You are on page 1of 11

I.

CALL TO ORDER

 Pamagat/ Aktibidad- Katitikan ng Pagpupulong tungkol sa iba’t ibang uri


ng Suliraning Panlipunan.
 Tema- Pakikisangkot at Pagpapanukala: Isang Pagtugon sa mga
Suliraning Panlipunan,
 Venue- Don Mariano Marcos Memorial State University- North La Union
Campus, Audio Visual Room BPAA Complex
 Petsa- Ika-9 ng Disyembre taong 2019.

II. PAGSISISMULA

Ang pagpupulong ay nagsimula sa ika- 9 ng umaga na pamamagitan ng


prosesyon ng mga kongreso kasama ang kanilang mga kalihim na delegado ng ginanap
ng komperensya siyang pinamunaan ni Ginoong Billy Fabro na siyang nagsilbing
chairman ng pagpupulong. Nanatiling nakatayo ng bawat delegado pagkatapos nito
upang awitin ang pamabansang awit ng Pilipinas na pinamunuhan ni Binibining Rosalie
Gamotlong. Pagkatapos ay nilahad na ng chairman ang mga lunsaran o adyendang pag
uusapan sa durasyon ng pagpupulong. Panghuling isinagawa ay ang pagtawag sa
bawat mga delegadong nagrereprensenta sa kanilang bawat probinsiya kung sila ay
peprensta at boboto. Ang lahat ay prumensenta at bomoto maliban kay Isabela na hindi
nakadalo sa isinagawang kumperensya.

III. PAGTATALAKAY SA UNANG ISYU


Kasanayan sa Pagbasa ng mga Pilipino

 Nanguna ang delegadong nangrepresenta sa probinsya ng Laguna ang nagsalita


ukol sa isyung ito at nagbigay diin na mahilig magbasa ang bawat Pilipino ng
mga libro noong unang panahon pa lamang sapagkat ito ang kanilang ginagamit
bilang instrument sa pagkatuto kaya nasasanay ng bawat Pilipino ang sarili nila
magbasa ng may kahusayan. Hindi tulad ngayon, na nang dahil sa teknolohiya
katulad ng mga gadgets na siyang kanilang pangkaraniwang ginagamit ay nagig
dahilan ng hindi nila masayadong pagkakaensayo sa pagbabasa kaya kahit ang
mga ibang estudyante na nasa mataas ng paaralan ay hindi na din marunong
magbasa. Kung noon ay hindi ka makakapasa ng ikalabing anim na baitang
kapag hindi marunong magbasa ang isang estudyante na siyang kabaliktaran
naman sa panahon ngayon.

 Inilahad ni Ifugao na dapat ay baguhin muli ang nakasanayang pamamaraan ng


pagbabasa ng mga Pilipino lalo na ang mga estudyante. Binaggit niya na isang
napakagandang aparato ang mga gadyets. Bago niya ibigay ang nalalabing
oras sa nagrerepresenta sa Bohol ay nag iwan muna siya ng katanungan na
naglalaman na hindi ba’t mas mainam na papangunahan nalang natin ang
pagbabasa ng mga libro na meron tayo?

 Ang delegado na mula sa Bohol naman ay tumindig na ang kasanayan sa


pagbabasa ng mga pIlipino ay napakahalaga sapagkat ito ay kakailanganin natin
sa pagsunod ng mga alituntunin at pakikipagtalastasan upang makabuo tao ng
komunikasyonsa ibang tao. Kinakailangan din ito sa pang-araw araw nating
pamumuhay. Ang Bohol ay naglahad ng “basis” na mula PISA na nagsasaad na
ang Pilipinas ang nakapagtala ng may pinakamamabang score sa isinagawang
assessment na ito, ang Pilipinas ay nakakuha lamang ng 340 na puntos sa 79 na
mga bansang kasapi sa assessment na ito. Sa pagsasalita ni Bohol nagtapos ang
Unang tagapagsalita sapagkat sakanya nagtapos ang ibinigay na tatlong minuto
para sa mga unang tagapagsalita.

