You are on page 1of 23

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8


Yunit 2
Aralin 7
Larawan ng Buhay
Tema:
Sandigan ng Buhay ng Lahi...Ikarangal Natin
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa panahon ng Amerikano, Komonwelt, at sa
kasalukuyan
Pamantayan sa Pagganap:
Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan, o kalikasan

Paksang Aralin
 Panitikan: "Ang Buhay" (Tula)
     Gramatika: Paglalapi

Mga Layunin
Nabibigkas nang wasto at may damdamin ang isang tula
Nagagamit ang mga angkop na salita sa pagbuo ng isang orihinal na tula
Naihahambing ang sariling saloobin at damdamin sa saloobin at damdamin ng nagsasalita
Nagagamit ang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng Internet sa pananaliksik tungkol sa mga anyo ng tula

Kagamitan
Batayang aklat na Bulwagan 7 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 74–85
Mga bulong mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Bakit mahalagang pag-aralan ang tula bilang isang uri ng akdang pampanitikan sa Pilipinas?
Paano napapalawak ang bokabularyo sa paggamit ng mga panlapi?

Pamamaraan

Panimula at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan
sa kanilang takdang-aralin.
2. Sabihin sa mga estudyante na ang magiging paksa ng araling tatalakayin ay tungkol sa tula.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
1. Ipasagot ang gawain sa Talasik sa pahina 110 ng batayang aklat.
2. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
1. Ipagawa ang pagsasanay sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 109 bilang panimulang gawain. Ipasagot
din ang mga kasunod na tanong. Tumawag ng dalawa o tatlong mga estudyante upang ibahagi ang kanilang
kasagutan. Magkaroon ng talakayan tungkol dito.
2. Ipabasa ang “Ang Buhay" ni Amado V. Hernandez  sa mga pahina 109 at 110. Magbigay ng sapat na oras
para sa pagbabasa nang tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga
katanungan sa Muling Pag-isipan sa pahina 111. Idagdag ang sumusunod na mga tanong:
a. Bakit kaya isinulat ni Amado V. Hernandez ang tulang ito?
b. Paano naipakikita sa isang tula ang kalagayan ng isang tao at ng lipunan?
c. Bakit mahalagang pag-aralan ang tula bilang isang uri ng akdang pampanitikan sa Pilipinas?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konseptong nakuha nila mula sa tekstong
binasa. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng
mga estudyante.
5. Ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 110.
6. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasa tulad ng:
a. Ang tula ay isang akdang pampanitikan. Lumaganap ito sa panahon ng mga Amerikano bunga ng
paninikil sa kalayaan ng mga Pilipino, partikular sa pagsulat ng anumang ikasasama ng imahe ng bansang Amerika.
b. Mahalagang pag-aralan ang akdang pampanitikan tulad ng tula sa panahon ng Amerikano at Komonwelt
dahil ang mga tulang isinulat ay naglalarawan ng kalagayan ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng pananakop.
Sa pamamagitan ng mga tulang ito, nakabuo ng imahe ng masining na kalagayan ng mga Pilipino noong panahong
iyon.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 111 hanggang 113 ng
batayang aklat.

Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga mag-aaral na pag-aralan ang tungkol sa paglalapi; ipabasa ang nakasaad sa mga pahina 114
at 115 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano napalalawak ang bokabularyo sa paggamit ng mga panlapi?

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.
2. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi sa klase ang kanilang natutuhan sa nakaraang paksa.

Pagsusuri at Pagtalakay

1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Panggramatika sa pahina 113 ng batayang aklat. Ipasagot
din ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang tungkol sa paglalapi ayon sa nakasaad sa Alamin sa mga pahina 114 at 115.
3. Ipaisa-isa ang iba’t ibang paraan ng paglalapi at itanong: Bakit mahalagang gamitin ang wastong paraan ng
paglalapi sa pagpapalawak ng bokabularyo?
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang paglalapi ay ang pagbuo ng salita sa pamamagitan ng pagsasama o pagdurugtong ng panlapi at
salitang-ugat.
b. Ang wikang Filipino ay may tatlong pangkalahatang uri ng panlapi. Ito ang unlapi, gitlapi, at hulapi.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
c. Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga panlapi sa unahan, sa gitna, at sa hulihan ng salitang-ugat,
nakabubuo ng panibagong salita na nakadaragdag sa bokabularyo ng isang estudyante.
5. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan
ng mga salitang may iba’t ibang uri ng panlapi.

Pagsasanay 
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa pahina 116 ng batayang aklat.
2. Ipabahagi sa klase ang kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 117 ng batayang aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang tulang "Tinig ng Darating" sa mga pahina 119 hanggang 120 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan tulad ng tula sa pagpapalaganap
ng kultura at panitikang Pilipino?
3. Magsaliksik tungkol sa kalagayan ng mga magsasaka sa Pilipinas.

