You are on page 1of 72

Page | 1

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Ang Relasyon sa Pagitan ng Academic Anxiety at Academic


Performance ng mga Mag-aaral sa Baitang 12 ng MSEUFCI

Isang Pananaliksik na Iniharap para sa mga guro sa

Senior High School Department,

(Humanities and Social Sciences Strand)

ng Manuel S. Enverga University Foundation Candelaria Incorporated

Bilang bahagi ng mga pangangailangan para sa pagtamo sa Humanities and Social


Sciences

Isinumite nina:

Ada, Zyrine Jane D.

Veneracion, Karissa Karyll L.

Medrano Joshua U.

Abril 2021

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 2

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na “Ang Relasyon sa Pagitan ng Academic

Anxiety at Academic Performance ng mga Mag-aaral sa Baitang 12 ng MSEUFCI”

na inihandanda nina Ada, Zyrine Jane D., Veneracion, Karissa Karyll L., at

Medrano Joshua U. bilang bahagi ng mga kinakailangan sa Humanities and Social

Sciences ay sinuri at itinagubilin para sa pagtanggap at pagpapatibay.

GRACEL ANN LEGARDE

Gurong Tagapayo

PANEL NG MGA TAGASURI

Pinagtibay sa pamamagitan ng Lupon ng Pasalitang Pagsusuri na may marking

_____ngayong Abril ____,2021

LOVELY PRINCESS VILLAR EDITHA MAGPANTAY

Panelist Panelist

JERLINE MERCADO CHRISTIAN JOY PEREZ

Statistician Grammarian

Tinanggap bilang bahagi ng mga kinakailangan sa Humanities and Social Sciences.

JONATHAN VILLARUZ

Principal

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 3

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

PASASALAMAT

Lubos na pasasalamat ang aming gustong ipaabot sa mga sumusunod na

indibidwal at sa iba pang mga naging bahagi ng aming pag-aaral na walang humpay ang

pag-suporta at pag tulong upang aming mapagtagumpayan ang pag-aaral na ito. Sa aming

mga naging respondente na nagbigay ng oras para sagutan ng may katapatan ang mga

ibinigay na talatanungan. Sa aming mga kamag-aaral na nagpakita ng matinding

pagtutulungan at suporta sa bawat isa upang matapos ang aming pananaliksik. Sa

mapagkumbaba na ginoong Jerline Mercado na aming statistician na patuloy na

tumutugon sa aming mga katanungan. Pati na rin kay Ginoong Christian Joy Perez, sa

walang humpay na suporta na kanyang ibinibigay at kay Ma’am Gracel Ann Legarde,

ang aming mga minamahal na guro at tagapayo.

Nais naming ipaabot ang lubos na pasasalamat sa kanila dahil sa walang sawang

pag-tulong, pag-suporta, pag-gabay at pag unawa habang isinasagawa ang pananaliksik at

pati na rin sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman ukol dito. Sa lahat ng nagtulong-tulong

upang maging posible ang pananaliksik na aming ginagawa at sa mga awtor at

reperensiya na ginamit sa pananaliksik.

Sa mga magulang, na sila ring tumulong, umintindi at nagbigay ng suporta sa oras

ng paggawa ng pananaliksik na ito at higit sa lahat ay ang pagmamahal nila sa amin na

nagbigay motibasyon. Sa aming panginoon na higit na nagbigay gabay sa amin upang

magpatuloy.

Muli, maraming-maraming Salamat po sa inyong lahat.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 4

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

PAGHAHANDOG

Buong puso at pagmamahal na inihahandog ng mga tagapagsaliksik ang pag-aaral

na ito sa mga taong tumulong, gumabay at naging bahagi’t inspirasyon upang

magtagumpay na maisagawa ang pananaliksik na ito. Sa poong maykapal na siyang

nagbigay ng katatagan, lakas, patnubay, at walang hanggang biyaya upang maayos na

maisakatuparan ang pag-aaral na ito. Sa mga magulang ng bawat miyembro namin na

kabilang sa pangkat na ito na walang sawang umunawa at sumusuporta.

Sa aming propesor sa Research, prof. Gracel Legarde na siyang naging gabay at

isa sa mga naging daan upang ito’y maging posible. Kay Ginoong Christian Joy Perez, na

nagbigay pahintulot sa paggamit ng kanyang titulo sa aming pag-aaral at sa mga mag-

aaral na nakakaranas ng pagkabahala sa kanilang pag-aaral na naging inspirasyon namin

upang mabigyang kasagutan ang pag-aaral.

Isang malaking pasasalamat at mapagkumbabang inihahandog namin ito sa inyo!

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 5

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT NA PAHINA…………………………………..……………………………1

DAHON NG PAGPAPATIBAY.........................................................................................2
PASASALAMAT................................................................................................................3
PAGHAHANDOG..............................................................................................................4

TALAAN NG NILALAMAN.............................................................................................5

TALAAN NG TALAHANAYAN......................................................................................7

TALAAN NG FIGYUR......................................................................................................7

YABSTRAK.........................................................................................................................8

INTRODUKSYON..............................................................................................................9
LAYUNIN NG PAG-AARAL..........................................................................................11
TEORETIKAL NA BALANGKAS..................................................................................12
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL..............................................16

SAKLAW AT DELIMITASYON.....................................................................................26

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL.............................................................................27

TARGET NA MAKIKINABANG....................................................................................28

KATUTURAN NG TERMINO.........................................................................................30

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK......................................................................32
METODOLOHIYA...........................................................................................................32
DISENYO NG PANANALIKSIK....................................................................................32
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK.........................................................................32

PARAAN NG PANANALIKSIK.....................................................................................33

MGA TAGAPAGSAGOT.................................................................................................34

PAG-AANALISA NG DATOS.........................................................................................34

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 6

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

ISTATISTIKAL NA PAGSUSURI NG DATOS.............................................................35


KONSEPTWAL NA BALANGKAS................................................................................37
PAGSUSURI, PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG DATOS........................37
PAGLALAGOM KONKLUSYON AT REKOMENDASYON.......................................48
LAGOM.............................................................................................................................48

REKOMENDASYON.......................................................................................................58

SANGGUNIAN.................................................................................................................62

APENDIKS........................................................................................................................64
A. LIHAM PAHINTULOT........................................................................................64
B. LIHAM SA RESPONDENTE...............................................................................65
C. TALATANUNGAN..............................................................................................67

D. CURRICULUM VITAE........................................................................................72

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 7

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

TALAAN NG TALAHANAYAN

Talahanayan 1. Pangkat ng mga Respondente...................................................................38


Talahanayan 2. Kabuuang Markang mga respondente noong unang simestre..................39

Talahanayan 3. Kwalitatibong Paglalarawan.....................................................................40

Talahanayan 4. Pananaw ng mga mag-aaral sa mga kadahilanan ng pagkakaroon ng


‘anxiety’ sa pag-aaral sa tuntunin ng pagpapahalaga sa sarili...........................................41

Talahanayan 4.1. Pananaw ng mga mag-aaral ukol sa mga kadahilanan ng pagkakaroon


ng ‘anxiety’ sa pag-aaral sa tuntunin ng pagod ng kaisipan..............................................43

Talahanayan 4.2. Pananaw ng mga mag-aaral ukol sa epekto ng Academic Anxiety sa


Akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa tuntunin ng factor ng Guro......................44

Talahanayan 4.3. Pananaw ng mga mag-aaral sa epekto ng Academic Anxiety sa


Akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa tuntunin ng Antas ng Katalinuhan...........46

TALAAN NG FIGYUR

Pigura 1. Konseptwal na balangkas ng pag-aaral..............................................................37


Pigura 2. Resulta ng Spearman’s Correlation....................................................................57
Pigura 3. Resulta sa Pearson’s correlation nina Shakir M. (2014)...................................58

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 8

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

ABSTRAK
Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang Ang Relasyon sa Pagitan ngAcademic Anxiety
at Academic Performance ng mga mag-aaral sa Baitang 12 ng MSEUFCI. Layunin ng
pag-aaral na ito na masagot ang mga katanungan tungkol sa paksa at maimulat ang mga
mag-aaral, guro, magulang, at iba pa na bigyang importansya ang kalusugang
pangkaisipan ng mga mag-aaral. Upang masuportahan ang pag-aaral ay lubos na
nakatulong ang teyoryang “Walberg’s Theory of Educational Productivity (1981) ni
Walberg Herbert J., ayon sa teoryang ito ay mayroong siyam na dahilan kung bakit
naaapektuhan ang kognitibong pag-iisip ng mga mag-aaral na maaaring magdulot ng
Anxiety at maka-apekto sa pag-ganap ng mga ito sa paaralan. Nakatulong rin ang
teyoryang,Control Value Theory of Achievement Emotions ni Pekrun et al. (2007), ayon
naman sa teyoryang ito ay malaki aang eprkto ng emosyon natin sa ating bawat kiilos na
maaaring nagiging dahilan kung bakit naapektuhan ng Anxiety ang pag-ganap ng mga
mag-aaral. Bukod sa teyorya ay lubos ring nakatulong ang mga kaugnay na literatura
upang maipagtibay at masuportahan ang pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa
pamamagitan ng korelasyonal na pamamaraan upang tugunan ang relasyon ng dalawang
pangunahing paksa. .Mahalaga ang pag-aaral na ito ay upang mabigyan ng boses ang
mga mag-aaral na mayroong karanasan ng Academic Anxiety. Dahil sa mga
impormasyon ay makikinabang ang mga mag-aaral, magulang, paaralan o MSEUFCI,
Guidance Counselor, mga guro, at mg mananaliksik sa hinaharap. Ginamit naman bilang
instrumento ng pagkuha ng datos ay sa pamamagitan ng sarbey-kwestyoner, ang
talatanungan ay nilikha gamit ang google forms at ipinamahagi naman ito gamit ang
aplikasyong messenger sa dalawang-daan at apatnapu’t pitong estudyanteng
kasalukuyang nasa ika-labing dalawang baitang ng unibersidad. Ang bilang ng mga
respondante ay ibinase sa slovin’s formula at pinili gamit ang random sampling. Matapos
makuha ang mga kinakailangang datos ay sinuri ang mga ito sa pamamagitan ng
istatistikal na pamamaraan at sinuportahan gamit ang mga kaugnay na literatura. Nagamit
sa pagsusuri ang Spearman’s Correlation na siyang nagpatunay na may makabuluhang
relasyon sa pagitan ng Academic anxiety at Academic Performance ng mga mag-aaral.
Sa pag-aaral na ito ay natuklasan rin ang mga epekto ng ‘academic anxiety’ sa
akademikong pag-ganap ng mga ika-labing dalawang baitang na mag-aaral ng
unibersidad sa alituntunin ng pagpapahahalaga sa sarili, pagod ng utak o kaisipan, antas
ng katalinuhan, at factor ng mga guro.

Keywords: academic anxiety, academic performance, self esteem, at burn-out.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 9

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

INTRODUKSYON

Madalas maranasan ng ilang mag-aaral ang pagkakaroon ng academic anxiety,

mula sa mga proyekto, tesis, pagsusulit, nakuhang grado, presyur o ang takot na hindi

makapasa o hindi makakuha ng magandang grado. Ang pagkabahala at pagiisip na may

kasamang takot ay iisiping normal lamang, ngunit kapag ito ay nagdudulot ng negatibong

epekto sa pang araw- araw na buhay ng mga tao, kalusugan o performans nila sa

eskwelahan ay dapat na itong pagtuunan ng pansin, dahil ito ay maaring mas lumala at

magdulot ng Anxiety Disorder.