 Ang delegado mula sa probinsya ng Basilan nanguna para sa oras ng ikalawang


tagapagsalita at siya din ang nagsabing saksi din ang karamihang mga Pilipino
sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa. Ang Pilipinas ang may
pinakamababang ranggo n gating bansa sa larangan ng reading comprehension
sa pitumpu’t siyam na bansa sa buong mundo. Isa sa rason nito ang
pagsasawalang bahala ng mga kabataan sa importansya ng edukasyon
gayundin ang pagbabasa. Binanggit niya din ang tungkol sa modernazation lalo
na ang pagkakaroon ng teknolohiya ginugol nila ang kanilang oras sa paglalaro
ng mga applications ng kanilang “cellphones” na siyang dahilan kung bakit nila
napapabayaan ang kanilang pag-aaral. Minungkahi niya na magkaroon ng
pagpapatuloy sa pagbabasa , imbes na pagugol ng oras sa paglalaro ng online
games.

 Ang nalalabing oras ng Basilan ay ibinigay niya kay Camarines Norte kaya
naman ayon sa delegado ng Camarines Norte, naglalayon siyang mapaunlad
ang pagbabasa ng bawat mag-aaral katulad ng layunin ng K-12 kurikulum na
madagdagan ng kaalaman ang bawat estudyante.

 Ayon kay Marinduque na naging tatlong tagapagsalita, na umayon sa mga


naunang panig na nagbigay ng saloobin,gaya ng inilahd ni Basilan na
magpatupad ng batas o solusyon, kanya ring sinabi na dapat hihikayatin ang
bawat isa na maglaan ng oras upang magbasa at matuto, sapagkat lahat tayo
ay may kakayahang magbasa at hasain an gating kasanayan sa larangan ng
pagiintindi sa mga nakasaad sa isang libro o kasulatan.
 Naniniwala ang Agusan Del Norte na ang isa sa mga dahilan kung bakit
maraming dayuhan dito ay dahil marunong tayo sa wikang ingles. Ngunit sa
inilabas ng PISA sinasaad lamang nito na isa lamang sa bawat limang Pilipino
ang marunong magbasa. Nagbitaw din siya ng tanong na kanya ding sinagot.
Ayon sa isang factor na dito ang pag-angat ng k-12 program, bigyan ng sapat
na kaalaman ang mga guro at estudyante sapagkat sila ang magiging
instrument sap g-unlad ng bansa. Siya ang nagtapos oras para sa Ikatlong
tagapagsalita.

 Ang Catanduanes ay hindi sumang ayon sa ideyang tanggalin ang Filipino sa


Tertiary level dahil ito ang naging dahilan ng biglaang pagbaba ng Pilipinas sa
larangan ng literatura sapagkat ang mga ibang kolehiyo ay hindi pa ganon
kabihasa sa mga salitang malalalim.

 Sinasaad ni Ilocos Norte na ang pagbabasa ay napakaimportante hindi lamang


sa pag-aaral kundi pati rin sa pang araw-araw kagaya ng
pagkikipagkumunikasyon. Naniniwala siya na kung magiging mas mahusay pa
sila sa pagbabasa ay mas magiging mahusay din ang kanilang pang unawa at
gayundin ang kanyang pag-iisip.

 Sumang-ayon naman ang Albay na hindi dapat tanggalin ang asignaturang


Filipino sa Tertiary level dahil sa resultang lumabas na hango sa assessment ng
PISA. Nakakabasa ang mga Pilipino ngunit hindi nila ito masyadong naiintidihan
sapagkat mas nasanay sila sa narrative kaysa sa informative text.

 Tumtindig ang Bohol na dapat magkaroon ng reading strategies and mga guro
at estudyante upang magkaroon sila ng mas malalim pang kaalaman sa
larangan ng pagbabasa gayundin sa pang-unawa sa laman ng kanilang
binabasang kasulatan.

 Ang Bukidnon ay sumang-ayon sa sinabi ng Bohol sapagkat ang pagbabasa ay


isa sa mga kasanayan na dapat matutunan ng mga mag-aaral lalo na sa
panahon nagyon. Hiling niya na dapat ay masolusyonan na ito upang maitaas
ang kasanayan sa pagbabasa ng mga Pilipino at upang nang sa gayon ay mas
mapabuti pa ang pag-aaral ng mga batang Pilipino.

 Nagbigay ng kaalaman ang Antique hinggil sa kaalaman ukol sa kasanayan sa


pagbabasa ng mga Pilipino. Halos 95 porsiyento lamang ng mga Pilipino ang
may kasanayan sa pgababasa at pag uunawa sa libro. Sapagkat ang
katotohanang binabasa lang ng karamihan ang mga libro ngunit hindi namn ito
iniintindi.