Karagdagang  Pagsasanay

A. Bumuo ng pangkat na may apat hanggang limang kasapi. Ang bawat kasapi ay dapat magbahagi tungkol sa
naging epekto sa kaniya ng tula sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na "Anong pagbabagong pangkaisipan at
pandamdamin ang naganap sa iyo matapos matalakay ang tula?" Gumamit ng T-chart sa paghahanay ng inyong mga
sagot.

B. Gumamit ng Venn diagram upang pag-ugnayin ang mga karanasang nakapaloob sa akda sa aktuwal na mga
karanasan.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2
FSSaladino2019
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8

Aralin 8
Liwanag ng Buhay
Tema:
Sandigan ng Buhay ng Lahi...Ikarangal Natin
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa panahon ng Amerikano, Komonwelt, at sa
kasalukuyan
Pamantayan sa Pagganap:
Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan, o kalikasan

Paksang Aralin
     Panitikan: "Tinig ng Darating" (Tula)
     Gramatika: Ang Masining na Pagpapahayag: Eupemismo; Ang Eupemismo o Paglumanay

Layunin
Nailalarawan kung paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan tulad ng tula sa pagpapalaganap ng
kultura at panitikang Pilipino
Natutukoy kung bakit kailangang gumamit ng mga eupemismong pahayag sa mga akdang pampanitikan
tulad ng tula
Naiiisa-isa ang mga eupemismong pahayag sa tulang binasa
Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa tulang binasa
Nabibigkas nang wasto at may damdamin ang tulang “Tinig ng Darating”

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 8 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 118–125

Bilang ng Sesyon: 2 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan tulad ng tula sa pagpapalaganap ng kultura at
panitikang Pilipino?
Bakit kailangang gumamit ng mga eupemistikong pahayag sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa
takdang-aralin.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang mga gawain sa Talasik sa pahina 120 ng batayang aklat. Magkaroon ng pagtalakay tungkol sa mga
sagot ng mga estudyante.

Pagsusuri at Pagtalakay

1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 119 ng batayang aklat. Ipasagot
din ang katanungan na kasunod ng gawain. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
2. Ipabasa nang tahimik ang tulang “Tinig na Darating” ni Teo S. Baylen sa mga pahina 119 at 120.
Magbigay ng sapat na oras para sa pagbasa.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga
katanungan sa Muling Pag-isipan sa pahina 121. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan tulad ng tula sa pagpapalaganap ng kultura at panitikang
Pilipino?
b. Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng tula?
c. Ano-ano ang iyong naging damdamin habang binabasa ang akda?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang
ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Ang tula ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng damdamin, pananaw, saloobin, at opinyon ng isang
tao sa isang masining na pamamaraan. Malaki ang naitutulong ng tula sa pagpapahayag ng damdamin ng mga
Pilipino noong unang panahon sa dahilang nailalahad nito ang mga pagsasamantala nang hindi nanganganib ang
kanilang buhay.
b. Makikita rin sa tula ang kultura ng isang tao, pamayanan, o rehiyon dahil nailalarawan sa tula ang mga kilos,
saloobin, at mga tradisyon ng isang partikular na lugar.
c. Ang isang tula ay may indayog o tono kung kaya’t ito ay kadalasang ginagawang awit.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 121 at 122 ng batayang
aklat.
Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang tungkol sa eupemismo o paglumanay sa pahina 123 ng
batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit kailangang gumamit ng eupemistikong pahayag sa mga akdang pampanitikan
tulad ng tula?

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo hanggang limang estudyante upang talakayin ang kanilang
kasagutan.
2. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi sa klase ang kanilang natutuhan sa nakaraang paksa.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang tulang "Pag-aalay" sa Alamin sa pahina 122 ng batayang aklat at ipasagot ang mga tanong na
kasunod nito.
2. Talakayin ang tungkol sa masining na pagpapahayag (eupemismo) ayon sa nakasaad sa pahina 123. Ipaisa-
isa ang mga eupemismo at ang kahalagahan ng mga ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula.
3. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang eupemismo o paglumanay ay ang pagpapalit o paghahalinhan sa mga salitang nakasasakit.
b. Mahalaga ang eupemismo sa pagbuo ng tula dahil ito ang ginagamit ng isang makata upang maging
masining at malikhain ang kaniyang paglalarawan.
4. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga eupemismo o paglumanay.

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa pahina 124 ng batayang aklat.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
2. Ipabahagi sa klase ang kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 125 ng batayang aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang balagtasang "Alin ang Lalong Mahalaga: Buhay o Dangal?" sa mga pahina 127
hanggang 136 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan tulad ng balagtasan sa
pagpapalaganap ng kultura at panitikang Pilipino?
3. Magsaliksik tungkol sa kahulugan at mga katangian ng isang balagtasan.