Nagkakaroon ng academic anxiety ang isang indibidwal dahil sa mga gawain na

nahihirapan syang gawin o lampas sa kanilang kapasidad, ang pag iisip na may

posibilidad na hindi matatapos ang gawain sa nakatakdang oras o ang pagiisip na maaring

mali ang ginawa o mababa ang makukuhang grado. At dahil nga sa pandemya ngayong

taon, maaring mas lumala ang academic anxiety ng mga mag-aaral, dahil sa ilang mga

problema na kanilang kinakaharap ngayong new normal, at dahil na rin online class na

ang paraan upang makapag-aral, marami sa mga mag-aaral ang nahihirapan sa

pakikibagay sa sitwasyon, nagkakaroon ng problema tulad ng mahinang internet

connection at kakulangan sa gamit pang online class, at dahil nga sa kakulangan ng

kagamitan ay hirap din sila sa pagintindi ng mga aralin at gagawing proyekto. Hindi rin

nila makasama ang kanilang mga kaibigan na dadamay at aalalay sa kanila, maaring

dumagdag din sa kanilang anxiety ang mga problema sa bahay na noon ay kanilang

tinatakasan.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 10

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Itinala ni Paunan J.(2020) sa Philippine Information Agency ang mga

impormasyon ukol sa National Center of Mental Health na dumoble ang natatanggap na

tawag simula nung nagkaroon ng lockdown. Ayon pa kay Paunan J.(2020) sinabi ng

WHO sa pag-aaral na kanilang isinigawa na halos labing-pitong porsiyeto (17%) sa

walong libo at pitongdaang animnapu’t isa (8761) na mag-aaral na edad labintatlo (13)

ang umamin na nagtangka silang magpakamatay at labindalawang porsiyento (12%)

naman ang nag iisip magpakamatay, kaya naman giniit ng DepEd na mas lalong

kailangan ng mga mag-aaral ang psychosocial na suporta, dahil maski ang ilang mag-

aaral ay nag-aalala rin sa trabaho ng kanilang mga magulang at paglipat sa distance

learning. Itinala din dito ni Senator Gatchalian W. (2020) na ang mga mag-aaral ay

namomroblema at nababahala dahil sa walang kasiguraduhan ang kaligtasan ng kanilang

pamilya at pati narin sa kanilang edukasyon, idinagdag din niya na malaki ang gampanin

ng ating paaralan sa pagbibigay suporta at pagunawa sa mga mag-aaral.

Ang Academic Anxiety ay maaring magdulot ng depresyon o sa mas malalang

sitwasyon pag iisip na kitilin ang sariling buhay. Maraming insidente na ang nabalita ukol

sa pagtitiwakal ng mga mag-aaral dahil sa anxiety, maraming mga magulang, pamilya at

iba pang mga mag-aaral ang nawalan at naapektuhan, kaya dapat lang natin buksan ang

ating kaisipan ukol sa academic anxiety ng mga mag-aaral, upang mabawasan ang

porsyento ng mga kabataan na isinusuko ang kanilang pangarap at taon na ginugol sa

pag-aaral dahil sa hindi kinayang sitwasyon na nagdudulot sa desisyong pag-papatiwakal.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang relasyon o epekto ng academic

anxiety sa academic performance ng mga mag-aaral sa baitang ika-labing dalawa (12) ng

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 11

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

MSEUFCI, layunin din ng mga mananaliksik mabuksan ang kaisipan ng mga mag-aaral,

magulang at mga paaralan, upang bigyang pansin ang importansya ng kalusugang

pangkaisipan ng mga mag-aaral.

Layunin ng pag-aaral

Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang relasyon sa pagitan ng

academic anxiety at academic performance ng mga mag-aaral sa ika-labing dalawang

baitang (12) ng MSEUFCI na maaring makatulong sa mga mag-aaral upang sila ay mas

maintindihan at matulungan ng kanilang mga magulang, paaralan, komunidad at kapwa

mag-aaral. Magsisilbing social support ang mga ito upang mabawasan ang academic

anxiety level na nararanasan ng mga mag-aaral. Layunin rin ng mga mananliksik masagot

ang sumusunod na katanungan:

1.Anu- ano ang mga kadahilanan ng pagkakaroon ng ‘anxiety’ sa pag-aaral sa mga

tuntunin ng:

a. pagpapahalaga sa sarili

b. pagod ng utak

2. Anu-ano ang mga epekto ng Academic Anxiety sa Akademikong pagganap ng mga

mag-aaral sa mga tuntunin ng:

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 12

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

a. factor ng guro

b. antas ng katalinuhan

3. Mayroon bang makabuluhang relasyon ang Academic anxiety sa Akademikong

pagganap ng mga mag aaral?

Teoretikal na balangkas

Walberg’s Theory of Educational Productivity (1981)

Walberg, Herbert J.(1981)

Mula naman sa pananaliksik nina Mbangata L. at Eyono Obobno S.D (2019) sa

kanilang pag-aaral na “A Review of Academic Performance Factors in the Context of

E-learning: Theories and empherical studies” kanilang ibinahagi ang teorya ni

Walberg (1981 at 1984) ang “Walberg’s Theory of Educational Productivity” (1981),

“Walberg's theory of educational productivity (1981 and 1984) posits that there

are nine factors which contribute to variances in students' cognitive and affective

outcomes: ability or prior achievement, age or stage of maturity, motivation or self-

concept, amount of time, quality of the instructional experience, the home, the

classroom social group, the peer group outside school, and the use of time outside

school. These factors influence one another, and they are also influenced by

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 13

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

learner’s academic performance.” (Walberg, 1984), Mbangata L. at Eyono Obobno S.D

(2019) “A Review of Academic Performance Factors in the Context of E-learning:

Theories and empherical studies”

Ayon sa teoryang ito, mayroong siyam (9) na dahilan na nakakaapekto sa

kognitibong pagiisip ng mga mag-aaral o sa madaling salita may siyam (9) na maaring

nakakaapekto sa academic performance ng mag-aaral, maaaring dahil sa kanilang

abilidad, tagumpay, edad, antas ng mentalidad, motibasyon, sariling ideya, oras na

nakaalan, kalidad ng karanasan, pakikihalubilo sa loob at labas ng paaralan, o oras na

nilalaan kapag hindi nag-aaral. Ayon kay (Walberg, 1984) itong mga pangunahing rason

ay konektado sa isa’t isa, at nakaka impluwensya sa academic performance ng mga mag-

aaral. Ayon nga sa teoryang ito nakakaapekto ang ating motibasyon, tagumpay, oras na

nakalaan, at kalidad ng karanasan. At kung iisipin nating mabuti, dahil sa kakulangan sa

oras, nabubuo ang pagkakaroon ng anxiety ng mga mag-aaral, nababahala sila kung

matatapos ba nila ito sa takdang oras, at minsan naman nabubuo ang anxiety o stress

dahil sa kakulangan sa kaalaman o karanasan, na nagdudulot kung bakit nahihirapan sila

sa pagintindi ng gawain o aralin. At dahil din sa gusto nila magtagumpay, o makasama sa

ibang mga mag-aaral na may mataas na grado, gumagawa sila ng paraan upang makapag-

pasa ng gawain o intindihin ang aralin, ngunit may oras talaga na hindi umaayon sa

kanila ang sitwasyon, hindi sila nananalo o hindi pa rin sapat ang kanilang grado, kaya

naman sumusuko sila at nawawalan ng motibasyon, naapektuhan ang kanilang academic

performance, at ang negatibong epekto nito sa kanilang pag-aaral ay nagpapadagdag sa

stress o anxiety na kanilang nararamdaman.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 14

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Bilang pampatibay na suporta sa teoryang ito, ayon kay Brown J.(2016) sa

kanyang pag-aaral na “Anxiety and Depression” sinabi dito ni Hutchinson D. na isang

direktor sa BU’s Center for Psychiatric Rehabilitation at isang Sargent College clinical

associate na propesor, na nagkakaroon ng anxiety ang isang mag-aaral kung

naaapektuhan ang abilidad ng mga mag-aaral sa paaralan, kapag nahihirapan sila

makihalubilo sa loob at labas ng paaralan o kapag sila ay hirap sa pag tutuon ng pansin sa

pag-aaral dahil sa anxiety o pag papanic. Ipinapakita lamang nito na malaki ang epekto

ng nararamdaman ng mga mag-aaral sa academic performance ng mga kabataan, at

malalaman din natin na mayroong anxiety ang isang tao kapag apektado na ang kanilang

pang-araw araw na gawain at performance sa paaralan.

Control value theory of achievement emotions

Pekrun(2006); Pekrun et al. (2007)

Ayon sa pananaliksik nina England B. et al.(2019) Malaki ang epekto ng ating

emosyon sa bawat kilos o desisyon natin, ang saya, lungkot, galit, tuwa, takot, o

pangangamba. Kapag lumalala ang ating pangangamba, nagkakaroon tayo ng anxiety.

Kanilang iminungkahi sa kanilang pananaliksik ang tungkol sa Control Value Theory of

Achievement emotions ni (Pekrun,2006; Pekrun et al.,2007)

“This theory proposes that students appraise the value of their achievement, and their

perception of the control they have over their achievement, as antecedents to the

emotions they feel in the classroom. Emotional feelings can be prospective (in

anticipation of an activity or outcome) or retrospective (after the activity or outcome

occurred) or can be related to activities currently occurring in the class. The emotions
Senior High School Department
HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 15

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

are termed “achievement emotions,” because they are student responses to their

perceptions of being judged on their performance in the class.” Pekrun(2006); Pekrun et

al. (2007), England B. et al. (2019) “Student Anxiety and Perception of Difficulty

Impact Performance and Persistence in Introductory Biology Courses”

Kung ito ay isasalin sa wikang Filipino, ang control value theory of achievement

emotions, ay ukol sa mga nakukuha na mga emosyon ng mga mag-aaral ukol sa kanilang

academic performance, sinusuri ng mga mag-aaral kung gaano kahalaga o kaimportante

ang kanilang mga nakamit, o kung ano ang posisyon ng mag-aaral sa mga nagunguna sa

klase, ang emotional achievement ay ang mga emosyong ibinibigay ng mag-aaral dahil sa

kanilang paniniwala na sila ay hinuhusgahan base sa kanilang academic performance.

Bilang suporta sa teoryang ito, ayon kay Abraham M. BSc (2020) sa kanyang

pananaliksik na “How Anxiety Toys With Your Emotions”, binanggit nya na ang anxiety

ay isang emotional disorder, kahit ilan sa mga tao ay hindi isinasaalang-alang ang anxiety

bilang emosyon, ngunit hindi natin maipagkakaila na totoo ang anxiety emotions. Kahit

na may iba kang maramdaman na emosyon tulad ng iritasyon, kalungkutan, o galit. Ang

anxiety o pagkabahala ay nagrerepresenta bilang emosyonal na katayuan sa isang

indibidwal. Dahil malaki ang epekto ng ating emosyon sa ating mentalidad, ang simpleng

lungkot ay nagdudulot ng depresyon, ang simpleng takot ay nagdudulot ng trauma, at ang

simpleng pangangamba ay nagdudulot ng anxiety, dagdag pa sa kanilang anxiety ang

nararamdaman nila tuwing iniisip nila na sila ay hinuhusgahan dahil sa kanilang

performance sa paaralan, dahil sa ideya na ito ay naprepressure at nai-istress sila at

idinadaan sa mga laro o kung ano pa man pampalibang ang kanilang stress, at kadalasan

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 16

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

pa ay napupuyat sila kaya nawawala ang atensyon nila sa pag-aaral na nagiging dahilan

ng pagkakaroon ng masamang epekto sa kanilang performance sa paaralan.

Mga kaugnay na literatura at pag-aaral

LOKAL NA LITERATURA

"Correlation Between Anxiety Level and Academic Performance of BS Biology

Freshmen Students”

Basco R. at Olen M.(2013)

Ayon kay Basco R. at Olen M.(2013) ng Rizal Technological University sa

kanilang isinagawa ng pananaliksik na nagngangalang "Correlation Between Anxiety

Level and Academic Performance of BS Biology Freshmen Students”, mataas ang

posibilidad na magkaroon ng anxiety ang isang mag aaral na bagong dating o pasok

lamang sa isang unibersidad. Ang mag aaral na ito ay masusubok dahil sa panibagong

komunidad at responsibilidad, maaari ring makaranas ang mag aaral ng presyur sa

akademikong pag-aaral. Ang mga posibilidad na huling nabanggit ay maaaring magbigay

ng pagkabahala at pagkatakot, o stress at anxiety sa mag aaral.

Sa oras na maipagsa-walang bahala ang mga posibilidad na ito, maaaring

maapektohan ang paraan ng pag-iisip ng mag-aaral. Ayon sa pananaliksik, ang isa sa

pinaka-nagbabanta na maaaring maging sanhi ng academic Anxiety ay ang mga


Senior High School Department
HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 17

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

ginaganap na pagsusuri o sa salitang ingles ay "examination". Kapag ang mag-aaral ay

nakararamdam ng matinding takot at pagkabalisa bago ang pagsusuri o sa oras ng

pagsusuri, lubos na maaapektuhan ang pagganap ng mag-aaral na nagging sanhi ng

pagkakaroon ng mababa ng iskor o grado.