Nagkaroon ng sampung minoto ang mga delegado upang makapag-isip at


makapagpahayag nh ideya sa panig na kanilang nabuo hinggil sa pagtatatag o
paglalabas ng mga programa o batas upna siyang maaring maging solusyon sa
suliraning ito.

 Unang nagpasa ng programa ang panig nina Laguna kasama ang 11 pang
representative ng mga probinsya na may temang “Kasanayan sa Pagbabasa
tungo sa Pag-asa ng bansa”. Naglalayon ito na mapalawak ang ginagawang
programa sa Binan Laguna na maglaan ng isang oras para sa pagbabasa ng mga
estudyante at magkaroon ng seminars ang mga guro para mas masanay sila sa
mga Filipino na salita at nang maibahgi nila ito ng maigi sa kanilang mga
estudyante. Ang pondo ay mangaggaling kay Mayor Lenlen (Mayor ng Binan
Laguna) gayundin sa lahat ng kasaping probinsiya sa kanilang panig. Hihingi din
ng pondo sa DepEd at ang malilikom ay pambili ng mga libro na may mga
larawan upang maenganyo ang mga batang magbasa. Sisimulan muna ang
programang ito sa isang spesipikong lugar at saka palalawakin kung sakaling
ito’y maging matagumpay ngunit sa kasamahang palad ang programang ito ay
hindi naaprobahan.

 Nagpasa naman ng programa ang Cotabato at Cebu na pinamagatang “Read not


Red”. Itoy nagsasaad na ibalik ang dating esrtatehiya ng pagbabasa ng mga
Pilipino gamit ang libro san a internet. Mangaggaling sa basura ang pondo.
Hihingi rin sila ng tulong sa mga kabataan para sa ikakatagumpay ng aktibidad
hinggil sa paglilikom ng pondo. Ang mga malilikom ay pambili ng mga libro na
ibibigay sa mga bata ngunit ang programang ito ay hindi nanaman naaprubahan
ng kintawan ng pagpupulong.

 Ang Catanduanes kasama pito pang mga probinsiya ay nagpasa rin ng proyekto
na may temang “Pagpapaigting ng pagbabasa ng mga Pilipino.” sila’y nagnanais
na magpatayo ng library sa mga munisipalidad na kung saan ang pondo ay
mangaggaling sa pagkikipagpartnertship sa karatig bansa. Nakasaad sa
programang ito na ang mga kinatawan ng delegado sa panig na ito mismo ang
manghihikayat sa mga kabataan na tangkilikin at pumunta sa kanilang
isinagawang silid-aralan. Marami mang katananungan ang umusbong sa
proyektong ito ay halos lahat ng delegadong dumalo ang sumuporta.
PAGTALAKAY SA IKALAWANG ISYU
Ang Midya sa Kontemporaryong Panahon

 Naunang nagsalita ang Agusan del Norte na kung saan sa social media
nagkakalat ang mga fake news. Ito’y sinang-ayunan naman ni Aklan.
 Ang Camuguin ay nagsaad na ang midya ay isa sa mga nagbibigay ideya upang
maniwala ang mga tao sa maling impormasyong kanilang ipinapalaganap.
 Isinaad ni Basilan na ang midya ay napakaimportante sapagkat ito ang ginagamit
ng mha tao upang makakuha ng mga impormasyon at ideya sa mga
pangyayaring nagaganap sa bansa. Ngunit, sa labis na paggamit ng social media
ay naging laganap na ang fake news. Kanyang sinabi na dapat tingnan ang
kredibilidad g isang impormasyon at huwag basta bsta maniniwala sa sinasabi
ng iba sapagkat maaring magdulot ito ng hindi pagkakaunawaan.
 Ang midya ang pinakamalakas na nagiimpluwensiya sa tao at sa gobyerno ayon
kay Aurora, kung saan ang mga nasabing impormasyon ay maaring makasira sa
buhay ng isang tao o organisasyonqw.
 Ang tagapagsalitang si Ifugao ay nagbanggit ng isang istasyon sa telebisyon
kung saan ay nagiging bias daw ito sa pagbibigay ng balita hinggil sa naganap
na Seagames. Kanyang iminungkahi na dapat wasto at nararapat ang
impormasyong kanilang isinisiwalat. Ito’y sinang ayunan naman ni Davao del
Norte.
 Isinaad ni Guimaras na dapat pantay ang at balido ang impormasyong binibigay
ng midya upang maiwasan ang paglaganap ng fake news.

