You are on page 1of 2

ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE

CERVANTES CAMPUS

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


PRELIMINARYONG PAGSUSULIT

I. Pagkilala/ Pagpupuno sa patlang. Isulat ang tamang sagot batay sa hinihingi ng bawat pahayag.
1-2. Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga __________ na nakalimbag
upang mabigkas nang __________.
3-5. Ang pagbasa ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng ____________, __________, at
__________.
6. Ang pagbasa ay isang psycholinguistic game, ayon kay _______________.
7. Tawag sa anumang tekstong nagpapaliwanag o naglalahad ng mga kaalaman hinggil sa anumang
paksang saklaw ng kaalaman ng tao.
8. Ang tekstong ekspositori ay ____________ kung ito ay kinapalolooban ng serye ng pangyayaring
magkakaugnay sa isa’t isa na humahantong sa paksa ng teksto.
9. Uri ng tekstong ekspositoring tumatalakay sa mga serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang
resulta o hangganan.
10. Ito ay tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa kanyang mambabasa.
11. Tumutukoy ito sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinatalakay.
12. Tumutukoy ito sa kakakayahang tukuyin ang isang bagay na hindi pa alam batay sa ilang clues.
13. Ito ang pinakapayak at pinakamaikling anyo ng diskurso na batay sa isang binasang teksto.
14. Tumutukoy ito sa kung ano ang saloobin ng mambabasa sa binasang teksto.
15. Ito ay ang mga implikasyong mahahango sa isang binasang teksto.
16. Sa hakbang na ito ng pagbasa , isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang
kaalamang at karanasan.
17. Sa hakbang na __________________________, hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,
kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
18. Ayon sa teoryang _____________________, ang pag-unawa ay nagsisimula sa mambabasa tungo sa
teksto.
19. Sa mga bulag, ________________________ ang pumapalit sa mata sa pagbasa ng Braille.
20. Ayon sa teoryang ______________________, ang interaksyon sa pagbasa ay bi-directional.
Tono pagsulat sagisag Goodman topdown pasalita
Damdamin konklusyon sikwensyal ekspositori bottom-up pakikinig
Pandama buod pakikkinig kronolohikal layunin komprehensyon
Asimilasyon interaktib Badayos persepsyon pagsasalita reaksyon

II. Kasanayan sa pagbasa


NGITI
“Ngumiti kayo, isa pang ngiti”, ang hiling ng potograper sa kanyang mga kliyente. Tunay na mahalaga
ito para sa kanya upang maging maganda ang larawang mabubuo.
Ang ngiti ay isang hiyas na di mahihiram, mauutang o mabibili at lalong di mananakaw. Labis na ligaya
ang dulot nitosa mga taong nakadarama ng tunay na kahulugan nito. Ito ay nakapagpapatigil ng alitan. Isang
ngiti sa kaaway, ang galit ay napapawi. Ang ngiti ng isang dalaga ay hudyat ng pag-asa sa binatang umiibig.
Ligaya sa pamilya ang hatid ng ngiti ng isang sanggol. Ngiti ng kagalakan mula sa puso sa pagtatagumpay sa
mga pagsubok sa buhay.
“Ang aking ngiti Panginoon ay Iyong tanggapin, pasasalamat sa mga biyayang taglay.

21. Ang paksa ng teksto’y tungkol sa:


a. hatid na swerte ng ngiti b. Kahalagahan ng ngiti c. Iba’t ibang kahulugan ng ngiti d. Ngumiti
tuwina
22. Saan matatagpuan ang pamaksang pangungusap ng ikalawang talata?
a. unahan b. Gitna c. Hulihan d. Walang pamaksang pangungusap
23. Ang ngiti sa ikalawang talata ay inihambing sa a. Hiyas b. Ligaya c. Pag-asa d. Kagalakan
24. Mahihinuhang ang damdaming naghahari sa teksto ay:
a. pagkatuwa b. Panghihinayang c. Pagkainis d. Pangamba
25. Matatagpuan ang paksa ng teksto sa : a. Una b. Ikalawa c. Ikatlong talata
26. Ang tono ng teksto ay : a. Masaya b. Seryoso c. Malungkot d. Magaan
27. Ang layunin ng teksto ay : a. Manlibang b. Mang-aliw c. Magbigay ng opinyon d. Mangaral
28. Ang pananaw ng teksto ay nasa: a. Una b. Ikalawa c. Ikatlong panauhan d. Walang panauhan
29. Ang hulwarang ginamit sa teksto ay: a. Depenisyon b. Pag-iisa-isa c. Pagsusunod-sunod d. Sanhi at
bunga
30. Ang huling talataan ay isang: a. Buod/lagom b. Konklusyon c. Opinion d. Katotohanan

III. Opinyon o Katotohanan. Isulat ang O kung opinyon, at K kung ito’y katotohanan.
31. Ayon sa iba, ang Pilipino raw ay tulad ng alimangong kung nauunahan ay pilit na naghahatak paibaba
upang mapigil sa pagsulong ang nauuna sa kanya.
32.Wala tayong matatawag na isang pilosopiya bilang Pilipino, datapwat ayaw natin ng karahasan.
33. Dumating sa ating bansa ang mga Amerikano at sa kanilang impluwensya, tayo ay nagging
Amerikanisado.
34. Makabuluhan ang lohika sa isang Pilipino sapagkat ito ay makatutulong sa pagpapaunlad ng buhay tungo
sa pagsulong ng bansa.
35. Samakatuwid, huwag nating hintaying mahuli tayo.
36. Sa sobrang kaabalahan natin sa buhay at pagkatuon ng atingg pansin sa mga bagay-bagay na akala natin
ay nagpapasaya sa atin, nakakalimutan nating alagaan ang mas mahalagang bagay, tulad ng kalikasan.
37. Ngayon ay napakataas na ng antas ng pollutant sa Metro Manila lalo na sa hangin.
38. Nanalo sa boxing nung nakaraan si Donaire.
39. Nakalulungkot isiping hindi na gaanong pinahahalagahan ng maraming mga Pilipino ang wikang sariling
atin, ang Filipino.
40. Nakalakip din sa panukala ang paggamit ng Wikang Ingles sa lahat ng mga eksaminasyon para sa
admisyon, akreditasyon at akselerasyon.

IV. IBigay ang sumusuno:


41-44 – Teorya ng Pagbasa
45-48 – Uri ng Pagbasa
49-52 Apat na Hakbang ng Pagbasa

1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng paglinang sa kasanayan sa pagbasa ng isang mag-aaral.

You might also like