 1986-87

school year, 280 ikaapat at ikaanim na grado sa mga estudyante sa dalawang magkahiwalay na

paaralan pasilidad – ang panganay at ang pinakabago sa isang rural Tennessee county school

district – ang sinubukan upang matukoy kung may kinalaman ang pisikal na kapaligiran ng

paaralan sa student achievement, health, pagdalo, at pag-uugali. ANOVA, chi-square at t-

pagsusulit ay ginagamit upang suriin ang mga datos. Umiral ang isang makabuluhang

9
pagkakaiba sa pagitan ng mga estudyante sa dalawang elementarya hinggil sa kaugnayan ng

pisikal na kapaligiran at tagumpay ng mga estudyante. Ang mga marka sa pagbabasa, pakikinig,

wika, at matematika ay nagpakita ng isang makabuluhang pagkakaiba, kasama ang mga

estudyante sa mga modernong gusali na pagsasagawa ng mas mahusay kaysa sa mga estudyante

ang nakatatandang School. Ang dating mga estudyante ay pinatunayan na magkaroon ng isang

mas mahusay na talaan sa mga lugar ng kalusugan, pagdalo, at disciplina.

Ayon naman sa Cambridge dictionary ang kahulugan dawn g kalinisan ay “ "Ang estado ng

pagiging malinis, o ang pagsasagawa ng pagpapanatiling malinis ng bagay." Habang sinisikap

mong matamo ang malinis na ibabaw, mga pasilidad at kapaligiran, ang kalinisan ay ang

pagsasagawa o habits na ka empleyado sa proseso. Alam ng lahat na ang masasamang ugali, o

gawi, ay mahirap basagin. Mabubuting gawi at kaugalian ay pantay mahirap na anyo. Sa

maraming kaso, mayroon kang makalimot ang isang masamang gawi habang pagpapatupad ng

isang bagong buhay, paggawa ng mga gawain na tila mas mahirap pa. Pagsasanay tungo sa

kalinisan upang lumikha ng ang tunay na kahulugan ng kalinisan sa iyong pasilidad o tahanan,

mayroon kang upang suriin ang iyong paglilinis na ginagawa bago ang anupaman. Pagpapatupad

ng mga gawain ng kalinisan ay kinapapalooban ng pagbabago ng kaisipan ni malinis talaga ang.

Ang ibig sabihin nito ay pag-amin sa iyong pamamaraan at mga nakaraang aksyon ay maaaring

mga di-wasto o di-naturuang. Ito ay maaaring maging isang mahirap na hakbang para sa ilan.

Pagpili upang tingnan ang mga ito bilang isang ebolusyon sa halip na sa isang pagkakamali, mo

magagawang upang mapagtanto ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng mga mahusay na gawain

at gawi. “

10
Para naman sa mga programa na pinapatupad sa paaralan tungkol sa kalinisan, ayon sa

greenworld

Ang pag-aaral na ito ay may kapangyarihan na positibo: green na paglilinis ng mga programa sa

paaralan na benepisyo sa mga estudyante at ng administrasyon. Gamit ang pagpapatupad ng mga

programa sa kalidad ng matatagumpay indoor air, ang paaralan ay maaaring makita ang isang

pagtaas sa produktibidad at mas mataas na puntos sa pagsusulit sa pangkalahatang. Tinukoy

bilang "paglilinis upang protektahan ang kalusugan nang hindi saktan ang kapaligiran", berde na

programa ng paglilinis gamitin ang mga proseso na nagtataguyod ng kalusugan, kaligtasan at

social malay, at kabilang dito ang paggamit ng environmentally friendly janitorial na mga

produkto at kagamitan. Mula sa mga paaralan sa kolehiyo, paglilinis ng berde at mga programa

sa kalidad ng hanging panloob ay nagkamit ng katanyagan at ginawa ang natitirang resulta. Ayon

sa mga ekspertong si Dr. Michael A. Berry, Ph.d., "mayroong direktang kaugnayan na

kapaligiran malusog na paaralan; ugali at saloobin ng mga estudyante, magulang at mga

tagapagturo; at akademikong tagumpay."Greening, Writing and 'Rithmetic 

programa ng paglilinis ay maglaro ng isang mahalagang papel sa paglikha ng isang malusog na

kapaligiran. At ang malusog na kapaligiran na nilikha sa pamamagitan ng panloob na kalidad

programa resulta sa pagdalo sa pinahusay na student at pag-uugali, ang mga saloobin ng guro sa

mas pinahusay at pagpapanatili at – marahil karamihan mahalaga – pinabuting sa matematika at

pagbabasa ng mga marka. 