DAYUHANG LITERATURA

“Top 10 Signs of Student Anxiety In The Classroom”

International Board of Credentialing and Continuing Education Standards (2019)

Ayon sa organisasyong International Board of Credentialing and Continuing

Education Standards o IBCCES (2019), mayroong Anim (6)na pangunahing uri ang

anxiety at ito nga ay ang generalized anxiety disorder, panic disorder, obsessive

compulsive disorder, phobia, post-traumatic stress disorder at social anxiety disorder. At

dahil ang anxiety ng mga mag-aaral o academic anxiety ay nagmumula sa isa sa mga

pangunahing anxiety na tinaguriang generalized anxiety disorder, importanteng

maintindihan ng paaralan at mga guro ang anxiety at kung paano ito nangyayari para

mabigyang suporta at tulong ang mga mag-aaral na nakakaranas nito.

Ayon sa IBCCES (2019) Maaring makaranas ng pagbabago ang mga mag-aaral

na mayroong anxiety, tulad ng pagababago ng emosyon o nagiging iritable, pagbabago sa

pakikisalamuha, dahil kadalasan sa mga mag-aaral ay iniiwas ang kanilang sarili sa ibang

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 18

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

tao dahil sa mga problema na kanilang iniisip, o dahil sa pagkabahala, maari ring

makaranas ng pisikal na pagbabago, tulad ng madalas pananakit ng ulo, pagkahilo,

pagpapawis, pananakit ng kalamnan, hindi pagkain ng wasto, at hindi maintindihang

karamdaman, maari ring pagbabago sa pagtulog, hirap sa pagtulog, pagkakabangungot o

pagod pag kagising, maari ring makaranas ng pagbabago sa kanilang performance sa

paaralan, ang pagbaba ng kanilang grado o hindi pagpapasa ng mga gawain.

Kadalasan sa mga mag-aaral na may anxiety, nakakalimutan na nila pangalagaan

ang sarili nila tulad ng pagkain sa tamang oras, pagpapahinga at pagtulog ng tama sa

oras. Kaya naman naapektuhan sila na mga negatibong dulot ng kanilang ginagawa. Ito

rin ang dahilan kaya nakakaramdam sila ng pagkahilo, pananakit ng ulo, panankit ng

kalamnan at iba’t iba pang karamdaman.

Dagdag pa ng IBCCES (2019) na nagdudulot din ng panic attack, obsesyon sa

pagiging perpekto, at pag-iisip na laging may mali ang mag-aaral na may academic

anxiety.

Ang pagpapawis, pagkahilo, paghirap sa paghinga at pananakit ng dibdib at pakiramdam

na para na silang mawawalan ng buhay ay ilan sa epekto ng panic attack. At dahil gusto

ng mga mag-aaral na may academic anxiety maging perpekto, sila ay nababahala sa

kanilang sarili at kadalasan pinupwersa nila ang kanilang mga sarili upang hindi

magkamali, at ito ay delikado sa menatalidad at pisikal nilang kalusugan, maaring dahil

sa pagpupuyat, di pagkain ng tama, at di pagtulog sa tamang oras ay magdulot ng sakit at

karamdaman sa kanila.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 19

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Bilang dagdag kaalaman ang kapabayaan nila sa kanilang sarili ay maaari ring makapag

pababa ng kanilang self esteem, kumpiyansa sa sarili at paniniwala sa sarili, nakakaapekto

rin ang ating self esteem sa pagkakaroon ng anxiety.

“A Study of Test Anxiety, Self-Esteem and Academic Performance among

Adolescents”

Alam, Md Mahmood (2013)

Nakapaloob sa pagaaral nina Alam, Md Mahmood (2013) na pinamagatang “A Study

of Test Anxiety, Self-Esteem and Academic Performance among Adolescents” ang

obserbasyon nina Friedman and Bedas-Jacob (1997) na nagsasabing ayon sa kanilang

obserbasyon, self esteem ang pinaka nakakaapekto sa prosesong pagbabago ng academic

anxiety ng mga mag-aaral, sinasabi lamang na ito ay maaring mapagaling o mas

magpalala sa academic anxiety ng mga mag-aaral. Dagdag pa nila, ang pagkabahala sa

pagkasira ng kanilang reputasyon, o ang mababang tingin ng mga tao sa kanila, ay mas

nagdudulot ng negatibong epekto sa kanilang academic anxiety. Ipinapakita lamang nito

na malaki ang epekto ng ating self esteem sa ating anxiety, baka maaring ito ang maging

solusyon sa paglunas sa anxiety ng mga mag-aaral o maari ding maging isang kahinaan

na mas lalong magpapalala sa kanilang sitwasyon na maaring magbigay sa kanila ng

ideyang kitilin ang kanilang sariling buhay at iwan ang mga mahal nila sa buhay.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 20

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

“Anxiety Disorders and Suicide: Psychiatric Interventions”

Hocaoglu C. (2015)

Nakapaloob sa pananaliksik ni Hocaoglu C. (2015) na pinamagatang “Anxiety

Disorders and Suicide: Psychiatric Interventions” ang pag-aaral nina Hill R.M,

Castellanos D, Pettit JW (2011) na nag sasabi na;

“Patients with anxiety disorders are at high risk for suicidal ideation, regardless of

whether the suicidal ideation is due to anxiety disorders itself or to co occurring

conditions. In evaluating the literature, it is necessary to review general requirements for

establishing anxiety as a risk factor for suicidal behaviors.” Kung ito ay isasalin sa

wikang filipino, sinasabi lamang nila na ang mga pasyente na may anxiety disorder ay

mas delikado ang pag-iisip, sila ang mga taong nagkakaroon ng ideyang kitilin ang

kanilang sariling buhay, kahit pa kung ang ideyang magpakamatay ay galing nga sa

anxiety o konektado dito, ayon sa mga nasuring literatura, importante paring tingnan ang

posibilidad na ang pagkakaroon ng anxiety ay maaring magdulot sa mga mag-aaral ng

pagiisip o pagkilos ng pagpapakamatay. Ipinapakita dito na malaki ang posibilidad na

magpakamatay ang mga mag-aaral dahil sa academic anxiety, kahit hindi man ito sing

lala ng iba pang klase ng anxiety ay nagbibigay parin ito ng dahilan upang hindi

pahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang sarili. Dahil sa takot na magkamali, o

mapahiya, bumababa ang tiwala nila sa kanilang sarili, at bumababa rin ang kanilang self

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 21

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

esteem, kaya naman mas nadaragdagan ang kanilang anxiety o depresyon, at dahil na rin

madalas silang mapag-isa, nagkakaroon sila ng ideyang magpatiwakal at lisanin ang

kanilang mga problema sa paaralan man o presyur mula sa kanilang mga magulang,

gamit ang pagkitil sa kanilang sariling buhay.

“The Relationship of Anxiety, School Burnout and Well-Being in High School

Students”

Andriyani A. et al. (2017)

Nakapaloob sa pananaliksik ni Andriyani A. et al. (2017) na pinamagatang “The

Relationship of Anxiety, School Burnout and Well-Being in High School Students” ang

pag-aaral nina Karyani, U. et al. (2015), na nagsasabing ang magandang kalusugan ng

mga mag-aaral ay tinatawag ring satispaksyon ng mga mag-aaral sa kanilang kapaligiran,

na nakakatulong sa pagiging aktibo ng mga mag-aaral sa paaralan.

Ang ibig sabihin lamang malaki ang impluwensya ng ating kapaligiran, at kalusugan sa

pagiging aktibo natin sa gawaing pang paaralan.

Idinagdag rin nila Adriyani A. et al. (2017) sa kanilang pananaliksik ang pag-

aaral ni Aypay A (2017) na nagsasabing ang mga mag-aaral na nakakaranas ng

pagkapagod ng kanilang utak, ay nakikitaan ng kawalang interes sa gawain sa paaralan,

madalas na pagliban sa paaralan, madalas na pagkatamad, at pagiging iresponsable.

Bilang dagdag, ayon sa pananaliksik nina Adriyani A. et al. (2017), dahil sa pagkukulang

ng mga mag-aaral, hindi nila nararamdaman na sila ay pinapahalagahan ng kanilang mga

tinuturing na pangalawang mga magulang, ang kanilang mga guro at kadalasan sila ay

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 22

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

kinakikitaan ng maling pag-uugali sa paaralan, kasama ng mga negatibong kinalabasan

dahil sa pagbabago ng pakikitungo nila sa loob ng klase. At isa ito sa nagiging rason

kung bakit mas napapagod ang utak ng mga mag-aaral na nagdudulot ng academic

anxiety sa kanila.

Mula pa rin sa pananaliksik nina Adriyani A, et al. (2017), batay sa pag-aaral nila

Deasy C. et al.(2014) at Schaufeli (2002), Ang student burn out o pagkakapagod ng utak

ng mga mag-aaral ay isang sikolohikal na sakit dahil sa mahabang panahon na namulat

ang mga mag-aaral sa mga gawaing paaralan at presyur na makamit ang gusto nilang

grado.

Ang gusto lamang ipahayag ng pag-aaral na ito ang koneksyon ng anxiety sa pagkapagod

ng utak ng mga mag-aaral at ang epekto nito sa academic performance ng mga kabataan,

at ang malaking epekto ng environment o kalusugan ng mga mag-aaral sa kanilang

pagiging produktibo sa gawaing pang paaralan.

Isa sa epekto ng academic anxiety ang pagkapagod ng utak ng mga mag-aaral,

mga mag-aaral man na magaling man sa klase o hindi gaano, ay nararanasan ang

pagkapagod ng utak at anxiety, may ilan na nararanasan ang burn out dahil na rin sa

presyur na ibinibigay ng mga guro at kaklase, at dahil sa reputasyong kanilang

inaalagaan, dahil ayaw nilang magkamali o bumaba ang grado pinipilit nila ang kanilang

sarili maging perpekto.

Ang ilan naman nakakaranas ng hirap sa pag-aaral pagpapasa ng mga gawain na

hindi nila alam kung paano gawin, halimbawa nalamanng ng mga mag-aaral as

nakakaranas ng paghahabol ng grado, dahil sa hindi pagpapasa ng oras responsibilidad


Senior High School Department
HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 23

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

nilang gawin ang mga hindi nila naipasa upang sila ay makapasa sa nasabing asignatura,

at kadalasan, kapag marami ang kanilang kailangan ipasa nakakaranas sila ng burn out at

anxiety, dahil hindi nila maipasa ng tama ang ginawa nila sa takdang oras na ibinigay sa

kanila bilang huling pagkakataon. Hindi naman nagkulang ang mga guro sa ilang beses

na pagpapa-alala ngunit dahil sa kapabayaan na ipinapakita ng mga mag-aaral at pagiging

iresponsable ay mas lalong lumalayo ang loob ng mga tao sa kanila, at dahil narin sa

tingin sa kanila ay bumababa ang kanilang self esteem o tiwala sa sarili, mas lalong hindi

naaayos ang performance nila sa paaralan, at dito naapektuhan ang academic

performance nila.

“Effects of academic anxiety on the performance of students with and without

learning disabilities and how students can cope with anxiety at school”

Dobson C. (2012)

Ayon kay Dobson C. (2012) sa kanyang pananaliksik na “Effects of academic

anxiety on the performance of students with and without learning disabilities and how

students can cope with anxiety at school” kaniyang binigyang diin na ang mga mag aaral

ay maaaring makaranas ng anxiety dahil sa kanilang mga gawain sa eskwelahan, pati na

rin sa labas ng eskwelahan. Bilang gabay, at tumatayong mga magulang at social support

sa loob ng paaralan, at dahil na rin pagkabahala sa mga gawaing pang akademiko ang

pinoproblema ng mga mag-aaral, nararapat lamang na magkaroon ng kaalaman ang mga

guro sa mga palatandaan ng pagkakaroon ng academic anxiety ng mga mag-aaral,

nararapat din na umaksiyon ang gurong ito kung kinakailangan upang maibsan ang
Senior High School Department
HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 24

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

karamdamang ito ng ilang mga mag-aaral. Ayon pa kay Dobson C. (2012) Maraming

mga guro ang nagkaroon na ng estudyanteng may academic anxiety o kaya ay social

anxiety at ito ay higit na makakapekto sa mga aktibidad o gawain ng mga mag-aaral sa

paaralan. Nakapaloob sa pananaliksik ni Dobson C. (2012) ang pahayag nila Ader at

Erktin (2010), na nag sasabing upang maiwasan ang mga pangyayaring ito ay dapat ituro

sa mga mag-aaral ang pag kontrol sa sarili, sapagkat ito ay makatutulong sa pag-iwas o

pag-bawas ng anxiety level ng mag-aaral at nakadadagdag tulong rin ito sa pag ganap ng

mga mag-aaral sa kanilang aktibidad at gawain.

