You are on page 1of 3

PANITIKANG FILIPINO

Pangkalahatang Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang sagot sa yellow
paper/bond paper at i-upload sa official facebook group ng ating subject o kaya sa aking
messenger na Renato Fabreag Semilla o sa aking Telegram na 09773201442. Ipasa ito on or
before December 2, 2020 (Wednesday).

GAWAIN 6
Panuto: Gamit ang Alpabetong Filipino, buuin ang mga salita sa pamamagitan ng mga
bilang at ibigay ang angkop na kahulugan nito.

Hal. 22-9-2-1-7
Tibag – Isang uri ng dula na tungkol sa paghahanap ni Sta. Elena sa krus na
pinagpakuan kay Hesukristo sa bundok.

1. 1 - 12 - 9 - 2- 1- 22-1

2. 23 - 20 - 2- 1-14-1 1-22 6-5-12-9-21-1

3. 4-17-3-22-20-9-14-1 3-20-9-21-22-9-1-14-1

4. 1-14-7 18-1-21-27-17-14

5. 14-23-5-21-22-20-1 21-5-15-17-20-1 4-5-12 20-17-21-1-20-9-17

6. 2-1-20-12-1-1-14 1-22 10-17-21-1-18-8-1-22

7. 18-1-13-23-12-9-14-1-25-5-14

8. 11-1-22-17-12-9-11-17

9. 13-14-4-5-21-22-17 4-5 3-1-21-22-20-17

10. 4-1-14-4-1-14-21-17-27

GAWAIN 7
TAMA O MALI : Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang T kung tama ang
sinasaad at kung mali naman ay salungguhitan ang salita o pahayag na nagpamali at itama
ito.
____________1. Sina Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva ang may-akda ng

kauna-unahang aklat na nailimbag dito sa Pilipinas.

____________2. Ang Compendio de la Lengua Tagala ang isinulat ni Padre Blancas de San

Jose at siyang isinalin naman sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong 1610.

____________3. Sarong Banggi ang nagsilbing kantahing bayan ng mga Kapampangan.

____________4. Ang Arte de la Lengua Bicolana ang unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat

ni Padre Marcos Lisboa noong 1732.


____________5. Naisulat ang pinakamahusay na aklat pangwika sa Bisaya noong 1711 ni

Mateo Sanchez.

____________6. Si Francisco Lopez ang may-akda ng kauna-unahang balarilang Iloko.

____________7. Si Miguel Lopez de Legazpi ang kauna-unahang kastilang gobernador heneral

sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.

___________8. Ang Vocabulario de la Lengua Pampango ang unang aklat pangwika sa

Kapampangan na sinulat ni Padre Gaspar de San Agustin noong 1732.

___________9. Atin Cu Pung Singsing ang tinaguriang kantahing bayan ng mga Tagalog.

__________10. Si Jose Dela Cruz ang may-akda ng isa sa nakaaaliw na saynete na “La India

Elegante Y El Negrito Amante”.

GAWAIN 8
Panuto: Basahin ang mga gabay na pahayag upang mabuo ang palaisipan.

1.
8.
5. 11.

2.

3. 6.
10.

9. 7.

12.

4.

PATAYO

1. Dula na patungkol sa paghahanap ni Sta. Elena sa krus na pinagpakuan kay Hesukristo sa

bundok.

3. Isang tulang pasalaysay na natutungkol sa katapangan, kabayanihan, at

pananampalataya ng mga tauhan.


5. Itinuturing na pagtatanghal ng mga tau-tauhang yari sa pira-pirasong karton na

pinagagalaw sa likod ng isang puting tabing.

7. Dulang panlibangan na ang layunin ay magbigay galang, magpuri, at mag-alay ng papuri

sa mahal na krus na nakuha ni Santa Elena sa bundok na tinibag.

9. Isang melodrama o dulang musikal na tatatluhing yugto. Ang paksa ay natutungkol sa pag-

ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam, at iba pang masisidhing damdamin.

11. Isang mahabang tula na nagpaparangal sa may kaarawan o kapistahan.

PAHALANG

2. Ito’y batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangaring

mapangasawa niya ang kasintahang mahirap.

4. Dulang panlibangan na ukol sa paghahanap ng matutuluyan nina Birheng Maria at Joseph

upang doon iluwal ang sanggol na si Hesus.

6. Dulang panlibangan na ang paksa’y nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi

o katutubo sa kanyang pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa.

8. Isang pagtatanghal sa entablado na tungkol sa buhay at pagpapakasakit na dinanas ni

Hesukristo.

10. Paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran na patula

12. Pagtatanghal na ang paksa’y tungkol sa paglalaban ng mga Moro at Kristiyano. Ang

layunin nito’y maipakita ang kabutihan ng Kristiyano.

GAWAIN 9
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano-ano ang mga layunin ng mga Kastila sa kanilang pananakop sa ibang bansa?

2. Patunayang ang Pilipinas ay nagapi sa pamamagitan ng krus at hindi ng sandata.

3. Ano-anong mga pagbabago sa buhay ng mga Pilipino ang naganap nang Panahon
ng mga Kastila?

4. Sa kasalukuyan, ano ang pangunahing layunin ng isang taong humahawak ng


tungkulin.

“Huwag itigil kapag pagod ka na, huminto ka kapag tapos ka na”

You might also like