You are on page 1of 8

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro


PAKULTI NG PANGKAASALAN AT
AGHAM PANLIPUNAN
Daang Taft, Maynila

BANGHAY-ARALIN

sa bahagyang katuparan ng mga kinakailangan


sa kursong
2P-SOC01 FOUNDATION OF SOCIAL STUDIES

Ipinasa nina:
Dea Angelu A. Peñaflor
Jewel Ann N. Selda
BSSE III-9

Ipinasa kay:
Prop. Portia R. Soriano, Ph.D.

Enero 3, 2020
PAKSA ANG PAMBANSANG PAMAHALAAN: SAGISAG NG BANSA
PAMAGAT ANG KAHULUGAN NG MGA SIMBOLO AT SAGISAG NG
NG ARALIN KAPANGYARIHAN NG PAMAHALAAN
SESYON 2 ARAW/ 40 MINUTO
TEMA KAPANGYARIHAN, AWTORIDAD AT PAMAMAHALA
LAYUNIN 1. Naiisa-isa ang simbolo at sagisag ng kapangyarihan ng pamahalaan.

2. Natatalakay ang kahulugan ng ilang simbolo at sagisag ng


kapangyarihan ng pamahalaan.

3. Naisalalarawan ang mga sagisag ng kapangyarihan ng pamahalaan.

ANTAS I – INAASAHANG BUNGA

PAMANTAYAN
Natatalakay ang kahulugan ng ilang simbolo at sagisag ng kapangyarihan ng pamahalaan (ei.
ehekutibo, legislatibo, hudikatura).
KAKAILANGANING PAG-UNAWA MAHAHALAGANG TANONG

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- 1. Ano ang simbolo?


unawa: 2. Ano ang tinatawag na sagisag?
3. Paano nagkaroon ng ugnayan ang
na mahalaga at may kahulugan ang mga dalawang ito?
sagisag ng mga pangunahing ahensiya ng 4. Bakit nararapat nating pahalagahan ang
pamahalaan. mga simbolo at mga sagisag na ito?

na importanteng ang bawat mamamayan ng


bansa ay may kaalaman sa kahulugan ng
mga simbolo at sagisag ng pamahalaang
kinabibilangan nito

na kaakibat ng mga simbolo at sagisag ay


ang ating pagpapahalaga at buong
katapatang pagtalima sa batas na
nakapaloob dito.
KAALAMAN KASANAYAN/ KAKAYAHAN
Nauunawaan ng mga mag-aaral . . . Ang mag-aaral ay . . .

ang pinagkaiba ng simbolo at sagisag. 1. Nasusuri ang kaibahan ng simbolo at


sagisag.
ang kahulugan ng sagisag ng Pilipinas,
pangulo ng bansa, tanggulang pambansa, 2. Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo
pangalawang pangulo at gabinete, sa sagisag sa mga pangunahing ahensiya ng
tagapagbatas, kapulungan ng mga pamahalaan.
kinatawan at tagapaghukom.
ANTAS II - PAGTATAYA

SA ANTAS PAGGANAP SA ANTAS NG PAG-UNAWA

Pagawin ang bawat mag-aaral ng sariling Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
sagisag para sa kanilang klase na
magsisimbing sagisag ng kanilang seksyon. 1. Bakit mahalaga na may sagisag ang
Lapatan ng mga simbolo at bigyang Pilipinas at bawat ahensya ng pamahalaan?
pakahulugan ito.
2. Bakit mahalagang malaman ang
Gumuhit o magpinta ng sariling sagisag. pagpapakahulugan sa mga simbolo ng sagisag
Pagkatapos ay ipaskil ang mga nagawa sa ng pamahalaan?
dingding ng silid-aralan upang makita ng
buong klase. Pipili ang guro ng tatlong
mag-aaral na nais ipaliwanag ang kanilang
gawa sa buong klase.

ANTAS III – PLANO SA PAGKATUTO

MGA PLANO SA PAGKATUTO

A. PANIMULANG GAWAIN

Pagganyak (Explore)

Magsagawa ng isang laro na pinamagatang SimboHula. Hatiin ang klase sa


apat na pangkat at hayaan silang pumili ng kanilang kinatawan. Magpapakita ang
guro ng mga larawan ng iba’t ibang logo o simbolo na maaaring makita o may
kinalaman sa kanilang pang araw araw na aktibidad. Ang pangalan ng mga
simbolong ito ay tutukuyin ng mga mag aaral at ang grupong makakakuha ng
pinakamataas na puntos ay siyang panalo at bibigyan ng karagdagang puntos para
sa pangkatang gawain.