“Academic Anxiety and it’s Effect on Academic Performance”

Mirawdali S. et al. (2018)

Nakapaloob sa pananaliksik nina Mirawdali S. et al. (2018) na pinamagatang

“Academic Anxiety and it’s Effect on Academic Performance” , ang pag-aaral ni

(Hashempour, 2014) kung saan isiniwalat nya na maraming literatura na ang

nakakapagsabing ang anxiety o pagkabahala ay nakakaapekto sa abilidad ng mag-aaral na

tumanggap, iproseso, o muling ibalik ang impormasyon, dahil may negatibong epekto sa

pagkakatuto ang anxiety, dahil sa impluwensya nito sa pagpapatakbo ng memorya,

nagiging dahilan ito sa hindi maayos na paggana ng utak at hindi magandang

performance sa paaralan.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 25

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Maaring maging solusyon ang pagkakatuto ng mga mag-aaral pamahalaan ang

kanilang oras, ilista ang mga dapat gawin o dapat unahin. Nakapaloob rin sa pananaliksik

nina Mirawdali S. et al. (2018) ang solusyon na naisip nina (Sansgiry et al., 2016;

Syokwaa et al., 2014), na nagsasabing ang time management o pamamahala ng oras ay

higit na nauugnay sa academic anxiety ng mag-aaral kaya naman kung mas maayos ang

pamamahala mo ng oras ay mas magana rin ang kalalabasan nitong resulta, tulad ng

pagkawala ng pakiramdam na pag-aalala o pangangamba dahil may oras kang ilalan para

sa iyong proyekto, magiging maganda rin angpaggana ng utak at mas maayos ang

akademikong paggawa ang maipapakita nila sa kanilang mga guro.

Saklaw at delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay isang korelasyonal na pag-aaral na tumutuon sa

relasyon sa pagitan ng academic anxiety at academic performance ng mga mag-aaral sa

ika-labindalawang (12) baitang ng paaralang Manuel S. Enverga University Foundation

Candelaria Incorporated. Ang talatanungan ay isinagawa gamit ang google forms na

naglalaman ng mga katanungan na magbibigay-linaw sa pananaliksik at ihahatid sa mga

tagapagsagot gamit ang aplikasyong messenger. Ang pagbabahagi ng talatanungang ito

ay matatapos sa taong dalawang-libo at dalawangpu’t-isa (2021).

Ang posibleng naging kakulangan ng pag-aaral na ito ay ang kakulangan sa mga

tagapagsagot sa bawat seksyon ng ika labing-dalawang (12) baitang ng paaralang Manuel

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 26

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

S. Enverga University Foundation Candelaria Incorporated. Gamit ang aplikasyon sa

Social Media ay inisa-isa ng mga mananaliksik na mag-abot ng kopya sa mga mag-aaral

ng baitang labing dalawa (12) sa Unibersidad. Isang hamon sa mga mananaliksik ang

mga pagkakataon na hindi napapansin ng ibang mag-aaral mula sa ibat ibang seksiyon

ang aming ibinigay na kopya ng talatanungan. Sa kadahilanang iyon, hindi nakamit ng

mga mananaliksik ang labing-siyam (19) na kabuuang bilang na tagapagsagot bawat

seksyon na kanilang kinakailangan alinsunod sa Slovin’s Formula. Ganoon pa man ay

hindi nito gaanong naapektuhan ang dalawangdaan at apatnapu’t-pito (247) na kabuuang

bilang na kinakailangan ng mga mananaliksik.

Kahalagahan ng pag-aaral

Mahalagang magkaroon ng boses ang mga mag-aaral, malaman ng ilang mag-

aaral na hindi sila nagiisa, at malaman ng mga magulang, paaralan, at malaman ng mga

guro ang bagay na hindi nasasabi ng mga mag-aaral, ang mga pangyayari sa likod ng

proyekto, bago makapag-pasa, bago makagawa ng mga aktibidad, ang pakikipaglaban sa

kaba bago sumabak sa pagsusulit, ang takot at pangangamba na kanilang dala dala, at ang

epekto ng emosyon at stress na kanilang nararamdaman sa kanilang academic

performance.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 27

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Nakapaloob sa pananaliksik na ito, ang mga pinagsama-samang literatura na

makakapagpatunay sa relasyon ng academic anxiety at academic performance, mahalaga

ang pag-aaral na ito upang maimulat ang kapwa mag-aaral, magulang, guro at paaralan

na isang sakit ang academic anxiety at hindi ito dapat pinagsasawalang bahala lamang, at

malaki ang impak nito sa kilos at akademikong paggawa ng mga mag-aaral, kaya naman

dapat natin itong pagtuunan ng pansin at hanapan ng solusyon, sapagkat hindi lamang sa

henerasyon na ito hihinto ang academic anxiety at maaring hindi rin alam ng ibang mag-

aaral ang peligro na dala ng sakit na ito sa buhay nila.

Target na makikinabang

Mag-aaral - Higit na nakakatulong ito sa mga mag-aaral, dahil sila ang nakakaranas ng

anxiety at stress sa kanilang akademikong gawain, maaring madagdagan ang kanilang

kaalaman, at makahanap ng solusyon, upang mabawasan ang kanilang anxiety. Ito ay

makakapagbukas sa isipan ng nakakarami upang mas maintindihan ang kanilang

nararamdaman at pangangailangan.

Magulang- Magkakaroon ng karunungan ang mga magulang sa mga posibleng

nangyayari sa kanilang anak, matutulungan pa nila ito, at mapipigilan lumala ang

sitwasyon, malalaman nila ang nararanasan ng kanilang mga anak at mas mapapalapit pa

ang loob nila sa mga ito.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 28

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

MSEUFCI- Mahalaga ang reputasyon ng paaralan at ang responsibilidad nitong

pangalagaan ang mga mag-aaral sa loob ng paaralan, kaya naman malaki ang

maitutulong ng pananaliksik na ito sa paaralan, upang malaman ang persepsyon ng ilang

mga mag-aaral sa MSEUFCI nang sa ganoon magkakaroon ng kamalayan ang paaralan at

maaksiyonan agad nila ang sitwasyon.

Guidance Counselor- Maaring makapagbigay ito ng ideya sa mga guidance counselor,

sa pagsasagawa ng seminar o program upang ipaalam sa mga mag-aaral, na mahalaga ang

kanilang kalusugan pisikal man o mental, malaki ang maiaambag nila para sa paaralan at

mga kabataan, sila ang propesyonal na makakatulong na masolusyonan ang academic

anxiety ng mga mag-aaral.

Mga Guro- Ang mga guro ang mga taong kinakikitaan ng respeto at disiplina sa loob ng

paaralan, sa kanila pinauubaya ng mga magulang ang natututunan at kalagayan ng

kanilang mga anak, sila ang itinuturing na pangalawang magulang sa loob ng paaralan ng

mga mag-aaral, kaya naman malapit sa kanilang loob ang mga mag-aaral, kadalasan sila

ang nasasabihan ng problema sa bahay man o paaralan kaya naman malaki ang

naibibigay na benipisyo ng pananaliksik na ito sa mga guro, upang malaman nila ang

persepsyon ng mga mag-aaral ukol sa academic anxiety na kanilang nararamdaman at

maintindihan at matulungan ang kanilang mag-aaral sakanilang isipin, mabawasan ang

kanilang academic anxiety at matulungan silang tumaas ang tiwala sa sarili upang

mapaganda ang performance nila sa paaralan.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 29

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Mananaliksik sa Hinaharap - Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at

sanggunian ang pananaliksik para sa mga mananaliksik sa hinaharap at para magsilbing

kaugnay na literatura sa kanilang pag-aaral na konektado sa aming paksa.

Katuturan ng termino

Upang madaling maintindihan ng mga mambabasa, nirarapat ng mga

mananaliksik na bigyan ng depenisyon ang mga sumusunod na termenolohiya batay sa

kung paano ginagamit ang bawat isa sa mungkahi ng papel. Ang mga terminong ito ay

makakatulong sa mga mambabasa upang mas lumawak ang kanilang talasalitaan, at mas

maintindihan ang depinisyon ng mga salita.

Academic Anxiety - Ang academic anxiety ay isang uri ng anxiety na nararanasan ng

mga mag-aaral, dahil sa mga gawain na nahihirapan nilang gawin o lampas sa kanilang

kapasidad, ang pag iisip ng posibilidad na hindi matatapos ang gawain sa nakatakdang

oras o pagiisip na maaring mali ang ginawa o mababa ang makukuhang grado.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 30

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Academic Performance - Ang academic performance o Akademikong pagganap, ito ang

mga proyekto, pagsusulit, tesis, o gawaing pang-akademiko na sinusukat at

pinagbabasehan ng mga guro upang makabuo ng grado na makukuha ng mga mag-aaral,

hindi lang grado ang apektado ng academic performance, kung hindi pati narin ang

pakikitungo ng mga mag-aaral at mga guro sa kanila, isa rin ito sa nagpapadagdag ng

anxiety na nararamdaman ng m

ga mag-aaral.

Self esteem- Kumpiyansa sa sarili o paniniwala sa sarili, pinaka nakakaapekto sa

prosesong pagbabago, maaring ito ang maging kahinaan nila, at maaring ito rin ang

makapag-pagaling sa kanila.

Burn out -Tinatawag ring pagkapagod ng utak, ito’y isang sikolohikal na sakit dahil sa

mahabang panahon na namulat ang mga mag-aaral sa mga gawaing paaralan at presyur

na makamit ang gusto nilang grado.

Panic Attack- Ang pagpapawis, pagkahilo, paghirap sa paghinga at pananakit ng dibdib

at pakiramdam na para na silang mawawalan ng buhay ay ilan sa epekto ng panic attack,

ito ay kadalasan nangyayari sa mga mag-aaral na may academic anxiety, dahil sa gipit na

oras, dahil ayaw nilang magkamali at makatanggap ng mababang grado, at dahil narin

mababa ang kanilang sel esteem.

Kognitibong Pag-iisip- Ito ay ang lohikal o pagiging rasyunal mag-isip ng mga mag-

aaral, sinasabing, ito ay nakaka-apekto sa academic performance ng mga mag-aaral.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 31

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Emotional Disorder- Ang anxiety ay isang emotional disorder, ito isang sakit kung saan

malala nang naaapektuhan ng ating emosyon ang ating desisyon, gawa, isip at pang-araw

araw na buhay.

Examination- Ito ang mga ginaganap na pagsusuri, apektado ng kanilang emosyon ang

kanilang grado, sapagkat tuwing sila ay nakakaramdam ng takot at pagkabalisa bago ang

pagsusuri o oras ng pagsusuri, lubos na naaapektuhan ang performance ng mga mag-aaral

at nagiging sanhi ng mababang iskor o grado.

Social Support- ito ang nakukuhang suporta ng mga mag-aaral mula sa kanilang mga

magulang, guro o mga kaibigan, dahil sa suporta na kanilang ipinaparamdam,

nababawasan and anxiety level ng mga mag-aaral.

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Metodolohiya

Ang metodolohiya ay ginagamit ng mga mananaliksik upang mabigyang

kasagutan ang kanilang mga suliranin at maipakita ang mga paraan at hakbang sa

pagsasagawa ng masistemang pangangalap ng datos. Nakapaloob sa kabanta na ito ang

disenyo ng pananaliksik, instrument ng pananaliksik, paraan ng paglikom ng datos,

kasama ang popular at lugar.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 32

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Disenyo ng pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng disenyong korelasyonal. Ang disenyong

korelasyonal ay inaanalisa at sinusukat ang mga nakalap na datos upang makita ang

relasyon ng bawat baryabol. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tuklasin ang

ugnayan sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga mag-aaral sa

MSEUFCI, dahilan upang maging angkop ito sa nasabing disenyo.

Instrumento ng pananaliksik

Ang Instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kakailanganing datos sa pag-

aaral ay isang online sarbay-kwestyoner o talatanungan gamit ang google form na siyang

magpapadali sa pag kokolekta ng mga datos. Ang mga mag-aaral na nasa ika-labing

dalawang (12) baitang sa MSEUFCI ang magiging tagatugon at sabjek ng pag-aaral.

Gumamit din ang mga mananaliksik ng ilang mga tesis mula sa iba’t ibang datos upang

maging gabay ng mga mananaliksik.

