You are on page 1of 7

FIL FINALS LIST OF TERMS

ARALIN 5

PROSESO ANG PAGSASALIN - Kung maraming paghahandang ginagawa bago maglakbay, gayundin sa
pagsasalin. Ang pagsasalin ay isang proseso. Hindi lamang ito bastang pagsabak sa pagtutumbas ng mga
salita mula simulaang lengguwahe papuntang tunguhang lengguwahe. Kinapapalooban ito paghahanda,
aktuwal na pagsasalin, at ebalwasyon ng salin.

PAGPILI SA TEKSTONG ISASALIN - Ang isang tagasalin ay dapat makaramdam ng natural na pagkagusto
sa tekstong isasalin o ang tinatawag na “natural affinity.”. Kahit ang isang tagasalin ay kinomisyon
lamang na magsalin ng isang materyal, kapag tinanggap niya ito, para na rin siyang nagpasiyang piliin
ang teksto dahil maaari naman niya itong tanggihan kung ayaw niya. Hindi maiiwasan sa pagsasalin ang
pagiging subhetibo o personal. Dapat gabayan ang isang tagasalin ng sariling panlasa

PAGBASA SA TESKSTO - Dapat basahin muna ng tagasalin ang tekstong isasalin. Paulitulit hanggang lubos
niya itong maunawaan. Pagkakataon ito upang makilala ang kalikasan ng tekstong isasalin, kung teknikal
ba ito o pampanitikan. Dito rin matutukoy ang mga salitang bago sa pandinig, lalo na iyong malalalim o
teknikal, na ngayon pa lang ay kailangan nang saliksikin o ipagtanong sa mga eksperto upang hindi na
maging problema kapag aktuwal nang nagsasalin.

PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG TEKSTONG ISASALIN - inuunawa ng tagasalin ang nilalaman ng


teksto sa kabuoan. Higit na mainam kung nauunawaan nang buo ang materyal na isinasalin kaysa
inuunawa lamang ito nang baha-bahagi o kasabay ng salita o pangungusap na isinasalin. kailangang
tiyakin ng tagasalin ang uri ng teksto upang makaisip ng angkop na estratehiyang ilalapat sa pagsasalin.
Tukuyin ang uri ng teksto (impormatibo, ekspresibo, operatibo). Ginagawa ito upang matiyak kung ano
ang tungkuling ginagampanan ng wika sa teksto.

PAGSASALIKSIK TUNGKOL SA AWTOR NG TEKSTONG ISASALIN - Lalong makikilala ng tagasalin ang


tekstong isasalin kung magsasaliksik din tungkol sa bakgrawnd ng orihinal na sumulat nito o
organisasyong nagpasalin nito. Lalong nailalapit ng tagasalin ang salin sa orihinal kapag malay sa mga
sangkap na nakaimpluwensiya sa pagkakasulat nito

◦ Sino ang may-akda?


◦ Ano ang estilo sa pagsulat na tatak niya?
◦ Ano-ano ang mga pangyayari sa personal na buhay ng may-akda o mga pangyayari sa lipunang kasabay
ng pagkakasulat ng teksto na maaaring nakaapekto rito?
◦ Bakit isinulat ng may-akda ang teksto? Ano ang intensiyon niya?

PAGTUKOY SA LAYON NG TEKSTO - Dapat unawain ng tagasalin ang intensiyon ng mayakda sa pagsulat
ng teksto. Isinulat ba niya ito upang magbigay-impormasyon? upang umantig ng damdamin? upang
magpakilos? Dapat tiyakin ng tagasalin na maipararating ang intensiyong iyon sa mga mambabasa.

PAGTUKOY SA PINAG-UUKUAN NG SALIN - Dapat makilala ang pinag-uukulan ng salin upang


maisaalangalang ang kanilang kalikasán sa pagsasalin ng teksto. Iniaayon ang wika ng pagsasalin sa wika
ng pinag-uukulan ng salin o sa gagamit nito.

◦ Sino ang target audience ng bersiyong ito?


◦Ano ang kanilang kalikasán?
◦Ano ang uri ng wikang gamit nila?
◦ Paano matitiyak na bagay sa kanila ang salin?

