You are on page 1of 15

Introduksyon

Ano nga ba ang pagsasaling-wika: sining o agham? Arte o syensya? May mga aklat na
nagsasabing ito'y isang sining. May mga aklat namang nagsasabing ito'y isang agham. Ayon sa
Webster ang kahulugan ng Art at Science • Art - conscious use of skill and creative imagination;
the making of things that have form or beauty, or aesthetic appeal, such as painting, sculpture,
etc. • Science - systematized knowledge derived from observation, study, and
experimentation; one that skillfully systematizes facts, principles, and methods, as the science
of music, science of theology, etc. Bumalik tayo sa tanong: Ano ba ang pagsasaling-wika: sining
o agham? Ang totoo ay nahahati ang mga dalubhasa sa pagsasaling-wika sa bagay na ito. May
naniniwalang anng pagsasaling-wika ay isang sining; may naniniwala namang ito'y isang agham.
Sa pamagat lamang ng sumusunod na dalawang aklat sa pagsasaling-wika na sinulat ng
dalawang kilalang awtor ay makikita na natin ang katotohanan ng nagkakaibang paniniwala:
"Toward a Science of Translating" ni Eugene A. Nida at "Art of Translation" ni Theodore Savory.

Ipinaliwanag ni Eugene A. Nida na kapag pinag-usapan natin ang agham ng pagsasaling-wika


(science of translating), hindi natin maiiwasang mapasuong sa aspeto ng paglalarawan. Kung
ang linggwistika, aniya ay mauuring "descriptive science" ang paglilipat ng mensahe mula sa
isang wika tungo sa ibang wika ay maari ring ituring na isang syentipiko o makaagham na pag
lalarawan. Ayon parin kay Nida, ang isang taong nagpipilit na ang pagsasaling-wika ay isang
sining at walang nang iba pa ay maaaring nagiging paimbabaw lamang ang kanyang pagsusuri
sa kanyang ginagawa. Hindi siya lumalalim nang husto upang malimi niya ang mga
makaagham na aspeto ng pagsasalin na kalimitang nakatago sa ilalim ng lantad na mga
simulain at prinsipyo. At ang isang taong yumayakap naman sa paniniwalang ang pagsasaling-
wika ay isang agham at wala nang iba pa ay hindi marahil napag-aaralan nang husto ang
kanyang ginagawa upang mapahalagahan ang makasining na aspeto ng pagsasalin, ito ang
isang hindi dapat mawalang sangkap sa isang mabuting salin, lalo na sa mga obrang
pampanitikan. Sinasabi pa ng mga hindi naniniwala na ang pagsasaling-wika ay isang sining na
kung may sining man sa pagsusulat, sa pagsasaling-wika ay wala sapagkat sinasalin lamang
isang likhang-sining. Samantala, tignan naman natin ang sinasabing ng mga naniniwalang ang
pagsasaling-wika ay using sining at hindi isang agham.

Ipinaliwanag ni Savory na sa pagpipinta, ang maling kulay o laki ng isang guhit ay katumbas ng
isang maling salita sa pagsasaling-wika; na ang pagkakamali sa dimension, sukat o proporsyon
ng alinmang bahagi ng larawan ay katumbas ng pagkakamali sa pagbibigaykahulugan sa tunay
na diwa ng isang parirala. Kapag ang isang tula, ayon sa kanya, ay isinalin ng isang karaniwang
tagapagsalin sa paraang tuluyan, katulad lamang ito ng sketch ng isang patakbuhing pintor na
hindi naging matapat sa orihinal na larawan. Ang diwa ng tula ay naroon din sa saling tuluyan
ay masasabing nawala na ang "musika" na nadarama ng mambabasa sa orihinal na tula.
Gayundin naman,sa sketch ng pintor ay namodipika na rin ang "buhay" na pumipintig sa orihinal
nalarawan; na kung may kulay ang orihinal, ang sketch ay naging black and white.
Gayunpaman, ang bihasang tagapagsalin ay maaring makagawa ng isang saling tuluyan nang
hindi nawawalang lubusanang himig o "musika" ng orihinal, tulad din naman ng isang bihasang
pintor na nabibigyang-buhay pa rin ang kanyang kinopyang larawan kahit iba ang kanyang mga
gamit at pamamaraan. Mababangit na ang salin ng mga literature sa agham at iba pang
paksang teknikal ay maihahambing sa mga larawang kuha ng isang litratista. Ito'y matapat,
tiyak, sapagkat ang mahalaga sa mga ito ay ang nilalaman o diwa at hindi ang estilo ng awtor.
Gayundin, ang pagsasaling dimalaya ay maihahambing sa matapat na paglalarawan ni
Michaelangelo sa kanyang mga painting, samantalang ang malayang pagsasalin ay maitutulad
naman sa pamaraan ni Picasso.

Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal

Naniniwala ang maraming iskolar at mga propesyonal sa pagsasalin na may dalawang


pangkalahatang uri ng pagsasalin ang pagsasaling pampanitikan at mga pagsasaling siyentipiko
at teknikal. Sinasabi rin ng mga awtoridad na teknik at pamamaraan ang dalawang pang
kalahatang uring ito. TInutukoy ng pagsasaling pampanitikan ang proseso ng muling pagsulat sa
ibang wika ng malikhaing akda tulad ng tula, dula maikling kuwento, sanaysay, nobela at iba
pang anyong pampanitikan. Samantala lahat ng tekstong hindi pampanitikan ay mabibilang sa
1
tekstong teknikal. Kabilang ditto ang mga balita, pormal na sanaysay, feature articles, agham
panlipunan, tekstong pambatas, disiplinang akademiko, teknolohiya at iba pang katulad.
Karaniwan, siyensiyang pangkalikasan (ang pinag-uusapan kapag ginamit ang terminolohiyang
pagssaling siyentipiko. Sa araling ito, pagtutuunan ng pansin ang pagsasalin sa siyensiya at
teknolohiya. Ang ganitong uri ng mga teksto’y naghahatid ng mga suliranin sa pagsasalin na iba
kaysa sa mga suliraning nakakagarap sa pagsasaling pampanitikan.

Mas eksakto ang lengguwahe ng pagsasaling siyentipiko at teknikal kaysa pagsasaling


pampanitikan; kadalasan ding hindi hinihingi sa tagasalin ang matalinghangga at matayutay na
mga pangungusap sa karaniwan sa lengguwaheng pampanitikan Sa ngayon, malaganap ang
daluyan ng impormasyon sa siyensiya at teknolohiya ang mga tekstong salin. Saan ba natin
nakikitang ang ganitong mga salin? Sa halos lahat ng bahagi ng ating pang ara-araw na buhay ay
may nakikita tayong salin na mga tekstong Ingles, mula sa mga telenobela at anime Jamggamg
sa manwal ng kagamitan sa bahay at cellphones. Sa mga transaksyon ng banko, sa pagtawag sa
ibang bansa, sa machine payment sa PLDT, Bayantel, cable tv at iba pa, makakapili ang sinuman
sa alinman sa Ingles o Filipino. Layon nga Pagsasaling SIyentipiko at Teknikal Komunikasyon
ang pangunahing layon ng pagsasaling siyentipiko at teknikal. Kung sa pampanitikang salin,
nilalayon ng tagasalin na makalikha ng isang baong obra maestra batay sa orihinal na akdang
nakasulat at ibang wika, sa pagsasaling siyentipiko at teknikal ay hindi kariktan ng teksto upang
magbahagi ng impormasyon sa mas nakakaraming mamamayan na hindi lubusang nakauunawan
ng SL, na karaniwang Ingles. Ayon kina Antonio at iniego Jr. (2006), hindi matatawaran ang
kahalagahan ng pagsasaling siyentipiko at teknikal (ST) sa pag pagpapalaganap ng impormasyon
sa iba’t ibang sangay at institusyon ng bansa. Ito rin ang pinakamahalagang sangkop sa
paglilipat, pag-iimbak at muling pagpapanumbalik ng mga karunungan sa lahat ng panig ng
daigdig.

TEKSTONG SIYENTIPIKO
Ito ay tinatawag din na "tekstong primarya" at malimit na nalalathala sa espesyalisadong jornal
sa agham. Napapailalim din sa ganitong uri ang espesyalisadong teksto na may paksaing
teknolohiko.

Bago malathala, nagdadaan ang teksto sa ribyu ng mga kapuwa siyentista at kailangang sumunod
sa format na itinatakda ng editoryal hinggil sa paraan ng pagsulat, organisasyon, paglalagay ng
kaukulang pagkilála at sanggunian

TEKSTONG TEKNIKAL
sinulat upang magpaliwanag ukol sa tekstong siyentipiko o magpalaganap ng isang praktikal na
gámit ng isang teorya o saliksik na siyentipiko. Tinatawag din itong "tekstong sekundarya" at
maaari ding may format at organisasyong gaya ng "tekstong primarya.