Karagdagang Impormasyon at Pagsasanay

A. Ang Tula sa Panahon ng mga Amerikano


   Sa panahon ng kolonyalismong Amerikano, may walong babae na nagsulat ng tulang "Hibik Namin.” Ang
tulang ito ay tungkol sa pagmamalabis ng pamahalaan ng Amerikano sa mga Pilipino. Ang mga kababaihang ito ay
gumamit ng sagisag-panulat upang pangalagaan ang kanilang sekuridad. Ang mga kababaihang ito ay sina Viktoria
Laktaw, Feliza Kahatol, Patricia Himagsik, Dolores Katindig, Felipa Kapuloan, Victoria Mausig, Salvadora
Dimagiba, Honorata Dimayuga, at Deodata Liwanag.

Hango mula sa:


Palihan: Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat, p.10
Eugene Y. Evasco at Will P. Ortiz
C&E Publishing, Inc., 2008

Ang mga sagisag-panulat ay maaaring makita sa:


www.scribd.com/doc/267842662/Hibik-at-Himagsik-nina-Victoria-Lactaw-Script
journals.upd.edu.ph/index.php/kasarinlan/article/viewFile/1400/pdf_45

B.  Sino o ano ang tinutukoy sa bawat pangungusap?


1.  Ginagamit upang hindi makasakit ng damdamin. (tayutay)
2.  Isang anyo ng panitikan na ginagamitan ng mga salitang may metaporikal na kahulugan. (tula)
3.  Ang pagpapalit sa mga salitang nakasasakit sa damdamin ng tao. (eupemismo o paglumanay)
4.  Ang tula ni Pedro L. Ricarte tungkol sa paraan ng pagmamaneho ng isang drayber. ("Sa Libing ng Isang
Kaskaserong Tsuper")
5–6. Ang dalawang salik na makikita sa isang tula. (sukat at tugma)
7.  Kailangan ito upang maging tugma o tama ang paglalarawan sa damdamin at saloobin na nais ipaabot sa mga
mambabasa. (angkop na salita)
8–10. Ilan sa mga uri ng tayutay na tinalakay sa klase. (pagtutulad, pagwawangis, pagmamalabis)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8

Aralin 9
Halaga ng Buhay
Tema:
Sandigan ng Buhay ng Lahi...Ikarangal Natin
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa panahon ng Amerikano, Komonwelt, at sa
kasalukuyan
Pamantayan sa Pagganap:
Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan, o kalikasan

Paksang Aralin

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
     Panitikan: "Alin ang Lalong Mahalaga: Buhay o Dangal?" (Balagtasan)
     Gramatika: Mga Hudyat ng Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag

Layunin
Natutukoy kung paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan tulad ng balagtasan sa pagpapalaganap
ng kultura at panitikang Pilipino
Nagagamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Naipaliliwanag kung bakit mahalaga ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng
opinyon
Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang tiyak na uri ng paglalahad na may pagsang-ayon at
pagsalungat

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 8 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 126–142
mga lathalain at literatura tungkol sa balagtasan

Bilang ng Sesyon: 2 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan tulad ng balagtasan sa kultura at panitikang Pilipino?
Bakit mahalagang magamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon?

Pamamaraan

Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa
takdang-aralin.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 137 ng batayang aklat. Magkaroon ng pagtalakay tungkol sa mga sagot
ng mga estudyante.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 127 ng batayang aklat. Ipasagot
din ang mga katanungan na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa mga sagot ng mga estudyante.
2. Tumawag ng ilang estudyante upang basahin sa harap ng klase ang balagtasang “Alin ang Lalong
Mahalaga: Buhay o Dangal?” sa mga pahina 127 hanggang 136. 
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga
katanungan sa Muling Pag-isipan sa pahina 137. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan tulad ng balagtasan sa kultura at panitikang Pilipino?
b. Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng balagtasan?
c. Ano-ano ang iyong naging damdamin habang binabasa mo ang akda?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang
ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Ang balagtasan ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig tungkol sa iisang paksa.
b. Ang balagtasan ay hinango sa pangalan ni Francisco Balagtas.
c. Ang balagtasan ay isang uri ng akdang pampanitikan na naglalarawan ng saloobin, damdamin, at pananaw
ng mga Pilipino lalo na noong panahon ng Komonwelt. Ito rin ay naglalarawan ng kaganapan sa kalagayan ng mga

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Pilipino sa kanilang rehiyon.
d. Naging popular ang balagtasan lalo na noong ito ay lumaganap sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas gamit
ang iba’t ibang dialekto.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa pahina 138 ng batayang aklat.
Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa pagpapahayag
ayon sa nakasaad sa mga pahina 139 at 140 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang nagagamit nang tama ang pagsang-ayon at pagsalungat sa
pagpapahayag ng opinyon?