PAGTUKOY SA TEORYA SA PAGSASALIN - Magsaliksik ng teoryang gagamiting batayan sa pagsasalin. Ito


ang magsisilbing framework o paliwanag ng tagasalin sa prosesong sinunod niya. Higit ang kredibilidad
ng isang saling may batayang sinunod kaysa sa ibinatay lamang sa sarili niyang pananaw at diskarte
(liban na lamang kung iginagalang na siyang awtoridad sa larang ng pagsasalin).

TEORYANG SKOPOS - Isa itong dulog sa pagsasalin na nabuo sa Germany noong mga huling taon ng
Dekada 70. Isa sa mga pangunahing tagapagsulong nito si Hans Vermeer (1930 – 2010), isang Alemang
lingguwista at iskolar sa pagsasalin. Pagbalikwas ito sa mga teorya sa pagsasalin na karamihan ay mga
teoryang lingguwistiko o nakatuon sa estruktura tungo sa mga teoryang nakatuon sa gamit at halagang
sosyokultural. Isinasaalang-alang nito ang mga kontekstuwal na salik sa pagsasalin ng isang teksto gaya
ng kultura ng mga target na mambabasa o ng kliyenteng nagpasalin. Ang tingin nito sa pagsasalin ay
hindi lamang pagtutumbas ng mga salita kundi isang anyo ng gawaing pantao. May dapat na gampanan
ang isang salin sa tao. Mayroon itong layunin. Ang Skopos ay isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay
“purpose” o layunin ng pagsasalin. Pasulong ang pagtingin nito sa teksto; nakatuon sa mga tatanggap ng
salin. Pagtaliwas ito sa nakaugaliang pagtingin na pabalik o tumatanaw sa simulaang teksto. Bago
simulan ang pagsasalin, malinaw dapat sa tagasalin ang kaniyang layunin o skopos.

ARALIN 6

PAGSASALIN - paglilipat ng kahulugan ng pinagmulang wika sa target na wika (Larson, 1984). Isang
proseso ng paglilipat sa pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng nakasaad sa wikang isasalin
(Nida at Taber, 1969).

MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG TAGASALIN - Sapat na kaalaman sa dalawang wikang sangkot
sa pagsasalin, Sapat na kaalaman sa paksang (subject matter) isasalin, Sapat na kaalaman sa kultura ng
dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin, Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang sangkot
sa pagsasalin

SALITA-SA-SALITANG PAGSASALIN - Isa-isa munang tinutumbasan ang bawat salita. Tinitiyak na walang
salita sa ST ang nakaligtaan. Kapag natumbasan na ang lahat ng salita sa ST, saka inaayos ang huling
bersiyon ng TT. Isulat lang ang lahat ng salitang maaaring ipanumbas sa isang salita sa ST. Magdesisyon
kung alin ang pananatilihin sa huling bersiyon. Ayusin ang mga salita sa huling bersiyon. Ilagay rin ang
mga salitang pang-ugnay na kailangan (hal., pang-angkop).

LITERAL NA PAGSASALIN - Ang pagsasalin na ito ay nakabatay sa primary sense o unang ibig sabihin ng
salita sa diksiyonariyo. Maaaring maging mababaw ang salin at lihis ang kahulugan sa orihinal. May
partikular itong intensiyon, hal., ang magpatawa. Maaari ding upang tuwirang ibigay ang kahulugan ng
isang akademiko o propesyunal na teksto at iwasan ang pagiging mabulaklak o matalinghaga. Itinuturo
ito upang magsilbing paalala sa tagasalin na baka nagiging literal na ang kaniyang pagtutumbas.

