You are on page 1of 1

PASASALAMAT

Una sa lahat, nais kong pasalamatan ang Poong may Kapal sa pag papatnubay sa akin upang
matapos ng matiwaway at maganda ang elektronikong portfolio na ito. Sa mga oras na nais ko nang
sumuko sa hirap ng totoong hamon ng Buhay, siya ang aking naging sandigan at kaibigan.

Taos puso rin akong nagpapasalamat sa akong nagpapasalamat sa aming guro na si _____________
sa walang sawang pag-gabay sa amin upang maisumite ng maayos ang proyektong ito,
nakakalungkot lamang na sa panahon ng pandemya ay ang pag-aaral ay na-aapektuhan nang dahil
sa mga hindi inaasahang pangyayari sa "online class" katulad ng pawa-walang koneksiyon ng
internet at mga madalas na pagkawala ng Kuryente. Gayunpaman, nais kong ipagpasalamat ang di
matawarang dedikasyon na inalay ng aming guro upang mabigyan lamang kami ng kalidad na
edukasyon. Ang iyong pagmamahal sa pag-tutoro ay siyang kahanga-hanga.

Pangatlo, Nais ko ring pasalamatan ang aking mga kamag-aral, sa mga panahong di ko naiintindihan
ang mga leksyon at mga panahong napag-iiwanan ako sa mga gawain at leksyon dulot ng mga hindi
inaasahang pagkakataon, sila ay laging nariyan upang ako'y tulungan at gabayan upang makahabol
sa klase.

Para sa aking minamahal na mga kaibigan, nais ko rin ipagpasalamat ang regalong handog ng poong
may kapal na pagkakaibigan, sa oras nang aking kalungkutan at kasiyahan kayo ay laging nariyan.
Lalong lalo na sa panahong gusto ko na sumuko isa kayo sa mga nag-tiwala sa akin na makakayanan
kong tapusin itong akademikong gawain na elektronikong portfolio na ito.

Higit pa sa lahat, walang hanggan ang aking pasasalamat sa aking minamahal na pamilya. Sa aking
minamahal na Ina at Ama, nais kong pasalamatan ang inyong pagmamahal sa aming magkakapatid.
Maraming Salamat rin sa pagbibigay ng aming mga pangangailangan mapa personal man o sa pag-
aaral. Pati na rin ang iyong di matatawarang pag-aaruga at di pagsuko sa amin, na kahit minsan ay
kami ay makukulit at pasaway, Nariyan pa rin kayo sa aming likuran naka-alalay. Sa aking mga
kapatid, Salamat rin dahil lahat ng mga hirap na aking nadarama kayo ang nag-papagaan nito.
Salamat rin sa inyong pag-unawa sa akin.

Ang lahat ng ito'y aking ipinapasalamat sa inyong lahat, kayo ang aking naging inspirasyon upang
matapos ang elektronikong portfolio na ito. Maraming Salamat po!

You might also like