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo hanggang limang estudyante upang talakayin ang kanilang
kasagutan.
2. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi sa klase ang kanilang natutuhan sa nakaraang paksa.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang gawain sa Alamin sa pahina 139 ng batayang aklat. Ipasagot din ang mga tanong na kasunod
nito.
2. Talakayin ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ayon sa nakasaad
sa Talakayin Natin sa mga pahina 139 at 140. Ipaisa-isa ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa
pagpapahayag at ang kahalagahan ng mga ito sa isang akdang pampanitikan tulad ng balagtasan.
3. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Mahalaga na maibahagi ang saloobin, kuro-kuro, opinyon, at pananaw tungkol sa mga nangyayari sa
kapaligiran.
b. Ang ilang hudyat ng pagsang-ayon ay oo, maaari, tunay, totoo, tama ka, talaga, siyanga, sadya, sige,
at tanggap.
c. Ang ilang hudyat ng pagsalungat o pagtutol ay huwag, hindi, ayaw, at wala.
4. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa.

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 140 at 141 ng batayang aklat.
2. Ipabahagi sa klase ang kasagutan ng mga estudyante. Iproseso ang kanilang mga sagot.
Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 142 ng batayang aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang sarsuwelang "Walang Sugat" sa mga pahina 144 hanggang 148 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang sarsuela sa pagpapalaganap ng kultura sa iba’t ibang rehiyon
sa Pilipinas?
3. Magsaliksik tungkol sa kahulugan at katangian ng sarsuwela.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Karagdagang Pagsasanay

Panuto: Ano o sino ang tinutukoy sa bawat pahayag?


1. Isang uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig tungkol sa iisang paksa. (balagtasan)
2. Kilala siya bilang Huseng Batute. (Jose Corazon de Jesus)
3. Ito ang pagkilala ng mga Ilokano kay Pedro Bukaneg. (Bukanegan)
4. Ang paglalahad ng opinyon o pananaw ng isang tao ay maituturing na isang ________-pantao. (karapatan)
5. Ito ang pagkilala kay Juan Crisostomo Soto na isang manunulat at dramatista. (Crisotan)
6. Petsa kung kailan unang nagtanghal ng balagtasan. (Abril 6, 1924)
7. Isa sa pinakapopular na mambabalagtas sa panahon ng pananakop ng Amerikano. (Florentino T. Collantes)
8. Ang pamagat ng balagtasan na may layunin na pag-isahin ang mga partidong politikal sa Pilipinas noong
panahon ni Pangulong Manuel L. Quezon. (Koalisyon at Antikoalisyon)
9. Ang naging katunggali ni Amado V. Hernandez sa unang balagtasan. (Guillermo A. Holandez)
10. Ang totoo, tama, at tunay ay halimbawa ng mga hudyat ng ________. (pagsang-ayon)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8

Aralin 10
Buhay sa Lipunan
Tema:
Sandigan ng Buhay ng Lahi...Ikarangal Natin
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa panahon ng Amerikano, Komonwelt, at sa
kasalukuyan
Pamantayan sa Pagganap:
Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan, o kalikasan

Paksang Aralin
     Panitikan: "Walang Sugat" (Sarsuwela) 
     Gramatika: Pandiwa at ang mga Aspekto Nito

Layunin
Natatalakay kung paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan tulad ng sarsuwela sa pagpapataas ng
kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Naisa-isa kung paano nakatutulong ang iba’t ibang aspektong pandiwa sa pagsusuri ng akdang
pampanitikan tulad ng sarsuwela.
Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mahihirap na salitang ginamit sa akda.
Nasusuri nang pasulat ang papel na ginagampanan ng sarsuwela sa pagpapataas ng kamalayan ng mga
Pilipino sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa
Nagagamit ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa isasagawang pagsusuri sa sarsuwela.

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 8 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 143–156
mga lathalain at literatura tungkol sa sarsuwela

Bilang ng Sesyon: 3 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan tulad ng sarsuwela sa pagpapataas ng kamalayan ng
mga Pilipino tungkol sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa?

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Paano nakatutulong ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa pagsusuri ng akdang pampanitikan tulad ng
sarsuwela?

Pamamaraan

Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa
takdang-aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 148 ng batayang aklat. Magkaroon ng pagtalakay tungkol sa mga sagot ng
mga estudyante.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 144 ng batayang aklat. Ipasagot
din ang mga katanungan na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang sarsuwelang “Walang Sugat” sa mga pahina 144 hanggang 148. Magbigay ng sapat na oras
para sa pagbabasa nang tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga
katanungan sa Muling Pag-isipan sa pahina 149. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan tulad ng sarsuwela sa pagpapataas ng kamalayan ng
mga Pilipino tungkol sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa?
b. Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sarsuwela?
c. Ano-ano ang iyong naging damdamin habang binabasa mo ang akda?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan
silang ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Ang sarsuwela ay isang akdang pampanitikan na isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasalita at pag-awit.
b. Mahalaga ang sarsuwela sa pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa kultura ng iba’t ibang
rehiyon ng Pilipinas dahil ito ang naging daluyan upang maibahagi ang kultura ng isang rehiyon sa bawat lugar kung
saan itinatanghal ang sarsuwela.
c. Ginagamit din ang sarsuwela sa pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa pagmamahal sa bayan o
patriyotismo.
d. Si Severino Reyes ang isa sa nagpalaganap ng sarsuwela. Siya ay kilala sa tawag na “Lola Basyang.”

