You are on page 1of 1

Alamin ang iba’t ibang learning delivery modalities sa pagpapatuloy ng edukasyon:

✔️Ang distance learning ay isang alternatibong paraan upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga
mag-aaral. Nahahati ito sa tatlong uri.

✔️Sa Modular Distance Learning (MDL), maaaring gumamit ng mga printed module o mga module na
nasa digital format gaya ng CD, DVD, laptop, computer, tablet, o smartphone ang mga guro at mag-
aaral.

✔️Ang online distance learning ay ang pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang
iba’t ibang teknolohiya na mayroong internet access. Maaaring gumamit ng mga digital format katulad
ng mga CD, DVD, laptop, computer, o tablet.

✔️Ang mga self-learning module ay maaaring maituro at maipalabas sa pamamagitan ng telebisyon at


mapakinggan sa radyo.

✔️Ang blended learning ay kombinasyon ng iba pang delivery mode o pinagsamang online distance
learning, modular distance learning, at TV/Radio-based Instruction. Dito ay maaaring gamitin ang mga
printed module, iba’t-ibang digital format kasabay ng pagkatuto sa TV at radyo.

✔️Ang homeschooling ay pagbibigay pribilehiyo sa mga magulang at mag-aaral na magkaroon ng home-


based learning environment na pangangasiwaan ng mga kwalipikadong magulang, guardian, o tutors na
sumailalim sa training. Mahigpit pang pinag-aaralan ito bago tuluyang mapalaganap.

Kung may iba ka pang katanungan, i-comment mo lang ‘yan dito or i-message mo kami!

#SulongEduKalidad #DepEdBayanihan #DepEdPhilippines #DepEdTayo

You might also like