Pananaliksik para sa Young paaralan green na paglilinis ng mga programa na ipinakita na ang

11
mga paaralan ng mataas na pagganap ay magpapakita ng maraming karaniwang katangian,

kabilang ang:

 Ang hitsura ng mga paaralan ay nag-iimbita. Mga estudyante, guro, at mga lokal na

komunidad gusto ito roon.

 Sinisikap ng mga paaralan para sa mga estudyante-friendly na mga kondisyon sa buong

gusali. 

 Ang paaralan ay nag-iimbita sa mga mabubuting guro at sumusuporta sa kanilang

pagpapanatili.

 Ang paaralan ay dinisenyo upang mabawasan ang stress. Ito ay kumportable, ay may

isang palagiang temperatura, at namamahala ng ingay. 

 Ang paaralan ay malinis at malinis.. 

 Ang panganib ng masamang kalusugan epekto ay napakaliit.

Ang ulat na ito ay napupunta sa upang magtapos:

kalinisan ng paaralan ay isa ring mahalagang aspeto ng mga kapaligiran ng paaralan. Malinis na

paaralan hindi lamang mas mababa ang panganib ng pagkalat ng sakit, ngunit din na maipahayag

ng mapagmalasakit na mga mensahe ang mga estudyante at guro. Paglilinis at pagpapanatili ng

mga paaralan ay napakahalaga at ay madalas na underemphasized at underperformed. Nadarama

ng mga estudyante mas pagpunta sa klase ng malinis at nakaupoin malinis ang mga upuan at

kapaligiran. Kalinisan sa [elementarya] paaralan ay mahalaga dahil ang mga bata ay nahaharap

sa natatanging kalusugan panganib, lalo na panghinga impeksyon, ang mga pag-atake ng hika,

sakit sa balat, at paglaganap ng pagtatae.

12
Mga programa sa kalidad ng hanging panloob = Cleaner Air = ang mabuting kalusugan + aliw

Mga programa sa kalidad ng hanging panloob ay maaaring epekto sa ilan sa mga katangian na

nakalista sa itaas para sa mga paaralan ng mataas na pagganap. Berde na programa ng paglilinis

ay nakatuon sa pagpapabuti ng kalidad ng hangin dahil contaminants ay karaniwang hindi

bababa sa dalawa hanggang limang beses masahol pa ilagay sa loob sa labas ng bahay. Sa ibang

pag-aaral, pagpapatupad ng bagong programa sa kalidad ng hanging panloob, kagamitan at mga

suplay ay ang mga sumusunod na positibong resulta: 

 Nasa eruplano alikabok sa loob ng gusali na nabawasan ng 52%.

 Nabawasan ng 49% na salawahan organic kemikal (VOC) konsentrasyon.

 Ang mga bakterya na nabawasan ng 40%.

 Fungi pumanaw na yunit na bumubuo sa kolonya ng 61%.

ang mga benepisyo sa kalusugan ng pinabuting green na paglilinis ng mga programa sa isang

paaralan. Resulta ay maiugnay sa paglilinis ng mga kaugalian at mga programa sa kalidad ng

hanging panloob ay nagpapahiwatig na ang kabuuang sakit ay nabawasan ng 24%, pagpunta sa

doktor ng 34%, ang mga kurso ng antibiotics ng 24%, at ang mga araw na absent sa 46%.

Ang ABC ng Green na mga programa sa paglilinis

Masusing green na mga programa sa paglilinis ay magdadala ng isang pangkabuuang pananaw

ng mga pasilidad ng paaralan. Bawat aspeto ng "green" pagtatayo ng mga operasyon at

pagpapanatili ay maaaring tiningnan sa konteksto ng mga layunin at benepisyo na inaasahan ng

13
mga paaralan na kumukuha ng mula sa berdeng paglilinis at indoor air kalidad programang nais

nilang ipatupad.