Mga halimbawa ng larawan:

Pagpoproseso:
Anong mga bagay sa inyong paligid ang may personal na kahulugan sa inyo?
Anong mga simbolo ang kapag nakikita ninyo ay agad ninyong nahihinuha ang
kahulugan, gamit, gampanin o pakinabang nito?
B. Paglalahad (Engage)

Ipapaskil ng guro sa pisara ang larawan ng Sagisag ng Pangulo ng Pilipinas


at tatanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang napansin o nakikita sa
larawan.

Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang sagisag at simbolo ay may magkaibang


kahulugan. Ang simbolo ay pananda na nakikita sa pamamagitan ng paglalarawan
ng anumang bagay na kumakatawan sa nais isagisag nito. Ang sagisag ang
nagbibigay-kahulugan sa mga natatanging pananda o sa mga simbolo ng
inilarawan o iginuhit.

Maaaring sabihin sa mga mag aaral na ang larawan ay isang halimbawa ng


sagisag at gabayan sila sa pagtukoy ng mga simbolo at kahulugang nakapaloob
dito. Maaari ring gawin ito ng guro sa iba pang sagisag ng ahensya ng pamahalaan.

Maliliit na bituin:
Sea lion:

Tatlong bituin: Araw:

Tanungin ang mga mag-aaral:

Sa inyong palagay, bakit kaya kailangang may simbolo at sagisag ang bawat
ahensya ng pamahalaan?

Ano ano ang mabuting epekto ng pagkakaroon ng sagisag at simbolo sa ating


lipunan? Sa paanong paraan kayo natutulungan ng mga simbolong nakikita ninyo
sa ating komunidad? Nakapagdudulot din ba ito ng di magandang epekto? Sa
paanong paraan?

Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang kapangyarihan ng bawat ahensya gayundin


ang tungkuling dapat nitong gampanan sa mga mamamayan.

Tanungin:
Sa inyong palagay, nagagampanan ba ng bawat ahensya ang responsibilidad
at kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila? Oo o hindi? Ipaliwanag.
C. Pagtatalakay at Pagsusuri (Elaborate)

Sa unang bahagi, ipapaliwanag ng guro ang kahulugan ng simbolo at sagisag at ang


pagkakaiba ng dalawa. Magpapakita ang guro ng iba’t ibang sagisag at simbolo upang ang
mga mag-aaral ang magkakategorya kung ito ba ay isang sagisag o simbolo.

Pagkatapos ay magpapaskil ang guro ng mga litrato ng sagisag ng pamahalaan sa


pisara at pader na may kalakip na pagpapakahulugan ng simbolo at kahalaghan ng mga
sagisag ng pamahalaan. Magkakaroon ng pangkatang gawain, bubuo ng pitong grupo at
ang bawat grupo ay may nakatalagang sagisag na tatalakayin na ipepresenta sa buong klase.
Nakapaloob dito ang mga kahulugan ng mga simbolo, sino ang gumagamit ng mga sagisag,
at ang kahalagahan ng bawat sagisag ng pamahalaan.

Mga Sagisag ng Pamahalaan na aaralin:


a. Ang Sagisag ng Pilipinas – Unang grupo
Maaaring pagbatayan:
https://ncessocsci6.blogspot.com/2016/11/soberanya-ng-bansa.html?m=1
https://www.slideshare.net/AilynMaeJavier/soberanya-ng-pilipinas
b. Sagisag ng Pangulo ng Bansa - Pangalawang grupo
c. Sagisag ng Tanggulan ng Bansa – Pangatlong grupo
d. Sagisag ng Pangalawang Pangulo at Kabinete – Pang-apat na grupo
e. Sagisag ng Tagapagbatas – Panglimang grupo
f. Sagisag ng Kapulungan ng mga Kinatawan – Pang-anim na grupo
g. Sagisag ng mga Tagapaghukom – Pangpitong grupo

Habang ang ang bawat grupo ay nagpepresenta ng kanilang nagawa, ang guro ay
magbibigay ng mga prosesong katanungan.

Mga Pamprosesong Tanong

• Ano ang simbolo at sagisag?


