You are on page 1of 11

🗣

Debate o Pakikipagtalo
3.5 Depinisyon
Ano ang isang pakikipagtalong may estruktura?
Debate

Ano ang pasimpleng depinisyon ng debate?


Tagisan ng pananaw o opinyon.

Ano ang layunin ng debate?


Layuning magpatunay ng katotohanan o paniniwala at ipatanggap sa mga
tagapakinig.

Ano ang dalawang pangkat sa debate?


Proposisyon (sumasang-ayon) & Oposisyon (hindi sumasang-ayon)

Sino ang mamagitan sa dalawang pangkat?


Moderator

Ano ang pagpapabulaan?


Rebuttal

Sino ang nakatalaga upang masunod ang tamang oras?

Debate o Pakikipagtalo 1
Timekeeper

Sino ang pupuntahan kapag may mga naganap na labag sa alituntunin?


Tagapangasiwa

3.6 Mga katangian ng isang Debater


Nilalaman

Malawak na kaalaman

Malawakang pagbabasa, pananaliksik at pangangalap ng datos at


ebidensiya

Estilo

Linaw o lakas ng tinig

Husay sa pagsasalita at pagpili ng salita

Estratehiya

Pagsalo o pagsagot sa mga argumento

Pagkahusay ng pagkahabi ng mga argumento

3.7 Mga Uri at Format ng Debate


Prezi

https://prezi.com/-emoj1o0d6jd/ang-debate-at-ang-mga-uri-nito/

Ano ang debate na parating ginagamit sa mga paaralan?


Debateng Oregon-Oxford & Debateng Cambridge

Debateng Oregon-Oxford

Ano ang Debateng Oregon-Oxford?

Debate o Pakikipagtalo 2
Ang bawat koponan ay binubuo ng dalawa, tatlo o apat na kasapi. Ang
tagapagsalita at ang isa rito ay ang tagalata o scribe.

Ang oras ng talumpati ay pito hanggang walong minuto. Pagkatapos ng


talumpati ng bawat isa, mayroon munang tatlong minutong
pagtatanungan.

Ang kalahok ay magsasalita ng minsan

May unang tagapagsalita

Ang mga pabulaan ay nasa huli

Iba pang impormasyon tungkol sa Oxford

Oxford-Style Debating
Derived from the Oxford Union debating society of Oxford University,
Oxford-style debating is a competitive debate format featuring a sharply
assigned motion that is proposed by one side and opposed by another. A
winner is declared in an Oxford-Style debate either by the majority or by
which team has swayed more audience members between the two votes.
Oxford-style debates follow a formal structure that begins with audience
members casting a pre-debate vote on the motion that is either for, against or
undecided. Each panelist presents a seven-minute opening statement, after
which the moderator takes questions from the audience with inter-panel
challenges. Finally, each panelist delivers a two-minute closing argument, and
the audience delivers their second (and final) vote for comparison against the
first.

https://www.youtube.com/watch?v=xVmShH09xY&ab_channel=Intellig
enceSquaredDebates

Ano ang halimbawa nito?

Debate o Pakikipagtalo 3
https://www.youtube.com/watch?v=d2DZ8bbxd8U&ab_channel=congb
axter

Debateng Cambridge

Ano ang Debateng Cambridge?

2 beses titindig

Una ay sa kanyang patotoo (constructive remark) at ikalawa para sa


pagpapabulaan (rebuttal).

Iba pang impormasyon tungkol sa Cambridge

Cambridge-Style Debating
In every debate there is a motion: a statement, idea or policy that is disputed
and framed within the prefix 'This House'. Usually, the motion is either a policy
which changes the status quo (e.g. This House Would Provide All Police
Officers With Firearms) or a statement, the truth or falsehood of which is
examined in the debate (e.g. This House Regrets the Decline of Marxism in
Western Liberal Democracies). There are two sides to the debate: the
government and the opposition. The government, also known as the
proposition, supports the motion whilst the opposition opposes it. After the
debate, the judges will decide which debaters were most persuasive.

Debating at the Union


Competitive debating is a fun activity akin to a game in which we examine ideas and policies with the
aim of persuading people within an organised structure. It allows us to consider the world around us
by thinking about different arguments, engaging with opposing views and speaking strategically.
https://cus.org/members/debating/how-join-debating

https://www.youtube.com/watch?v=rUt1IVr7gjg&ab_channel=DebateSo
cietyatYork

Debate o Pakikipagtalo 4
Ano ang halimbawa nito?

https://www.youtube.com/watch?v=CC_Rgbeau2w&ab_channel=Cambri
dgeUnion

Ano ang pagkakaiba ng Cambridge at Oregon-Oxford?

https://panitikanblog.wordpress.com/2016/05/07/debate-o-pakikipagta
lo/

Pormal - Masining na pinag-uusapan, binabagyan ng masusing pagtatalo at


may itinakdang oras. Mahaba ang oras ng preparasyon.

