You are on page 1of 4

Allan Lloyd M.

Martinez Oktubre 13, 2020


BSED Filipino II G. Ryan D. Raran

PAGSUSURI SA PELIKULANG METRO MANILA


I. SINOPSIS
Ang Metro Manila ay isang pelikula na inilabas noong 2013 sa panunulat at
direksyon ni Sean Ellis. Ito ay pinangunahan nina Jake Macapagal, Althea Vega at John
Arcilla. Ang nasabing pelikula ay napili bilang isa sa mga British entry bilang Best
Foreign Language Film sa 86th Academy Awards ngunit sa kasamaang palad ay hindi
ito nakasali sa nominasyon.
Ang Metro Manila ay isang pelikula tungkol sa isang magsasaka na si Oscar
Ramirez (Jake Macapagal) na nakatira sa probinsya ng Banaue kasama ang kanyang
asawa na si Mai (Althea Vega) at ang kanilang anak na sina Angel at Baby. Nang hindi
mabenta ang kanilang nasakahang palay at bunga ng matinding kahirapan doon,
nagpasya silang lumipat sa Maynila upang makahanap ng trabaho na siyang maging
tulay sa pag-ahon nila sa nasabing suliranin.
Nang makarating na ang pamilya sa Maynila, naranasan nilang naloko at
nakatira sa daan habang naghahanap ng trabaho hanggang sa nakakita sila ng
kanilang matutuluyan sa isang bakante na bahay sa Tondo. Si Oscar ay nakahanap ng
trabaho at pumasok bilang isang security officer sa isang armoured van company at
doon niya nakilala si Ong (John Arcilla) na naging kasama niya sa trabaho at
kinalauna’y tumulong sa pamilya niya na makahanap ng magandang tirahan.
Sa kabilang dako, nagpasya si Mai na maghanap ng trabaho upang makatulong
rin sa pag-ahon nila sa kahirapan. Naranasan niyang pumasok sa prostitusyon sa
tulong ni Charlie (Angelina Kanapi) bilang bilang bar hostess sa isang nightclub sa
Makati. Dahil dito, naranasan niyang gumawa ng mga masamang bagay.
Habang nasa trabaho, natuklasan ni Oscar ang isang kliyenteng drug dealer at
nakita niyang kumukuha ng kamay si Ong para sa paghahatid. Maigting ang pag-uusap
ng dalawa tungkol sa katiwalian na tumatakip sa Metro Manila. Kasunod ng mga
pangyayaring iyon, sa isang lugar na kanilang pinuntahan, biglang nakita ni Oscar ang
isang maitim na Honda Civic na tatawid kasama ang isang gang patungo sa direksyong
tinahak ni Ong. Dahil dito, lumabas si Oscar at sinundan ang bandidong grupo pero
natuklasan niya na parte pala ito sa plano ni Ong.
Nang umalis na ang bandidong grupo, ibinunyag ni Ong kay Oscar na matapos
ang nakawan ay kinuha niya ang isa sa mga security box at siya'y nakikipagsabwatan
sa gang na buksan ang kahon sa pamamagitan ng pagnanakaw sa processing centre
ng kompanya habang si Oscar ay gumagawa ng imprenta ng susi sa ibang silid.
Pinagbantahan ni Ong si Oscar na ibunyag ang katotohanan tungkol sa kaniyang
asawa na nagtatrabaho sa night club at ang tusong pakana na paupahang apartment
sa ilalim ng pangalan ni Oscar at ang pagtago ng kahon doon. Kung gaano kahanda si
Ong para isuko ang kahon, alam niyang ang magnanakaw na nasa harapan niya ay
hindi bahagi ng gang kundi ang taong nakatakas nang siya’y binaril.
Nang malaman ng asawa ni Ong tungkol sa security box, nagmamadali si Oscar
pauwi sa kanilang bahay at nahanap ang nasabing kahon sa ilalim ng kanilang sahig.
Nang makita ito ni Mai, napag-usapan nila na mali ang kanilang paglipat sa Maynila
habang pinag-usapan kung ano ang gagawin sa kahon.
Isang gabi, pagkatapos ng trabaho, si Oscar ay pumuslit sa processing centre
ng kompanya at kumuha ng imprenta na susi habang ninakaw ang isa pang susi doon
ngunit nahuli siya sa isang CCTV camera kaya namamadali siyang umalis pero sa
kasamaang palad ay nabaril siya at binawian ng buhay.
Si JJ (Reuben Uy), ang bagong kasama ni Oscar na naging "postman" ay
personal na ibinigay ang kanyang kagamitan kay Mai. Napansin niya ang isang locket
na ninakaw ni Oscar sa isang tindahan maaga nang umagang iyon at pagbuksan niya,
nakatuklas siya ng isang putik na may susi ng kanyang sisidlan. Pagkatapos makuha
ang replikang susi, umalis siya ng lungsod kasama ang kanyang mga anak sakay ng
bus dala ang limpak-limpak na salapi.