IDYOMATIKONG PAGSASALIN - Priyoridad ng ganitong salin ang kahulugan ng orihinal ngunit hangga’t
maaari, tinatangkang matumbasan ang masining na kayarian ng SL. Maaaring tumbasan ang
matalinghagang pahayag ng (a) katulad nito sa TL o (b) ibang idyoma na katulad ang kahulugan. Kapag
wala namang katumbas ang idyoma, maaari na lang simpleng ibigay ang kahulugan nito (c)

MATAPAT NA PAGSASALIN - Sinisikap nitong ibigay ang eksaktong kahulugan ng ST. Pinananatili o
sinusundan ang estrukturang gramatikal ng ST. Kung paano inihanay ang mga salita sa ST, gayon din ang
ginagawang paghahanay ng mga salita sa TT. Dahil dito, nagkakaroon ng problema sa madulas na daloy
ng salin. Ang estruktura na simuno-panaguri ay sa Ingles. Ang pagiging partikular sa pantukoy ay
katangian ng mga wikang Europeo na ispesipiko sa kasarian ng simuno (a, an, the sa Ingles / un, une, des
sa French / el, la, los sa Espanyol). Hindi sa Filipino. Dapat mauna ang simuno sa panaguri at sapat nang
sabihing bampira at wala nang “isang”. Ngunit sa matapat na salin, hangga’t maaari ay sinusunod ang ST.

MALAYANG SALIN - Ayon kina Almario, et. al., ito ay “malaya at walang kontrol. At parang hindi na isang
salin.”. Binibigyan ang tagasalin ng kalayaang bawasan, dagdagan o baguhin ang pagkakaayos ng teksto
basta’t mas mapapalutang nito ang diwa ng simulaang lengguwahe. Taliwas ang salin sa mga salita at
estruktura ng orihinal. Walang paksa sa orihinal ngunit sa salin ay nagkaroon ng “ito”. Naging dalawang
sugnay ang salin na pinagdurugtong ng “ay”. Naging elaborate o madetalye ang pagpapakahulugan sa
salin, di gaya sa orihinal na matipid ang mga salita. Naging praktikal ang salin, iyong madaling
mauunawaan ng mga mambabasa sa halip na tunogteknikal.

ADAPTASYON - Ito ang itinuturing na pinakamalayang anyo ng salin dahil may pagkakataon na malayo na
ito sa orihinal. Kadalasang ginagamit ito sa salin ng awit, tula at dula na halos tono na lamang o
pangkalahatang mensahe ang nailipat sa salin. Ilan pang halimbawa ang mga nobelang ginawan ng
adaptasyong pandulaan o pampelikula. May mga bahaging isinasalin ng intersemyotiko o mula salita
tungong kilos, imahen, at iba pang simbolong di-berbal.

ARALIN 7

URI NG PAGSASALIN – pagsasaling pampanitikan at pagsasaling teknikal

PAGSASALING PAMPANITIKAN - Proseso ng muling pagsulat sa ibang wika ng malikhaing akda tulad ng
tula, dula, maikling kwento, sanaysay, nobela at iba pang anyong pampanitikan

PAGSASALING TEKNIKAL - Lahat ng tekstong hindi pampanitikan, kabilang dito ang mga balita, pormal na
sanaysay, feature articles, tekstong pambatas, disiplinang akademiko, teknolohiya at iba pang katulad

Utilitaryo
Komunikatibo
Umaangkop sa target na mambabasa
Sinusukat ang naidudulot nitong serbisyo sa madla ng TL

TUNGKULIN NG PAGSASALING TEKNIKAL - Epektibong paglilipat ng naturang espesyalisadong


impormasyon upang pakinabangan ng mga teknisiyan, manedyer na teknikal, opereytor ng makina sa
pabrika, o mga mananaliksik ng TL. “ ito ang puso ng pagiging teknikal sa pagsasaling teknikal”
WIKANG SIYENTIPIKO AT WIKANG TEKNIKAL

AGHAM/SIYENSIYA - sistematikong pag-aaral sa estruktura at kilos ng daigdig na pisikal, lalo na sa


pamamagitan ng pagmamasid, pagsukat, at pag-eeksperimento, at ang pagbuo ng mga teorya upang
ilarawan ang resulta ng mga naturang Gawain

TEKNOLOHIYA - ang pag-aaral at kaalaman sa mga gámit na praktikal at industriyal ng mga tuklas ng
siyensiya” o ang “aplikasyon sa búhay ng mga tuklas at teorya ng agham”