Hambingin ng tekstong siyentipiko at tekstong pampanitikan

Mga tekstong Siyentipiko


 Pagiging makatwiran
 katiyakan Katwiran
 Katotohanan sa particular na realidad Heneralisasyon
 Kahulugang reperensyal Denotasyon Leksikal na paglalapi
 Madalang ang idyomatikong pahayag
 Paggamit ng mga daglat, akronim, register
 Mga karaniwang ekspresyon Paggamit ng mga siyentipikong terminolohiya,
espesyalisadong item at pormula
 Hindi gumagamit ng mahahalagang pananalita

Mga tekstong pampanitikan


2
 Kawalan nga argumentong pagsulong
 Kawalang katiyakan Emosyon
 Katotohanan sa ideyal
 Pagpapatunay Kahulugan batay sa emosyon
 Konotasyon Gramatikal na paglalapi
 Madalas anag idyomatikong pahayag Limitadong daglat, akronim, register
 Halos lahat ng uri Hindi gumagamit ng mga siyentipikong terminolohiya o pormula
 Malawak na paggamit ng matalinhagang pananalita

Ang mga dokumento na nangangailangan ng teknikal na pagsasalin ay nangangailangan ng isang


malalim na pag-unawa sa larangan at kaalaman sa terminolohiya nito. Ang layunin ay upang
matiyak ang pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng mga taong nagsasalita ng iba't ibang
wika sa pamamagitan ng mga materyales na pang-agham at negosyo: mga artikulo,
dokumentasyon, manual. Ang pinakatanyag ay nakasulat na mga teknikal na pagsasalin.

Ang tagasalin ng Tekstong SIyentipiko at Teknikal TUlad din ng iba pang uri ng teksto,
ang tagasalin ng tekstong siyentipiko at teknikal
1.Kailangang may sapat nakahandaan sa pagsasalin.
2.Kailangan niya ng kahusayan sa dalawang wikang sangkot sa pagsasalin
3.Kailangan ding malalim ang kaalaman niya sa paksang isasalin Kaya’t maitatanong;
4.Sino ang may karapatang magsalin ng tekstong siyentipiko at teknikal?

*Kung information technology ang paksang isasalin kailangan bang sangkot sa gawaing ito ang
tagasalin?
*Kung kemistri ang isinisalin, kailangan bang kimiko ang tagasalin?
*Kung medisin ang paksa doctor lamang ba ang may karapatang magsalin?
Para sa larangan ng medisina, sinagot ni Maria O’Neill, MD ang tanong na ito sa kanyang “Who
makes a Better Medical Translator; The Medically KNowledgable Linguist or Linguistically
Knowledgable Medical Professional? A physician Perspective” (1998) Sinabi niya na dahil sa
kakaunti ang mga doctor na nagsasalin ng paparaming tekstong medical na kailangan maisalin sa
iba’t ibang wika, mas maasahan ang mga tagasalin, na hindi niya ang terminong “medical
professional” sa halip na “physician” o doctor upang tukuyin hindi lamang ang mga
manggagamot o doctor kundi pati na rin mga nars, dentist, paramedic at iba pa. Pare-pareho
silang kumuha ng mga pangunahing kurso sa biology, chemistry, biochemistry, organic
chemistry, anatomy, physiology, pharmacology, at iba pa, kaya pamilyar sila sa lengguwaheng
ginagamit sa medisina.

Ayon naman sa London Institue of Linguistics (sinipi nina Antonio at Iniego Jr., 2006)
kailangang taglayin ng mga tekstong siyentipiko at teknikal ang sumusunod na mga katangian
 1. Malawak na kaalaman na paksa ng tekstong isasalin
 2. Mayamang imahinasyon upang mailarawan sa isiin ang mga kasangkapan
 3. Katalinuhan, upang mapuhan ang mga nawawala at/o malabong bahagi sa orihinal
na teksto;
 4. Kakayahang makapamili at makapagpasya sa pinakaangkop na terminong
katumbas mula sa literature ng mismong larangan o sa diksyonaryo.
 5. Kasanayang gamitin ang pinagsasalinang wika nang may kalinawan, katiyakan, at
bias; at
 6. Karanasan sa pagsasalin sa mga kaugnay na larangan o disiplina

