You are on page 1of 2

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

COLLEGE OF ENGINEERING
INDUSTRIAL ENGINEERING DEPARTMENT

Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


GEED 10113
Pagsusulit (Sanaysay)

Name: Moises Angelo C. Gabutin Section: BSIE 2-2


Faculty name: Ryan Pesigan Reyes, PhD Date submitted: October 29, 2020

Tanong: Kung nagsalin ako ng isang tula at ginawa kong isang prosa (hal. sanaysay) ang aking
salin, maituturing pa rin ba itong isang pagsasalin? Ipaliwag ang inyong sagot gamit ang lectures
at mga sangguniang makikita sa Internet.

Batay sa aking pagkaka-unawa sa nakaraang pagtalakay, hindi maituturing na pagsasalin


ang nabanggit na sitwasyon kung teknikal na aspeto ang pag-uusapan – na kung saan ang likhang
panulain ay isinalin sa isang prosa o tuluyan na wala namang ritmo o karaniwan ang anyo ng
pagkakasulat. Ayon sa depinisyon, ang pagsasaling wika ay ang paglilipat ng kahulugan ng
pinagmulang wika sa target na wika (Mildred Larson, 1984) na isinasaalang-alang ang diwa o
mensaheng nakasaad sa wikang isasalin (Nida at Taber, 1969). Ang pagsalin sa isang tula at pag-
convert nito sa prosa o tuluyan ay magdudulot ng pagka watak-watak ng diwa at ayos ng
isinasalin. Sa katunayan, posibleng hindi mailahad ng nagsasalin ang buong mensahe na nais
iparating ng tula dahil sa taglay nitong elemento na maaaring ang makatang nagsulat lamang ang
nakakaalam o may tiyak na interpretasyon.

Ang prosa ay ginagamit natin bilang pang araw-araw na komunikasyon. Hindi ito patula
at walang istilo o anyo ng isang panulaan. Bilang halimbawa, ang mga anekdota o alamat ay
hindi naman gumagamit ng tayutay at layunin lamang makapag pahayag ng pangyayari o
pananaw. Samantalang ang tula ay isang panitikan na nagpapahayag ng damdamin sa malayang
pagsulat. Kabilang sa mga elemento ng tula ay ang sukat, tugma, karikatan at talinhaga. Kung
ang nagsasalin ay hindi ang may akda ng tula at wala ring pag sangguni sa may akda nito, hindi
lubos na mauunawaan ng nagsasalin ang mga nakatagong kahulugan ng isasaling tula.
Samakatwid, hindi nito matagumpay o epektibong maisasagawa ang layunin ng pagsasalin
alinsunod sa kahulugan nito. Kaya naman mahalaga na malaman ng taga salin kung ano nga ba
talaga ang konteksto o diwa ng tula sa pamamagitan ng pag tanong sa maykatha nito.

Sa sipi ni B.J. Epstein, isang dalubhasa sa Translational Studies at tagapagsalin,


binigyang-diin niya na ang tula, sa katunayan, ay hindi maaaring isalin. Dahil ang mga
kagandahan ng tula ay hindi mapapanatili ng anumang wikang pagsasalinan, maliban sa kung
saan ito orihinal na isinulat. Bagaman subhetibo ang kanyang katwiran, mayroon itong punto na
sumusuporta sa aking pananaw na ang pagsasalin ng isang tula sa prosa ay hindi lamang
nakakaapekto sa buong diwa ng sinasalin, bagkus ay nagiging pundasyon ito sa panibagong sulat
pampanitikan sapagkat nilalapatan na ng sariling interpretasyon ng nagsasalin ang mga
kahulugan ng bawat tayutay at ginagawan ng panibagong estraktura ang isinalin. Samakatwid,
maaari nating sabihin na ang naisaling tula sa prosa ay isang panibagong sulatin. (Kung minsan
ay tinatawag na homage, rip-off o fan fiction ang mga ito).

Bukod dito, dahil ang kahulugan ng bawat tayutay at ayos ng elemento ng tula ay naka
depende sa malikhaing pag-iisip ng manunulat, mahirap itong gawing lohikal na talata sa
tuluyan. Ayon sa sipi ni Rachel Kolar (2017), sapagkat ang tula ay hindi sumusunod sa
kumbensyonal na gramatika, maaaring kailangan ng nagsasalin ang pag dagdag o bawas ng
bantas, paghiwalay ng mga pangungusap na run-on, pagdagdag ng mga paksa o pandiwa sa mga
bahagi, o baguhin ang pagkakasunud-sunod ng salita para magkaroon ng kahulugan ang sinasalin
sa tuluyan. Hindi maiiwasang magdulot ito ng literal na pagtutumbas ng salita (word-for-word)
na isang kamalian sa pagsasalin ng mga panitikan.

Gayunpaman, kung pag uusapan natin ang hindi teknikal na aspeto ay maaari pa rin natin
itong maituring na pagsasalin. Maisasalin mo ang tula sa ibang uri ng sulatin ngunit walang
katiyakan na madadala pa rin ng puntiryang wika at uri ng panitikan ang kontekso ng tula. Kaya
mahalaga na maalam ang tagapagsalin sa kultura at gramatika ng dalawang wika na sangkot sa
pagsasalin upang maisagawa ito sa tamang proseso.

MOISES ANGELO GABUTIN


2019-03494-MN-0
BSIE 2-2

You might also like