You are on page 1of 8

FILIPINO – III - RETORIKA

PRELIM NA MAHABANG PAGSUSULIT

PANGALAN: Joece Ann R. Anore PETSA: 10/01/2020


BAITANG: BSRT-II_________________ ISKOR: ______________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Sagutan ang mga sumusunod na mga
katanungan.

I. Piliin ang tamang titik na sumasagot sa bawat katanungan. Isulat lamang ang tamang Sagot.

D.1. Ang idyoma o sawikain ay


A. May kahulugang hindi maaaring makuha o maunawaan sa literal na kahulugan nito
B. Isang pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa lingguwaheng Filipino
C. May taglay na mga bagay na pangkultura: malarawan, mapagbiro, mapagpatawa, pansosyal at
panliteral na pagpapahiwatig ng kahulugan
D. Lahat ng mga nabanggit sa itaas
 
C.2. Ang salawikain ay
A. Isang uri ng bugtong
B. Isang uri ng idyom
C. Kasabihang pamana ng mga ninunong Pilipino na nagpalipat-lipat sa mga labi ng salinlahi
D.  Birong may katotohanan
 
A.3. Alin sa mga ito ang idyoma?
A. Nagbabatak ng buto
B. Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa
C. Ang magalang na sagot ay nakapapawi ng poot
D. Pag di ukol ay di bubukol
 
D.4. Alin sa mga ito ang salawikain?
A. Nagsaulian ng kandila
B. May krus ang dila
C. Mabulaklak ang dila
D. Daig ng maagap ang masipag
 
B.5. Bakit importante ang sawikain at salawikain?
A. Hindi naman importante ang mga ito.
B. Ang mga ito ang nagpapaalaala sa atin tungkol sa mayamang tradisyon ng lahing Pilipino
C. Nakapapawi ng pagod ang mga ito kapag nabasa mo.
D. Nakaaaliw ang mga ito.
 
B.6. Sabi ni Julia sa asawa, "Itaga mo ito sa bato. Kahit hindi nila ako tulungan, aangat ang ating
kabuhayan."
A. Mananaga si Julia
B. Tutuparin ni Julia nang walang sala ang kanyang sinabi
C. Pupukpukin ni Julia ang bato
D. Tatagain ni Julia ang bato
 
B.7.  Kung gusto mong  maglubid ng buhangin, huwag sa harap ng mga taong nakakikilala sa iyo
dahil mabibisto ka nila.
A.  Magsabi ng katotohanan
B.  Magsinungaling
C.  Maglaro sa buhanginan
D.  Magpatiwakal
 
D.8.  Bakit hindi ka makasagot diyan? Para kang natuka ng ahas, a.
A.  Namumutla
B. Nangangati ang lalamunan
C. May ahas na nakapasok sa bahay
D. Hindi nakakibo; nawalan ng lakas na magsalita

B.9. Puro balitang kutsero ang naririnig ko sa kapitbahay nating iyan. Ayoko na tuloy maniwala sa


kanya.
A. Balitang sinabi ng kutsero
B. Balitang walang katotohanan
C. Balitang makatotohanan
D. Balitang maganda
 
A.10. Naghalo ang balat sa tinalupan nang malaman niya ang katotohanan.
A. Matinding labanan o awayan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao
B. Pinagsama-sama ang mga balat at tinalupan
C. Nagkaigihan
D. Nagkabati
 
D.11. Napauwi kaagad galing sa Estados Unidos si Ricardo dahil nabalitaan niyang ang asawa niya
ay naglalaro ng apoy.
A. nagluluto
B. Nagpapainit
C. Nasunugan
D. Nagtataksil sa kanyang asawa
 
B.12. Bulang-gugo si Tompet dahil anak-mayaman siya.
A. Mata-pobre
B. Galante; laging handang gumasta
C. Parating wala sa bahay
D. Laging kasapi sa lipunan
 
B.13.  alang magawa ang mga kapitbahay naming makakati ang dila kaya’t maraming may galit sa
kanila.
A. May sakit sa dila
B. Daldalero o daldalera
C. May singaw
D. Nakagat ang dila
 
A.14.  Sa drama sa radyo, nasabi ni Don Felipe na malapit na ang pag-iisang dibdib ng kanyang anak
na si Alejandro at ni Marinela. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ikakasal na sina Alejandro at Marinela
B. Magkaka-anak na sina Alejandro at Marinela
C. Maghihiwalay na sina Alejandro at Marinela
D. Magiging magnobyo na sina Alejandro at Marinela
 