Isama ang ilang mga alituntunin ng green na mga programa sa paglilinis: 

 Pagtuunan ang mga entryways loob at sa labas. Karamihan ng pollutants ay ipasok ang

mga gusali sa mga paa ng mga tao, kaya ito ay mahalaga upang ipatupad ang mga

panloob na kalidad programa, na kung saan ay makakatulong sa bitag at tanggalin ang

dumi bago ito pumasok sa gusali at madalas malinis na ang pasukan at entryway banig.

 Bawasan ang mga partikulo at mga kemikal sa hangin. Nang wala sa loob na agawin ang

alikabok at dumi, gamit ang spray ng kurso para sa mga kemikal, at pagsasabuhay ng

mga Cleaning na ang tela sa halip na pag-spray sa ibabaw upang linisin ang lahat ng

mahalagang aspeto ng mga programa sa kalidad ng hanging panloob.. 

 Tiyakin ang wastong Pagba-vacuum, bunutan, banlawan at pagpapatuyo. Carpet ay

maaaring maging isang host para sa mga problema ng kahalumigmigan at amag na

paglago. Kapag pagpapatupad ng mga berdeng paglilinis ng mga programa, ginamit ng

karpet & alpombra Institute ng Green Label ay inaprubahan ng vacuum. Walang laman

14
mga vacuum bag na ng madalas para sa mas mahusay na pagpapatakbo. 

 Magtuon sa preventative sumusukat at mabilis maglinis ng aksidente. Samakatwid, ang

mga mas kaunting at milder kemikal ay maaaring gamitin.

 Nang wala sa loob na makuha ang mga dumi at alisin ang mga ito sa halip na ilipat ito

sa paligid. Green na mga programa sa paglilinis ay dapat gamitin ang mga produkto

tulad ng microfiber na Pagpupunas ng cloths at patag mops, halimbawa, na kung saan

ay maaaring maalis ang pangangailangan para sa mga kemikal.

 Pagtuunan ang mga puntos ng mga haplos. Ito ang hawakan ng pinto, maningning na

gawain at iba pang mga lugar na kung saan ang mga tao ay dumating sa contact na may

mga pasilidad o mga fixtures. Gumamit ng disinfectant sa banyo nang wasto. Kasama

ang tipikal na mga pamamaraan para sa mga green na paglilinis ng mga programa ang

pagtiyak na ang mga kemikal ay makapananahanan sa tamang oras upang ang lupa ay

puspusang tinanggal gamit ang mas kaunting produkto.

I-promote ang kaligtasan at maiwasan ang pag-iwas. Mas ligtas na mga produkto at mga wastong

paggamit at imbakan ng kemikal tulungan ang paglilinis ng berde at mga programa sa kalidad ng

hanging panloob ay lumikha ng isang mas ligtas na kapaligiran. Matiyak ng mga kulay-naka-

code kasangkapan ang na pollutants hindi dinala sa mas magandang mula sa isang lugar (tulad
15
ng banyo) sa isa pa. Gamitin ang mga produkto ng papel na sensitibo ang kapaligiran, tulad ng

mga recycled na tisyu at tuwalya bleached nang walang ang paggamit ng kloro. Ipatupad ang

isang epektibong programa recycling. Lumikha ng isang programa ng komunikasyon upang na

maunawaan ang mga occupants ng gusali ang mga ito ay bahagi ng proseso. Wastong natapon sa

notification, paglilinis at kalat pagbabawas ng pagkain ay makakatulong upang masiguro ang

isang malusog na pasilidad.

16
Kabanata III

Metodolohiya

Sa bahaging ito ipapaliwanag kung paano isinagawa ng mga mananaliksik ang

pag-aaral. Dito rin ilalahad ang disenyong ginamit sa pananaliksik, mga kalahok,

intrumentong ginamit at kung paano ito ginamitan ng istatistikal na paglalapat.

