You are on page 1of 13

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-walong Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 16: Pagkilala sa Magulang, Nakatatanda at may

Awtoridad na Hubugin, Bantayan at Paunlarin ang mga Pagpapahalaga ng
Kabataan

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jerome M. Jurada
Editor: Gregorio Fiel S. Pineda
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, Ph. D. at Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat: Maricel F. Azcarraga
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)

Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa Pagpapakatao
8
Ikatlong Markahan
Modyul 16 para sa Sariling Pagkatuto
Pagkilala sa Magulang, Nakatatanda at may
Awtoridad na Hubugin, Bantayan at
Paunlarin ang mga Pagpapahalaga ng
Kabataan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8
ng Modyul para sa araling Pagkilala sa Magulang, Nakatatanda at may Awtoridad
na Hubugin, Bantayan at Paunlarin ang mga Pagpapahalaga ng Kabataan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay

makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng

modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul ukol sa

Pagkilala sa Magulang, Nakatatanda at may Awtoridad na Hubugin, Bantayan at
Paunlarin ang mga Pagpapahalaga ng Kabataan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.

Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
• MGA INAASAHAN
Pagkilala sa kanilang awtoridad na hubugin, bantayan at paunlarin ang
mga pagpapahalaga ng kabataan. EsP8PBllld10.3

Mga Layunin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Nakapagtatala ng mga pangaral o payo na nagmula sa magulang,

nakatatanda o may awtoridad

B. Naipapahayag ang mabuting dulot ng mga pagpapahalaga o virtues na

natutunan mula sa magulang, nakatatanda at may awtoridad

C. Nakabubuo ng isang islogan tungkol sa kahalagahan ng papel na

ginagampanan ng magulang, nakatatanda o may awtoridad sa
paghubog ng mga pagpapahalaga bilang kabataan.

PAUNANG PAGSUBOK
Suriin ang tsart. Tayahin ang iyong sariling kakayahan, sagutan ang bawat
aytem sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa kolum kung ito ba ay iyong
ginagawa Palagi, Madalas, Paminsan-minsan o Hindi Kailanman.

Nakikinig ka ba sa Palagi Madalas Paminsan Hindi

pangaral o paalala ng… -minsan Kailanman

1. magulang mo?

2. guro mo sa paaralan?

3. pamunuan ng
paaralan?

4. mga nakatatanda?

5. mga namumuno sa
pamahalaan?
1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili matapos sagutan ang talaan?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Ikinasiya mo ba o ikinalungkot ang bagay na natuklasan mo sa iyong

sarili? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

BALIK-ARAL
Ating alamin kung iyo pang naaalala ang nakaraang aralin sa
pamamagitan ng pagbibigay ng tamang kasagutan sa ibaba.

Punan mo ang bawat bakanteng kahon ng wastong letra upang

makumpleto mo ang tatlong pamamaraan kung paano natutuhan ng bata
ang paggalang at pagsunod

A. p m a s d

B. p k k g a t

p g s a b y

C. d p i a a t

p w a w t
ARALIN
Maaari po bang lumabas
ng bahay saglit?

“Bawal lumabas! Yan

ang batas!
Pero…

Walang pero-pero, dito ka

lang sa loob ng bahay!”

http://www.solutiontalk.ie/wordpress/wp- https://www.netclipart.com/pp/m/118-1182652_angry-
person-png-pic-angry-man-clipart.png
content/uploads/2017/01/worried_child-300x298.jpg

Ang iyong nabasang usapan sa itaas ay isa lamang sa maaaring madalas

mong naririnig mula sa iyong magulang o nakatatanda. Tila sinisikil ang
iyong kalayaan dahil sa paghihigpit na ginagawa lalong-lalo na sa panahon
ngayon na mayroong pandemyang CoVid-19. Ngunit iyong tandaan na ikaw
ay mahalaga sa kanila at ito’y kanilang ginagawa para na rin sa iyong
sariling kabutihan o kapakanan.

Kung naging maayos ang paghubog

sa mga naunang taon ng iyong buhay,
mauunawaan mo ang kahalagahan ng
marapat na paggalang at pagsunod,
dahil sa pagkilala mo sa pamilya bilang
hiwaga, halaga at presensiya.

Maipakikita mo ang paggalang at

pagsunod sa iyong mga magulang,
nakatatanda at may awtoridad kung
kinikilala mo ang kanilang halaga.
https://media.istockphoto.com/vectors/basic-rgb-vector- Dahil dito, kinikilala at
id641507652?k=6&m=641507652&s=612x612&w=0&h=68uqf785LzIetHv8HhKJZkjG2iOt7
UaRHeozOmQQMcI= pinahahalagahan mo ang kanilang
tungkuling hubugin, subaybayan at paunlarin ang iyong mga magagandang
ugali at mga pagpapahalaga. Mapagtitibay mo ang mga birtud na ito sa
pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal, pananagutan at pagkilala sa
kanila bilang biyaya ng Maylalang.
Ano ang iyong nararamdaman tuwing ikaw ay kanilang napapangaralan
o napagsasabihan? Ipaliwanag. ___________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
MGA PAGSASANAY
Gawain 1

Madalas binabanggit sa atin ng ating mga magulang o nakatatanda

ang kasabihang “Papunta ka pa lang ay pabalik na ako”, ito ay kanilang
paraan ng pagpapaalala, lalo na sa kabataan, na sila ay mayaman sa mga
karanasan at mga aral na hatid nito sa buhay. Kung kaya’t mahalagang
pakinggan at kilalanin ang kanilang binibitawang mga paalala o mga
pangaral.

