You are on page 1of 5

Learner Activity Sheet (LAS)

ALPABASA
Unang Linggo, Unang Araw

Pangalan: __________________________Lebel: _______________


Seksiyon: ___________________________ Petsa: _______________

GAWAING PAGKATUTO

Tunog ng Letra Mm

Panimula (Susing Konsepto)

Mahal na mag-aaral ginawa ko ang Learning Activity Sheet na ito


para sa iyo dahil gusto kong mahalin mo ang pagbabasa. Lagi mong
tatandaan “sa pagbasa, may pag-asa.”

Sa araling ito makikilala mo ang letrang Mm sa pamamagitan ng


larawan, maririnig mo rin ang tunog nito, iyo rin itong bibigkasin, at
susubukang isulat. Huwag kang mag-aalala kaya mo ito dahil tutulungan
ka ng iyong magulang o nakatatanda na kasama mo sa bahay.

Kasanayang Pagkatuto

1. Nakikilala ang mga larawan na nagsisimula sa Mm;


2. Nabibigkas ang unang tunog ng mga larawan na ibinigay ng guro;
3. Nauulit ang pagbigkas ng tunog ng mga mag-aaral sa pamamgitan ng
video; at
4. Naisusulat ang letrang Mm sa palad, likod ng magulang, sa hangin,
atbp sa pamamagitan ng video na panonorin.

Panuto

Handa ka na bang matuto?


Tara! simulan mo ng gawin ang lahat ng gawaing ibinigay ko sa
iyo. Paalala ko lamang na basahing mong mabuti ang panuto bago mo
gawin ang bawat gawain upang huwag kang magkamali.

Pamamaraan

Gawin mo ang hinihingi ng mga sumusunod na gawain.

Gawain 1:
Sa tulong ng iyong magulang (kasama sa bahay na nakatatanda)
kilalanin mo at bilugan ang lahat ng larawang nagsisimula sa letrang
Mm.

Gawain 2:

Mahusay! Kayang-kaya mo, sige nga panoorin mo ang inihanda


kong video para sa iyo at pakinggan mo ang pagbigkas ng mga tunog sa
bawat larawang ipinakikita sa video huwag kang mag-aalala dahil
tutulungan ka ng iyong magulang (kasama sa bahay na nakatatanda) sa
pagsasagawa nito. Click mo ang link sa ibaba upang mapanood at
mapakinggan ang video.

(https://youtu.be/PUhdDVpQ9-g)
Gawain 3:

Wow! Nakuha mo, matapos mong mapakinggan ang pagbigkas sa


unang tunog sa larawan, nais kong ikaw naman ang umulit sa pagbigkas
nito. Panoorin mong muli ang video at ulitin mo ang tunog ng letrang
Mm matapos mo itong mapakinggan.

Gawain 4:
Ang galing mo! Manood kang muli upang makita mo kung paano
isinusulat ang letrang Mm. Pagkatapos mong mapanood kung paano
isinusulat ang letrang Mm ikaw naman ang susubok magsulat nito, isulat
mo ito sa iyong palad, sa likod ng iyong nanay, at sa hangin, atb.

Magaling! Kayang-kaya mo nang magsulat.

Gabay na Tanong (kung kailangan)

1. Anong letra ang natutuhan mo?


2. Ano ang tunog nito?

Pangwakas

Binabati kita sa husay na ipinakita mo sa pagsagot sa Learning


Activity Sheet na ito. Nais kong ipagpatuloy mo ito. Isang hirit na lang
maaari ba?

Humanap ka ng mga bagay sa loob ng inyong bahay na


nagsisimula sa letrang Mm. Sabihin mo sa harap ng iyong mga kasama
sa bahay kung ano-ano ang mga ito. Saang letra nagsisimula ang mga
bagay na nakuha mo? Ano ang tunog nito?

Magaling, mahal kong mag-aaral!

Mga Sanggunian
https://webstockreview.net/image/corn-clipart mais/2550850.html

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=http%3A%2F
%2Fclipartlibrary.com
%2Fmangocliparts.html&psig=AOvVaw0QvyRoeEI0SI55HVzjgFEl&u
st=1593056970009000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwj5mtrn
xZnqAhVIyZQKHXgtBxYQr4kDegUIARC9AQ

https://www.pinterest.com/pin/127015651979153925/

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F
%2Fwww.pinterest.com%2Fajlabalta%2Fmotherclipart
%2F&psig=AOvVaw0nAPsQkB411NxNC8__f3Re&ust=15930572607
93000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCIjy5fzGmeoC
FQAAAAAdAAAAABAE

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F
%2Fwww.etsy.com%2Fhk-en%2Flisting%2F611259968%2Fbanana-
svg-banana-clipart-files
for&psig=AOvVaw39_VymtUZGW_ImTICtA3IX&ust=159305740050
1000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwi5rv20x5nqAhWvw4sB
HWvJDpYQr4kDegUIARCZAg

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=http%3A%2F
%2Fclipartlibrary.com
%2Fmapcliparts.html&psig=AOvVaw02TEDu5j2q7chxNyEPmHks&us
t=1593058370652000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwjV28q
Dy5nqAhVK6ZQKHWtLBnkQr4kDegUIARCWAg

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
Inihanda ni:

MARIA MARISSA B. DEL PILAR


Pangalan ng May Akda

TANDAAN: Magsanay ng mga personal na protocol sa


kalinisan sa lahat ng oras.

You might also like