You are on page 1of 2

Ang salitang wika ay nagsimula sa salitang “lengua” na ang literal na kahulugan ay

dila at wika. Maraming kahulugan at kabuluhan ang wika tulad ng; ito ay behikulo

ng paghahatid ng mga impormasyon saan mang lugar ka naroon, sa paaralan,

tahanan o kahit saan. Instrumento din ito ng komunikasyon sa pamamagitan din

ng wika, mabilis na naipapalaganap ang kultura ng bawat pangkat. Higit sa lahat

simbolo ito ng kalayaan. Sa kabilang dako, nagkaroon ng ibang kahulugan at kabuluhan ang wika

sa Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo.

Ang Wikang Panturo at Wikang Opisyal ay nagkakatulad ng baybay ngunit magkaiba ito ng kahulugan

at kahalagahan. Nakapaloob sa Konstitusyon 1987 ng Republika ng Pilipinas ang Filipino bilang wikang

pambansa o opisyal na wika. Ang dating wikang Tagalog na napalitan ng Filipino ay patunay lang na

patuloy na umuunlad ang ating bansa lalo na ang ating bokabularyo. Bukod sa wikang opisyal

tinatawag din itong pambansang lingua franca dahil ito ang ginagamit ng magkausap kapag magkaiba

ang kanilang katutubong wika.


Sa larangan naman ng pormal na edukasyon, Filipino ang wikang panturo sa mga paaralan sa

iba’t ibang asignatura gaya ng Filipino, Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapahalaga at

maging sa MAPEH at TLE ay sinasalitan din nila ng Filipino. Layunin nito ang mapabilis ang

pagkatuto ng mga mag-aaral at maiangat ang antas ng mga kababayan.

You might also like