You are on page 1of 2

Magandang Araw!

Upang simulan ang ating pagsasanay bilang Community-based Enumerator,


unahin nating aralin ang mga sumusunod na gabay kung paano natin ihahanda ang ating mga sarili
at mga kasamahan sa komunidad sa pagpapadaloy ng Pampamilyang Sensus sa Sitio Sapa.

Ang gabay na ating aaralin ngayon ay mayroong tatlong bahagi, kung saan ang una (1) ay para sa
paghahanda ng taga-tala (enumerator), ang pangalawa (2) ay para sa aktuwal na pagsesensus sa
bawat pamilya, at pangatlo (3) ay para sa pagsagot ng talatanungan (o questionnaire) na gagamitin sa
pagsesensus.

Sa tulong nito, mapapatindi ang partisipasyon ng mga mamamayan ng Sitio Sapa sa pagbuo ng
komprehensibong talaan nito, habang sumusunod pa rin sa mga alituntunin ng pamahalaan kontra-
COVID 19, gaya ng pagbabawal sa pagtitipon-tipon at paglilimita sa pisikal na interaksyon ng mga
tao.

Unang Bahagi: Preparasyon para sa Taga-tala o Enumerator ng Pampamilyang Sensus.


 Una, siguraduhin na ang taga-tala ay nasa maayos na pisikal at mental na kalusugan:
- Ang edad ng taga-tala ay dapat alinsunod sa pinapayagan ng local at nasyunal na
gubyerno, o 21 hanggang 59 years old lamang. Hindi maaaring maging taga-tala ang
bababa o tataas pa sa mga edad na binanggit.
Nararapat din na ang taga-tala ay may:
- malakas na resistensya at pangangatawan;
- hindi nagpapakita ng simptomas ng ubo, sipon, lagnat o anumang uri ng sakit;
- hindi nakaranas ng pagpupuyat bago ang araw ng pagtatala;
- nasa maayos na kondisyon na makisalamuha sa kapwa residente o hindi balisa, tuliro,
nakainom, at iba pa; at
- may pangunahing kaalaman sa pagbasa at pagsulat nang maayos at maliwanag.
 Pangalawa, siguraduhing handa ang mga pangunahing permiso upang makalabas ng tahanan at
makapagsagawa ng pagtatala:
- Paniguraduhin na ang taga-tala ay maaaring lumabas ng kanyang tahanan alinsunod sa
sistema ng paggamit ng Quarantine Pass at pinapatupad na curfew sa Barangay
- Gayundin ang pagsuot ng mga kagamitang puprotekta sa kalusugan gaya ng face mask o
face shield, at siguraduhing hindi nakalabas ang mga paa (maaari tayong magmedyas o
kaya’y magsuot ng closed shoes) upang panatiling malinis ang ating pangangatawan.
Paalala sa pagsusuot ng face-mask, dapat nitong tinatakpan ang parehong ilong at bibig
upang maiwasang magkawahaan ang taga-tala at ang kapanayam.
- Kung maaari, magdala at gumamit ng alcohol, hand sanitizer, at panyo sa tuwing pupunta
sa mga tahanan at tuwing matatapos ang pagsesensus, upang hindi makaiwan o makakuha
ng hindi kanais-nais na dumi o bakterya.
 Pangatlo, sa paghahanda ng sapat na panahon at kagamitan upang isagawa ang pagtatala sa mga
sambahayan:
- Nararapat na planuhin kung saang bahagi ng komunidad at ilang bilang ng sambahayan
ang isesensus para sa isang partikular na araw. Maaaring magtipon ang mga taga-tala
upang pag-usapan kung paano ang magiging sistema sa pagsasagawa ng sensus sa bawat
sambahayan.
Halimbawa, bago simulan ang pagsesensus, pag-usapan ang paghahati sa mga erya
ng komunidad upang maiwasan ang pagliban o pag-ulit sa isang tahanan. Puwede
ring pagkasunduan ang bilang o kota na kailangang makamit sa pagsesensus kada
araw, halimbawa’y sampung sambahayan sa Area 1 kada-araw.
- Siguraduhin ding dala-dala ang Enumerator’s Kit na kumpleto sa mga kagamitang
makikita sa ating screen.
- At panghuli, magdala ng sapat na bilang ng panulat gaya ng bolpen o lapis at
talatanungan o questionnaire ayon sa target na sambahayang isesensus.
Maraming salamat sa pakikinig! Para sa ikalawang bahagi ng ating gabay, tayo’y tumungo sa
susunod na bidyo patungkol sa mga gabay sa aktwal na pagsi-sensus.

You might also like