Mga Suliranin sa Pagsasalin ng Tekstong Siyentipiko/ Teknikal

3
 Isa sa mga karaniwang suliranin sa pagsasalin ng tekstong siyentipiko/ teknikal ay
ang tinatawag ni Mona Baker sa kanyang in other words (1992) naproblem of non
equivalence.; source languageconcept not lexicalized in the target language.
 Walang katumbas na salita sa tunguhang lengguwahe ang konsepto sa simulang
lengguwahe. Paano tutumbasan sa Filipino ang mga salitang tulad ng computer, web
page, software, diskette, chips, motherboard, keyboard, at iba pa? May nagsasabing
hindi pa raw handa ang wikang Filipino bilang wika ng siyensiya at teknolohiya, ng
information techinology dahil sa kakapusan ng mga terminolohiyang maitutumbas sa
mga salitang kumakatawan sa mga konseptong banyaga.
 Dalawa ang problema sa pagtutumbas ng mga salitang dayuhan nawalang katapat na
wikang Filipino; panghihiram ng mga salita at pagbaybay sa mga salitang hiram.
Panghihiram ng mga Salita Dahil sa bilis nga mga pagbabagong nagaganap sa mundo
lalo na sa siyensiya at teknolohiya, naparaming salita mula sa ibang bansa ang
pumapasok sa pag-araw-araw na bokabularyo ng mga Pilipino. Tulad na lamang ng
kompyuter, Cellphone, Ipod, at iba pang makabagong mga kasangkapan. Isasalin pa
ba ito? Lilikha ba ng mga baong salita upang matutubasn sa ating wika ang mga
salitang ito? O gawin ang mas madali- hiramin ang salitang tumutukoy sa mga
bagong kosepto at bagong kasangkapan?
 Ang panghihiram ng salita’y hindi totoong panghihiram. Kapag nanghiram tayo ng
pera, libro, o ano mang gamit, isinasauli natin ang hiniram. Ngunit sa panghihiram ng
salita, wala ng saulian. Ni hindi nga alam ng hinihiramang wika na nakapagpayaman
pala ito ng ibang wikang nanghiram.
 Malaya pa rin ang nanghiram na baguhin ang salitang hiniram at Iangkop ito sa
bigkas at ortograpiya ng wikang nanghiram. Sumakatuwid, inaangkin nang tuluyan
ng nanghihiram ang mga salitang hiniram.

May dalawang uri ng panghihiram


1.Panghihiram na Kultural - KaranIwang hinihiram ang mga salitang nakabuhol sa
kultura ng wikang hinihiram. Halimbawa, sa pagsasalin ng Nobelang Hapones, hindi
maihahanap ng katumbas ang mga salitang nakabuhol sa kulturang Haponees tulad ng
tempura, obi, kimono, sensei at iba pa. Gagamitin nang buo at walang pagbabago ang
mga salitang ito Bagamat “guro” ang pinakamalapit na katumbas ng “sensei” hindi pa rin
sapat ang salitang “guro” dahil may konotasyong kultural ang “sensei” na wala sa salitang
guro.

2.Panghihiram Pulitikal - Karaniwang nagaganap ito sa mga bansang sinakop ng ibang


bansa. Mahigit 300 taong sinakop ng mga kastilan ang Pilipinas kaya maraming salitang hiram
mula sa wikang Kastila. At dahil din mas malapit ang tunog nga wikang Kastila sa tunog ng
ating wika, dito’y may tuntunin ng anyong Kastila ang hiniram, hindi ingles. Nagbunga ito ng
mga salitang hindi Ingles ngunit hindi rin Kastila. Ang halimbawang ito’y hango kina Almari, et
al (1996) Basic education = basikong edukasyon Basic needs = basikong pangangailangan Basic
investigation = basikong Imbestigasyon Basic knowledge = basikong kaalaman May mga
salitang agad tinanggap ng mamayan ang binagong anyo kahit ibang-iba ang hitsura sa orihinal
na baybay;tulad ng coup d’ etat na kudeta ang katumbas sa Filipino.

KATANGIAN NG TAGASALING TEKNIKAL :

1.Kaalaman sa paksa
2. mga kasanayan sa saliksik
3.mga kasanayan sa pagtuturo
4.mga kasanayan sa pagsusulat

4
MGA KARANIWANG PATNUBAY SA PAGSUSULAT NG TEKSTONG TEKNIKAL

1.Magsulat para sa iyong mambabasa at magsulat ng malinaw


2.Alisin ang di -kailangang pag -uulit
3.Iwasan ang di – kailangang pang-uri at panuring
4.Gumamit ng payak na salita at payak na pahayag
5.gumamit ng tinig na aktibo at himig na apirmatibo
6.Sumipi ng mga sanggunian, Pngungusap ng eksperto at totoong ulat at resulta ng pagsubok
7.Tiyaking malinis ang ispeling at gamit ng bantas.

