You are on page 1of 5

Cornago, Francesca Danielle B.

1. Mga konsidirasyon bago magsalin

Layunin - sa pag unawa ng nagtatangkang magsalin gn akdang isasalin


mahalagang malinaw sa kanya kung ano ang layunin ng orihinal na teksto upang
kanyang matiyak ang naturang layunin ay kanyang malilipat din sa salin.

Mambabasa - bago pa man maisagawa ang pagsasalin dapat na malinaw sa


isang tagasalin kung para kanino ang isinasagwang salin.

Anyo - mayroong iba't ibang tekstong babasahin kung kaya't iba't ibang
teksto rin ang maaaring salin.

Paksa - mahalagang kilalaning mabuti ng isang nagtatakang magsalin ang


akda na kanyang nais isalin maaaring habang siya ay nagsasalin at tila nangangapa
siya sa dilim.

2. Mga Posibleng Kahinaan ng Salin

* may dagdag na diwa ang salin

* kulang ang diwa ng salin

* mali o iba ang diwa ng salin

* Malabo ang kahulugan kaya't nagkakaroon ng higit sa isang kahulugan

* hindi nauunawaan na pinag uukulang mambabasa ang salin

3. Kasaysayan sa pagsasalin sa Filipinas (Virgilio Almario)

Ngunit ang higit na kapansin-pansin ay ang pananatili ng ilangkatawagang


panghukuman: “temporary restraining order,” “legalauthority,” “civil case,” at kahit
ang “file.” Kung medyo nagtiyagapa ang reporter na nagsalin, puwede naman
sanang ipalit sa “nag-file’ ang “nagsumite” o ng mas Tinagalog na
“naghain,” “nagdulog ,”“nagpasok .” Puwedeng ipalit sa “civil case” at “legal
authority” ang pa-Español na “kasong sibil” at “legal na awtoridad.”Sa hulíng naturang
hakbangin, pinaiiral ang paniwalang higitna popular ang ipinapalit na salitâng
Español sa isinasáling salitângIngles. Mas matagal na kasing ginagamit ang
“kaso,” “sibil,” at“ awtoridad” kaysa “case,” “civil,” at “authority.” Kahit ang “legal”
namay iisang anyo sa Ingles at Español ay mas kilalá ng sambayanansa bigkas
nitóng Español (“legál” mabilis) kaysa bigkas nitóng Ingles(“ligal” malumay).Ngunit
paano isasalin ang “temporary restraining order”? “Utos sapansamantalang
pagpigil”? Mawawala ang popular nang “TRO” na mulasa inisyals ng orihinal na
prase sa Ingles. (Paano nga ba ito isinalin niHukom Cesar Peralejo?) O dapat
manatili na lámang muna ang orihinalsa Ingles? Isang pansamantalang remedyo ito
na iminumungkahi kahit

ng kasalukuyang patnubay sa ortograpiya (tingnan sa tuntunin 4.6) ng


Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Pansamantalang remedyo ito atkailangan
upang maipagpatuloy ang paggamit, lalo na sa pagtuturo atpagsulat, ng mga
bagong hiram na salita. Pansamantalang remedyosapagkat naniniwala pa rin ako na
darating ang araw na may lilitawat mapagkakasunduang salin ang ganitong hiram
na salita, bukod samaaaring ipailalim sa reispeling kapag hindi na isinalin.