TEKSTONG SIYENTIPIKO VS TEKSTONG TEKNIKAL

TEKSTONG SIYENTIPIKO TEKSTONG TEKNIKAL


 ang tekstong siyentipiko na nauukol sa mga  ang tekstong teknikal na sinulat upang
saliksik na isinagawa ng isang siyentista o pangkat magpaliwanag ukol sa tekstong siyentipiko o
ng siyentista. magpalaganap ng isang praktikal na gámit ng
 tinatawag din itong “tekstong primarya” at isang teorya o saliksik na siyentipiko.
malimit na nalalathala sa espesyalisadong jornal  Tinatawag din itong “tekstong sekundarya” at
sa agham. maaari ding may format at organisasyong gaya ng
 Bago malathala, nagdadaan ang teksto sa ribyu “tekstong primarya.”
ng mga kapuwa siyentista at kailangang sumunod  kapag sinadya para sa popularisasyon ng isang
sa format na itinatakda ng editoryal hinggil sa tekstong siyentipiko, iniaangkop ang tekstong
paraan ng pagsulat, organisasyon, paglalagay ng teknikal sa kakayahan ng gagamit
kaukulang pagkilála at sanggunian  higit na gumagamit ng reproduksiyon—lalo na
 nahihinggil sa imitasyon ang pagsasaling sa anyong halaw at hango
siyentipiko  nakakahon ang tekstong teknikal sa tinatawag
 lubhang espesyalisado ang uring “tekstong na “malinaw na komunikasyon ng kaalaman.”
siyentipiko.” Malimit nga’y hindi na ito isinasalin
dahil nagkakaintindihan na sa “wikang
siyentipiko” ang mga siyentista. Isalin man ito,
kailangan ang ganap na higpit sa wika—walang
labis, walang kulang,

ELEMENTO NG TEKNIKAL NA TEKSTO – espesyalisado, jargon, internationally recognized words, text


relativity

ESPESYALISADO - Restriktibong paggamit ng salita sa tiyak na disiplina/ eksklusibong salita na ginagamit


upang matukoy na ito ay registry ng isang disiplina.

JARGON - Teknikal na bokabularyong ginagamit ng isang pangkat, propesyon, o pag-aaral.

INTERNATIONALLY RECOGNIZED WORDS - Mga kinikilalang salita na estandardisado sa anumang bansa

TEXT RELATIVITY - Ang pagkakamalapit ng mga salitang teknikal sa ibang larang tulad ng ‘waste’- dumi
man, manure o tae sa iba’t ibang larang. Tulad din ng jargon subalit ito ay may malapit na hawig sa
tinuturan ng general registry. Subalit kapag ginawang ‘green manure’ ito ay nagiging field specific na
para sa agrikultura.

MGA PAMANTAYAN SA TEKNIKAL NA PAGSASALIN


1. Tukuyin ang mga terminolohiya na nagtatalaga sa konseptong nakapaloob sa paksa/larang.
2. Kumpirmahin ang gamit ng mga terminolohiya sa mga kaugnay na sangguniang dokumento.
3. Ilarawan ang mga konsepto nang wasto at maikli.
4. Ihiwalay ang mga tamang gamit mula sa maling gamit.
5. Irekomenda o hindi irekomenda ang paggamit ng ilang salita upang maiwasan ang hindi malinaw na
komunikasyon.

PAGSUSULAT NG TEKSTONG TEKNIKAL - binabása ang akdang pang-agham at panteknolohiya para sa


isang tiyak na gámit nitó sa bumabása. Kailangang manatiling obhetibo at makatunayan sa paksa ang
isang manunulat na teknikal. Ngunit kailangan din niyang maalam sa paggamit ng mga taktikang
malikhain upang magtagumpay sa pagakit ng babása at mapanatili ang interes nitó sa binabása.

Isang karaniwang patnubay sa pagsulat ng tekstong teknikal ang:


 magsulat para sa iyong mambabasáat magsulat nang malinaw;
 alisin ang di-kailangang pag- uulit;
 iwasan ang di-kailangang pang-uri at panuring;
 gumamit ng payak na salita at payak na pahayag;
 gumamit ng tinig na aktibo at himig na apirmatibo;
 sumipi ng mga sanggunian, pangungusap ng eksperto, at totoong ulat at resulta ng pagsubok;
 tiyaking malinis ang ispeling at gámit ng bantas.