Pinapayo din na :
1. Akitin ang madla
2. Umisip ng naiiba at bagong pang-uri
3. Sikaping mamangha ang bumabasa tungkol sa paksa
4. Kumbinsihin ang bumabasa sa layunin ng teksto

Ilan sa mga teknikal na salita:


Amortize Debt General Appropriations Act Revenue
Billion Deficit Gross Borrowing Tax revenue
Borrowing Finance Interest
Trillion
Budget Financing Interest Payment
Cash Fiscal Program Outstanding Debt
Sufficient available cash

Pamamaraan sa Angkop na Pagsasalin ng mga Salita.


Inilapat nila ang mga pamamaraang ito sa pagasa-Filipino ng mga konsepto sa sikolohiya.

1. Salitang-angkat (direct borrowing). Paggamit ng mga salita o ideya mula sa ibang wika ayon
sxa orihinal nitong kahulugan at baybay, at maaaring magkaroon nga kaunting pagbabago sa
baybay kapag madalas nang ginagamit. Mga halimbawa; persepsyon (perception), amnesia
(amsnesia), karsis (catharsis), at iba pa

2. Saling paimbabaw (surface assimilation). GInagamit ang salita ayon sa orihinal nitong
teknikal na kahulugan. Halimbawa, “reimporsement” bilang panumbas ng reinforcement. Ayon
pa rin kina Antonio at Iniego Jr.” maari rin naming intensyonal na ibahin ang baybay, pagbigkas
at kahulugan ng orihinal na salitang banyaga bilang isang anyo ng protestang lingguwistik- gaya
ng pagmamali sa isang tamang bigkas – suggestement para sa suggestion, at iba pa

3. Saling panggramatikal (grammatical translation). Nang una’y hiniram ang pariralang “social
iteraction”, na nagging “sosyal inter-aksyon” na sa bandang huli’y nagging “interaksyong sosyal

4. Saling-hiram (loan translation). Ito’y isa sa pinakamagandang paraan sa pagbuo ng bagon


salita para sa sikolohiyang Filipino. Halimbawa; “paghuhugas-utak” para sa brainwashing,
ngunit hindi ito tinanggap ng marami. Ngayon, tinatanggap na panumbas ang “paghuhugas-isip”

5
5. Saling likha (word invention) Kakaunti lamang ang mga salitang likha sa larangan ng
sikolohiya at ang mga ito’y nagbunga pa ng mga biro. Ipinayo nina Antonio at Iniego Jr.na sa
paglikha ng mga bagong salita, lalo na kapag kaugnay ng sekswalidad, kailangang isaalang-alang
ang pagkapino at sensibilidad upang mapaghiwalay ang bastos sa magalang.

6. Saling-daglat (abbreviated words). Mga halimbawa nito ang S-R para sa stimulate-response at
IQ para sa intelligence quotient. Pinaiikli ang mga salita o gumagamit ng mga akronim na mas
madalas gamitin kaysa sa mahahabang salita.

7.Saling tapat(parallel translation). Ito ang katutubong paraan ng pag-iisip at paggawa na


napapayaman sa ating wika at kultura. Halimbawa, ang social interaction ay tumutukoy sa
relasyon ng mga tao kaya maaring gamiting pandagdag sa bokabularyo ang “pakikisalamuha”.

8. Saling-taal (indigenous- concept oriented translation). Mahalagang tuklasin kung alin ang
makabuluhan sa lipunang Pilipino kaysa hiramin na lamang ang mga koseptong dayuhan. Sa
ganitong paraan, isinusulong ng mga sikolohista ang kosepto ng “kapwa” na likas sa
pagpapahalagang Pilipino.

9. Saling-sanib (amalgamated translation). Humango ng mga salita mula sa mga katutubong wika
sa Pilipinas. Ginagamit sa sikolohiyang Pilipino ang salitang “mahay” kapag “nagmamahay” ang
isang Cebuano, ibig sabihi’y binigo siya ng kapwa Cebuano Mga halimbawa ng Aktuwal na
Salita Mula sa PLDT Touch Card Service Ingles: Please enter your card number followed by a
pound sign Tagalog: I-dial ang inyong card number. Sundan ito ng pound sign Ingles: Please
enter the number you wish to call followed by a pound sign. Tagalog: I-dial ang numerong nais
tawagan at sundan ito ng pound sign. Ingles: Your call is being connected. Tagalog: inaasikaso
na ang inyong tawag. Makikita sa mga halimbawang ito na ang iba’t ibang pamamaraan ng
pagtutumbas at pagbaybay ng mga salitang hiram na natalakay sa itaas. Mapapansin din na ang
lengguwahe ng pagsasaling teknikal ay nakakiling sa Ingles.