4. Ano ang Pagsasalin ng mga Teknikal na Sulatin Ayon kay Michael M.


Corazon

Mahigpit na kahingian, kung gayon, sa sinumang naghahangad na maging


tagapagsaling pampanitikan ang maging mahusay na mambabasa ng panitikan.
Higit sa pagkakaroon ng mataas na kakayahan sa simulaang lengguwahe (SL) at sa
tunguhang lengguwahe (TL), taglay dapat ng sinumang magiging tagapagsaling
pampanitikan ang hindi lamang pamilyaridad kundi mataas na kasanayan sa
pagpapahalaga sa teksto. Sa pangkalahatan, alinsunod sa naisadiskursong
obserbasyon ni Dr. Rosario Cruz Lucero hinggil dito, ang sinumang susuuong sa
pagsasaling pampanitikan ay dapat na may masaklaw na kamulatan sa
kasaysayang pampanitikan, may kritikal na kakayahang magsuri ng akda, at may
mahusay na kasanayan sa pagsulat na malikhain.2 Matalik na Pagbasa ang
Pagsasalin Laging binibigyang-diin ko sa mga estudyante ko, lalo na doon sa mga
nasa antas gradwado at maging sa mga nasa antas di-gradwado na ang tuon ng
pagpapakadalubhasa ay (pagtuturo ng) literatura, na ang pangunahing kasanayan
na dapat nilang malinang sa sarili ay ang “matalik na pagbasa.” Hindi ito ang
pagbasang naghahanap lamang ng aral sa teksto.

Hindi ito ang pagbasang nagpapataw lamang ng ibig sabihin na hindi naman
masusuportahan ng alinmang bahagi nito. Hindi ito ang pagbasang walang
pagsasaalang-alang sa signipikasyon o kabuluhan ng mga bahagi kaugnay ng
kabuuan ng teksto o sa kabuuan ng teksto bilang kaugnay ng mga bahagi nito. Hindi
ito ang pagbasang naghahanap lamang ng mahihirap na salita o parirala sa
pangungusap atipinagagamit sa pangungusap ng mga walang maipagawang guro,
na ang tingin sa literatura ay laging hamak na lunsaran lamang ng mga leksiyong
panggramatika o pangkomunikasyon. Hindi ito ang pagbasang nauuwi lamang sa
paggawa ng venn diagram, na aywan ko ba naman kung bakit kinawiwilihang
gamitin ng mga nagtuturo ng panitikan lalo na sa elementarya at sekundarya. (At,
kasumpa-sumpa nang talaga kung pati sa kolehiyo ay ginagawa pa.) Pagbasang
matalik ang pagbasa sa tula, o kuwento, o nobela, o dula bilang kung ano ang mga
ito—mga tekstong pampanitikan—bago pa man humantong sa kung ano-anong
paghuhusga o pag-uugnay sa samot-saring disiplinang akademiko o larang ng
búhay. Pagbasa itong gumagalaw mula sa loob palabas, mula sa labas paloob,
mula kaliwa pakanan, mula kanan pakaliwa, mula baba paitaas, mula taas paibaba
ng napakamakapangyarihang teksto. Humahanap ang pagbasang ito ng mga
imahen, padron, at/o estrukturang sinadya man o hindi ng umakda ay umiiral bilang
tampok na katangian ng teksto kayâ nanghihingi at kailangang hanápan ng
kabuluhan. Pagbasang humahango ang matalik na pagbasa sa metodo at may
mahigpit na kaugnayan sa hermenyutika na isang disiplinang nauukol sa pagbuo ng
kahulugan o interpretasyon. May umuunawa (mambabasá), may inuunawa (teksto),
at may sitwasyon ng pag-unawa (konteksto). Ang teksto bilang produkto ng isang
panahon o tiyak na kasaysayan ay may sariling pinagmumulang-pananaw na
maaaring naiiba sa pinagmumulang-pananaw ng umuunawa.

Sa gayon, may magkaibang abot-tanaw ng inaasahan ang umuunawa at


inuunawa, at sa proseso ng pagtatalaban ng isa’t isa, oo, kapuwa tumatalab na
parang taga ng itak ang isa sa isa, nagtatagpo at nagsasanib ang mga abot-tanaw.
Nagkakaroon ng pagtatanawan o nagkakatanawan ang umuunawa at inuunawa, at
humahantong sa likas na pagkabuo ng pag-unawa at pag-uunawaang may bisàng
mapagbago o transpormatibo sa umuunawa at inuunawa—isang pagpapakahulugan
o interpretasyon na kung tutuusin ay isang panibagong teksto. Dahil nga rito, hindi
isang gawaing pasíbo ang pagbasa. Dinamikong aktibidad ito sapagkat isinasangkot
nito ang sinuman sa proseso ng paglikha ng kahulugan, sa aktuwal na paglikha ng
(bagong) teksto.

