You are on page 1of 1

De Villa,Lyca Mae M.

BSE-2C FIL

Noong panahon sunud-sunuran lamang ang mga kababaihan sa Pilipinas sa kanilang mga asawang lalaki
at mga kaibigang kalalakihan. Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina na gumagawa lamang ng
mga gawaing bahay, taga pag-alaga ng mga pangangailangan ng asawa o kaya ng mga bata, wala silang
karapatan at hindi nararapat na makielam ayon sa nakaugalian hinggil sa paksa at usaping panghanap-
buhay at larangan ng politika. Subalit nabago ang gawi at anyo ng katauhan ng mga kababaihan sa
lipunang kanilang ginagalawan sapagkat nagbago rin ang lipunan. Nabuksan ang mga pintuan ng
tanggapan para sa mga babaeng manggagawa, nagkaroon ng lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang
kanilang mga daing hinggil sa kanilang mga karapatan, na buhay ang kanilang kaisipan na may tinig sila
sa loob at labas man ng tahanan. Sinalaysay sa nobelang ito ang buhay ni Lea, isang nagtatrabahong ina
na may dalawang anak, -isang lalaki at isang babae. Kung kaya’t makikita rito ang paglalarawan ng
pananaw ng lipunan tungkol sa kababaihan, pagiging ina at kung paano gaganapin ng ina ang kaniyang
pagiging magulang sa makabagong panahon. Sa pamamagitan ni Lea, ipinakita ng manunulat na hindi sa
lahat ng panahon magiging tahimik ang buhay ng isang tao, kailangang magpasya at makibaka sa agos ng
buhay. Patuloy tayong naghahanap ng kalayaan, tulad ni Lea na ayaw manatili sa kaniyang maliit na
papel na pagiging asawa lang ng kalalakihan mas mainam na sa kaniya ang magkaroon ng silbi sa
lipunang kaniyang ginagalawan.

Ngayong modernong panahon, ang mga kababaihan ay masasabi nang karamay ng kalalakihan sa lahat
ng ba gay, kaya na nitong gawin ang kahit na anong trabaho ng isang lalaki.

You might also like