• Ano ang pagkakaiba ng simbolo at sagisag?
• Ano ang kaugnayan ng simbolo sa sagisag?
• Saan ginagamit ang mga simbolo at sagisag?
• Sino-sino ang gumagamit ng mga sagisag na ating inaaral?
• Ang lahat ba ay maaring gamitin ang mga sagisag na ating inaaral?
• Batay sa napag-aralan, bakit mahalaga na malaman at maintindihan ang mga
sagisag ng pamahalaan. At bakit na dapat ito bigyang importansya?
• Para sa iyo ano ang pagpapakahulugan ng mga sagisag na ito? Ito ba ay tanda ng
isang pagiging malayang bansa? Sinisimbolo ba nito ang magkakaroon ng
pagkakaisa ng isang bansa? Kung Oo o Hindi ang iyong sagot, ipaliwanag.
D. Paghahalaw
Sa pamamagitan ng ginawang talakayan, ang mga mag-aaral ay handa nang
magbuo ng mga paglalahat. Kumpletuhin ang bawat pangungusap upang mabuo
ang pahayag:

1. Ang _______ ay pananda na nakikita sa pamamagitan ng


paglalarawan ng anumang bagay na kumakatawan sa nais
isagisag nito.

2. Ang _______ ang nagbibigay-kahulugan sa mga natatanging


pananda o sa mga simbolo ng inilarawan o iginuhit.

3. Mahalagang may pagkakakilanlan ang bawat ahensya ng


pamahalaan dahil ______________________________

E. Paglalapat (Enrich)

Pagawin ang bawat mag-aaral ng sariling sagisag para sa kanilang klase na


magsisimbing sagisag ng kanilang seksyon. Lapatan ng mga simbolo at bigyang
pakahulugan ito.

Gumuhit o magpinta ng sariling sagisag. Pagkatapos ay ipaskil ang mga nagawa sa


dingding ng silid-aralan upang makita ng buong klase. Pipili ang guro ng tatlong mag-
aaral na nais ipaliwanag ang kanilang gawa sa buong klase.

Mga kagamitang kakailanganin:


o Bond paper
o Kagamitang pangguhit (lapis, brush, pambura, pantasa)
o Pangkulay (paint, krayola, color pencil, water color, ect.)
o tape
F. Pagtataya (Empower)

Magkakaroon ng maikling pagsusulit ang mga mag-aaral

Lalamanin ng pagsusulit:

A. Punan ang mga patlang ng iyong sagot.

Ibigay ang kahulugan ng mga simbolong nakapaloob sa Sagisag ng Pilipinas

Tatlong Bituin
1. Sagisag ng Araw
_____________ 2.
_____________

Agila Leon
3. 4.
_____________ _____________

Republika ng Pilipinas
(opisyal na selyo)
5. _____________

B. Sagutin ang tanong sa isa hanggang tatlong pangungusap.

Batay sa iyong natutunan sa ating aralin, bakit mahalaga ang mga sagisag ng
pamahalaan?

G. Takdang-Aralin (Extend)

Magsaliksik ng isa hanggang tatlong sagisag ng ahensya ng pamahalaan na


may kaugnayan sa kalusugan. Idikit sa notebook ang larawan ng sagisag ng
ahensyang pangkalusugan na ito at tukuyin ang tungkulin, ilang mga programa at
serbisyo nito para sa mamamayan.

Mga Sanggunian
• Javier, A. M., (2015, August 25). Soberanya ng Pilipinas. Retrieved from
https://www.slideshare.net/AilynMaeJavier/soberanya-ng-pilipinas.
• Learners’ Material, Aralin 7, pp. 268-272
• Teachers’ Guide, Aralin 7, pp 122-124
Mga Larawan:
https://1000logos.net/wp-content/uploads/2019/03/jollibee-logo-png.png
https://1000logos.net/wp-content/uploads/2016/11/Facebook-logo-500x350.png
https://bizmagsb.com/wp-content/uploads/2020/09/tiktoklogo.jpg
https://media.idownloadblog.com/wp-content/uploads/2018/07/Apple-logo-black-and-
white.png
https://filipiknow.net/wp-content/uploads/2013/10/Alaska-Milk-Logo2.jpg
https://d1yjjnpx0p53s8.cloudfront.net/styles/logo-thumbnail/s3/012012/untitled
1_55.png?itok=gsOZM23F
https://www.freepnglogos.com/uploads/shopee-logo/shopee-bag-logo-free-transparent-icon-
17.png
https://i.pinimg.com/originals/20/60/2d/20602d43cc993811e5a6bd1886af4f33.png
https://business.inquirer.net/files/2020/07/Globe-logo-2.jpg
https://www.clipartmax.com/middle/m2i8i8d3b1i8H7Z5_their-mascot-julius-pringle-
pringles-pigs-in-blankets/
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/tl/e/e5/PhilippinePresidentialSeal.png
https://ncessocsci6.blogspot.com/2016/11/soberanya-ng-bansa.html?m=1

You might also like