Nagkaroon ang mga delegado ng sampung minute upang makapagisip at


makabauo ng programa o bats na kanilang ilalahad sa kinatawan na siyang
magiging solusyon sa nasabing problema.

Ang Laguna kasama pa ang anim na probinsya ay nagnanais


makapagtatag ng isang ahensya na maaring mkabawas sa paglaganap ng fake
news na kanilang binigyan ng pangalang “Protection of Information Agency”.
Ang nasabing programa ay nangangailangan ng mga computers at media
experts upang maging matagumpay ang pagsasagawa nito. Sila ay magkakaroon
ng partnership mula sa iba’t ibang plataporma g social media. Ang pondo o
budgets ay mangagaling sa mga lumabag sa standards nito. Ang ahensiayng
kanilang nais ilunsad ay hindi ianprubahan ng mga iba pang delegado.

Ang Kalinga kasama ang anim din mga robinsiya ay nagrekomenda ng


programa, ang “Fake News Detector” in partnership with Anti Fake News Act of
2017. Ito’y parang sa naunang nagbigay ng ahensiya na katuwang din ang IT
specialist at social media platforms.Dahil hindi ito naging malinaw ay minabuti na
lamang ng tagapangulo ng komperensiya na itigil na lamang ito.

Ang kabilang panig nina Bohol ay nagnanais maglunsad ng programa na


pinamagatang Anti-tiwala Media Program. Ito ay magkakaroon ng multa at ang
programang ito ay nais magsagawa ng mga aktibidad katulad ng mga simenars
hinggil sa pagbabawas ng mga lumalaganap na fake news na kanilang isasagawa
sa mga barangay at munisipyo kung sakali bagama’t madami ding hindi
nalinawan gayundin ang katanungan naniniwala parin ang halos lahat na ito ay
isang magandang hakbang para solusyonan ang isyu na ito kaya ito ang
naaprubahan.

PAGTALAKAY SA IKATLONG ISYU


Isyung Kinahaharap ng mga Indigenous Group/People

 Ayon kay Lanao Del Norte, bilang kongreso ng kanilang lugar na IP na ang
bumubuo alam nia sa sarili niya na ang mga IP sila ay nalilimitahan sa pagkuha
ng trabaho dahil ang tingin nila sa mga IP ay walang karapatang umunlad at
hindi na nakikita ang abilidad na pwede nilang ipamalas.
 Sinundan naman ito ni La Union, isinaad niya na humigit kumulang 370
milyong katao sa buong mundo. Binigyang diin niya ang diskriminasyong
natatanggap ng mga karamihan sa mga IP group. Binanggit din niya ang
kakulangan nila sa edukasyon na kung saan ang mga IP ay walang
masayadong paaralan at isa pa ang pagmimin nila na pangamba sa buhay ng
mga IP group na nakatira sa bundok.
 Ang Leyte din ay sumang ayon La Union sapagkat sioa din daw ay nakakaranas
ng diskriminasyon.
 Ang Bulacan din ay nagsabing dapat pagtuunan ng pansin ang mga IP
sapagkat ayon sa Artikulo 6 ng Phi. Constitution, ang bawat katutubo ay may
karapatan sa nasyonalidad.
 Ang Eatern Samar din ay nakaranas ng diskriminasyon. Ang ibnag Non Ip ay
may ugaling ibaba ang dignidad ng mga IP dahil sa kadahilanang sila ay nakita
sa mataas nab indo at liblib na lugar at dahil sa hindi sila nabibigyan ng sapat
na edukasyn hindi sila nakakapagtapos ng pag-aaral.
 Ang Basilan ay nagsaad na dahilsa pisikal na anyo, estado at kasrian kasali na
dito ang kaulangan sa knowledge, access, kultura at paniniwala. Ayon sa Artiko
1 ng UDHR , humans are born to be free and people in dignity ang right.
 Naunang nagsulng ng programa ang Agusan Del Norte at iba pa na kanilang
pinamagatang itsura mo, wala sa trabaho. Sapagkat wala sa itsura ang
kakayahan ng isang tao sa bawat spesipikong larangan ng bawat trabaho. Ang
kakayahang ito ay hindi masyado naipakita dahil sa diskriminasyong kanilang
natanggap. Kailangang magtulungan dahil lahat tayo ay may iba ibang
kakahayan.
 Ang Abra ay sumang ayon sa kanilang proyekto dahil hindi itsura ang basehan
kung gaano ka kagaling sa iyong trabaho.
 Sinang ayunan din ito nina Ilocos Norte at Antique.
 Binigyang paglilinaw ni Agusan del Norte kanilang isunolong na programa na
sinang ayunan ng mga delegado kaya ito ay natanggap na maipatupad.

