You are on page 1of 1

“Illegal na pagputol sa puno”

Tama ba ang illegal na pagputol ng puno? Para


sa akin hindi kahit sabihin pang madali ang kita ng pera
dito masama parin ito. Ang illegal na pagpuputol ng
puno ay isang dahilan sa pag ka ubos ng mga puno sa
ating kagubatan. Isa ding epekto sa pag putol ng puno
ay ang pag ka wala ng tirahan ng mga hayop at
pagkakaroon ng baha. Paano natin mapapanatiling
buhay ang ating kapaligiran o ang kagubatan kung wala
tayong desiplina? At bakit may mga taong mapag
samantala sa ating likas na yaman?
Madaming mapag samantala sa ating likas
yaman lalo na sa usapang “Illegal” kasi para sa aking
pananaw madali ang pera dito. Isa ko pang ikinagulat ay
imbis na solutionan ito ng gobyerno ay nakikinabang
din pala sila sa perang nakukuha sa illegal ng pagputol
ng puno. Hindi ba nila alam na kapag naubos na ang
puno sa kagubatan ay wala ng sisipsip sa tubig tuwing
bumagbagyo at magiging dahilan pa ito ng pagbaha, at
kung maubos na ang puno sa kagubatan mawawalan na
din ng tirahan ang mga hayop. Mapapanatili natin ang
magandang kagubatan kung mag tatanim tayo ng puno
sa simpleng paraan ay mapaparami ulit natin ang mga
punong kanilang pinutol. Makialam tayo sa bagay na
tayo rin ang aani balang araw.
Sa ating mga mamamayan dapat nating
panatilihin ang kagandahan ng ating kapaligiran para
masaksihan pa ito ng mga susunod na henerasyon. Wag
natin sayangin ang nalalaning oras para ayusin ang mga
pagkakamaling ating nagawa. Wag nating hintaying
magalit ang Diyos na gumawa sa ating mundo.

You might also like