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 149 at 150 ng batayang
aklat.
Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang pandiwa at mga aspekto nito sa mga pahina 151
hanggang 154 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang nagagamit nang tama ang mga pandiwa at mga aspekto nito?

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo hanggang limang estudyante upang talakayin ang kanilang
kasagutan.
2. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi sa klase ang kanilang natutuhan sa nakaraang paksa.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang teksto sa Alamin sa pahina 151 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang pandiwa at ang mga aspekto nito ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 151
hanggang 154. 
3. Ipaisa-isa ang mga aspekto ng pandiwa at ang kahalagahan ng mga ito sa isang akdang pampanitikan tulad
ng sarsuwela.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang pandiwa ay salitang nagpapahayag ng kilos, aksiyon, o gawa.
b. Ang aspekto ay katangian ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos o kung
nasimulan na ang pagkilos o gawa.
c. Ang pandiwa ay may iba’t ibang aspekto: aspektong pangnakaraan o perpektibo, aspektong perpektibong
katatapos, aspektong pangkasalukuyan o imperpektibo, at aspektong panghinaharap o kontemplatibo.
5. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pandiwa sa iba't
ibang aspekto.

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa pahina 155 ng batayang aklat.
2. Ipabahagi sa klase ang kasagutan ng mga estudyante at iproseso ito pagkatapos.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 156 ng batayang aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang sanaysay na "Diyos Ama sa Lupa" sa mga pahina 158 hanggang 160 ng batayang aklat.
2. Pasagutan ang Mahahalagang Tanong sa pahina 157.

Karagdagang Pagsasanay
     Magsaliksik ng mga sarsuwela at pumili ng isa na iyong naibigan. Kumuha ng sipi ng iyong napiling sarsuwela.
Tukuyin at bilugan ang mga pandiwang nakapaloob sa teksto. Isulat sa tabi ng binilugang salita ang aspekto ng
pandiwa. 

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8

Aralin 11
Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2
FSSaladino2019
Batas ng Buhay
Tema:
Sandigan ng Buhay ng Lahi...Ikarangal Natin
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa panahon ng Amerikano, Komonwelt, at sa
kasalukuyan
Pamantayan sa Pagganap:
Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan, o kalikasan

Paksang Aralin
     Panitikan: "Diyos Ama sa Lupa" (Sanaysay) 
     Gramatika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag

Mga Layunin
Naipaliliwanag ang ginagampanan ng mga akdang pampanitikan tulad ng sanaysay sa pagtuturo ng
magagandang ugaling Pilipino tulad ng paggalang at pagmamahal sa magulang
Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag tulad ng paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan,
at pangangatwiran sa pagsulat ng sanaysay
Naikiklino (clining) ang mga piling salitang ginamit sa akda
Nahihinuha ang nais ipahiwatig ng sanaysay na napakinggan

Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw o opinyon


Kagamitan
Batayang aklat na Bulwagan 8 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 157–171
Larawan ng ama ng mga estudyante

Bilang ng Sesyon: 2 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Ano ang bahaging ginagampanan ng mga akdang pampanitikan tulad ng sanaysay sa pagtuturo ng
magandang ugali tulad ng paggalang at pagmamahal sa mga magulang?
Bakit mahalaga ang paggamit ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag – paglalahad, pagsasalaysay,
paglalarawan, o pangangatwiran – sa pagsulat ng sanaysay?

Pamamaraan

Panimula at Pagganyak
      Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa
takdang-aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa mga pahina 161 at 162 ng batayang aklat. Magkaroon ng pagtalakay tungkol
sa sagot ng mga estudyante.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 158 ng batayang aklat. Ipasagot
din ang mga katanungan na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang sanaysay na “Diyos Ama sa Lupa” sa mga pahina 158 hanggang 160. Magbigay ng sapat na
oras para sa pagbabasa nang tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga
katanungan sa Muling Pag-isipan sa mga pahina 162 at 163. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2
FSSaladino2019
a. Paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan tulad ng sanaysay sa pagtuturo ng magagandang
kaugalian tulad ng paggalang at pagmamahal sa magulang?
b. Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay?
c. Ano-ano ang iyong naging damdamin habang binabasa mo ang akda?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang
ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan sa anyong paglalahad. Ito ay naglalahad at tumatalakay ng
damdamin, pananaw, saloobin, o opinyon ng awtor.
b. Ang sanaysay ay may dalawang uri: pormal at impormal. Ang pormal na sanaysay ay tinatawag ding
personal o siyentipiko. Layunin nitong makapagbigay ng mga impormasyon. Samantala ang impormal na
sanaysay ay tinatawag ding pamilyar o impersonal dahil ang paglalahad o himig nito ay parang nakikipag-usap
lamang.
c. Ang pagkiklino (clining) ay ang pagsasaayos ng mga salita batay sa tindi o digri ng pagpapahayag.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 163 hanggang 165 ng
batayang aklat.