Paraan ng pananaliksik

Online sarbay o talatanungan ang gagamiting materyal ng mga mananaliksik sa

Dalawangdaan at apatnapu't-pito (247) na respondenteng mag-aaral na nasa ika-labing

dalawang (12) baitang sa MSEUFCI. Random na pipili ang mga mananaliksik ng labing

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 33

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

siyam (19) na mag-aaral sa bawat seksyon, ito ay upang malaman ang persepsyon at

hinaing ng mga mag-aaral na may matataas na grado at ibang mag-aaral na may

mabababang grado ukol sa pagkakaroon ng academic anxiety. Gamit ang makabagong

pamamaraan ng pagsasagot tulad ng google form na kukuha sa pangalan, email o iba

pang impormasyon na makakatulong sa nasabing pag-aaral. Ang magiging datos ay

bibigyan ng interpretasyon upang maipakita ang resulta ng pag-aaral.

Mga tagapagsagot
Upang lubos na maging makabuluhan ang pag-aaral ay pumili ang mga

mananaliksik ng mga tagapagsagot upang bigyan kasagutan ang talatanungan tungkol sa

academic anxiety at academic performance ng mga mag-aaral mula sa baitang ika-labing

dalawa (12). Ang tinatayang bilang ng mga respondante ay Dalawangdaan at apatnapu't-

pito (247) na siyang pinili sa pamamagitan ng stratified random sampling. Ito ay binubuo

ng labing siyam (19) na estudyante mula sa bawat seksiyon ng ika-labing dalawang

baitang (12) sa paaralang Manuel S. Enverga University Foundation Candelaria

Incorporated. Ang Slovin’s formula ay gagamitin upang malaman ang bilang ng mga

mag-aaral sa bawat pangkat na magsisilbing respondente ng pananaliksik.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 34

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Pag-aanalisa ng datos
Ang mga mananaliksik ay mangangalap ng mga mag-aaral na nasa ika-labing

dalawang (12) baitang ng Manuel S. Enverga University Foundation Candelaria Inc.

upang makalikom ng datos. Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik upang

makalap ang kinakailangang datos ay ang ‘questionnaires’ o sa salitang tagalog ay

talatanungan. Upang organisadong ma-analisa ang mga pangunahing datos ay ginamit ng

mga mananaliksik ang ‘Likert scale’. Ito ay isang 5-point scale na naglalaman ng mga

pamimiliang palagi, madalas, minsan, bihira, at hindi, ito ang magiging basehan ng mga

tagasagot. Ang mga matatanggap na mga tugon ay sasailalim sa interpretasyon upang

mapag-alaman ang resulta.

Istatistikal na pagsusuri ng datos

Upang mabigyan ng kahulugan ang mga epektibong datos minabuti ng mga mananaliksik

na gumamit ng mga mabisang pamamaraan upang makuha ang tamang bilang ng

kinakailangan tagapagsagot sa isang populasyon, ito ang slovin’s formula.

Slovin’s Formula

n= N/1+Ne2

N= number of value

e= 0.05 (margin of error)

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 35

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

N= 606/1+(606) (0.0025)

N= 606/2.52

N= 240 na tagapagsagot

/13 na pangkat

N= 240/13

N =19 katao bawat pangkat ang kailangan magsagot.

N= 19*13 = 247 na tagapagsagot

Percentage

Ang bahagi na ito ay ginamit upang malaman ang porsyento ng mga personal na datos na

tugon ng mga respondente.

Formula: % = F/N*100

F = Frequency

N = Total number of respondents

100 = is a constant value

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 36

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Konseptwal na balangkas

Academic Academic
Anxiety Performance

Pigura 1. Konseptwal na balangkas ng pag-aaral

Ang konseptwal na balangkas o “conceptual framework” ng pag-aaral na ito ay

tumutukoy sa relasyon ng Academic Anxiety sa Academic Performance ng mga mag-

aaral mula sa ika-labing dalawang (12) baitang ng Manuel S. Enverga University

Foundation Incorporated.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 37

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

PAGSUSURI, PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG DATOS

Ang Kabanatang ito ay naglalahad at nagpapaliwanag ng mga datos na nakalap at

nalikom ng mga mananaliksik, dito nakapaloob ang talakay patungkol sa mga resultang

nakalap sa sarbey at bilang gabay may talahanayang mag-oorganisa ng mga

impormasyon mula sa mga tagapagsagot na maaring magkaroon ng koneksyon sa

relasyon sa pagitan ng academic anxiety at academic performance ng mga mag-aaral

mula sa ika-labing dalawang (12) baitang ng MSEUFCI.

A. Demograpikong Profile

Talahanayan 1. Pangkat ng mga Respondente

Pangkat Bilang Porsyento

Vega 22 9%

Regulus 24 10%

Sirius 19 8%

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 38

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Canopus 20 8%

Capella 19 8%

Castor 18 7%

Pollux 21 9%

Deneb 19 8%

Bellatrix 23 9%

Betelgeuse 17 7%

Polaris 13 5%

Rigel 14 6%

Altair 18 7%

Makikita sa Talahanayan 1, na mas mataas ang porsyento ng mga tagapagsagot sa

pangkat ng Rigel na may sampung porsiyento (10%) na bilang sa populasyon at ang

pinakamababang bilang naman ay ang mga tagapagsagot sa pangkat polaris na mayrron

lamang limang porsiyento (5%) sa kabuuang bilang.

Talahanayan 2. Kabuuang Markang mga respondente noong unang simestre

Marka Bilang Porsyento

75 pababa 0 0%

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 39

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

76-80 14 6%

81-85 31 13%

86-90 87 35%

91-95 107 43%

96-99 8 3%

Batay sa Talahayan 2, tinatayang apatnapu’t-tatlong porsiyento (43%) ang

nakakuha ng pinaka mataas na porsyento ng mga mag-aaral sa ika-labing dalawang (12)

baitang, ito ang mga mag-aaral na nakakuha ng siyamnapu’t isa hanggang siyamnapu’t

lima (91-95) na grado, at tinatayang tatlong porsiyento (3%) naman ang nakakuha ng

pinaka mababang porsyento sa populasyon ng mga tagapagsagot sila ang may

siyamnapu’t-anim hanggang siyamnapu’t-siyam (96-99) na grado.

Talahanayan 3. Kwalitatibong Paglalarawan

Weight Rating Scale Verbal Interpretation

5 4.20-5.00 Palagi

4 3.40-4.19 Madalas

3 2.60-3.39 Minsan

2 1.80-2.59 Bihira

1 1.00-1.79 Hindi

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 40

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Talahanayan 4. Pananaw ng mga mag-aaral mula sa ika-labing dalawang (12) baitang

ng unibersidad ukol sa mga kadahilanan ng pagkakaroon ng ‘anxiety’ sa pag-aaral sa

tuntunin ng pagpapahalaga sa sarili.

A. PAGPAPAHALAGA SA SARILI

Indekeytor Mean SD Interpretasyon

1. May pagkakataon na sa tingin ko kulang ang 3.61 1.13 Madalas


aking kagalingan at may mas higit na magaling sa
akin.

2. Pakiramdam ko maaring bumaba ang tingin sa 3.33 1.26 Minsan


akin ng iba, kapag bumaba rin ang aking grado.

3. Pagkakaroon ng tiwala sa aking sarili ang aking 3.75 1.20 Madalas


motibasyon upang makakakuha ng sapat at
maayos na grado.

4. Sa oras ng mga aktibidad na kinabibilangan ng 3.03 1.21 Minsan


miyembro bawat grupo, ako ay nababahalang
walang gustong pumili sa akin bilang miyembro.

5. Sa aking palagay ay makahahanap ako ng 3.71 1.19 Madalas


kaibigang tanggap ang aking antas ng katalinuhan.

GWAM 3.49 .05 Madalas

Ipinapakita sa Talahanayan 4, ang resulta sa salik ng pagpapahalaga sa sarili ng

mga mag-aaral mula sa ika-labing dalawang (12) pangkat ng unibersidad. Ayon sa resulta

ng ibinahaging talatanungan ay ang ikatlong (3) indekeytor ang nakakuha ng pinaka

mataas na mean na 3.75, ang interpretasyon ng resultang ito ay Madalas. Ang ika-apat (4)

na indekeytor naman ang nakakuha ng pinaka-mababang mean na 3.03, at ang


Senior High School Department
HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 41

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

interpretasyon naman ng resultang ito ay Minsan. Ipinapakita sa kabuuang resulta na 3.49

na madalas na nakakaapekto ang aspetong pagpapahalaga sa sarili sa pagkakaroon ng

anxiety sa pag-aaral.

Bilang suportang datos sa ikatlong indekeytor na nakakuha ng pinakamataas na

mean, binanggit ni Tus J.(2020) sa kanyang pag-aaral na “Self – Concept, Self –

Esteem, Self – Efficacy and Academic Performance of the Senior High School Students”

ang pananaliksik na isinagawa ni Ogot (2017), na nagsasabing ang akademikong pag-

ganap ng mga mag-aaral ay naka depende sa kanilang pagpapahalaga sa sarili at relasyon

sa kapwa. Sinasabi rin na nagdudulot ng pagtaas ng mga marka sa paaralan, ang

pagkakaroon ng mga mag-aaral ng mataas na self esteem o pagpapahalaga sa sarili.

“His research established that students' academic performance depends on their self

esteem and current relationships. Their study observed the extreme connection between

academic performance and self-esteem. Students' high self-esteem leads to high grades.”

- Ogot (2017),Tus J. (2020)

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 42

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Talahanayan 4.1. Pananaw ng mga mag-aaral mula sa ika-labing dalawang (12) baitang

ng unibersidad ukol sa mga kadahilanan ng pagkakaroon ng ‘anxiety’ sa pag-aaral sa

tuntunin ng pagod ng utak.

B. PAGOD NG UTAK

Indekeytor Mean Sd Interpretasyon

6. Pag-katapos ng online class, at paggawa ng 3.22 1.13 Minsan


mga aktibidad, nauubusan ako ng enerhiya para
gawin pa ang mga gawaing bahay.

7. May mga pagkakataon na nagkakaroon ako ng 3.50 1.11 Madalas


problema sa pagtulog hinggil sa sobrang pag-iisip
tungkol sa mga gawain sa paaralan.

8. Madali para sa akin ang pag sasaayos at 3.03 .94 Minsan


pamamahala ng madaming gawaing pampaaralan.

9. May mga araw na nakakaramdam na agad ako 3.64 1.06 Madalas


ng pagka pagod bago pa man mag simula ang mga
pang araw-araw na gawain.

10. Pakiramdam ko ay nawawalan ako ng oras 3.11 1.18 Minsan


para sa aking sarili at pamilya.

GWAM 3.30 .09 Minsan

Ipinapakita sa talahanayan 4.1, ang karanasan ng mga mag-aaral sa pagod ng

utak. Ayon sa resulta ng isinagawang survey, ang ika-siyam (9) na indekeytor ang

nakakuha pinakamataas na mean na 3.64, ang interpretasyon nito ay Madalas. Sa


Senior High School Department
HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 43

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

kabilang banda, ang ika-walong (8) indekeytor naman ang nakakuha ng pinaka-

mababang mean na 3.03, at ang interpretasyon naman nito ay Minsan. At pinapakita sa

kabuuang resulta na 3.30 kabuuang mean, na nagpapahiwatig na minsan nakakaapekto

ang aspetong pagkapagod ng utak sa pagkakaroon ng anxiety sa pag-aaral.

Bilang suportang datos sa ika-siyam na indekeytor na may pinakamataas na

mean, Nakapaloob sa pag-aaral ni Koutsimani P. et al. (2019) na “The Relationship

Between Burnout, Depression, and Anxiety: A Systematic Review and Meta-Analysis”

ang pag-aaral ni Ding et al. (2014) na nagsasabing ang emosyonal na pagkapagod at hirap

sa pagtitiwala ay maituturing na sintomas ng anxiety, at ang paniniwala ng mga mag-

aaral sa kanilang kakayahan ay hindi maituturing na sintomas ng anxiety. Dahil kung mas

pagod ang utak, nagdudulot ng emosyonal na pagod, hirap sa pagtitiwala at hindi

gaanong mahusay na pagganap ng gawain, mas tumataas ang kanyang pagkabahala o

anxiety.

“Emotional exhaustion and cynicism were positively related to anxiety symptoms,

whereas professional efficacy was negatively related to anxiety symptoms. That is, the

more emotionally exhausted, cynical, and less efficient toward his/her work an individual

feels, the more anxious he/she will be.”- Ding et al. (2014),Koutsimani P. et al. (2019)

Talahanayan 4.2. Pananaw ng mga mag-aaral mula sa ika-labing dalawang (12) baitang

ng unibersidad ukol sa epekto ng Academic Anxiety sa Akademikong pagganap ng mga

mag-aaral sa tuntunin ng factor ng Guro.