Sa bahaging ito, ikaw ay magtala ng tatlong (3) pinakamahalagang

pangaral sa iyo o paalala na iyong natutunan mula sa iyong magulang,
nakatatanda o may awtoridad:

1. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

A. Gaano mo kadalas naisasabuhay ang mga pangaral o paalala na ito

sa iyo? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

B. Alin sa tatlo mong itinala na mga pangaral o paalala mula sa iyong

magulang, nakatatanda o may awtoridad ang pinakamahalaga sa’yo?
Bakit?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain 2

Sa bahaging ito, ikaw ay bumuo ng isang maikling islogan sa loob ng kahon

na ang tema ay tungkol sa kahalagahan ng papel na ginagampanan ng
iyong magulang, nakatatanda o may awtoridad sa paghubog ng mga
pagpapahalaga mo bilang kabataan.

Halimbawa:

“Ang kapahamakan ay
maiiwasan,
Kung susundin ang
pangaral ng magulang”
Gawain 3

Isulat mo sa patlang sa ibaba ang iyong paliwanag kung paano

nakaiimpluwensya o nakatutulong ang iyong magulang, nakatatanda o may
awtoridad pagdating sa iyong:

1. Pananalita at Pagkilos

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Pag-uugali

3. Pakikisalamuha

4. Pagpapasya

5. Pagdadala ng problema

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

PAGLALAHAT

Bilang kabataan, mahalagang kilalanin ko ang papel ng magulang,

nakatatanda at may awtoridad na hubugin, bantayan at paunlarin ang
aking mga pagpapahalaga sa buhay dahil
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Maipapakita ko ang pagkilala ng kanilang awtoridad na ito sa

pamamagitan ng __________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PAGPAPAHALAGA
Kumpletuhin mo ang tsart. Magtala ka sa ikalawang kolum nito ng mga
pagpapahalaga o virtues na iyong natutunan mula sa iyong magulang,
nakatatanda o may awtoridad. Sa ikatlong kolum naman ay iyong
ipaliwanag ang mabuting dulot o epekto ng pagpapahalagang ito sa iyong
pagkatao.

Mabuting Dulot ng
Pagpapahalaga o Virtue na
Pagpapahalaga sa Iyong
Natutunan mula sa Kanila
Pagkatao

Halimbawa: Pinagkakatiwalaan ako ng

aking pamilya at kaibigan
Nanay (Magulang) Matapat
dahil hindi ako
nagsisinungaling

1.

2.

4.

5.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat sa patlang ang T kung ang
sitwasyon ay nagpapakita ng pagkilala ng kabataan sa magulang,
nakatatanda at may awtoridad sa paghubog ng kanilang mga
pagpapahalaga. Isulat naman ang M sa patlang kung hindi.

______ 1. Laging nasusunod ang desisyon ng bunsong anak na si Orlando sa

mga gustong gawin nito sa buhay.

______ 2. Kumukonsulta si Jerry sa kanyang magulang tuwing nahaharap

siya sa mabibigat na sitwasyon.

______ 3. Limang taon man ang lumipas simula nang mawalay, palaging
nasa isip pa rin ni Katheryn ang mga bilin at pangaral ng kanyang lola na
nag-aruga sa kanya.

______ 4. Nagdarabog si Daisy tuwing siya’y pinaalalahanan ng kanyang

magulang sa mga pagkakamali nito.

______ 5. Kahit may ipinatutupad na curfew, si Matthew ay pumupuslit at

umaalis ng kanilang bahay upang makipagkita sa kanyang kabarkada.
SUSI SA PAGWAWASTO

Balik-aral

Panapos na Pagsusulit

Sanggunian
Bognot, Regina. et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8, Modyul Para
Sa Mag-aaral. Pasig: Kagawaran ng Edukasyon, 2013.

https://media.istockphoto.com/vectors/basic-rgb-vector-
id641507652?k=6&m=641507652&s=612x612&w=0&h=68uqf785LzIetHv8HhKJZk
jG2iOt7UaRHeozOmQQMcI=

https://www.netclipart.com/pp/m/118-1182652_angry-person-png-pic-angry-
man-clipart.png

http://www.solutiontalk.ie/wordpress/wp-
content/uploads/2017/01/worried_child-300x298.jpg

You might also like