You are on page 1of 3

Golden Acres National High School

Avocado St. Golden Acres Subd. Marcos Alvarez Ave.


Talon Singko, Las Pinas City
Contact number: 8003290

SCHOOL INTERVENTION PLAN

PROJECT PROPOSAL
Filipino

I. Intervention Plan Title: PaPag (Panonood, Pakikinig,Pag-unawa, Pagsulat)


II. Rationale:
Ang kasalukuyang kalagayan ng edukasyon ay sumubok sa kakakayahan ng mga
mag-aaral at mga guro. Maraming paraan ang sinubukan asynchronous at
synchronous ngunit marami pa rin sa mga mag-aaral ang di nakasasabay at naabot
ng bagong sistema ng edukasyon.

Ilan sa mga kinakaharap na suliranin ng mga guro ay kakulangan sa interes sa


pagbabasa ng mga mag-aaral na nagiging sanhi ng mababang marka sa pagtataya.
Sumunod ay kakulangan ng kakayanan na magamit ang mga daluyan ng
impormasyon na ginagamit sa pag-aaral. Ang huli ay ang pagbaba ng bilang ng
mga mag-aaral na nakikilahok sa talakayan at gawain sa asynchronous o
synchronous man.

Upang matugunan ang mga suliraning ito iminumungkahi ng mga guro sa Filipino
ang paggamit ng mga mga video lessons, pakikinig sa mga podcast, agarang
pagsukat sa pang-unawa sa aralin gamit ang formative assessment, pagsulat ng
naunawaan sa pamamagitan ng repleksyon sa anyong pasanaysay.

III. Objectives:
Ang interbensyon na ito ay naglalayong:
 Magkaroon ng mas malawak na daluyan ng impormasyon ng mga
aralin
 Mapalawak ang daluyan ng impormasyon na magagamit ng mga mag-
aaral
 Mapadali ang pag-unawa sa mga aralin
 Mapataas ang marka ng mga mag-aaral sa kanilang self-assessment

IV. Target Participants: Mag-aaral mula G7-G10

III. Time Frame: Marso 22, 2021 hanggang Hunyo, 2021

IV. Implementation Mechanics


Gawain Petsa
Pre-implementation Stage a) Pagpaplano kasama ang Ulo ng Marso 22, 2021
kagawaran at mga Susing Guro sa
bawat baitang
b) Pagpupulong sa buong
departamento
c) Paghahanda sa mga pantulong na
kagamitan kagawaya ng mga
sumusunod:
 MP3 file para sa
podcast-ito ang nirekord
na boses ng guro na
maaaring idownload at
pakikinggan ng mga
bata.Mas madali itong
maaccess ng bata
kumpara sa video
 Video lesson na
nirekord ng guro
 IMs

Post Implementation Stage Magsumite ng mga ilang kopya ng Agosto 2021


assessment at iba pang MOVs para sa
dokumentasyon.

V. Inaasahang Resulta:

1. Mataas na marka sa assessment


2. Mataas na bahagdan ng mga mag-aaral na maayos na nakapagsagot ng modyul at
pagsasanay.
3. Pag-angat ng bahagdan ng attendance ng mga mag-aaral sa synchronous at
asynchronous

Inihanda ni:

______________________________
Mary Ann H. Santos
Dalubguro1 sa Filipino

Sinuri ni:

Mary Jean T. Hortilano


Ulong Guro III sa Filipino

Binigyang pansin ni:

Darwin B. Mayo
Ulong Guro VI/OIC

Isinumite kay:

___________________________
Dr. Macario D. Pelecia Jr
Education Program Supervisor

You might also like