C. FACTOR NG GURO

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 44

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Indekeytor Mean SD Interpretasyon

11. Nababawasan ang aking pangangamba sa pag- 3.30 1.14 Minsan


aaral at tensyon dahil sa pagkakaroon ng sense of
humor o pagiging palabiro ng aking mga guro.

12. Dahil sa malaking respeto sa aking mga guro, 3.30 .98 Minsan
nag aatubili o nagdadalawang isip ako sa pag
hahayag ng saloobin tungkol sa aking
pagkabahala sa gawaing paaralan.

13. Naaapektuhan ako sa puna na natatanggap ko 3.12 1.11 Minsan


mula sa aking mga guro.

14. Nakapagbibigay motibasyon sa akin ang 3.72 1.09 Madalas


pagbibigay-halaga ng aking mga guro sa
pinapakita kong pagsisikap.

GWAM 3.36 .07 Minsan

Sa talahanayan 4.2 ipinapakita ang resulta ng factor ng guro sa academic anxiety at

akademikong pag-ganap ng mga mag-aaral mula sa ikalabing dalawang (12) baitang ng

unibersidad. Ayon sa resulta ng isinagawang survey, ang ika-labing apat (14) na

indekeytor ang nakakuha ng pinaka-mataas na mean na 3.72, ito ay may interpretasyong

Madalas. Ang ika-labing tatlong (13) indekeytor naman ang nakakuha ng pinaka-

mababang mean na 3.12 at ang interpretasyon nito ay Minsan. Ang kabuuang resulta

naman ay nagpapakita ng 3.36 mean, na nangangahulugang minsan may impluwensiya

ang aspetong factor ng guro sa pagkakaroon ng anxiety ng mga mag-aaral sa pag-aaral.

Bilang suportang datos sa ikalabing-apat na indekeytor na nakakuha ng pinakamataas

na mean, ayon kay Ahmed U. et al. (2018) sa kanilang pananaliksik na “Examining the

links between teachers support, academic efficacy, academic resilience, and student
Senior High School Department
HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 45

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

engagement in Bahrain” kanilang binigyang diin na ang binibigay na suporta at gabay ng

mga guro ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paksa ay nakapagbibigay ng

importanteng kontribusyon para makaya ng mga mag-aaral ang pag-aaral, mga takdang

aralin, gawaing pampaaralan, at mga aktibidad.

“Support and guidance from subject teachers can make an important contribution

towards ensure that the students are able to cope with studies, classwork, home

assignments and other assigned activities.”Ahmed U. et al. (2018)

Talahanayan 4.3. Pananaw ng mga mag-aaral mula sa ika-labing dalawang (12) baitang

ng unibersidad sa epekto ng Academic Anxiety sa Akademikong pagganap ng mga mag-

aaral sa tuntunin ng Antas ng Katalinuhan.

D. ANTAS NG KATALINUHAN

Indekeytor Mean SD Interpretasyon

15. Nakakatanggap ako ng kritisismo dahil sa 2.81 1.24 Minsan


mababang grado o hindi magandang performans
sa paaralan.

16. Nakakaramdam ako ng presyur, takot o kaba 3.74 1.20 Madalas


sa oras ng recitation.

17. Naiisip na bumawi na lamang sa susunod sa 3.80 1.17 Madalas


tuwing nakakakuha ng mababang grado.

18. Nakukuntento ako sa nakukuha kong grado 3.66 1.14 Madalas


base sa antas ng pagsisikap na aking ipinapakita.

19. Panatag ako na makapagtatapos ng pag-aaral 3.95 1.28 Madalas

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 46

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

ngayong taong ito.

GWAM 3.59 .06 Madalas

Ipinapakita sa talahanayan 4.3 ang karanasan ng mga mag-aaral sa Academic

Performance at Academic Anxiety base sa Antas ng kanilang Katalinuhan. Ayon sa

resulta ng isinagawang survey ay ang ika-labing siyam (19) ang nakakuha ng pinaka-

mataas na mean at ang ika-labing lima (15) naman ang nakakuha ng pinaka-mababang

mean. Ang pinaka-mataas na mean ay 3.95 na may interpretasyon na Madalas, ang

pinaka mababa naman ay 2.81 na may interpretasyon na Minsan. Ang kabuuang

interpretasyon nito ay may 3.59 mean na nangangahulugang madalas makaapekto ang

antas ng katalinuhan sa academic anxiety ng mga mag-aaral sa baitang ika- labing dalawa

(12).

Bilang suportang datos sa ikalabing-siyam (19) na indekeytor na nakakuha ng

pinakamataas na mean, ipinakita ng mga mananaliksik sa Talahanayan 2. na karamihan

sa aming mga respondente ay nagpakita ng kumpyansa sa sarili na sila ay

makakapagtapos ngayong taon, hindi na rin ito nakakagulat dahil ang apatnapu’t tatlong

porsiyento (43%) ng mga respondanteng nakilahok ay mayroong siyamnapu’t-isa

hanggang siyamnapu’t limang (91-95 )nakuhang grado noong unang semestre.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 47

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

PAGLALAGOM KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pananaliksik na ito ay may layuning suriin ang relasyon sa pagitan ng

academic anxiety at academic performance ng mga mag-aaral mula sa ika-labing

dalawang (12) baitang ng paaralang Manuel S. Enverga University Foundation

Candelaria Incorporated. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng pamamaraang

korelasyonal na nag analisa at nagsukat ng mga nakalap na datos upang makita ang

relasyon ng bawat baryabol. Lubos ring nakatulong sa pananaliksik na ito ang mga

teoryang Walberg’s Theory ni Walberg, Herbert J. at Control value theory of

achievement emotions ni Pekrun. Ayon sa Walberg’s Theory ay mayroong siyam na

dahilan na naka-aapekto sa kognitibong pag-iisip ng isang tao at ang mga dahilang iyon

ay maaaring makapag-dulot ng anxiety na siya namang maka-aapekto sa pagganap ng

mga ito. Ayon naman sa Control value theory of achievement emotions ay malaki ang

epekto ng emosyon sa pag dedesisyon ng mga mag-aaral. Nabanggit rin rito ang

Emotional Achivement, ang pag-iisip ng mga mag-aaral base sa mga nakukuha nilang

emosyon sa iba at ito ay hindi maitatangging maaaaring magdulot ng anxiety sa mga

mag-aaral kung ang mga natatanggap nilang mga emosyon mula sa iba ay negatibo. Ang

mga teoryang ito ay supoorta ng pag-aaral at basehan ng paggagawa ng talatanungan, na

siyang makatutulong para sa pananaliksik.

Ang instrumentong ginamit sa pangangalap ng impormasyon ay ang pamamahagi

ng Survey Questionnaire o talatanungan gamit ang ‘Likert scale’ sa mga mag-aaral ng

ika-labing dalawang (12) baitang ng Unibersidad. Ang nasabing Talatanungan naman ay

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 48

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

nilikha sa pamamagitan ng google forms at ibinahagi sa pamamagitan ng aplikasyong

Messenger, kung saan inisa-isa ng mga mananaliksik na bigyan ang mga mag-aaral ng

mensaheng naglalaman ng kopya ng Talatanungan at liham sa respondente.

Ang pag aaral ay sinimulan sa taong dalawanglibo at dalawampu (2020) at

natapos sa taong dalawang libo at dalawampu’t isa (2021). Ang tinatayang bilang ng mga

respondante ay dalawangdaan at apatnapu't-pito (247) na siyang pinili sa pamamagitan ng

stratified random sampling. Ito ay binubuo ng labinsiyam (19) na mag-aaral mula sa

bawat seksiyon ng ika-labing dalawang (12) baitang sa paaralang MSEUFCI. Gamit ang

Slovin’s Formula nalaman ng mga mananaliksik ang sapat na bilang ng mga mag-aaral sa

bawat pangkat na magsisilbing respondente ng pananaliksik.

Mula naman sa mga datos na nakalap sa talatanungan ang mga sumusunod:

TALAHANAYAN 4.

Ipinahiwatig sa Talahanayan 4. sa tuntunin ng pagpapahalaga sa sarili ang mga resulta

mula sa ibinahaging talatanungan, nangunguna ang ikatlong (3) indekeytor na nakakuha

ng pinaka mataas na mean na 3.75, na nangangahulugang Madalas. Ang ika-apat (4) na

indekeytor naman ang nakakuha ng pinaka-mababang mean na 3.03, na

nangangahulugang Minsan. Ipinapakita sa kabuuang resulta na 3.49 na madalas na

nakakaapekto ang aspetong pagpapahalaga sa sarili sa pagkakaroon ng anxiety sa pag-

aaral.

TALAHANAYAN 4.1

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 49

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Ipinahiwatig sa Talahanayan 4.1 sa tuntunin ng pagod ng kaisipan ang mga resulta mula

sa ibinahaging talatanungan, nangunguna ang ika-siyam (9) na indekeytor ang nakakuha

pinakamataas na mean na 3.64, na nangangahulugang Madalas. Sa kabilang banda, ang

ika-walong (8) indekeytor naman ang nakakuha ng pinaka-mababang mean na 3.03, na

nangangahulugang Minsan. Sa kabuuan nakakuha ito ng 3.30 na mean na nagpapahiwatig

na minsan nakakaapekto ang aspetong pagkapagod ng utak sa pagkakaroon ng anxiety sa

pag-aaral.

TALAHANAYAN 4.2

Ipinahiwatig sa Talahanayan 4.2 sa tuntunin ng factor ng guro ang mga resulta mula

sa ibinahaging talatanungan, nangunguna ang ika-labing apat (14) na indekeytor ang

nakakuha ng pinaka-mataas na mean na 3.72, ito ay may interpretasyong Madalas. Ang

ika-labing tatlong (13) indekeytor naman ang nakakuha ng pinaka-mababang mean na

3.12 at ang interpretasyon nito ay Minsan. Ang kabuuang resulta naman ay nagpapakita

ng 3.36 mean, na nangangahulugang minsan may impluwensiya ang aspetong factor ng

guro sa pagkakaroon ng anxiety ng mga mag-aaral sa pag-aaral.

TALAHANAYAN 4.3

Ipinahiwatig sa Talahanayan 3.3 sa tuntunin ng antas ng katalinuhan ang mga resulta

mula sa ibinahaging talatanungan, ayon sa resulta ng isinagawang survey ay ang ika-

labing siyam (19) ang nakakuha ng pinaka-mataas na mean at ang ika-labing lima (15)

naman ang nakakuha ng pinaka-mababang mean. Ang pinaka-mataas na mean ay 3.95 na

may interpretasyon na Madalas, ang pinaka mababa naman ay 2.81 na may interpretasyon

na Minsan. Ang kabuuang interpretasyon nito ay may 3.59 mean na nangangahulugang


Senior High School Department
HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 50

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

madalas makaapekto ang antas ng katalinuhan sa academic anxiety ng mga mag-aaral sa

baitang ika-labing dalawa (12).

Narito ang ilang katanungan na isinasaad sa ginawang pananaliksik na nabigyan ng

solusyon o kasagutan:

1. Anu- ano ang mga kadahilanan ng pagkakaroon ng ‘anxiety’ sa pag-aaral sa tuntunin

ng pagpapahalaga sa sarili?

Malaki ang epekto ng ating self esteem sa ating anxiety, maaring ito ang maging

solusyon sa paglunas sa anxiety ng mga mag-aaral o maari ding maging isang kahinaan.

Ayon sa resulta ng isinagawang sarbay na aming nakalap, madalas pagkakaroon ng

tiwala sa sarili ang nagiging lakas at motibasyon ng mga mag-aaral upang makakakuha

ng sapat at maayos na grado. Ipinapahiwatig dito na tiwala sa sarili ang isa sa mga

posibleng solusyon upang mabawasan ang academic anxiety ng mga mag-aaral at nang sa

gayon, maging maayos ang academic performance ng mga mag-aaral. Maari ring maging

dahilan kaya nagkakaroon ng academic anxiety ang mga mag-aaral ay dahil minsan na

nilang naiisip na kapag bumaba ang kanilang marka, ay bababa din ang tingin sa kanila

ng ibang tao, o ang madalas nilang pagiisip na hindi sapat ang kanilang kagalingan at

paniniwalang may mas higit na magaling sa kanila. Ang minsang pagkabahala na hindi

sila mapipili bilang miyembro sa mga aktibidad na kailangan nilang gampanan. Ang mga

nabanggit ay ang mga posibleng dahilan ng pagkakaroon ng anxiety sa tuntunin ng

pagpapahalaga sa sarili.