Paglalahat
    Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag; ipabasa ang nakasaad sa
mga  pahina 166 hanggang 169 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalaga ang paggamit ng iba’t ibang paraan ng pagpahayag – paglalahad,
pagsasalaysay, paglalarawan, o pangangatwiran – sa pagsulat ng sanaysay?

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo hanggang limang estudyante upang talakayin ang kanilang
kasagutan.
2. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi sa klase ang kanilang natutuhan sa nakaraang paksa.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang gawain sa Alamin sa mga pahina 165 at 166 ng batayang aklat. Ipasagot din ang mga tanong
na kasunod nito.
2. Talakayin ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 166
hanggang 169. 
3. Ipaisa-isa ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag at ang kahalagahan ng mga ito sa isang akdang
pampanitikan tulad ng sanaysay.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Sa komunikasyon, may apat na paraan ng pakikipag-ugnayan upang maipaabot nang maayos ang mensahe
sa kausap. Ito ang paglalahad, paglalarawan, pangangatwiran, at pagsasalaysay.
b. Sa paglalahad, ang pangunahing layunin ay ang paghahanap ng kalinawan, paghawi sa pag-aalinlangan, at
paggapi sa kamangmangan. Samantala sa pagsasalaysay, layuning maikuwento sa isang kawili-wili at sistematikong
paraan ang isang karanasan. Ito ay may dalawang paraan--ang patula at tuluyan.
c. Ang paglalarawan ay pagpapahayag ng nakikita, naiisip, at nararamdaman. Layunin nitong makabuo ng
isang malinaw na larawan sa isip ng mambabasa o tagapakinig. Ang pangangatwiran ay isang paraan ng
pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan upang ang isang proposisyon ay maging kapani-paniwala sa iba.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
5. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng iba’t ibang paraan
ng pagpapahayag.

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 169 at 170 ng batayang aklat.
2. Ipabahagi sa klase ang kasagutan ng mga estudyante at saka iproseso ang mga ito.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 171 ng batayang aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang kuwentong "Ang Regalo ng Taong-Ibon" sa mga pahina 173 hanggang 177 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Maiuugnay ba ang mga kaisipan sa mga akdang pampanitikan tulad ng maikling
kuwento sa mga kaganapan sa sarili, lipunan, at daigdig?
3. Sabihin sa mga estudyante na magsaliksik tungkol sa kahulugan at mga katangian ng isang maikling
kuwento.
4. Magpadala ng mga larawan ng mga hayop at ibon sa Pilipinas na mga nanganganib nang malipol.

Karagdagang Pagsasanay

     Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa iyong ama. Pumili mula sa apat na paraan ng pagpapahayag na tinalakay.
Maaaring gamitin ang mga katangian na ginamit sa paglalarawan ng iyong ama sa panimulang gawain ng aralin.
Lagyan ng pamagat ang iyong sanaysay. 

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8

Aralin 12
Buhay ng Kalikasan
Tema:
Sandigan ng Buhay ng Lahi...Ikarangal Natin
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa panahon ng Amerikano, Komonwelt, at sa
kasalukuyan
Pamantayan sa Pagganap:
Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan, o kalikasan

Paksang Aralin
     Panitikan: "Ang Regalo ng Taong-Ibon" (Maikling kuwento) 
     Gramatika: Kaantasan ng Pang-uri
Layunin
Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili, lipunan, at daigdig
Nabibigyang-katangian ang piling tauhan sa maikling kuwento gamit ang kaantasan ng pang-uri
Naipaliliwanag nang malinaw at makabuluhan ang sariling kaisipan at pananaw 
Nabibigyang-kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda
Pasulat na nawawakasan ang maikling kuwento sa pagbubuod o pagbibigay ng makabuluhang obserbasyon
Kagamitan
Batayang aklat na Bulwagan 8 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 172–184
Larawan ng mga nanganganib na hayop at ibon sa Pilipinas