A. 15.  Ang apat na anak nina Nita at Mark ay tinaguriang mga anghel ng tahanan. Ano ang ibig
sabihin nito?
A. Maliliit na mga bata
B. Magugulong mga bata
C. Malilikot na mga bata
D. Salbaheng mga bata
 
C.16.  Nang umuwi na ang mga bata ay nakabalik na sila sa sariling pugad nila. Ano ang ibig sabihin
nito?
A. Pugad ng kanilang ibon
B. Pugad ng kanilang mga manok
C. Sariling tahanan
D. Sariling kuwarto
 
D.17.  May utang na loob ang mag-asawang Nita at Mark kay Ginoong Agoncillo dahil sa
pagkakabalik ng mga bata. Ano ang utang na loob?
A. Utang
B. May pagbabayaran
C. Utang na pera
D. Utang na buhat sa kagandahang-asal o kabutihang nagawa
 
B.18. Ang mag-asawang Mark at Nita ay parang aso’t pusa. Bakit sila parang aso’t pusa?
A. Hindi sila pantay ng laki
B. Lagi silang nag-aaway
C. Hindi sila nagbibigayan
D. Lagi silang naghahabulan
 

D.19. Nag-alsa balutan ang magkakapatid dahil sa kanilang mga magulang.


A. Palipat-lipat ng tirahan
B. Nagbalot ng pagkain
C. Binalot ang gamit
D. naglayas
 
C.20. Hindi pinagbubuhatan ng kamay ng mag-asawa ang kanilang anak.
A. Hindi pinagtatrabaho
B. Hindi inaakay
C. Hindi pinapalo o sinasaktan
D. Hindi pinaghuhugas ng pinggan
 
B.21. Dahil sa nangyari, magbabagong-loob na raw si Nita pati na rin ang asawa niyang si Mark.
A. Maliligo
B. Magbabago o magpapalit ng ugali o kuro-kuro
C. Magpapalit ng damit panloob
D. Magbibihis
 
C.22. Habang maiksi ang kumot, matuto munang mamaluktot. Kung mahaba na at malapad, saka na
mag-unat-unat.
A. Hindi mo matatakpan ang paa mo kung maiksi ang kumot kaya bumili ka ng mahaba para hindi
ka nakabaluktot.
B. Lalamukin at giginawin ka kapag nagkumot ka ng maiksi.
C. Kung ano ang mayroon ka ay pagkasyahin mo muna. Saka ka na lang gumasta nang malaki-laki
kapag mas mayroon ka na ring mas maraming pera.
D. Huwag kang matulad nang nakaunat ang paa mo kung maiksi rin naman ang kumot mo.
 
A.23. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto Sapagkat may sarili ring kinang ang tanso.
A. Mag-iingat ka parati at huwag magpapadala sa taong akala mo ay may mabuting kalooban.
Maaaring ang taong iyon ay mabait lamang sa simula. Kilatisin mong mabuti kung ang sinasabi niya
ay ang katotohanan.
B. Huwag kang bibili ng alahas sa hindi mo kakilala. Baka ka maloko.
C. Kung may mapulot kang makinang huwag ka kaagad mag-akalang ginto iyon. Baka mapeke ka
lang.
D. Ang ginto at tanso ay parehong makinang.
 
D.24. Bago ka pumuna ng uling ng iba, uling sa mukha mo’y pahirin mo muna.
A. Tanggalin mo muna ang uling sa mukha mo bago mo tingnan ang uling sa mukha ng kaharap mo.
B. Maghilamos ka muna bago ka makiharap sa ibang tao.
C. Kakalat ang uling sa mukha ng ibang tao kapag ikaw ang nagpahid nito. Hayaan mong siya ang
maglinis ng mukha niya.
D. Bago ka magsalita nang kung anu-ano tungkol sa ibang tao, tingnan mo muna ang sarili mo’t
baka mas marami kang kapintasan.
 
B.25. Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.
A. Ang mga matsing ay matalino ngunit mas matalino sa kanila ang ibang hayop.
B. Kahit gaano ka man katuso o katalino, mayroon pa ring mas matalino o tuso kaysa sa iyo.
C. Ang matsing ay matalinong hayop na ayaw malamangan.
D. Kahit matalino ang matsing, puwede pa rin siyang maloko.

C.26.Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo ng mga salawikain, sawikain, bugtong,


palaisipan, kasabihan, at bulong.
A. Kuwentong-Bayan
B. Salawikain
C. Karunungang-Bayan
D. Sawikain

D.27.Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga
ninuno na naglalayong mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihang-asal.
A. Karunungang-bayan
B. Sawikain
C. Kasabihan
D. Salawikain

B.28.Ito ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga.