A. Disenyo at Pamamaraan

Ang pag-aaral na ito ay isang palarawang pananaliksik, isang pag-aaral sa

kasalukuyang ginagawa at mga isyu na importante sa tao. Napili ng mga mananaliksik ang

palarawang uri dahil ito ang perpektong pamamaraan sa pag-aaral ng mga mananaliksik

upang mabigyang pansin ang pagpapahalaga ng mga Paconian sa kapaligiran. Ito ay

naghahangad na mabuksan ang isip at damdamin ng mga tao tungkol sa kapaligiran at

kung paano pinapahalagahan ng mga mag-aaral ang kapaligiran. Ang pag-aaral na ito ay

tumutuklas sa kamalayan ng mga mag-aaral sa Paco Catholic School sa kanilang

kapaligiran sa loob at labas ng paaralan. Ang pananaliksik ay nagsasangkot ng koleksyon

ng impormasyon mula sa mga mag-aaral na makakatulong sa Paco Catholic School.

B. Populasyon at Lugar ng Pananaliksik

Ang napiling kalahok ng mga mananaliksik ay mga estudyante ng Paco Catholic

School mula Ikapitong baitang hanggang Ikasampung baitang. Sila ang itinuturing na

17
“Junior High” at karamihan sa proyektong pangkapaligiran ay kasangkot sila. Dalawa

hanggang tatlong kalahok bawat seksyon ang sasagot na pinili ng random na tinatayang

aabot sa 100 mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay gagawin sa loob ng Paco Catholic

School at inaasahang matatapos sa Taong Panuruan 2017-2018.

C. Kasangkapan ng Paglikom ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng talatanungan na susukat sa lalim ng

pagpapahalaga sa kapaligiran ng mga estudyante. Ang tanong na nakapaloob sa

talatanungan ay naglalayong malaman kung gaano at paano pinapahalagahan ng mga mag-

aaral ang kalinisan ng kapaligiran. Sa unang bahagi ng talatanungan makikita ang mga

saradong tanong ng bawat dimensyon. Mayroong apat na pahayag na ito kung lalagyan ng

marka ang kanilang napiling husga: Lubusang Sumasang - Ayon, Sumasang – Ayon, Di

Sumasang - Ayon, Di Lubusang Sumasang – Ayon. Sa unang talahanayan makikita ang

mga tanong na naglalayong malaman ang kahalagahan ng kapaligiran para sa mga mag-

aaral. Sa ikalawang talahanayan naman mababasa ang mga tanong na nagnanais malaman

ang kaalaman at partisipasyon ng mga mag-aaral sa mga programang pangkalinisan ng

paaralan. At sa huling talahanayan naman matatagpuan ang mga tanong na nagnanais na

malaman ang gampanin ng kurikulum sa paghubog ng pagpapahalaga sa kapaligiran. Ang

pangalawang bahagi naman ng talatanungan ay mayroong bukas na tanong kung saan

malaya makapagsagot ang mga mag – aaral hinggil sa mga kilos na maari nilang magawa

upang mapalawak at maisakatuparan ang kalinisan at pahalagahan ang kaaya-ayang

kaayusan ng kapaligiran.

18
D. Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay magpaparami ng talatanungan na aabot sa 100 kopya.

Pagtapos nito, maayos itong ipamimigay sa bawat seksyon at lalagyan ng seksyon ang

bawat talatanungan. Kapag nagawa na ito, ipapamahagi ang mga talatanungan sa pangulo

ng klase ng bawat pangkat. Kapag tapos na sagutan ang mga talatanungan, kukunin ng

mga mananaliksik ang mga nasagutang talatanungan upang masuri ang datos na kanilang

sinagutan.

E. Pagsusuri ng Datos

Ang mga mananaliksik ay bumuo ng talaan ng mga salik na maaring magsabi ng

antas ng pagpapahalaga nila sa kapaligiran. Ito ay nakabatay sa isang rating scale. Ang

pormula ay x=
∑ fx kung saan ang x ay ang mean o average ; f ay ang bilang ng tally ng
n

mga sagot ng bawat kalahok kung gaano kahalaga ang bawat salik ; x ay ang halaga ng

bawat ng salik at n ang kabuuang bilang ng mga kalahok.

Upang makuha ang Mean (x), i-multiply ang scale (x) sa bilang ng boto ( f ) sa

bawat kolum. Matapos na mai-multiply, kinuha ang kabuuan ng bawat produkto ∑ fx sa


bawat hilera at dinidivide sa kabuuang bilang ng kalahok.