Bilang ng Sesyon: 2 (isang oras sa bawat sesyon)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Mahahalagang Tanong
 Maiuugnay ba ang mga kaisipan sa mga akdang pampanitikan tulad ng maikling kuwento sa mga
kaganapan sa sarili, lipunan, at daigdig?
 Paano nakatutulong ang kaantasan ng pang-uri sa pagbibigay-katangian sa mga tauhan sa maikling
kuwento?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi ang kanilang
kasagutan sa takdang-aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 178 ng batayang aklat. Magkaroon ng pagtalakay tungkol sa sagot ng
mga estudyante.
Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 173 ng batayang aklat. Ipasagot
din ang mga katanungan na kasunod ng gawain. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang maikling kuwentong “Ang Regalo ng Taong-Ibon” sa mga pahina 173 hanggang 177.
Magbigay ng sapat na oras para sa pagbabasa nang tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga
katanungan sa Muling Pag-isipan sa pahina 178. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Maiuugnay ba ang mga kaisipan sa mga akdang pampanitikan tulad ng maikling kuwento sa mga
kaganapan sa sarili, lipunan, at daigdig?
b. Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng maikling kuwento?
c. Ano-ano ang iyong naging damdamin habang binabasa mo ang akda?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang
ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Ang maikling kuwento ay isang akdang pampanitikan na may layunin na ilahad ang isang kakintalan na
nililiha ng mga inilalarawang pangyayari sa pamamagitan ng pinakamatipid na paggamit ng mga salita.
b. Sa maikling kuwento, nailalahad ang kalagayan o kaganapan ng may-akda, maging ang kaniyang
kapaligiran.
c. Nailalahad din sa maikling kuwento ang mga isyung panlipunan at pandaigdigan na may epekto sa
kaganapan ng may-akda tulad ng mga isyung pangkapaligiran (halimbawa: pagkamatay ng mga natatanging hayop
at ibon sa Pilipinas).

Pagsasanay at Paglalahat
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 179 at 180 ng batayang
aklat.
Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang kaantasan ng pang-uri; ipabasa ang nakasaad sa pahina 180
ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang kaantasan ng pang-uri sa pagbibigay-katangian sa mga
tauhan sa maikling kuwento?

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo hanggang limang estudyante upang talakayin ang kanilang
kasagutan.
2. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi sa klase ang kanilang natutuhan sa nakaraang paksa. 

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Maghanda ng isang teksto na naglalaman ng mga paglalarawan gamit ang mga pang-uri sa iba't ibang
kaantasan. Basahin ito sa harap ng klase. Pagkatapos, ipasagot ang mga tanong sa Alamin Natin sa pahina 180 ng
batayang aklat.
2. Talakayin ang kaantasan ng pang-uri ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 180 at 181. 
3. Ipaisa-isa ang kaantasan ng pang-uri at ang kahalagahan o gamit ng mga ito sa isang akdang pampanitikan
tulad ng maikling kuwento.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.
b. May tatlong pangkalahatang antas ang pang-uri – ang lantay, pahambing, at pasukdol.
5. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng pang-uri sa iba't ibang antas.

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 182 at 183 ng batayang aklat.
2. Ipabahagi sa klase ang kasagutan ng mga estudyante at saka iproseso ang mga ito.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa mga pahina 183 at 184 ng batayang
aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang nakasaad sa Pagtalakay at Proyekto sa mga pahina 185 hanggang 189 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalaga ang wastong pagbigkas ng tula?
3. Sabihin sa mga estudyante na magsaliksik tungkol sa kahulugan, katangian, at mga elemento ng tula.

Karagdagang Impormasyon/Pagsasanay

A. Katangian at Sangkap ng Isang Maikling Kuwento


     Ang isang maikling kuwento ay may:
iisang impresyon o kakintalan
iisang pang-unang tauhang inilalarawan
iisang paksa o diwang pinagsisikapang maipaliwanag

    Sa pagbuo ng isang maikling kuwento, may mga sangkap o elemento na dapat nakapaloob dito. Pangunahin
ang tauhan, banghay, at tagpuan. Ngunit sa makabagong maikling kuwento, karaniwan ay hindi malinaw ang
banghay (plot) dahil sa tunay na buhay, ang kalagayan ng isang tao at ang lipunan na kaniyang ginagalawan ay
masalimuot, kung kaya’t sa paglalatag sa makabagong maikling kuwento, masalimuot din ang banghay na inilalahad
ng awtor. Gayunpaman, sa pangkalahatan, sinusunod pa rin ang tradisyonal na mga elemento. Ito ang sumusunod:
Tauhan – ang/ang mga gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento; may protagonista (bida) at antagonista
(kontrabida)
Tagpuan at panahon – ang lugar o pook na pinagyarihan ng kuwento at ang panahon kung kailan ito
naganap
Banghay – ang pagkasunod-sunod ng mga mahahalagang pangyayari sa kuwento

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Tunggalian – ang suliranin ng kuwento
Kasukdulan – ang kapana-panabik na bahagi ng kuwento
Kakalasan o resolusyon – ang kalutasan ng suliranin sa kuwento
Wakas – ang katapusan ng kuwento na maaaring ilahad sa iba’t ibang pamamaraan o istilo ng awtor

B. Sagutin ang tanong: Ano ang ugnayan ng tao at kalikasan? Ipaliwanag. Isulat ang sagot sa isang graphic
organizer katulad nito. 