II. PAGKONEKTA NG LENTENG REALISMO SA PELIKULA


Batay sa mga eksenang ipinalabas ng pelikula, ang Metro Manila ay
makokonekta siya sa lenteng realismo dahil ang mga eksenang makikita sa nasabing
pelikula, lahat ng mga ito ay totoong nangyayari sa realidad. Kahirapan, kriminalidad,
pagkapit sa patalim at panloloko ang iilan lamang sa mga senaryong makikita sa
pelikula na karaniwang nangyayari sa atin sa realidad. Kung ang uri ng realismo ang
pag-uusapan, sikolohikal na realismo ang makikita sa pelikula dahil mga may eksenang
maglalarawan sa motibo ng tao sa pagkilos.
Bilang patunay, sa unang bahagi ng pelikula, inilarawan dito ang paglipat ng
pamilya mula sa probinsya ng Banaue patungong Maynila upang makahanap ng
trabaho na siyang maaaring maging susi sa kanilang pag-ahon sa kahirapan. Sa
eksenang ito, inilarawan dito ang paglipat ng tao sa isang lugar dahil sa magandang
oportunidad na makukuha dito kapag may trabaho na siyang maging susi sa pag-ahon
nito sa kahirapan at ito ang naging motibo ng pagkilos ng pamilya sa paglipat sa
nasabing lugar. Totoo ito dahil may mga pagkakataong kailangan talagang lumipat sa
isang lugar kung saan ang kinabukasan ng kanilang ng pamilya ang maaaring
nakasalalay dito kung sa probinsya palang ay naghirap na. Naranasan ko ang ganitong
senaryo noong 2016 dahil mula Bukidnon ay lumipat kami dito sa Cagayan de Oro
bunga ng kahirapang nararanasan namin kaya gawin namin ito dahil aming
kinabukasan ang nakasalalay nito. Gayundin ang iilan sa mga Pinoy na nagtatrabaho
sa abroad at kinalauna’y naging permanenteng residente na sila sa lugar na kanilang
pinagtrabahuan dahil sa mga magandang oportunidad na makukuha nito para sa
kanilang karera at kinabukasan ng kanilang pamilya.
Isa rin sa mga eksena ng pelikula na nagpapatunay sa ganitong uri ng realismo,
nang lumipat ang pamilya sa Maynila, parehong naghahangad na makahanap ng
trabaho si Oscar upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw na
pamumuhay. Dahil sa kahirapan, lalo na’t naranasan nilang naloko, nakatira sa kalye at
nakatira sa lugar na talamak ang kriminalidad doon, pumasok si Oscar bilang security
officer ng armoured van company dahil sa kanyang karanasan sa militar. Ang ganitong
senaryo ay totoong nangyayari sa trabaho dahil minsan, kahit wala sa hinahanap nilang
pamantayan sa mga aplikante, minsan ay naaawa ang mga nasa kaulohan nito na
kunin nalang sa trabaho dahil sa pagiging matapat ng mga aplikante habang nasa
proseso pa ng pagpapanayam.
Dagdag pa nito sa pagpapatunay ng sikolohikal na realismo sa pelikula,
pumasok si Mai sa isang prostitusyon bilang isang bar hostess sa isang nightclub sa
Makati sa tulong ni Charlie kahit ito ay labag sa kalooban niya. Ang kanyang motibo sa
pagtatrabaho ay maiangat ang pamilya sa matinding kahirapan na kanilang naranasan
upang may maipakain sila. Minsan nga, kahit labag sa kalooban, kinakailangang
magsakripisyo para maibuhay lang ang pamilya mo laban sa kahirapan. Ang
prostitusyon ay talagang talamak sa malaking bahagi ng bansa. Napilitan ang iilan sa
mga kababaihan, pati na ang mga menor de edad na pasukin ang ganitong trabaho
dahil sila ay naloko na pala sa human trafficking. Ang iba naman, kusa silang pasukin
ang ganitong trabaho kahit ito ay labag sa kanilang dignidad. Umabot sa punto na
kailangang kumapit sa ganitong patalim kung gusto pang mabuhay sa mundong ito
Bilang kapalit ng pera, kinailangan nilang magsayaw sa club o makipagtalik at ibenta
ang katawan sa pamamagitan ng mga plataporma sa online. Kung tutuusin, nakakaawa
ang mga taong napilitang pumasok sa ganitong gawain. Dito sa Cagayan de Oro, kilala
dito si Daddy Louie sa pagbubugaw ng mga kababaihang menor de edad kung saan
ang kapalit nito ay pera, mamahaling cellphone at iba pang mga bagay.
Dagdag pa nito, sa eksenang balak kunin ni Ong ang imprenta ng susi sa
processing centre ng kompanya upang buksan ang security box na may taglay na
salapi doon. Ngunit nabigo si Ong dahil siya ay unang namatay bago nagawa ang
nasabing plano kaya si Oscar ang nagpatuloy sa balak ngunit namatay rin siya sa
pamamaril at ang kasama niyang si JJ ang nagbigay ng susi kay Mai na mistula pang
nireplika upang buksan ang security box na naging dahilan ng kanilang pagyaman. Sa
ganitong sitwasyon, talamak din ang nakawan sa totoong buhay. Ang karaniwang
motibo ng pagnanakaw ay makakuha ng pera dahil na rin sa kahirapang nararanasan
ng ating bansa. Ang eksenang mayroon sa pelikula ay mayroon pagkakahalintulad sa
realidad na pera ang naging sa pagnanakaw pero magkaiba lamang ang pamaraan ng
pagnanakaw kagaya ng paglusob sa bahay ng mga kilalang tao o banko, pagtutulis,
paghoholdap o pagkidnap na may kapalit na ransom.
Sa mga eksenang inilarawan ng pelikulang Metro Manila, lahat ng mga ito ay
totoong nangyayari sa realidad dahil sa kahirapan. Hindi sana humantong sa ganito
kung ang mga kawani ng pamahalaan mismo ay hindi sangkot sa katiwalian pero
talamak pa rin ang nasabing suliranin. Dahil dito, maraming tao ang napipilitang pasukin
ang ganitong gawin kahit labag sa kalooban upang maibuhay lamang ang kani-kanilang
pamilya.

You might also like