19
Kabanata IV

Presentasyon, Pag – aanalisa, at Interpretasyon ng mga Datos

Sa kabanatang ito matatagpuan ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik. Dito rin

ipapakita ang mga interpretasyon at pagtatasa ng mga datos na nakalap.

Pagpapakahulugan ng katumbas na bigat:

Katumbas na Bigat Antas Interpretasyon

3.25 – 4.00 4 Lubusang Sumasang-ayon

2.50 – 3.24 3 Sumasangayon

1.75 – 2.49 2 Hindi Sumasang-ayon

20
1.00 – 1.74 1 Hindi Lubusang

Sumasang-ayon

Layunin Bilang I : Malaman kung gaano kahalaga ang kapaligiran sa mga mag-aaral

Talahanayan Blg. 1

A. Kahalagahan ng Kapaligiran Kabuuan Antas Interpretasyon

Lubusang

A 3.92 4 Sumasang-ayon
Lubusang

B 3.73 4 Sumasang-ayon
Lubusang

C 3.78 4 Sumasang-ayon
Lubusang

D 3.58 4 Sumasang-ayon

A – “Ang maruming kapaligiran ay maraming masamang maidudulot sa ating kalusugan gaya ng

mga sakit.”

B – “ Nagsisilbing tirahan sapagkat dito tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan tulad ng

pagkain at iba pa.”

C – “Nakapagpapagaan ng damdamin ang malinis na kapaligiran sapagkat ito ay kaaya-ayang

tingnan.”

21
D – “Napapadali ang pagkatuto ng mag-aaral kung malinis at maayos ang kapaligiran.”

Ang talahanayan blg. 1 ay nagpapakita ng lubusang pagsang-ayon ng mga mag-aaral ng

Paco Catholic School sa kahalagan ng kapaligiran. Makikita na pinakamataas ang kanilang

pagsang-ayon sa koneksyon ng malinis na kapaligiran at maayos na katawan na may kabuuang

bilang na 3.92. Lubusang sumasang-ayon din ang mga mag-aaral na nakapagpapagaan ng

pakiramdam ang malinis na kapaligiran na may 3.78. Sumunod dito ang kahalagahan ng malinis

na kapaligiran bilang pinagkukunan ng tubig at iba pa na may 3.72 at ang huli naman ay may

kabuuang bilang na 3.58 na nagsasabing mas madali ang pagkatuto ng isang mag-aaral kapag

malinis ang kapaligiran.

Layunin Bilang 2 : Matukoy kung gaano kaaktibo ang mga mag-aaral sa mga programang

pangkalinisan ng Paco Catholic School

Talahanayan Blg.2

B. Programang Pangkalinisan Kabuuan Antas Interpretasyon

Lubusang

A 3.61 4 Sumasang-ayon
Lubusang

B 3.62 4 Sumasang-ayon

22
Lubusang

C 3.63 4 Sumasang-ayon

A – “Pagkukusa sa pagpulot ng mga kalat at pagtatapon sa tamang basurahan sa loob at labas ng

paaralan.”

B – “Paglahok at pakikibahagi sa isang layunin ng programang Mabuhay Balls”

C – “Pagbibigay halaga at pakikiisa sa programang CLAYGO at YCAP”

Isinasaad sa talahanayan blg.2 na may pagkukusa ang mga mag-aaral sa pagpulot ng mga

kalat at aktibong pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran na inilatag ng Paco Catholic

School. Nangunguna ang may kabuuang bilang na 3.63 na nagsasabing ang mga mag-aaral ay

nakikilahok sa mga aktibidad na CLAYGO at YCAP. Sumunod naman dito ang may kabuuang

bilang na 3.62 na patuloy ang paglahok at pakikiisa ng mga mag-aaral sa paghuhulog ng

Mabuhay Balls. Sinundan ito ng 3.61 na nagsasabing nagkukusa ang mga mag-aaral sa pagpulot

ng mga kalat sa daan at pagtapon sa tamang basurahan.