Pormal

Ano ang Pormal na debate?

Mahaba ang oras ng preparasyon.

Masining na pakikipagdebate.

May takdang oras at panahon kung saan gaganapin.

Impormal

Ano ang Impormal na debate?

Ibinibigay lang sa mga paaralan.

Hindi mahaba ang preparasyon.

Pagpapalitan lamang ng kuro-kuro.

Debate o Pakikipagtalo 5
3.8 Proposisyon
Ano ang proposisyon?

Ang paksang pinagdedebatihan ay inatawag na proposisyon .

Ito’y isang pangungusap na nilalayong patunayan ng panig ng sang-ayon


sa pamamagitan ng mga argumento.

Nagsasaad ito ng isang bagay na maaring tutulan at panigan kaya


mapagtatalunan.

Ang proposisyon ay maaring ang tawag rin ng pangkat na sang-ayon sa


proposisyon.

Ano ang dapat isaalang-alang sa pagpapahayag ng proposisyon?

Ibigay ang suliranin sa anyong kapasiyahan.

Ibigay ito sa payak at paturol na pangungusap na may isa lamang


suliraning patutunayan.

Ipahayag ito sa isang paraang walang salitang pag-aalinlanganan ang


kahulugan.

Ipahayag ito sa paraang pasang-ayon.

Ano ang tatlong 3 Uri ng proposisyon?

Pangyayari

Ito ay naninindigan sa katunayan o kabulaanan ng isang bagay na


makatotohanan.

Masusukat ang katotohanan o kabulaanan nito sa pamamagitan ng


pag-alam sa tunay na mga pangyayari.

Ano ang halimbawa nito?

”Maraming namatay sa nasunog na Superferry."

"Si Bonifacio ay nag-alay ng buhay."

Kahalagahan

Ito ay isang paninindigan sa kahalagahan ng isang bagay.

Debate o Pakikipagtalo 6
Ang nangangatwiran dito ay bubuo ng argumento na nagtatanggol sa
kabulaanan ng isang bagay, isang palakad o isang pagkilos.

Ano ang halimbawa nito?

”Ang isang wikang pambansa ay lubhang mahalaga sa pagbuwag


sa makaaliping diwa.”

"Makabayan si Andres Bonifacio dahil handa siyang mamatay para


sa bansa."

Patakaran

Ang mga proposisyong ito ay naghahanap ng isang paraan ng pagkilos o


isang binalak na solusyon sa isang suliranin.

Ano ang halimbawa nito?

”Dapat Gawing Legal ang Diborsyo sa Pilipinas."

"Dapat hiranging pambansang bayani si Andres Bonifacio."

Ano ang mga katangian ng isang mabuting proposisyon?

Walang kinikilingan. Magkasinlakas ang magkabilang panig na


nagkakasalungatan ng palagay.

Kawili–wili sa sumusulat at makikinig ang proposisyon.

Napapanahon ang paksa.

Hindi pa napagpapasiyahan ang paksa.

Malinaw at tiyak ang proposisyon.

Maaaring patunayan ang mga ebidensya.

May larangang hindi lubhang malawak at hindi rin naman gaanong makitid.

Karapat–dapat na pagtalunan.

3.9 Paghahanda sa isang Pagtatalo


Ang apat (4) na hakbang sa paghahanda ng isang pagtatalo

Debate o Pakikipagtalo 7
Pangangalap ng datos

Ano ang ginagawa dito?

Magsaliksik sa mga:

Aklat

Internet

Artikulo

Sanggunian

Magasin

Sariling Karanasan

Bersikulo sa bibliya

Ang pagtitipon ng mga nakalap na datos ay kinakailangang gagamitin sa


pagmamatuwid ay dapat gawin sa pamamagitanng pagtatala ng mga
tunay na pangyayari buhat sa paniniwalaang napapanahong aklat
sanggunian o magasin.
Dalawang sanggunian ang karaniwang pinagkukunanng ng mga datos:
Ang ating pagmamasid at ang pagmamasasid ng iba na awtoridad sa
paksang pagtatalunan.

Sino ang Awtoridad?

Kapag dalubhasa ang nagpapahayag o pahayag ng isang tao o


pangkat ng mga taong may mataas na katangian o malaking
kakayahan tungkol sa isang sangay ng karungan o gawain at
ginagalang at kinikilala ang kanilang kuru-kuro at pahayag.

Paggawa ng dagli o balangkas

Ano ang ginagawa dito?