A. Kuwentong-bayan
B. Sawikain
C. Salawikain
D. Kasabihan

C.29.Ito ay yaong mga tugmang sinasambit ng mga bata at matatanda na katumbas ng mga
tinatawag na Mother Goose Rhymes.
A. Sawikain
B. Salawikain
C. Kasabihan
D. Karunungang-bayan

D.30. Ito ay isang tuluyang kuwentong nagsasalaysay ng mga tradisyong Pilipino.


A. Salawikain
B. Sawikain
C. Karunungang-Bayan
D. Kuwentong-bayan

II. Gumawa ng Dalawang (2) Sariling Pangungusap gamit ang mga Sumusunod:
1. Alusyon
-Kahit ano pang puri ang ibigay mo sa iyong sarili, hinding-hindi ka magiging Eros sa aking
paningin.
-Sa husay ni Kiray sa pakikipaglaban, siya ang Athena ng kanilang purok.

2. Hayperbole
-Umiyak si Betty ng dugo nang nalaman niyang hindi siya nakapasa sa LET.
-Huminto ang pagtibok ng kawawa kong puso nang Makita kong may kasama siyang iba.

3. Eksklamasyon
-Hay naku!
-O, irog ko!

4. Oksimoron
-Magsaya na kayo’t ililibing ako di na makikita ng lahat sa mundo
-Nalulungkot ako sa pananalo mo sa pagwawagi mo, hustisya’y natalo.

5. Personipikasyon
-Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
-Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.

III. Sumulat ng isang Malikhaing sanaysay, Gamit ang iyong Imahenasyon, kahit anong topiko?
( Hindi Baba sa isang daang (100) na salita.
Gaano kahalaga ang pamilya?

Ang kahalagan ng pamilya ay mahalaga sapagkat dito nag uumpisa at dito hinuhubog ang
isang pagkatao ng bawat isa. Ito ang sandigan ng bawat isa sa tuwing may problema at dito rin
humuhugot ng lakas ng loob ang bawat isa kapag may dumadating na problema.

Ang ibang kabataan ay napapariwara ang buhay sa kadahilanang ang pundasyon ng kanilang
pamilya ay mahina at walang pag kakaisa. Ang mga kabataan na galing sa broken family ay
nasisisira ang kanilang buhay sapagkat nagrerebelde sila at natututo rin silang gumamit ng mga
ipinagbabawal na gamot. Pero hindi lahat ng mga kabataan na galingbsa broken family ay
napapariwara ang buhay, ang iba ay ginagamit itong inspirasyon sa buhay para maging matagumpay
sila sa kanilang mga pangarap.

Mahalaga ang pamilya dahil sila ang mas higit na nakakaintindi sa atin sa mga panahong wala
tayong masasandalan sa panahon ng puro problema lang ang dumarating sa buhay. Ang kahalagahan
ng buong pamilya na ito ay kayang mong humarap sa mundo na buo ang iyong pagkatao dahil sa
pamilya at masaya ang may buong pamilya.

IV. Pagguhit at illustrasyon

1. Iguhit ang iyong malikhaing sanaysay sa paraang Caricature (Karikatura)? at ilahad kung bakit ito
ang iginuhit mo ( sa limang panungusap lamang)

Ang iginuhit ko ay isang buong pamilya upang mabigyan kong diin ang aking sanaysay. Ito
ang iginuhit ko dahil ito ang uri ng pamilyang meron ako at kung anong kasiyahan ang
nararamdaman ko tuwing kasama sila. Naniniwala akong ang pamilyang matayog ang pagsasama ay
mananatiling masaya.
V: Pagtapat -Tapat: Tukuyin ang mga sumusunod na bahagi ng pananalita. Itapat ang Hanay A,
nakung saan ito ay ang depenasyon ng salita, sa Hanay B na wastong salita, Isulat lamang ang titik
bago sa numero.
Hanay A Hanay B
1. Ito ay salitang ugat o palaugatan ng mga salita A. Pares Minimal
2. Maituturing na pinaka-ina ng mga salita B. Pagpapalit ng Ponema
3. Ito ay ang pagpapalit posisyon ng mga tunog sa isang sulat kapag C. Semantika
nilapian
4. Ito ay ang pagsasaayos ng mga salita upang makapagbuo ng D. Metatesis
makabuluhang pangungusap
5. Ito ay ang dalawang salita na may kani-kaniyang kahulugan at E. Etimolohiya
pinagsasama at nanatili ang kahulugan.
6. Ito ay napapalitan ng ponema sa loob ng salita F. Morpemang salitang ugat
7. Ito ay ang wastong pagbigkas G. Morpolohiya
8. Ito ay ang kahulugan ng mga salita at parirala H. Ponolohiya
9. Ito ay ang pares na salita na magkatulad I. Sintaks
10. Ito ay salitang ugat o palaugatan ng mga salita J. Panlaping Mukauri

Mga sagot:
1. F 6. C
2. G 7. I
3. E 8. D
4. J 9. A
5. B 10. F

VI: Tukuyin ang mga sumusunod na uri ng Tayutay. Isulat ang tamang sagot pagkatapos ng
pangungusap.