Layunin Bilang 3 : Malaman ang gampanin ng kurikulum sa paghubog ng pagpapahalaga sa

kapaligiran

Talahanayan Blg. 3

C. Kurikulum Kabuuan Antas Interpretasyon

A Lubusang

3.58 4 Sumasang-ayon

23
B Lubusang

3.69 4 Sumasang-ayon

A – “Itinuturo ang halaga ng kalinisan sa ilalim ng mga asignaturang agham at iba pa.”

B – “Itinuturo ang konsepto ng disiplina sa kalinisan hinggil sa pagpapahalaga ng kapaligiran.”

Ipinapakita sa talahanayan blg.3 na itinuturo ang pagpapahalaga sa kapaligiran at kasama

ito sa kurikulum na tinatalakay ng mga mag-aaral sa kanilang silid. May kabuuang bilang na

3.69 na nagsasabing ang itinuturo sa mga mag-aaral ang pagkakaroon ng disiplina sa bawat

aksyon patungkol sa maayos at malinis na kapaligiran. Sinundan naman ito ng 3.62 na nagsasaad

na kasabay ng pagkatuto ng mga mag-aaral ukol sa agham ay ang pagkatuto nila ukol sa

pagpapanatili ng kalinisan.

Layunin Bilang 4 : Makalikha ng mga pagkilos at gawain na magpapabuti sa kalagayan ng

kalikasan.

Talahanayan Blg. 4

Pagkilos Patungo sa Malinis

na Kapaligiran Kabuuang Bilang

1. Pagkakaroon ng Disiplina 27
2. Pagkukusa sa Pagpulot ng Kalat 25
3. Paglilinis 21
4. Paghihiwalay ng Basura 12
5. Paglahok sa Programang Pangkapaligiran 9
6. 4 R’s (Reduce,Reuse,Recyle,Recover) 2

24
Ayon sa mga mag-aaral ng Paco Catholic School, disiplina ang nangingibabaw sa

kanilang mga gawain upang maisakatuparan ang kaaya-ayang kapaligiran. Magsisimula sila sa

mga simple at maliliit na bagay gaya ng paghihiwalay ng basura , pagtatapon ng sa basura sa

tamang lagayan at ang paggamit ng 4 R’s o “Reduce , Reuse , Recyle , Recover”. Ang mga

sumunod naman ay ang pagiging responsible. Para sa mga mag-aaral, maipapakita nila ito sa

pagtataglay ng inisyatiba na maglinis ng kapaligiran. Huli naman ang kooperatiba. Nais ng mga

mag-aaral na makilahok sa mga programa na may layunin na bigyang halaga ang kapaligiran.

Ilan sa mga nabanggit ang patuloy at aktibong pakikibahagi sa YCAP at CLAYGO.

25
Kabanata V

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Inilalahad ng huling kabanatang ito ang tungkol sa nakalap na lagom,

konklusyon at mga rekomendasyon ng pag-aaral.

A. Lagom

Nag-umpisa ang pananaliksik na ito sa layunin ng mga mananaliksik na malaman

kung gaano kahalaga ang kapaligiran sa mga-aaral at ang gampanin ng kurikulum sa

paghubog. Gayundin ang pagtukoy kung gaano kaaktibo ang mga mag-aaral sa mga

programang pangkalikasan ng Paco Catholic School at makalikha ng mga kilos tungo sa

pagpapabuti ng kapaligiran. Nagsimula ang mga mananaliksik sa paghanap ng mga

sanggunian tungkol sa kanilang paksa. Pumili rin ang mga mananaliksik ng paraan ng

pananaliksik na gagamitin at napili ang palarawang pananaliksik sa paraang pagsasarbey.

Ang napiling kalahok ng mga mananaliksik ay mga mag-aaral mula Ikapitong baitang

hanggang sa Ikasampung baitang. Sunod na ginawa ay ang paghahanda at paggawa ng

mga talatanungang pasasagutan sa mga kalahok. Pagkatapos nito, nagpamigay ng dalawa

hanggang tatlong talatanungan bawat seksyon mula Ikapitong baitang hanggang

Ikasampung baitang. Matapos sagutan ang mga talatanungan, kinolekta ito ng mga

mananaliksik upang masuri. Ginamit ng mga mananaliksik ang pormula ng rating scale

upang matasa ang mga datos. Lumabas sa pagsusuri na mataas ang antas ng

pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa kapaligiran batay sa matataas na kabuuang bilang na

26
may kahambing na interpretasyon. Lahat ng layunin ay nakamit sa pananaliksik na ito sa

tulong ng mga datos mula sa kalahok.

