You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaranng Edukasyon
Rehiyon IV-A (CALABARZON)
Sangay ng Lungsod ng Lipa

Pambansang Paaralang Sekondarya ng Bolbok


Bolbok Lungsod ng Lipa

I. Layunin
Nasusuri ang proseso ng padron ng pag-iisip (thinking pattern) sa mga ideya at
opinyong inilahad sa binasang sanaysay.

II. Paksang Aralin


Panitikan: Kay Estela Zeehandelar (isinalin ni Ruth Elynia S. Mabanglo)
Uri ng Panitikan: Sanaysay- Indonesia
Sanggunian: Panitikang asyano (baitang 9)
Kagamitan: Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid aralan
4. Pagtatala ng liban

B. Pagbabalik aral
Sino ang maaaring maglahad ng paksang tinalakay noong nakaraang araw?
Naunawaan ba ninyo ang pinagkaiba at pinagkatulad nito?

C. Pagganyak
May liham na nais ibigay ang guro sa inyo, ngunit hindi nya ito makita. Kaya
naman gusto niyang kayo na mismo ang humanap ditto upang malaman nyo ang
nais niyang sabihin sa inyo. Kayo ay hahatiin sa dalawang grupo, ang kanang
bahagi ang unang grupo at sa kaliwa ang ikalawang grupo. Ang bawat grupo ay
bibigyan ng papel na kulay asul. Kailangang sundin ng bawat grupo ang panuto
na nakasulat dito at hanapin ang iba pang papel batay sa mga panutong nakasulat.
Handa na ba kayo?

D. Aktibiti
Ngayon ay nalaman na ninyo ang nais sabihin ng guro at kung ano ang
tatalakayin sa araw na ito. Ngayon ay dadako naman tayo sa aktibiti. Dugtungang
Pagpapabasaang gagawin ng mga mag aaral. Kaya naman ang bawat isa ay
inaasahang makinig at unawain ang sinasalaysay ng kapwa magaaral.

E. Analisis
Upang mas lalong maunawaan ang nilalaman ng sanaysay na “Kay Estela
Zeehandelar” ay may inihandang katanungan ang guro;
1. Sino si Estela Zeehandelar?
2. Paano ipinakilala ng prinsesa ang kanyang sarili?
3. Ano ang mga nais ng prinsesa na gusto niyang mabago sa kaugaliang
Javanese para sa kababaihan?
4. Anong uri ng sanaysay ito?
5. Anu-ano ang katangian ng isang sanaysay na pormal na naiiba sa sanaysay na
di-pormal?

F. Abstraksyon
Matapos niyong malaman at maunawaan ang sanaysay na Kay Estela
Zeehandelar;
1. Ano ang masasabi nyo sa sanaysay na binasa?
2. Anong damdamin at reaksyon ang maari nyong ibahagi tungkol sa liham ng
prinsesa?

G. Aplikasyon
Pangkatang Gawain:

Unang Pangkat
Panuto: Paano mo mailalarawan ang tauhang babae sa akda? Gamitin ang graphic
organizer.

Ikalawang Pangkat
Panuto: Kung ikaw ang taong pinadalhan ng liham ng Prinsesa, anong maaring
sagot mo sa liham? (Pagsulat ng liham)

Ikatlong Pangkat
Panuto: Pumili ng isang kaugaliang Javanese at alamin ang maganda at hindi
magandang naidudulot nito.

Kaugaliang Javanese

Magandang Naidudulot Hindi magandang


naidudulot

Ikaapat na pangkat
Panuto:Sumulat ng maikling tula na may 3 saknong at tugma tungkol sa mga
tradisyon at pamamalakad noon na nabanggit sa inyong binasa.

IV. Ebalwasyon
Sumulat ng sanaysay na binubuo ng pito(7) hanggang sampung(10) pangungusap
tungkol sa “Paano Mapapataas ang Katayuan ng mga Kababaihan”.
V. Takdang aralin
1. Magsaliksik ng halimbawa ng pormal at di pormal na sanaysay.

Inihanda ni:
MA. TERESA A. PADUA
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:
MRS. MARIBETH Q. ENRIQUEZ
Gurong Tagapagsanay

You might also like