Bilang dagdag, nabigyang linaw din na malaki ang epekto ng social support o mga

kaibigan sa aspeto ng self esteem, Nakakarami ang sumang-ayon na madalas palagay ang
Senior High School Department
HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 51

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

mga mag-aaral na makakahanap sila ng kaibigang tanggap ang antas ng kanilang

katalinuhan. Ipinapakita dito ang kumpyansa sa sarili ng mga mag-aaral,Ibig sabihin

maaring makabawas sa academic anxiety ng mga mag-aaral ang pagkakaroon ng

kaibigang tanggap ang antas ng kanilang katalinuhan.

2. Anu- ano ang mga kadahilanan ng pagkakaroon ng ‘anxiety’ sa pag-aaral sa tuntunin

ng pagod ng utak?

Ayon sa nakalap naming pag-aaral, isa sa epekto ng academic anxiety ang pagkapagod ng

utak ng mga mag-aaral, mga mag-aaral man na magaling man sa klase o hindi gaano, ay

nararanasan ang pagkapagod ng utak at anxiety, may ilan na nararanasan ang burn out

dahil na rin sa presyur na ibinibigay ng mga guro at kaklase, at dahil sa reputasyong

kanilang inaalagaan, dahil ayaw nilang magkamali o bumaba ang grado pinipilit nila ang

kanilang sarili maging perpekto. Ayon pa sa nakalap naming datos mula sa talatanungan,

Madalas nakakaramdam na agad ang mga mag-aaral ng pagka pagod bago pa man mag

simula ang mga pang araw-araw na gawain. Minsan naman pag-katapos ng online class,

at paggawa ng mga aktibidad, nauubusan agad sila ng enerhiya para gawin pa ang mga

gawaing bahay. Ang pakiramdam ng pagod bago man magsimula ng gawain o mabilis na

pagkaubos ng enerhiya ay hindi normal, ito ang tinatawag na student burn out o

pagkakapagod ng utak ng mga mag-aaral, ito ay isang sikolohikal na sakit dahil sa

mahabang panahon na namulat ang mga mag-aaral sa mga gawaing paaralan at presyur

na makamit ang gusto nilang grado. Ang burn out o pagkapagod ng utak ay isa sa epekto
Senior High School Department
HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 52

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

ng academic anxiety, mga mag-aaral man na magaling man sa klase o hindi gaano, ay

nararanasan ang pagkapagod ng utak at anxiety. Minsan lang nagiging madali para sa

mga mag-aaral ang pag sasaayos at pamamahala ng madaming gawaing pampaaralan.

Dahil sa maraming nakatakdang gawain sa paaralan man o sa tahanan, nahihirapan ang

mga mag-aaral sa pagsasaayos ng kanilang oras dahil dito nagkakaroon sila ng pangamba

na mahuli sa pagpapasa o hindi makakuha ng magandang grado. Pakiramdam din minsan

ng mga mag-aaral ay nawawalan na sila ng oras para sa kanilang sarili at pamilya. Ang

pamilya ang kadalasang nagsisilibing social support ng mga mag-aaral, pinansyal man o

emosyonal, kaya naman malaki ang epekto ng kanilang kawalang oras sa pamilya, ito ang

nagdudulot ng pakiramdam ng pag-iisa na maaring humantong sa depresyon at paglala ng

academic anxiety.

3. Anu-ano ang mga epekto ng Academic Anxiety sa Akademikong pagganap ng mga

mag-aaral sa tuntunin ng factor ng guro?

Ayon sa kaugnay na literatura na aming nakalap, maraming mga guro ang nagkaroon na

ng estudyanteng may academic anxiety o kaya ay social anxiety at ito ay higit na

makakapekto sa mga aktibidad o gawain ng mga mag-aaral sa paaralan at sinasabi ring

dapat ituro ng mga guro sa mga mag-aaral ang pag kontrol sa sarili, sapagkat ito ay

makatutulong sa pag-iwas o pag-bawas ng anxiety level ng mag-aaral at nakadadagdag

tulong rin ito sa pag ganap ng mga mag-aaral sa kanilang aktibidad at gawain. Ayon pa sa

nakalap naming datos sa talatanungan, sumangayon ang mga mag-aaral na madalas

nakapagbibigay motibasyon sa kanila ang pagbibigay-halaga ng mga guro sa pinapakita

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 53

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

nilang pagsisikap, binanggit rin nila na naaapektuhan sila minsan sa mga puna na

natatanggap nila mula sa kanilang mga guro. Ipinapakita dito na purihin man o puanin ng

mga guro ang mga mag-aaral ay hindi maitatanggi na may epekto minsan ang pagtrato ng

mga guro sa emosyonal at mental na aspeto ng mga mag-aaral. Ayon pa sa mga mag-

aaral dahil na rin sa , nag aatubili o nagdadalawang isip sila minsan sa pag hahayag ng

saloobin tungkol sa pagkabahala sa gawaing paaralan, kanila ring sinabi na nababawasan

minsan ang kanilang pangangamba sa pag-aaral at tensyon dahil sa pagkakaroon ng sense

of humor o pagiging palabiro ng kanilang mga guro. Ibig sabihin nagdadaawang isip ang

mga mag-aaral sa pagsasabi ng saloobin minsan sa mga guro dahil sa malaking respeto sa

kanilang mga guro, ngunit kapag palabiro ang nagiging guro nila, minsan nagiging

kumportable sila na ipahayag ang saloobin nila at dahil dito nababawasan ang kanilang

academic anxiety na maaring makaka apekto sa academic performance nila.

4. Anu-ano ang mga epekto ng Academic Anxiety sa Akademikong pagganap ng mga

mag-aaral sa tuntunin ng antas ng katalinuhan?

Binanggit sa kaugnay na literatura ng papel na ito na ang anxiety o pagkabahala ay

nakakaapekto sa abilidad ng mag-aaral na tumanggap, iproseso, o muling ibalik ang

impormasyon, dahil may negatibong epekto sa pagkakatuto ang anxiety, at dahil sa

impluwensya nito sa pagpapatakbo ng memorya, nagiging dahilan ito sa hindi maayos na

paggana ng utak at hindi magandang performance sa paaralan. Ayon naman sa resulta ng

datos na nagmula sa mga respondente, sinasabing madalas panatag ang mga mag-aaral sa

baitang ika-labing dalawa (12) na makapagtatapos ng pag-aaral ngayong taong dalawang

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 54

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

libo at dalawampu’t isa (2021), Madalas rin kuntento na ang mga mag-aaral sa nakuha

nilang grado base sa antas ng pagsisikap na kanilang ipinakita. At ayon sa kanila,

madalas iniisip na lang nilang bumawi na lamang sa susunod sa tuwing nakakakuha ng

mababang grado, ito ay sa kadahilanang apatnapu’t tatlong porsiyento (43%) ng mga

respondanteng nakilahok ay mayroong siyamnapu’t-isa hanggang siyamnapu’t limang

(91-95) nakuhang grado noong unang semestre, sila ang may pinakamataas na bilang ng

respondente, kaya naman hindi na nakakagulat kung mataas ang kumpyansa nilang

makakapagtapos sa taong taong dalawang libo at dalawampu’t isa (2021) at kuntento sila

sa gradong nakuha base sa pagsisikap na kanilang ibinigay. Madalas rin nakakaramdam

ang mga mag-aaral ng presyur, takot o kaba sa oras ng recitation.

Ang nararamdaman nilang kaba o presyur ay sintomas ng academic anxiety at

nakakapagdulot ito ng negatibong epekto sa kanilang academic performance o

nagdudulot ng hindi magandang kinalabasan. Ayon sa mga mag-aaral, nakakatanggap

sila minsan ng kritisismo dahil sa mababang grado o hindi magandang performans sa

paaralan. Ang pahayag na ito ay para sa lahat ng mga mag-aaral matalino man o hindi

gaanong kagalingan, dahil higit na nakakaapekto sa mga mag-aaral ang kritisismong

natatanggap nila, eto ang nakakapagbigay anxiety sa kanilang mag salita sa unahan o

maggawa ng aktibidad, dahil rin dito nawawalan sila ng motibasyon upang magsikap sa

pag-aaral.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 55

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

5. Mayroon bang makabuluhang relasyon ang Academic anxiety sa Akademikong

pagganap ng mga mag aaral?

Base sa pinagsamasamang mga datos mula sa kaugnay na pag-aaral at talatanungan na

sinagutan ng mga respondente, mahihinuha na nagkaisa ang mga ito sa pahiwatig na ang

academic anxiety ay may koneksyon o natatanging relasyon sa academic performance ng

mga mag-aaral. Lumabas rin sa resulta ng Spearman’s correlation na nagsasabing

correlation is significant at the 0.01 level (1 tailed), ibig sabihin may makubuluhang

ugnayan ang academic anxiety sa academic performance ng mga mag-aaral.

Pigura 2. Resulta ng Spearman’s Correlation

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 56

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Bilang suporta sa nakuhang datos, Ayon sa resulta ni Shakir M.(2014) sa kanyang


pananaliksik na“Academic Anxiety as a Correlate of Academic Achievement” lumabas sa
resulta ng kanyang pananaliksik na may natatanging relasyon sa pagitan ng academic
anxiety at academic achievement ng mga mag-aaral.

Pigura 3. Resulta sa Pearson’s correlation nina Shakir M. (2014)

Rekomendasyon

Mga Rekomendasyon

Ang pananaliksik na ito na tumutukoy sa relasyon ng Academic Anxiety at

Academic Performance ng mga mag-aaral mula sa ika-labing dalawang (12)baitang ng

MSEUFCI ay nagmumungkahi sa mga mag-aaral o estudyante, magulang, guro, guidance

counselors at sa mga susunod na mananaliksik.

Mag-aaral

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 57

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Sa oras ng pangangailangan sa paaralan ay huwag mag-dadalawang isip na magsabi

sa mga nakatatanda, gaya ng mga guro at guidance counselor. Sa pamamagitan noon ay

makatutulong ang mga guro at iba pa sa mga posibleng nararansan ng mga mag-aaral.

Ang pananaliksik ay makatutulong sa pagbibigay impormasyon tungkol sa academic

anxiety at ang relasyon nito sa academic performance.

Magulang

Patuloy na bigyan ng suporta ang mga anak na kasalukuyang nag-aaral upang kahit

papaano ay maibsan ang kanilang pagod at problema sa paaralan. Kung maaari ay

kamustahin ang lagay ng mga anak na nag-aaral upang masigurado ang kanilang pisikal

at mental na kaligtasan. Makatutulong ang mga impormasyong nilalaman ng pananaliksik

na ito upang maintindihan ng mga magulang ang kanilang mga anak at ng sa gayon ay

masuportahan ang mga ito.

Guro

Maging bukas ang kaisipan sa pagtulong sa mga mag-aaral na nangangailangan

ng tulong. Kung maaari ay magpatawa o magkaroon ng sense of humor sa klase upang

mabawasan ang pagkabahala ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito

ay mabibigyan sila ng kaalaman ukol sa mga maaari nilang maging kontribusyon at

tulong para sa mga nararanasan ng mga mag-aaral sa paaralan.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 58

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Guidance Counselor

Bilang mga taga-gabay sa emosyonal o mental na aspeto ng mga mag-aaral sa loob

ng paaralan, sila ang mga propesyonal na gumagabay sa mga guro upang masaayos ang

problemang pang kaisipan ng mga mag-aaral. Rekomendasyon ng mga mananaliksik na

manatili silang bukas para sa mga hinanaing at problema ng mga estudyante upang sila ay

lubos na masuportahan. Makatutulong rin ang pagpapatuloy sa mga seminar o webinar na

isinasagawa sa social media at isa pang rekomendasyon ng mga mananaliksik ang mag

organisa ng isang organisasyon ng mga mag-aaral na magbibigay ng kaalaman at mga

karanasan tungkol sa kalusugang pangkaisipan.

