You are on page 1of 2

PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN NG MGA BANAL

Magkakatipon ang sambayanan sa harapan ng simbahan.

Obispo:
+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.
Obispo:

Sumainyo ang Panginoon.

Bayan:
At sumainyo rin.

Obispo:
Mga kapatid, tayo ngayon ay natitipon upang basbasan ang mga
imahen na ito ng mga banal. Nawa sila ay laging maging paalala sa
atin na sumunod sa yapak ni Kristo sa bawat araw ng ating buhay.
At nawa’y patuloy tayong ipanalangin ng mga banal sa kalangitan
upang magamapanan natin ang kabutihang ating nasimulan.

SALITA NG DIYOS

Pari:
Pagbasa mula sa Sulat na Apostol San Pablo sa mag taga- Roma

Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan.


Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya’t ang Espiritu
ang lumuluhog para sa atin, sa paraang di magagawa ng pananalita.
At nauunawaan ng Diyos na nakasasaliksik sa puso ng tao, ang ibig
sabihin ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu’y lumuluhog para sa mga
banal, ayon sa kalooban ng Diyos.
Ang Salita ng Diyos.

Bayan:
Salamat sa Diyos.

Obispo:
Manalangin tayo.

O, Panginoong Diyos, Ikaw ang bukal at simula ng lahat ng pagpapala


at biyaya, ibuhos mo ang iyong bendisyon + sa mga imaheng ito na
nagpapaalaala ng iyong kabutihan, kabanalan at pagmamahal sa
aming lahat upang ang lahat na dumulog at magdasal sa mga imaheng
ito ay magtamo ng iyong awa at biyaya. Loobin mong tularan nila ang
kabanalan at aral ng Panginoon at mga Santo. Hinihiling naming ito
sa pamamagitan ng iyong Anak, ang aming Panginoong Hesukristo.

Bayan:
Amen.

Iinsensuhan ng Obispo ang bawat imahen sa patio.

Pagkatapos ng pagbabasbas ay tahimik na lilisan ang lahat bilang pakikiisa sa pagsisimula ng


pagpapakasakit ng Panginoon ngayong Huwebes Santo.

You might also like