Mga Susunod na Programang Tatalakayin

 Ang Batangas ay maglulunsad ng tatawaging Inernation Day Program kasama


ang walong mga delegado galing sa ibang probinsya. Layunin nitong maipakita
ang paniniwala at talent ng mga IP. Sa programang ito papasok ang medical
mission at pagbibigay edukayon sa kanila.
 Sinang-ayunan ni Batanes ang sinabi ni Abra hinggil sa mga medical mission at
sila ay hihingi ng tulong sa ibang tao nang sa gayo ay maari silang magbigay
ng kahit anong gusto niyo para sa kanila. Magkakaroon sila ng survey upang
malaman ang kanilang pangangailangan.
 Lininaw ni Ifugao ang tungkol sa kanilang proyekto, sila ay magkakaoon ng
mga nagpayaman sa kaniang kultura.
 Ang Aklam ay naglunsad din programa kasapi anganim niyang panig, silang
nag nanais na magpatayo hg paaralan sa mga lugar kung saan maraming
IP.Layunin nito na magkaroon sila ng Quality Education kahit na sila ay nasa
loob ng bundoo sa kanilang lugar habang ang mga guro sa kanila ay may
kahusayan nasa pagtuturo. Kanilang binanggit na ang ponding gagamitin ay
magumula sa DepEd at sila na din ang gagwa ng resolution o proposal na
naglalayon suportahan sa baugeht hinggil sa programang “Pagkakaisa tungo sa
Bagong Pag-asa” na ipapasa sa gobyerno.

IKAAPAT NA ISYU (Piling Delegado)


Same Sex Marriage (Sang-ayon o Hindi)

 Ang Bohol ay hindi sumasang-ayon sa pagkakaroon ng same sex marriage sa


Pilipinas.
 Sumasang-ayon naman si Maguindano spaagkat kung hindi nahanap ng mga
kalalakihan ang pagmamahal sa opposite nilang kasarian ay pwede nila itong
mahanap sa kanilang kaparehas na kasarian.
 Sinaad ni Ilocos Norte na walang pinipiling kasarian ang pagmamahal.
 Sinang-ayunan naman ni Kalinga sina Ilocos Norte at Maguindano na kapag di
kaya ng babae at lalaki mahalin ang isa’t isa, pwede silang humanap ng
kaparehong kasarian.
 Ayon naman kay Laguna na ang lahat ng tao ay may pantay pantay na
karapatan. Dapat suportahan din natin ang same sex marriage gaya ng
pagsuporta natin sa LGBT community dahil nga walang pinipiling kasarian ang
pagmamahal.
 Di sumang ayon ang La Union hinggil ditong usapin dahil mataas ang
posibilidad na pwedeng magkaroon ng HIV ang mga ito.
 Sinang-ayunan ni Aklan ang sinabi Laguna at Ilocos Norte. Dagdag nito hindi
porket nagkaroon ng same sex marriage ay makakakuha na agad ng HIV dahil
ang katotohanan ay nasa disiplina ito ng bawat tao lalo na ang dalawang lalaki
o babaeng magkasintahan.
 Madiin namang sumang-ayon ang Capiz sa La Union na mas lalaganap ang HIV
kung sakaling maglelegal ito sa bansa.
 Nagbanggit din ang Agusan Del Norte patungkol sa mga salita ng Diyos at
batas ng tao na kung saan may karapatan tayong lumigaya.
 Ang Basilan naman ay sumang ayon sa usapin na ito dahil naniniwala siya na
ang pakikipagtalik ay ang pagmamahal.
 Ang Catanduanes ay sumang –ayon din dito sapagkat pwedeng iwasan ang
mga sakit na pwedeng umusbong. Saad pa niya na kung kaya ng ibang bansa
ang paglelegal dito bakit hindi itry sa Pilipinas.
 Ang Marinduque ay nag iwan ng katanungan na kung makakita ng mga taong
magkasama na may parehong kasarian ay hinuhusgaan, paano pa kaya kapag
nalegal na ang same sex marriage?
 Sinagot ito ni Kalinga ng patungkol sa equality.
 Hinikayat ni La Union ang mga kapwa delegado na pumanig sa kanya na hindi
pagmamahal ang pwedeng maramadaman sa kaparehong kasarian na
kasintahan.
 Tinugon ni Biliran ang usaping ito at siya ay sumang ayon kay La Union.
 Ang Ilocos Norte din ay nanghikayat na panigan siya sapagkat meron ng sex
advocation na pwedeng maging daan upang maiwasan ang HIV cases.
 Ang Apayao ay sumang ayon sa sinaad ni Ilocos Norte.
 Buong tapang ding diniin ng Capiz na dahil sa same sex marriage ay mas
lalong dadamiang kaso ng HIV.
 Ang Bukidnon at Cavite ay hindi sumang-ayon sa pagpapalegal sa same sex
marriage dahil sa HIV na pwede nilang makuha.