Sa isang papel ilang taon na ang nakalilipas. Dr. Ponciano B. P. Pineda, na ang wika ng siyensiya
at teknolohiya ay terminolohiya ng Ingles. Hindi maiiwasan ito sapagkat gaya ng nabanggit na,
walang katumbas na salita sa wikang katutubo ang konseptong mapapabagal lamang ang proseso
at baka pa magbunga lamang ng di pagkakaunawaan. Matapos isalin ang isang teksto, mahalaga
ring isaalang-alang ng tagasalin ang kanyang target audience.

Ang mga teksto ay puno ng mga bokabularyo sa pagtawag ng mga bagay at konsepto na
nauugnay sa apektadong lugar. Ang mga salitang ito ay hiniram mula sa iba pang mga wika,
pagdadaglat, pagsulat at kahit na may mga katumbas sa panghuling wika ng pagsasalin.
Halimbawa, ang mga konsepto sa Ingles at ang kanilang kahulugan ng Russian: transceiver -
transceiver, modulator - modulator.

Ang bawat globo ng aktibidad ng tao ay nasa proseso ng patuloy na pag-unlad, samakatuwid,
lumilitaw ang mga bagong matatag na parirala, pagdadaglat, at termino. Ang tagasalin ay dapat
na patuloy na magtrabaho sa kanyang kaalaman upang mahanap ang eksaktong katumbas sa
kanyang sariling wika.

Ang kalidad sa pagpapakahulugan ng teksto ay sinusukat ng kawastuhan, o pagkakapareho, ng


resulta sa orihinal. Ang isang mahusay na pagsasalin ay nagbibigay-kasiyahan sa mga
kinakailangan tulad ng:

 kawastuhan, kawalan ng nawawalang mahahalagang bahagi ng dokumento;


 conciseness, maigsi na presentasyon;

6
 pagsunod sa mga kaugalian ng wikang pampanitikan, ang kawalan ng syntactic na mga
konstruksyon na inilipat mula sa orihinal na wika;
 pinag-isang terminolohiya;
 pagsunod sa mga patakaran para sa disenyo ng teksto ng computer.

Kapag binibigyang kahulugan ang isang dokumento o artikulo, ang mga depekto sa estilo na
hindi nagpapahintulot sa isang malinaw na pag-unawa sa kakanyahan ay hindi dapat gamitin:
amorphous (pagkakaroon ng higit sa isang interpretasyon) na mga pangungusap, binago ang
lohikal na stress sa mga parirala, "galit na galit" na mga koneksyon sa pagitan ng mga salita. Ang
huli ay nangangahulugang kawalan ng katanggap-tanggap sa pagtatayo ng mga pangungusap
upang ang isang koneksyon ay lilitaw sa pagitan ng mga salitang wala ito sa orihinal na bersyon.

Ang nilalaman sa tapos na pagsasalin ng clericalism, siyentipiko at masalimuot na mga liko ay


hindi katanggap-tanggap. Halimbawa, sa halip na "walang dahilan" dapat mong isulat ang
"walang dahilan". Ang patakaran ay ang paggamit lamang ng mga salitang iyon na hindi ma-
dispense. Ang mga simpleng pagpipilian ay mas natural at mas nauunawaan.

Ang anumang awtomatikong tagasalin sa Internet ay makayanan ang gawain ng pagsasalin ng


teksto - at hindi ito gagastos ng isang sentimos. Ngunit hindi natin dapat kalimutan na ang isang
nakaranasang teknikal na tagasalin lamang ang magsasagawa ng tungkulin na turnkey,
paghahanap ng tamang mga termino at pagtanggal ng labis.