Ngunit ipinapayo ding:


akitin ang madla;
umisip ng naiiba at bagong pang-uri;
sikaping mamangha ang bumabása tungkol sa paksa;
kumbinsihin ang bumabása sa layunin ng teksto.

UKOL SA MGA TERMINOLOHIYA - Mahalaga din naman ang pagsisikap na maglista ng mga ginagamit na
pantumbas sa mga terminolohiya sa bawat disiplina upang maging palagiang sanggunian sa pagsasalin
para sa layuning maging konsistent. Ang konsistensi ay isang makabuluhang tungkulin sa pagsusulat at
pagsasaling teknikal kaugnay ng pagiging wasto at eksakto sa wika. Higit na makabuluhan kung mabuo
ang listahan o registry bi ́lang isang diksiyonaryo para sa bawat disiplinang siyentipiko at teknolohiko at
maging sanggunian ng mga susunod na manunulat at tagasalin at mga guro’t estudyante ng agham at
teknolohiya.

MGA HALIMBAWA NG TEKNIKAL NA PAGSASALIN - Pagmunihan ang pagkakahawig at pagkakatulad ng


mga salin. Pangatwiranan ang kaangkupan ng bawat termino sa tiyak na konteksto ng komunikasyon.
Sa madaling salita, kung ang pangkalahatang konsepto ng pagsasalin ay paglilipat ng konsepto, salita,
diwa, kamalayan, at sensibilidad, ang teknikal ay tumitiyak na maunawaan sa TL (tunguhang
lengguwahe). Ang senyas na pedestrian crossing na “give way” ay maaaring isalin lamang sa teknikal na
pamamaraang “magparaan” May international or universal lexical usage tulad ng seatbelt, fire exit, at
emergency exit na di na kailangang tumbasan pa sapagkat lilikha ito ng ibang kahulugan.
ARALIN 8

MGA YUGTO SA AKTWAL NA PAGSASALIN: SERYE NG MGA DESISYON


• Pagpili ng Tekstong Isasalin
• Paghahanda ng mga Parallel Text
• Pagsasaling Interlingguwal
• Pagsasaling Intralingguwal
• Pagsasaling Intersemiyotiko
• Ebalwasyon ng Salin
• Rebisyon ng Salin

PAGPILI NG TEKSTONG ISASALIN - Pumili ng isang tekstong makabuluhan para sa larangang


pinagkakadalubhasaan. Manaliksik ng mga teksto tungkol sa mga batayang konsepto sa sariling larangan
na makatutulong sa pag-unawa ng kapwa mag-aaral sa propesyong tinatahak. Maaari ding pumili ng
tekstong maghahanda para sa mga kamag-aral para sa iba’t ibang oportunidad at hamon ng
pagpapakadalubhasa sa inyong larangan. Ihanda ang Translation Brief na nagdedetalye sa mga
konsiderasyon sa pagsasalin

PAGHAHANDA NG MGA PARALLEL TEXT - Suriin ang kalikasan ng simulaang teksto sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga sumusunod na tanong:
• Ano ang pangunahing mensahe ng ST?
• Madali bang basahin at unawain ang ST?
• Tumpak ba at napapanahon ito?

PAGSASALING INTERLINGGWAL - Isalin ang teksto mula sa Ingles patungo sa Filipino sa antas na
pangungusap sa pangungusap. Itala ang mga pangunahing hamon sa pagsasaling interlingguwal

PAGSASALING INTERSEMIYOTIKO - Hinahamon ng saling ito na ilipat sa ibang anyo o tanda ang
simulaang teksto gaya ng mga biswal at grapikong representasyon tulad ng brochure, poster, slogan,
komiks, infographic, at iba pa. Kailangang manaliksik ng iba’t ibang anyo ng teksto para sa pampublikong
impormasyon upang makapili ng angkop na bagong anyo ng salin.

You might also like