IKALIMANG ISYU (Aklan-Laguna, Agusan del Norte-Capiz)


Pagtanggal ng Programang K-12 curriculum

 Ang Aklan ay sumasang-ayon sa pagtanggal ng K-12 dahil pinapahaba lang nito


ang taon ng pag-aaral. Hindi din sapat ang mga estraktura at dagdag pa nito
hindi pagoon ka-ensayo ang mga guro upang magturo sa curriculum na k-12 at
dahil dito, nadadagdagan ang gastos sa pag-aaral. Kung tinanggal itomakakaya
parin ng mga estudynte o Pilipino na makipagtagisan para mapunan ang ating
pangangailangan sa larangan ng edukasyon
 Agad itong hindi sinang-ayunan ni Capiz sapagkat naniniwala siya na marami
itong benipisy. Maari nating mapantayan ang mga taga ibang bansa. Naihahanda
tayo para sa challenge na mgaagnap sa college.
 Ang Laguna ay sumasang ayon hinggil sa issuing iyon sapagkat baka hindi pa
handa ang mga estudyante sa pagpasok ng trabaho pagkagraduate ng k-12.
Gustong pantayan ng Pilipinas ang level ng Global pero wala pang ready na
trabaho ang para sa kanila. Dahil dito, mapipilitang magcollge ang isang
estudyante at parang walang bias ang dalawang taon niyang pa-aaral.
 Ang Agusan del Norte ay hindi sumasang –ayon sapagkat ginagwa niya tayong
globally competitive. Kung hindi naisabatas ang K-12 program, hindi sila
makakapagtrabahosa abroad kasi kulang ang dalawang taong pag-aaral. Kaya
dapat nang sanyaing ang kaalaman dahil hindi hadlang ang pag aaral ng matagal
para may isang maanang pangarap.
 Ang Aklan ay nagbigay ng Katanungan kung saan “Paano magiging globally
competitive kung ang esraktura at mga guro ay hindi pa handa.
 Ang Laguna din ay nag-iwan ng katanungan kung nakaksigurado ban a ito’y
makakatulong sa estudyante para mag-improve o maging globally
competitive.May kasiguraduhan ban a mas upgrade ang pag aaral nagon kesa
noon?
 Buong tapang naman itong dinepensaan ng Capiz na dahil sa K-12 ay maraming
mga benipisyo ang makukuha dito. Dapat nagyon maging handa na to.
 Nagbigay ng panghuling panghihikayat ang Aklan ang pagkakaroong ng
maganda at maayos na curriculum ay wag madaliin.
 Sa pagtatapos, hindi sumang ayon ang mga delegado na tanggalin ang K-12
curriculum

IV. Naaprubahang Programa

Unang isyu
 Pagpapaigting ng kasanayan sa pgbabasa at Pagpapatayo ng Library.