1. Nagngingiyaw ang pusa sa alulod ng ginaw. ONOMATOPEYA

2. Bilib ako sa tibay ng panlasa mo. Ang hindi ko masikmura malunok mo. PAG-UYAM

3. Balahibuin parang labong ang mga braso niya’t binti. PAGTUTULAD

4. Layo ay lapit ng budhi’t isip. PAGSALUNGAT

5. Lagi mong tandaan hindi lahat ng kaligayahan ay natatamo sa tagumpay dahil may tagumpay
rin sa kabiguan. PAGSALUNGAT

6. Hindi sa pinangungunahan kita, pero malaki kana, sana naman atigilan mo na ang
pagbabarkada.
- PAGTANGGI

7. Kabagut-bagot maging tao lamang sa kahariang-Babel tulad ng isang anghel naghangad na


maging Diyos sa impiyerno. PAGTUTULAD

8. Ang musika ay hagdan ng kaluluwa paakyat sa langit. PAGWAWANGIS

9. Tinik sa lalamunan ko ang katahimikan mo. PAGWAWANGIS


10. Humihinga pagsapit ng takipsilim anggabi. Bumubulong ng libong himutok.
PERSONIPIKASYON

VII: Essay Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan

1. Ipaliwanag ang Layunin ng Maretorikang Pahayag?

Layunin ng retorika, anuman ang disiplinang ating kinabibilangan, ang tayo ay makasulat
nang mahusay. Kung kaya't nililinang ng retorika ang pagkakaroon ng mapanuring kaisipan sa
pagbuo ng mga ideya, at makapamahala sa maangking kakayahan.

2. Bakit kaya mahalaga ang Retorika? Ipaliwanag ang Sagot?

Mahalaga ang retorika sapagkat ito ang isa sa epektibong pamamaraan ng pag usbong ng
isang manunulat. Kung kaya't ginagamit ito upang mas mabigyang buhay ang isang kwento.
Nililinang din ng retorika ang pagkakaroon ng mapanuring kaisipan sa pagbuo ng mga ideya, at
makapamahala sa maangking kakayahan. Mahalaga din ito sa mga tagapagsalita upang mas
mapabuti nila ang kanilang pagpapahayag.

3. Sa dalawang anyo ng pagpapahayag, sa tingin mo, Alin ang pinakamabisa? Bakit at


Ipaliwanag?

Ang dalawang anyo ng pagpapahayag ay ang pasalita at pasulat, sa pasalita merong


kumbersasyon at pampublikong pagsasalita kung saan may tagapagsalit at tagapakinig. Sa pasulat
naman ay may mga anyo ng pagsusulat, malikhaing pagsulat at panunuring pampanitikan.
Pinakamabisa ang pasulat dahil kung ano ang nararamdam mo ng mga panahong ikaw ay nagsusulat
ay mas nagiging epektibo ang iyong pagsusulat dahil na gigising ang iyong mga emosyon. At pwede
mo pang mapunan kung ano ang mga mali mo sa iyong sinusulat.

4. Isalaysay ang relasyon ng Balarila at Retorika, Ipaliwanag Ito?

Ang isang pahayag upang maging mabisa ay dapat na maganda,kaakit-akit at tama. Ang
ganap na kahusayan sa pagpapahayag sa wikang ginagamit ay nakikita sa kawastuhang
panggramatika na lalong nakikita sa pasulat na pagpapahayag. Ang kasanayan sa wasto at mabisang
pagpapahayag bunga ng magkasamang pagsasaalang-alang sa retorika at balarial ay isa sa mga
palatandaan ng mataas na antas ng edukasyon

5.Ilahad ng maayos ang Balarila sayong pagkakaintindi, Ipaliwanag Ito?

Ang balarila ay isang agham na tumatalakay sa mga salita at kanilang Pagkakaugnay-ugnay.


Dahil kapag hindi nagamit ng wasto ang balarila ay maaaring makapagdudulot ito ng pag kawala ng
sining ng retorika.

“Alam kong kaya ko, Lahat ng pagsubok sa buhay, Basta andiyan ka sa lahat ng oras at sa
lahat ng panahon”

---------RONNIE W. SIBUNGA, RN,LPT, CAR--------


INSTRUCTOR

You might also like