You are on page 1of 3

Claret School of Zamboanga City

LEVEL II PAASCU – ACCREDITED


Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Second Shift-Junior High School
S.Y. 2018-2019

Panagalan: ______________________ Taon at Seksyon:_______________ Iskor__________

Bilang ng Gawain: 3
Paksa: Konsepto at Salik ng Suplay
Layunin : Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay…
A. Nailalapat ang kahulugan ng suplay sa pang-araw-araw na pamumuhay
B. Naipapakitaa ang ugnayan ng presyo at dami ng suplay sa pamamagitan ng grapikong representasyon
Sanggunian: Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad Kto12 Grade 10.ph. 137-141
Pagpapahalaga: pakikiayon sa pagbabago
E.P#4: Ang lahat ay nagbabago

I. Mga Pangunahing Kaisipan

Talasalitaan:
Suplay – tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa
iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
Batas ng Suplay - kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at
kayang ipagbili, kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang dami ng produkto o
serbisyo na handa at kayang ipagbili.
Iskedyul ng Suplay- isang talaan na nagpapakita ng dami ng kayang at handang ipagbili ng mga prodyuser
sa iba’t ibang presyo.
Kurba ng Suplay- isang grapikong representasyon na nagpapakita ng ugnayan ng presyo at dami ng suplay.

Maliban sa presyo, ang kakayahan ng tao na makabenta o magprodyus ng mga produkto ay nagbabago dulot ng
iba’t ibang salik tulad ng pagbabago sa teknolohiya, pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksyon, pagbabago
sa bilang ng mga nagtitinda, pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto at ekspektasyon ng presyo.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Pagwawasto ng Pag-unawa

A1. Panuto: Gamit ang impormasyon sa iskedyul ng suplay sa ibaba, ipakita ang pagbabago sa suplay sa
pamamagitan ng grapikong representasyon

Iskedyul ng Suplay para sa Kendi


Punto/Produkto Presyo Bawat Piraso Dami Suplay
A 10 50
B 15 55
C 20 60
D 25 65
E 30 70

A2. Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin kung anong salik ang tinutukoy ng pahayag sa
pamamagitan ng pagpili ng titik ng tamang sagot sa mga pagpipilian.
A. Pagbabago sa teknolohiya D. Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto
B. Pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksyon E. Ekspektasyon sa presyo
C. Pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda

_____1. Nauuso ang pagtitinda ng siomai at milkshake, mas marami ang nanghihikayat na magtinda ng kaparehong
produkto.
_____2. Bumaba ang halaga ng mga sangkap na gagamitin sa paggawa ng cake, kaya marami ang nabiling sangkap ng
isang gumagawa ng cake.
_____3. Ang magsasaka na nagtatanim ng palay at mais ay ginamit ang kabuuang lupa sa pagtatanim ng mais dahil mas
mataas ang prseyo ng mais kaysa sa palay.
_____4. Gumamit ng makabagong teknolohiya ang mga magsasaka ng Gitnang Luzon kaya napapabilis ang pag-ani ng
palay.
_____5. Inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng isang produkto sa susunod na linggo.
B. Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ipinapakita ng grap na nabuo mula sa iskedyul ng Suplay?
2. Ano ang ugnayan ng presyo sa kakayanan ng mga prodyuser na makabenta ng produkto?
3. Paano nakakaapekto ang mga salik ng suplay sa pagbabago ng kakayahan ng mga prodyuser na
makabenta ng produkto?

C. Paglalagom ng Konsepto
3-2-1
Panuto: Punan ang bawat bilog ng hinihingi

1- Tanong
2-Mahalaga sa natutunan
3-konsepto natutunan

D. Pagsasabuhay sa Natutunan
Sagutin ang katanungan na may koneksiyon sa isinasaad sa teksto.

Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin na biyaya ng Diyos ang lahat ng bagay na

inihandog sa iyo?

Facilitator’s Signature Inihanda ni: Miss Annie S. Barrera


___________________ ArPan Teacher
___________________
___________________ Nirevisa ni: Mrs. Lorna M. Sayson
___________________

Iniwasto ni: Mrs. Lorna M. Sayson Ipinagtibay ni: Mrs. Daisy B. Natividad
ArPan Subject Coordinator High School Principal

Mrs. Cristy DR. Gumera


JHS Academic Coordinator

You might also like