Mga Halimbawa:

7
8
9
Wika
- Tinatawag din itong lengguwahe
- Mas malawak at malaki ito kaysa sa diyalekto.
- Mas marami ang gumagamit at may cognate na maiintindihan ng mayorya sa bansa.
- walang mutual intelligibility ang wika. ibig sabihin, kapag hindi nagkaintindihan ang dalawang
taong nag-uusap, gumagamit sila ng magkaibang wika

PAGTUTUMBAS MULA SA KATUTUBONG WIKA

Isang Konstitusyonal at makabayang tungkulin sa pagpapayaman ng wikang pambansa. Sa anumang


pagkakataon, kailangan tupdin muna bago isaisipang panghiram at paglikha. Isang paggalang ito at
pagtitiwala sa kakayahan ng wikang pambansa at ng ibang katutubong wika sa Pilipinas. “Almario,
1997,97-98)

10
Pagsasalin Sa Rehiyonal Na Wika Proseso ng Pagsasalin
1.Pagtutumbas mula sa Tagalog/Filipino
2.Pagtutumbas mula sa ibang katutubong wika sa Pilipinas
3.Panghihiram sa Kastila
4.Panghihiram sa Ingles na may pagbabago sa baybay
5.Panghihiram sa Ingles na walang pagbabago sa baybay
6.Paglikha

Mga Pag-aaral Hinggil sa Pagsasalin sa Wikang Filipino


Metodo:
1.Literal na Pagsasalin –pagtutumbas ng orihinal na wika sa pinakamalapit na estrukturang
gramatikal ng tagatanggap na wika
2.Malaya o idyomatikong pagsasalin –pagsasalin nang walang pagsasaalang-alang sa
estruktura o anyo ng orihinal na wika

Wikang Iloko
Iloko: Nagpintas diay balasang.
Fil: Napakaganda ng dalaga.
Ingles: I have sleepless nights thinking about you.
Literal: Ako ay mayroong tulog na kulang sa gabi pag-iisip sa tungkol sa iyo.
Idyomatiko: Hindi ako makatulog sa gabi sa kaiisip sa iyo.

Gabay sa Pagsasalin ni Jamilosa-Silapan


1.Transposisyon–pagpapalit ng posisyon ng simuno at panaguri o ang pagpapalit ng lugar
ng mga salita sa loob ng pangungusap.
SL: ―Di pay la madadael ti yubuyoban, inlunodko
‖TL: ―Masira sana ang yubuyoban, isinumpa ko.
2.Naturalisasyon–adapsyon ng salita mula sa SL na sinusunod ang pagbabaybay ng TL.
i.Association –asosasyon ii.Administration –administrasyon
3.Pagdaragdag i.―Ket daydi a nakuttong nga immay idi naminsan? Ken daydi mestizo idi
naminsan?‖ii.―E, ‗yon hong matandang payat na naparito no‘ng minsan? At ‗yong
mestisong naparito no‘ng isang araw
4.Pagkakaltas i.―Napan iti kuartona. Innalana ti ladawanna iti bassit a kuadro iti tuktok ti
aparadorna. Nagayuyang ti isem iti napalabbaga a bibigna.‖ii.―Sa sansaglit lamang ay
lumabas ng silid si Tandang Sepa at nang magbalik ay dala na ang larawan niya sa isang
munting kuwadro. Kaytamis ng ngiti niya.
5.Kultural na Pagtutumbas i.―Imbag la nga aramaten ni bumaket.‖ii.Kahit gamitin na lang
11
ng misis ko.
6.Functional na katumbas –higit na gamitin at tinatanggap na kahulugan.Pogi kaysa gwapo
7.Modulasyon–paglulumanay sa tindi ng kahulugan ng salita i.Tinanaw kasya ginalugad
(sinawarko)
8.Adapsyon/paglilipat i.Paghihiram ng salita na hindi binabago ang baybay Gamitin ang
literal na pagsasalin at ipanatalihin ang estilo.

Wikang Pangasinense–pagpapanatili sa isyung tinatalakay sa sarswela –ang damdamin,


atmospera, karanasan

Korang na Panaon Basing: Anta ni nen Don Blas yan sopokpoken ya lugar? Pagerger koy
beklewko no naalmo to ita ni. Basing: Alam ba ni Don Bilas na suot-suotan ang lugar na ito?
Pagilit ko leeg ko kung matagpuan pa niya tayo rito.

Wikang Ibanag at Itawes: Ang Kaso ng Pagsasalin ng Palavvun at Unoni


Palavvun –―hulaan mo‖Unoni –inaawit; katumbas ng salawikain
Walang titik k sa Itawes Mukha –muyung (Enrile, Tuguegarao); mukat (Iguig) Talong –
bringhenas (Tuguegarao); baringkinat (Iguig) Saging –bahat (Iguig); bat (Solana, Tuao)

Halimbawa ang isang Filipino at Isang Aleman


na nakikipag komunikasyon.