MSEUFCI

Nirerekomenda ng mga mananaliksik na suportahan ng paaralan ang mga proyekto

ng mga Guidance Councelor at mga Guro upang matulungan at bigyang impormasyon

ang mga mag-aaral na Grade 12. Para mas maintindihan ang mga saloobin ng mga mag-

aaral, maari silang magsagawa ng pananaliksik upang malaman kung ilan sa mga mag-

aaral ng enverga ang nakakaranas ng academic anxiety ng sagayon ay mabigyan ito ng

aksyon na may gabay ng mga propesyonal.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 59

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Sa mga susunod na mananaliksik

Magagamit ang mga impormasyong nagmumula sa pananaliksik na ito at

maipapalawig ang mga mahalagang kaalaman tungkol sa Academic Anxiety at Academic

Performance ng mga mag-aaral. Sa oras na malinawan ay maaari silang makabuo ng

adbokasiya upang maibsan ang mga karanasan ng mga mag-aaral sa Academic Anxiety.

Maaari ring magsagawa ang mga susunod na mananaliksik ng kwalitatibong pananaliksik

upang mas maging malinaw at malawak ang mga pananaw na makukuha mula sa mga

respondante. Maari rin nilang ibahin ang sakop ng respondente at lugar na sakop.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 60

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

SANGGUNIAN
1. Abraham, M. (2020) “How Anxiety Toys With Your Emotions”-Calm Clinic
https://www.calmclinic.com/anxiety/anxiety-emotions#:~:text=Finally%2C%20anxiety
%20and%20emotions%20may%20be%20related%20to,negative%20emotions%2C
%20like%20sadness%2C%20irritation%2C%20and%20so%20on

2. Ahmed U., Umrani W.A.,Qureshi M.A., Samad A.(2018) “Examining the links
between teachers support, academic efficacy, academic resilience, and student
engagement in Bahrain”
https://www.researchgate.net/publication/326913767_Examining_the_links_between_tea
chers_support_academic_efficacy_academic_resilience_and_student_engagement_in_Ba
hrain

3. Alam, Md Mahmood (2013) “A Study of Test Anxiety, Self-Esteem and Academic


Performance among Adolescents”
https://www.questia.com/read/1P3-3159409101/a-study-of-test-anxiety-self-esteem-and-
academic

4. Andriyani A. , Himma A.D , Alizar S.A, Amin Z.N , Mulawarman (2017) “The
Relationship of Anxiety, School Burnout and Well-Being in High School Students”
https://www.atlantis-press.com/article/25885711.pdf

5. Basco R. at Olen M.(2013) “Correlation Between Anxiety Level and Academic


Performance of BS Biology Freshmen Students”
https://www.semanticscholar.org/paper/Correlation-between-Anxiety-Level-and-
Academic-of-Basco-Olea/4b576a372a68fba02fcd7316e71e974655b2c442
http://www.soeagra.com/ijert/ijertmarch2013/14.pdf

6. Brown J. (2015) ”Anxiety and Depression” http://www.bu.edu/articles/2016/college-


students-anxiety-and-depression/

7. Dobson C. (2012) “Effects of academic anxiety on the performance of students with


and without learning disabilities and how students can cope with anxiety at school”
https://www.nmu.edu/education/sites/DrupalEducation/files/UserFiles/Dobson_Cassie_M
P.pdf

8. England B, Eddy S, Brigati J,Schussler E, at Chen M. (2019) “Student Anxiety and


Perception of Difficulty Impact Performance and Persistence in Introductory Biology
Courses” https://www.lifescied.org/doi/full/10.1187/cbe.17-12-0284

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 61

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

9. Hocaoglu C. (2015) “Anxiety Disorders and Suicide: Psychiatric Interventions”


https://www.researchgate.net/publication/281620059_Anxiety_Disorders_and_Suicide_P
sychiatric_Interventions

10. IBCCES (2019) “Top 10 Signs of Student Anxiety In The Classroom”


https://ibcces.org/blog/2019/05/08/signs-student-anxiety-classroom/

11. Mbangata L. at Eyono Obobno S.D (2019) “A Review of Academic Performance


Factors in the Context of E-learning: Theories and empherical studies”
https://www.researchgate.net/publication/339483845_A_REVIEW_OF_ACADEMIC_P
ERFORMANCE_FACTORS_IN_THE_CONTEXT_OF_E-
LEARNING_THEORIES_AND_EMPIRICAL_STUDIES

12. Mirawdali S, Morrisey H, Ball P. (2018) “Academic Anxiety and it’s Effect on
Academic Performance” https://www.journalcra.com/sites/default/files/issue-
pdf/30653.pdf?fbclid=IwAR2z1jvS8gAPjAUJCb-
LAAFsSJqQ_AVX7gUcoh8TujQnHkmhBKXgZNs4r1Q

13. Panagiota Koutsimani, Anthony Montgomery and Katerina Georganta (2019) “The
Relationship Between Burnout, Depression, and Anxiety: A Systematic Review and Meta-
Analysis” https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fpsyg.2019.00284/full

14. Paunan J (2020) “Pagakyat ng mga kaso ng suicide, dapat pigilan-Gatchalian”-PIA


(Philippine Information Agency)https://pia.gov.ph/news/articles/1052730

15. Shakir M. (2014) “Academic Anxiety as a Correlate of Academic Achievement”


http://citeseerx.ist.psu.edu/viewdoc/download?doi=10.1.1.840.7365&rep=rep1&type=pdf

16. Tus J. (2020) “Self – Concept, Self – Esteem, Self – Efficacy and Academic
Performance of the Senior High School Students”
https://www.researchgate.net/profile/Jhoselle-Tus/publication/345128758_Self_-
Concept_Self_-Esteem_Self_-
Efficacy_and_Academic_Performance_of_the_Senior_High_School_Students/links/5f9e
595392851c14bcf8c364/Self-Concept-Self-Esteem-Self-Efficacy-and-Academic-
Performance-of-the-Senior-High-School-Students.pdf

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 62

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

APENDIKS

A. Liham pahintulot

Liham pahintulot

Pebrero 2021

JONATHAN VILLARUZ
Principal, High School Department
Manuel S. Enverga University Foundation- Candelaria Inc.
Brgy. Malabanban Norte, Candelaria, Quezon

Mahal na Ginoong Villaruz,

Mapagpalang araw!

Ang may lagda ng liham na ito ay kasalukuyang mag-aaral ng Baitang labindalawa (12)
ng pangkat Bellatrix na nagsasagawa ng isang pananaliksik na may pamagat na “Ang
Relasyon sa Pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga Mag-
aaral sa Baitang 12 ng MSEUFCI”bilang pagtupad sa kahilingan para sa nasabing
titulo.

Kaugnay po nito, ang mga mag-aaral ay buong kababaang-loob na lumalapit sa inyo


upang hingin ang inyong permiso upang pahintulutang maging respondente ang mga
mag-aaral ng MSEUFCI.

Inaasahan ko po ang inyong pagsang-ayon. Maraming Salamat po.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 63

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Lubos na gumagalang,

Bb. Gracel Ann Legarde

Gurong Tagapagpayo

B. Liham sa respondente

Manuel S. Enverga University Foundation Candelaria


Inc.
Candelaria, Quezon
_____________________________________________________________

Marso 2021

Mahal na Respondente,

Pagbati ng Kapayapaan!

Bilang pagtupad sa kahilingan ng pangangailangan bilang mag-aaral ng Manuel S.


Enverga University Foundation- Candelaria Inc. mula sa Baitang labindalawa (12) ng
Bellatrix na kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik na may pamagat na “Ang
Relasyon sa Pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga Mag-
aaral sa Baitang 12 ng MSEUFCI”.

Kaugnay ng pag-aaral na ito, hinihiling ng mga mananaliksik na inyong bigyan ng


kasagutan ang talatanungan kalakip ng liham na ito ng buong husay at katapatan.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 64

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Ang makakalap na katugunan ang magsisilbing datos at magiging batayan ng pag-aaral


na ito. Makakaasa kayo na ang result anito ay nasa mabuting pangangalaga at ituturing na
konpedensyal.

Maraming Salamat po sa inyong kooperasyon.

Lubos na gumagalang, Binigyang pansin,

Ada,Zyrine Jane D. Bb. Gracel Ann Legarde


Veneracion, Karissa Karyll L. G. Jerline Mercado
Medrano, Joshua U. Gurong Tagapagpayo
Mga mananaliksik

Itinama nina:
Gng. Edith Magpantay
College Guidance Counselor, EUC

G. Christian Joy Perez


Filipino Teacher

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 65

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

C. Talatanungan

Ang Talatanungan na ito at naglalayon na malaman ang “Ang Relasyon sa

Pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga Mag-aaral sa Baitang 12

ng MSEUFCI”. Layunin ng aming pag-aaral na suriin ang relasyon sa pagitan ng

academic anxiety at academic performance ng mga mag-aaral sa baitang 12 ng

MSEUFCI na maaring makatulong sa mga mag-aaral upang sila ay mas maintindihan at

matulungan ng kanilang mga magulang, paaralan, komunidad at kapwa mag-aaral.

Kaugnay ng pag-aaral na ito, hinihiling ng mga mananaliksik na inyong bigyan ng

kasagutan ang talatanungan ng buong husay at katapatan.

Ang makakalap na katugunan ang magsisilbing datos at magiging batayan ng pag-aaral

na ito. Makakaasa kayo na ang result anito ay nasa mabuting pangangalaga at ituturing na

konpedensyal.

I. Panuto: Punan ang mga sumusunod na katanungan.

Pangalan: (Opsyonal)

Edad:

Kasarian:

Pangkat:

Average Grade Ngayong Semestre:

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 66

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

II.Panuto: Lagyan ng marka ang sagot na angkop sa iyong napili sa sumusunod na

PAGOD NG KAISIPAN

6 Pag-katapos ng online class, at paggawa ng mga aktibidad,

nauubusan ako ng enerhiya para gawin pa ang mga gawaing

bahay.

7 May mga pagkakataon na nagkakaroon ako ng problema sa

pagtulog hinggil
PAGPAPAHALAGA sa sobrang pag-iisip tungkol sa mga
SA SARILI

AYTE gawain
MGA sa paaralan.
PAHAYAG 5 4 3 2 1

M8 Madali para sa akin ang pag sasaayos at pamamahala ng

1 madaming
May gawaing
pagkakataon na sapampaaralan.
tingin ko kulang ang aking
9 May mgaataraw
kagalingan maynamas
nakakaramdam na agad
higit na magaling ako ng pagka
sa akin.

2 pagod bagoko
Pakiramdam pamaaring
man mag simulaang
bumaba angtingin
mga pang araw-araw
sa akin ng iba, na

gawain.
kapag bumaba rin ang aking grado.

3 10 Pakiramdamngkotiwala
Pagkakaroon ay nawawalan ako ng
sa aking sarili angoras para
aking sa aking
motibasyon

sarilimakakakuha
upang at pamilya. ng sapat at maayos na grado.

4 Sa oras ng mga aktibidad na kinabibilangan ng miyembro

bawat grupo, ako ay nababahalang walang gustong pumili

sa akin bilang miyembro.

5 Sa aking palagay ay makahahanap ako ng kaibigang

tanggap ang aking antas ng katalinuhan.

sitwasyon. PUNTOS: 5- Palagi 4-Madalas 3- Minsan 2-Bihira 1-Hindi

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 67

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

FACTOR NG GURO

11 Nababawasan ang aking pangangamba sa pag-aaral at

tensyon dahil sa pagkakaroon ng sense of humor o pagiging

palabiro ng aking mga guro.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 68

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

12 Kumportable akong kausapin at hingian ng payo ang aking

mga guro tungkol sa aking problemang pang akademiko.

13 Dahil sa malaking respeto sa aking mga guro, nag aatubili o

nagdadalawang isip ako sa pag hahayag ng saloobin tungkol

sa aking pagkabahala sa gawaing paaralan.

14 Naaapektuhan ako sa puna na natatanggap ko mula sa aking

mga guro.

15 Nakapagbibigay motibasyon sa akin ang pagbibigay-halaga

ng aking mga guro sa pinapakita kong pagsisikap.

ANTAS NG KATALINUHAN

16 Nakakatanggap ako ng kritisismo dahil sa mababang grado

o hindi magandang performans sa paaralan.

17 Nakakaramdam ako ng presyur, takot o kaba sa oras ng

recitation.

18 Naiisip na bumawi na lamang sa susunod sa tuwing

nakakakuha ng mababang grado.

19 Nakukuntento ako sa nakukuha kong grado base sa antas ng

pagsisikap na aking ipinapakita.

20 Panatag ako na makapagtatapos ng pag-aaral ngayong taong

ito.

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 69

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

D. CURRICULUM VITAE

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 70

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 71

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral
Page | 72

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Senior High School Department


HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
Ang Relasyon sa pagitan ng Academic Anxiety at Academic Performance ng mga
Mag-aaral

You might also like