B. Konklusyon

Sa mga nakalap na datos, ang mga mag-aaral ay kakikitaan ng pagpapahalaga sa

kapaligiran. Lumabas sa pag-aaral na importante ang malinis na kapaligiran sapagkat ito’y

nagbibigay ng mga positibong epekto sa mga mag-aaral. Ilan sa mga ito ay nalalayo sa sakit

ang mga mag-aaral dahil sa malinis na kapaligiran. Gumagaan din ang kanilang pakiramdam

kapag kaaya-aya ang kapaligiran. Susi rin sa mas epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral

ang isang maaliwalas na kapaligiran.

Lumitaw din sa pananaliksik ang inisyatiba ng mga mag-aaral na magpulot ng mga kalat

at pagtatapon ng basura sa wastong lagayan. Aktibo rin silang nakikilahok at nakikiisa sa

mga programang pangkalikasan ng Paco Catholic School tulad ng CLAYGO at YCAP.

Tunay ding nakikibahagi ang mga mag-aaral sa aktibidad na tinawag na “Dropping of

Mabuhay Balls”.

Natuklasan din sa pananaliksik na kasama sa kurikulum ang pagturo sa mga mag-aaral ng

tamang pangangalaga sa kapaligiran. Isinasama ito sa pagtuturo , lalo na sa asignaturang

agham, kaya’t napapaalalahanan ang mga mag-aaral sa importansya ng kapaligiran habang

nag-aaral. Ang disiplina rin ay hinuhubog ng paaralan sa mga programa at patakarang

magpapanatili ng kalinisan sa Paco Catholic School.

27
C. Rekomendasyon

Kaugnay ng mga konklusyon ay buong pagpapakumbaba na mabigyang pansin ng

mga mananaliksik ang mga sumusunod:

Para sa Paco Catholic School, ipagpatuloy ang mga programang pangkapaligiran

tulad ng CLAYGO at YCAP upang sanayin ang mga mag-aaral sa pagpapanatili ng

kalinisan hindi lang sa paaralan kundi maging saan man sila pumunta.

Para sa Kaguruan , ipagpatuloy ang paggabay sa mga mag-aaral patungo sa

malinis at maaliwas na kapaligiran at kinabukasan. Ituloy ang paghubog ng mga mag-

aaral na mayroong malasakit sa kapaligiran upang makasanayan nila ito kapag nagtapos

na ng pag-aaral hanggang sa pagtanda.

Para sa mga Paconians, tuluyang buhayin ang kamalayan patungkol sa isang

malinis at maayos na kapaligiran. Ipagpatuloy ang mga hakbangin patungo sa isang

kaaya – ayang paaralan at sumunod sa mga patakaran at programang inihanda ng

paaralan para mapanatili ang kalinisan sa paligid.

Sa mga susunod na mananaliksik , ang mga natuklasan ng pananaliksik ay

maaring maging sanggunian nang sa gayon ay magkaroon ng matibay na pundasyon ang

gagawing pananaliksik.

28
SANGGUNIAN

Bowers and Burket (2008). The affect of the environment to people. Retrieved from url:
http://www.sciencebuzz.org/blog/how-does-environment-affect-humans-0

Ridgely, l. (2002). paaralan na may malinis at maayos na kapaligiran.retrieve from url:


http://healthyfutures.nea.org/get-informed/school-safety/environmental-health/clean-schools/

pag-aral ng Group 2 IV-5 sa programang “PCS-CLAY Go”nakasaad sa

ordinansa ng munisipalad ng Cainta o “TapatkoLinisko Ordinance”

fruelda, k. (2005). Environment. Retrieved from url:


https://en.wikipedia.org/wiki/Natural_environment

May D (2008). The affect of environment to the students . Retrieved from url:
https://en.wikipedia.org/wiki/Natural_environment

29
30

You might also like