Ikalawang isyu

 Anti-tiwali Media Program

Ikatlong isyu

 Itsura mo, Wala sa trabaho mo


V. MGA KALAHOK

Delegado LUGAR

1) Buccat, Mar Edrian F. Abra


2) Cariaso, John Carlo U. Agusan Del Norte
3) Collado, Majh Lawrence G. Aklan
4) Concepcion, Francis Aaron C. Albay
5) Cruz, Michael Ryan S. Antique
6) Dalit, John Kenneth M. Apayao
7) Espero, Emannuel Dexter B. Aurora
8) Obaldo, John Manuel A. Basilan
9) Pascua, Michael enz V. Batanes
10) Rillera, Daniel O. Batangas
11) Salazar, Elber John G. Benguet
12) Sales, Ian Dave T. Biliran
13) Aday, Trixie Jane D. Bohol
14) Apilinar, Shina Rose S. Bukidnon
15) Badua, Rose Angelyn V. Bulacan
16) Baguiloen, Kamille Kate A. Cagayan
17) Bautista, Alliah Joy L. Camarines Norte
18) Casem, Cherry F. Camiguin
19) Dacumos, Marie Joy G. Capiz
20) De Los Trinos, Siew Veena J. Catanduanes
21) Delfin, Sofia Zoe V. Cavite
22) Delmendo, Maeganyael V. Cebu
23) Eugenio, Krystel Joyce B. Cotabato
24) Galaus, Samantha G. Davao Del Sur
25) Galiste, Jatine Kayee S. Davao Del Norte
26) Jualines, Beverly A. Eastern Samar
27) Martin, Mariz S. Guimaras
28) Minodin, Frances Martha H. Ifugao
29) Monis, Dannah Mae A. Ilocos Norte
30) Nones, Reychelle Nicole O. Ilo-Ilo
31) Pagador, Rizza H. Isabela
32) Pajo, Ma. Teresa G. Kalinga
33) Ramos, Rose Caroline L. La Union
34) Salazar, Angelica Marie R. Laguna
35) Timbreza, Xyrille C. Lanao Del Norte
36) Tuquero, Recelly L. Leyte
37) Ugot, Rossel Jean M. Magundanao
38) Unson, Kristine Carmela M. Marinduque
40) Witawit, Jeserey M. Masbate
VI. PAGTATAPOS

Ang ginanap na pagpupulong ay matagumpay na nagtapos ika-3 ng hapon at


lahat ng mga suliraning naging lunsaran ng diskusyon ay nabigyan ng kaukulang
paglilinaw at solusyon.

VII. REAKSIYON

Ang bansang Pilipinas sa ngayon ay marami nang umuusbong mga suliraning


panlipunan na dapat ring pagtuunan ng pansin sapagkat kung ito’y mapapabayaan
malaki ang posibilidad na mas lalaki pa ang suliraning ito kaya’t ang pagkakaroon ng
pagpupulong ng mga grade 11 hinggil sa usaping ito ito ay isang magandang hakbang
upang magkaroon ng kalinawan at magkaroon ng mas malawak pang kaalaman sa
bawat lunsaran ng diskusyon.
Isang napakagandang pag oorganisa ng bawat baitang sa LHSD ang naganap sa
pagpupulong na ito mula sa venue hanggang sa daloy ng kumperensya ay nagtamo ng
isang magandang kalalabasan. Ang bawat isa sa grade 11 ay nakapagpahayag ng
kanilang mga saloobin at opinyon sa bawat isyung natatalakay na siyang nagpahanga
sa akin sapagkat simula palang makikita na sa kanila pagkasabik magbahagi ng
kanilang nalalaman sa bawat isyung ibinigay ng chairman ng pagpupulong.
Nakakatuwa ganundin ang pagkahanga na naramdaman sa bawat delegado
sapagkat lahat sila ay nakapagpahayag at nakaisip ng mga malalalim na solusyon na
maaring mabigyang aksyon upang sa gayon ay maimplementa. Ang kanilang
pamamaraan ng pagsasalita habang pinapahayag nila ang kanilang solusyon sa mga
isyung panlipunan na ito ay napakapropesyonal animo’y parang nasa isang
komperensya ng mga kongreso ang silid na napuntahan mo.
Mabuti at nakapag isip na magsagawa ng ganitong aktibidad sapagkat isa itong
oportunidad sa bawat estudyante na maipamalas ang kanilang kasanayan at kahusayan
sa pagsasalita at pagsagawa ng mga solusyon na maaring magamit upang malinwan at
magawan ng solusyon ang mga isyung lumalaganap sa ating lipunan. Isa itong
napakagandang pagpupulong upang nang sa gayon ay mahasa ang paraan pagsasalita
ng bawat isa sa paraang pormal at propesyonal.

You might also like