"Ich werde nicht verpassen"


- kapag nagtangkang mag-usap ang dalawa, tiyak na hindi sila magkakaintindihan kung wala
silang alam at pormal na pag-aaral sa magkaibang wika.
Halimbawa ng ibang mga wika

12
Diyalekto
- Tinatawag din itong wikain, lalawiganin o dayalek.
- Varyant lamang ito ng isang malaking wika.
- Mas maliit at limitado ang saklaw nito gayundin ay kaunti ang gumagamit kumpara sa wika.
- Madalas na nakabatay ito sa heograpiya/maliit na lugar. May Mutual Intelligibility ito.
Nangangahulugang kapag may dalawang taong nag-uusap, kahit magkaiba sila ng lugar
na kinalakihan subalit nagkak intindihan, diyalekto, ang gamit nila bilang midyum ng usapan.s

Magkaiba ang kanilang sinasalita subalit nagkakaintindihan pa rin. Diyalekto ang midyum na
nag-uugnay sa kanila.
Sinasabi rin na halata ang punto ng isang taong nasanay ang dila sa diyalektong kanyang gamit
sa pangaraw-araw na buhay. Kung gayon, diyalekto ang Bikol-Naga, Bikol-Nabua, Bikol-Daet,
Bikol-Sorsogon, Bikol, Masbate. Pero sa pangkalahatan wika ang Bikol

May mga pagkakahawig din ang ispeling at tunog ng mga salita sa isang diyalekto. Madalas na
pagsimulan din ito ng Stereotyping o pagkakahon sa isang tao batay sa lugar na pinanggalingan.
Sinasabi rin na halata ang punto ng isang taong nasanay ang dila sa diyalektong kanyang gamit
sa pangaraw-araw na buhay. Kung gayon, diyalekto ang Bikol-Naga, Bikol-Nabua, Bikol-Daet,
Bikol-Sorsogon, Bikol-Masbate. Pero sa pangkalahatan, wika ang Bikol.
Kapag hinati-hati ang bikol sa mga subkategorya, nagiging diyalekto ang taguri nito
Madalas mapagkaiba ang isang diyalekto sa kapuwa-diyalekto sa tatlong aspeto

MGA HAKBANG SA AKTUWAL NA PAGSASALIN

A. Pagtutumbas Dalawang Yugto: Alinsunod sa bagong patakaran ng Komisyon sa


Wikang Filipino (KWF)

13
1. Paghahanap ng pantumbas na salita mula sa kasalukuyang korpus ng wikang Filipino
2. Ang pagtuklas ng pantumbas mula sa ibang katutubong wika ng Filipinas (bahagi ito
ng adhika ng KWF sa pagpapayaman ng Wikang Pambansa)  Ang pagtuklas ng
pantumbas bago manghiram ay iminumungkahing pag-ukulan ng panahon ng mga
tagasalin.

ANG WIKA NG PAGSASALIN… Ambag na Bokabularyo mula sa Wikang Katutubo


A. Pagtutumbas a. “surface” (english)- rabaw (Ilokano) b. “wild” (english)- ilahas
(Kiniray-a at Hiligaynon) c. “body” (english)- lawas ( Cebuano at Waray)
B. Panghihiram  Inuunang hiramang wika ang Español kampana- campana kandila-
candela bintana- ventana silahis-celajes  Itinuturing na ikalawang hiramang wika ang
Ingles.
Dalawang yugto ang panghihiram sa Ingles:
1. paghiram sa salita nang walang pagbabago
2. pagreispel

ANG WIKA NG PAGSASALIN… Ambag na Bokabularyo mula sa Wikang Katutubo


B. Panghihiram -Pagreispel  Alinsunod sa 2013 Ortograpiyang Pambansa ng KWF, may
tatlong pagkakataong hinihiram nang walang pagbabago ang mga salita mula Ingles.

Sa mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang banyaga gaya ng: pangalan ng tao
(Charles, Felipe, Jan, Vanderbilt); pangalan ng pook (Filipinas, Nueva Ecija, New
Jersey); at iba pang pangalang nagsisimula sa malaking titik.

Ang Google Translator

Google Translate is a multilingual neural machine translation service developed by Google,


to translate text, documents and websites from one language into another. It offers a website
interface, a mobile app for Android and iOS, and an application programming interface that
helps developers build browser extensions and software applications.

14
15

You might also like