Ito ay ang paghahanay ng mga katuwiran. Sa makatuwid, ito’y


pakikipagtalong pinaikli.
Ang mga bahagi ng dagli ay panimula, katawan at wakas.

Sa panimula, ipahayag ang paksa ng pagtatalo, ang kalahagahan sa


kasalukuyan ng paksa, mga kinakailangang pagbibigay, katuturan ng

Debate o Pakikipagtalo 8
mga talakay at ang pagpapahayag ng isyu.

Ang katawan ng dagli ay binubuo ng mga isyung dapat sagutin. Pumili


ng mga tatlo o apat na mga isyu at ilagay sa wastong ayos. Bawat
isyu ay binubuo naman ng mga patunay, mga katibayan o mga
katuwirang siyang magpapatotoo sa patakarang pinanghahawakan o
pinapanigan.

Ang pangwakas na mga pangungusap ay siyang buod ng mga isyung


siyang binibigyan ng mga patunay.

Pagtatanong

Ano ang ginagawa dito?


Sa pagbato ng mga katanungan, dapat alam mo ang mga magiging
kahihinatnan nito.

 Magtanong lamang ng mga tanong na masasagot sa Oo at Hindi.

 Kapag nagtatanong ka, huwag mong hahayaang pwedeng magtanong


sa iyo ang kabilang panig. Dahil oras mo yan sa pagtatanong, hindi ka
pwedeng sapawan. Kung sasapawan ka, ireport mo ito sa
tagapangasiwa.

 Kapag lumabag sa alituntunin ng pagtatanong ang isa sa kanila, dapat


itong ipaalam sa tagapangasiwa ng pagdedebate.

Panunuligsa

Ano ang ginagawa dito?

Ilahad ang mali sa katwiran ng kalaban.

Ipaalam ang walang katotohanang sinasabi ng kalaban.

Ipaliwanang ang kahinaan ng katibayan ng kalaban.

Ipaalam kung labas sa buod ang katwiran o katibayan ng kalaban.

Magtapos sa pagbubuod ng sariling katwiran at katibayan. Ito ang


closing remarks.

Debate o Pakikipagtalo 9
3.10 Mga Angkop na gawin ng mga
Tagapagsalita
Beneficiality/Kapakinabangan

Ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga benipisyong


makukuha sa proposisyong pinagtatalunan.

Practicability/Praktikalidad
Ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita kung bakit posible ba o praktikal na
maisakatuparan ang hinihingi.

Necessity/Pangangailangan

Ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon bilang


kailangan at tunay na solusyon.

3.11 Halimbawa ng may tigatlong


tagapagsalita sa bawat koponan
 Unang-tagapagsalita (beneficiality-sang-ayon) pagtatanggol ng panig.

 Unang-tagapagsalita (beneficiality-salungat) pagtatanong o interpellation.

 Unang-tagapagsalita (beneficiality-salungat) pagtatanggol ng panig.

 Unang-tagapagsalita (beneficiality-sang-ayon) pagtatanong o interpellation.

 Ikalawang tagapagsalita (practicability-sang-ayon) pagtatanggol ng panig.

 Ikalawang tagapagsalita (practicability-salungat) pagtatanong o


interpellation.

 Ikalawang tagapagsalita (practicability-salungat) pagtangggol ng panig.

 Ikalawang tagapagsalita (practicability-sang-ayon) pagtatanong o


interpellation.

 Ikaltlong tagapagsalita (necessity-sang-ayon) pagtanggol ng panig.

 Ikatlong tagapagsalita (necessity-salungat) pagtatanong o interpellation.

Debate o Pakikipagtalo 10
 Ikatlong tagapagsalita (necessity-salungat) pagtanggol ng panig.

 Ikatlong tagapagsalita (necessity-sang-ayon) pagtatanong.

 Pagitan

 Rebuttal na talumpati ng salungat na ibibigayng unang tagapagsalita.

 Rebuttal na talumpati ng sang-ayon na ibibigayng unang tagapagsalita.

ANG LIDER ANG MAG CCLOSE NG DEBATE. HINDI NA PWEDE ANG


PAGPAPABULAAN.

3.12 Kahalagahan ng Pagtatalo o Debate


 Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag-iisip.

 Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pagsasalita.

 Malinang ang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran.

 Malinang ang kasanayan sa pag-uuri ng tama at maling pagmamatuwid.

 Nabibigyang kahalagahan ang magandang asal katulad ng paggalang,


pagtitimpi, pasensya o pagpigil ng sarili.

 Magkakaroon ng pang-unawa sa mga katwirang inilahad ng iba at


pagtanggap ng nararapat na kapasiyahan.

Debate o Pakikipagtalo 11

You might also like