You are on page 1of 3

KAHALAGAHAN NG WIKANG PAMBANSA: PAGSULAT AT PANANALIKSIK SA WIKANG FILIPINO

"Bakit kailangan pang ituro ang Filipino?" Isang katanungang naulinigan ko sa pag-uusap ng
dalawang magkaibigang lulan ng pampublikong sasakyan kung saan din ako nakasakay. Naalala
ko pa ang pangyayaring ito sapagkat ito ang panahon kung kailan naging kontrobersyal ang
pagtangkang pag-alis o pagbura ng wika at Panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo. Bigla na
lamang itong sumagi sa aking isipan nang mapanuod ko ang isa sa mga bidyo ng TVUP(TV
University of the Philippines). Napagtanto ko na ang katanungang ito ay may similaridad o
pagkakatulad sa mga katanungang ibinato ni Prof. Rommel Rodriquez kina Prof. Clemen Aquino
at Prof. Luna Sicat-Cleto sa kanilang pagdidiskusyon tungkol sa usaping pagsulat at pananaliksik
sa wikang Filipino. Ano kaya ang pagkakatulad ng mga ito?

Dumako tayo sa nasabing bidyo, nagsimula ang diskusyon nang ibato ni Prof. Rommel
Rodriquez ang unang katanungan. Ito ay kung bakit mahalagang hikayatin ng
unibersidad(Unibersidad ng Pilipinas) ang mga mag-aaral na matutong magsulat sa Filipino sa
larangan ng malikhaing pagsulat o pananaliksik. Isang mapanghamong katanungan na agad
namang binigyang kasagutan ni Prof. Luna Sicat-Cleto. Ayon kay Prof. Cleto, mahalagang
hikayatin ang mga mag-aaral na mamahayag sa wikang Filipino sapagkat kailangan nilang
makita ang tradisyong kanilang pinanggalingan, ang kanilang kasaysayan at ang kanilang
patutunguhan sa kani-kanilang buhay. Ako ay lubos na sumasang-ayon sa puntong ito ni Prof.
Cleto. Angkop na angkop dito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na
si Dr. Jose Rizal na “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda;
kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Binibigyang diin ng katagang
ito ang importansya sa kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao.

Sa kaniyang ikalawang punto, sinabi niya na hindi Ingles ang kalaban, mas dapat pansinin ang
uri ng edukasyong nagpagulong sanhi ng ating karanasan sa kolonisasyon. Ako ay sumasang-
ayon sa tinurang ito ni Prof. Cleto. Hindi nga naman ang ibang wika ang kalaban kung bakit hindi
sapat na napapahalagahan ang wikang Filipino. Matatandaan na tayo ay sinakop ng iba't ibang
bansa katulad na lamang ng Espanya at nagkaroon ng hindi magandang epekto ang edukasyong
kolonyal sa buhay ng mga Pilipino. Halimbawa na lamang ay ang pagtatanim sa kanilang isipang
higit na maganda ang kulturang banyaga kaysa sa sariling kultura. Naging mababa ang pagtingin
ng marami sa sariling kultura.

Sa kabilang banda, tinuran niya na mahalagang maging kritikal sa lahat ng impormasyong


dumadaloy sa mga silid-aralan. Halimbawa kapag nagbabasa ng panitikan, importanteng bukas
ang kamalayan ng estudyante hindi lang doon sa pormal na elemento ng tekstong kanilang
pinag-aaralan kung hindi ay iyong produksyon ng tekstong iyon kung bakit naging ganoon ang
pagkakasulat. Importante rin daw na napagkakawing-kawing natin ang wika pagdating sa
paglaban natin sa ating karapatan. Kung hindi natin alam imando ang sarili nating wika, walang
gagawa noon para sa atin.

Sinagot din ni Prof. Clemen Aquino ang katanungan ni Prof. Rodriquez. Ayon kay Prof. Aquino,
binabahagi sa mga mag-aaral ang mapanuring pag-iisip o 'critical thinking' sa wikang Ingles.
Dagdag pa niya na may wika ang pang-araw-araw na buhay at iyon ay ang Filipino at ang wika
ng mga mamamayan. Ayon pa sa kaniya, naantig ng wika ang kalooban ng mga mananaliksik at
mga kalahok.

You might also like