5. Ano ang Pagsasalin bilang pagsasanay at kasanayan ayon kay Teo T.


Antonio

Siyensiya- Ito ay siyentipikong pag aaral sa estruktura, kilos ng daigdig pag


eeskperimento at pag buo ng mga teorya.

Tekstong Siyentipiko (Tekstong Primarya)

• Salik

• Nagdaan sa ribyu ng mga kapuwa siyentista

• Kailangan sumunod sa pormat at itinakda

• Nanghihinggil sa Imistasyon

• Espisyalisado
WIKANG TEKNIKAL

Teknolohiya- Ito ang aplikasyon sa buhay ng mga tuklas at teorya ng agham.


Tekstong Teknikal (Tekstong sekondarya)

• Sinulat upang maipaliwanag ukol sa tekstong siyentipiko

• Puwedeng pormat tulad ng Tekstong Siyentipiko

• Gumagamit ng reproduksyon—anyong halaw

TAGLAY ANG PAGIGING WASTO AT NAKABATAY SA RESULTA NG SALIKSIK


TEKSTONG TEKNIKAL

• Malinaw na komunikasyon ng kaalaman

• Kailangan manatiling obhetibo at makatunayan sa paksa

• Taktika ng malikhain

PATNUBAY SA PAGSULAT NG TEKSTONG TEKNIKAL

1. Mag sulat para sa iyong mambabasa

2. Alisin ang di-kailangan ulitin

3. Iwasan ang di-kailangang pang-uri at panuring

4. Gumamiot ng payak na salita

5. Gumamit ng tinig na aktibo

6. Sumipi ng mga sanggunian

MGA PAYO

1. Akitin ang madla

2. Umisip ng bagong panag-uri

3. Sikaping mamangha at kumbinsihin ang bumabasa sa layunin ng teksto

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAG SASALIN NG KAALAMANG


PANTEKNOLOHIYA

• Mahalaga na ang tagasalin ay bihasa sa paggamit ng wika mula sa wikang


isinasalin at wikang piangsasalinan. (Mainam na komunsolta sa diksyunaryo kung
kinakailangan)
• Ang kaalamang teknolohiya ay may mga terminolohiyang teknikal na puwedeng
tapatan ng salin at at may roondin hindi na dapat tapatan ng salita at panatilihin ang
orihinal na terminolohiya.

• “marcotting” sa “pagpapaugat” at “budding” sa “pagpapausbong”

• Sa paggawa ng sabon – ang terminolohiyang teknikal na “saponication” ay dapat


panatilihin.

• “Essential translation” – tawag sa paglalapat ng angkop na salita o pagpapanatili


ng orihinal na teerminilohiyang teknikal sa orihinal na nailalaman.

• Mahalaga na simple, maliwanag, at angkop ang mga inilapat na salita sa


pagsasalin o Upang madaling maunawaan o Upang madaling masapol at matutuhan

• Maingat angg mga tagasalin sa pag sasalin ng mga kaalamang panteknolohiya

• Dapat isaalang-alang sa pagsasalin ng kaalaman ang pag kakaroon ng mahusay


na editor ng salin o Kailangang isa rin siyang mahusay na tagasalin Kinakailangang
matalas ang kaniyang mga mata sa anumang sablay na salin o di angkop na mga
salita na ginamit sa pagsasalin Ang mga kaalamang panteknolohiya na masyadong
teknikal sa pagkakasulat sa Ingles na pawang tagakademya o kapuwa eksperto
lamang ang makakaintindi ay hindi na dapat isinasalin.

You might also like