You are on page 1of 1

Pangalan _______________ kurso ___________ Petsa ____________ Iskor ________

Pagsusulit Bilang 2
I. Basahin ang teksto at tukuyin ang pamaksang pangungusap at ang mga pantulong na kaisipan ng
hakimbawang teksto. Isulat ang iyong sgot sa kasunod na dayagram.

Maraming dahilan kung bakit tumitigil ang isang estudyante sa pag-aaral sa kolehiyo. Una, marami sa
kanila ang nababagot sa paaralan. Inaaasahan nila sa paaralan ang mga walang patid na kasiyahan o mga
interesanteng subject. Nang kanilang matuklasang paulit-ulit lamang ang mga gawain, kaagad silang nawawalan
ng interes. Ayaw nilang kumuha ng mga subject na nakababagot o ang mag-aral gabi-gabi, kaya sila humihinto.
Humihinto rin ang mga estudyante sa kolehiyo dahil mas mahirap pa sa inaakala nila ang mga gawain dito. Sa
hayskul, maaaring mas mataas ang mga grado nila sa pamamagitan ng palagiang pagdalo sa bawat sesyon ng
klase. Samantalang sa kolehiyo, kailangan nilang maghanda para sa dalawang oras na eksaminasyon, sumulat ng
labinlimang pahina ng pamanahong papel o gumawa ng detalyadong presentasyon sa klase. Ang kahirapan sa
mga gawaing ito ang nagpapasuko sa kanila. Ang panghuling dahilan, at marahil ang pinakakaraniwang dahilan
ng pagtigil nila sa pagkokolehiyo, ay ang mga nararanasang personal o emosyonal na problema. Marami sa
kanila, lalo na ang mga mas bata, ay pumapasok sa kolehiyo nang nasa yugto ng kanilang buhay na puno ng
problemang gaya ng pagkalito, kalungkutan o depresyon. Maaaring magkaproblema ang mga estudyanteng ito
sa kanilang makakasama sa kwarto, pamilya o kasintahan. Masyado silang nagiging malungkutin upang harapin
ang magkasamang kahirapang dala ng mga gawaing akademiko at problemang emosyonal. Sa iba’t ibang uri ng
mga estudyante, parang ang pagtigil sa pag-aaral lamang ang tanging solusyong kanilang naiisip.

Pamaksang pangungusap

Pantulong na ideya

2. Tukuyin ang mga tiyak na detalye ng bawat pantulong na ideya. Isulat sa kahon ang katapat na bilang ng bawat
pantulong ba kaisipan. Sikaping ipahayag sa iyong sariling pananalita ang bawat tiyak na detalye.

Pantulong
na kaisipan
1

Pantulong
na kaisipan
2

Pantulong
na kaisipan
3

Pantulong
na kaisipan
4

You might also like