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Panapos Na Gawain Para Sa Yunit 2
Tema:
Sandigan ng Buhay ng Lahi...Ikarangal Natin
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa panahon ng Amerikano, Komonwelt, at sa
kasalukuyan
Pamantayan sa Pagganap:
Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan, o kalikasan

Paksang Aralin
     Pagsulat at Pagbigkas ng Tula

Mga Layunin
Nakapagsasagawa ng malikhaing pagtatanghal ng tula na naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino
Nabibigyang-puna/mungkahi ang nabuong tula 
Nakadarama ng pagmamalaki sa nagawang pagtatanghal
Aktibong nakikilahok sa pasalitang pagtatanghal

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 8 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 184–192
props na gagamitin sa pagtatanghal 
sipi ng tulang gagamitin sa pagtatanghal

Bilang ng Sesyon: 3 (isang oras sa bawat sesyon)

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Magkaroon ng pagbabalik-aral sa mga natutuhan sa yunit 2 sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
estudyante ng isa o dalawang parirala o pangungusap na maglalagom ng kanilang pagkatuto.
2. Tumawag ng tatlo hanggang pitong estudyante upang ibahagi ito sa klase.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 188 ng batayang aklat. Magkaroon ng malayang talakayan sa kasagutan
ng mga estudyante.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang pagsasanay sa Panimulang Gawain sa pahina 184 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga
katanungan na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang nakasaad sa Pagtalakay sa mga pahina 185 hanggang 187. Maglaan ng sapat na oras para sa
pagbasa nang tahimik sa teksto.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa tekstong binasa. Gawing gabay sa talakayan ang mga
katanungan sa Muling Pag-isipan sa pahina 188. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Bakit mahalagang bigyang-pansin ang mga elemento ng tula?
b. Bakit mahalagang pag-aralan ang pagsulat ng isang tula?
c. Paano makatutulong ang kariktan ng isang tula sa pagbasa nito?
4. Ipasulat sa pisara ang mahahalagang konsepto na nabuo mula sa talakayan. Lagumin ang mga konseptong
nabuo ng mga estudyante.
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konseptong nabuo tungkol sa pagsulat at pagbasa ng tula tulad ng:
a. Ang tula ay isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng saloobin, damdamin, at pananaw ng isang tao.
b. Ang tula ay may mga elementong dapat isaalang-alang tulad ng sukat, tugma, aliw-iw o indayog,

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
talinghaga, at kariktan.
c. Sa pagbigkas, kailangang isaalang-alang ang tindig, bigkas, galaw, at tinig.

Pagsasanay at Paglalahat
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 188 at 189 ng batayang aklat.

Integrasyon sa Pagsasagawa ng Proyekto


Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Tumawag ng isa hanggang tatlong estudyante para ipahayag ang kanilang natutuhan sa nakaraang aralin.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang nakasaad sa Proyekto sa mga pahina 189 at 190 bilang paghahanda sa paggawa ng proyekto na
magsisilbing integrasyon ng mga natutuhan sa yunit 2. Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante para sa pagbasa.
2. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Tiyakin na ang bawat kasapi ng pangkat ay may kani-kaniyang gawain.
3. Linawin sa mga estudyante ang inaasahan sa kanila. Ipaliwanag ang rubrik sa pahina 190 na gagamiting
pamantayan sa pagtataya sa kanilang nabuong tula, gayundin sa kanilang pagtatanghal.
4. Ipagawa ang proyekto. Bigyan ng sapat na panahon ang mga estudyante sa paghahanda para sa
pagtatanghal ng tulang kanilang ginawa.
5. Ipatanghal ang nabuong tula na naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino.

Pagbubuod
1. Ipagawa sa mga estudyante ang gawain A sa Pagtatapos ng Yunit sa pahina 191 kung saang sasagutin
nila ang mga mahahalagang tanong sa buong yunit. Tumawag ng ilang estudyante upang magbahagi ng sagot.
2. Magkaroon ng pangwakas na pagsusulit para sa yunit. Idikta sa mga estudyante ang mga katanungan
sa Panimulang Pagtataya para sa Yunit sa mga pahina 102 hanggang 107. Maaari ding bumuo ng panibagong
pangwakas na pagsusulit. Ipaalala sa mga estudyante na ang iskor na makukuha nila sa pagsusulit na ito ay itatala na
at isasama sa pagmamarka.
3. Ipagawa rin ang gawain C sa pahina 192 ng batayang aklat. Lagumin ang buong yunit batay sa sagot ng
mga estudyante sa 3-2-1 tsart.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019

You might also like